“Andrei, son, just calm down. Hayaan mo akong ipaliwanag sa ‘yo ang bagay na ‘to.” pilit na inuunawa ni Mr. Edwards ang anak. “Si Noraine, mabait siya, hindi siya tulad ng iniisip mo,” paliwanag nito sa anak pero mukhang nabingi na dahil sa galit ang kaniyang anak, tumingin ito kay Noraine. Nawala na ang lahat ng emosyon sa mga mata ni Andrei at nangyayari lang ‘yon sa tuwing napupuno na siya at galit na galit. “How dare you na patahimikin ako sa sarili kong pamamahay? You stupid, gold digger.” “Andrei!” malakas na tawag ng Daddy niya kay Andrei dahil sumusobra na ang bibig ng binata at alam nitong masasaktan na si Noraine nang dahil doon. “Why, Dad?!” sigaw na tanong ni Andrei pero kay Noraine naman nakatuon ang mga mata. “Stop! Calm down!” nanggigigil na saway ng Daddy niya sa kani