"Thank you for this po, sir," ani Yara nang mailapag ng waiter ang in-order nilang mga pagkain.
It was just supposed to be a snack but their friend who always want to have a heavy meal brought them in the restaurant that would serve them the heaviest meal. Nasa eat all you can lang naman sila.
"No problem, this is my treat for the achievers. Malaking karangalan sa akin ito," nakangiting sagot naman ni Zoren sa kaniya.
Matamis na ngiti lang ang ibinigay n'ya sa binata saka simpleng dinaanan ng tingin ang mga kaibigan. Si Argel ay agad na nakatuon ang buong atensyon sa pagkain habang si Guia at Denver ay may makahulugan na tingin sa kanya. Kinunotan n'ya ng noo ang mga mata ito at hindi nakatakas sa kanya ang pasimpleng pagtaas ng mga balikat nito at pagsilay ng multong ngiti sa mga mukha nito.
Pinili n'ya na huwag nang punain ang mga iyon sa harapan ng professor dahil alam n'ya na may kinalaman sa binata ang mga tingin ng mga kaibigan n'ya iyon. Sinimulan n'yang kainin ang pagkain na nasa harapan n'ya. Waiter ang unang magse-serve ng pagkain nila pero pagkatapos ng first serve ay sila na ang bahala na kumuha ng pagkain.
Kaya naintindihan n'ya kung bakit parang walang bukas kung kumaina ang kaibigan nila na si Argel.
"Pagpasensyahan na po ninyo ang isang iyan sir, talaga lang pong hindi nabubusog ang baliw na iyan," nakangiwing sambit ni Guia at tinutukoy ang katabi ni Yara na si Argel.
Hindi man lang ito nag-angat ng tingin kahit na alam ng dalaga na narinig nito ang sinabi n'ya. Mahinang natawa si Yara upang tabunan ang hiya na gustong sumilay sa mukha n'ya nang magpatay malisya ang kaibigan.
"I envy that, gusto ko rin kumain ng marami pero mabilis ako mag-gain ng weight kaya hindi ko magawa," nakangiting saad ni Zoren kaya nag-angat ng tingin si Argel nang marinig ang sinabi n'yang iyon.
"Food is life sir but abs is lifer," kumikindat na saad nito. Pasimpleng kinurot ni Yara ang hita ng kaibigan kahit na makapal ang suot nitong pantalon pero ang bakla ay tinampal lang ang kamay n'ya.
"I have never seen you in the building's gym," ani Zoren sa kaharap.
"May sariling gym si Denver sa building sir, doon po ako nagwo work-out," sagot naman ni Argel dito kaya napatingin ang professor nila sa nananahimik na si Denver.
Nag-angat naman ito ng tingin nang marinig ang pangalan. Hindi n'ya masyadong nasundana ang usapan ng mga ito dahil nakatuon ang atensyon n'ya sa pagkain habang lumilipad ang isip n'ya kung alin sa mga major subjects n'ya ang possible na may pinakamababa grade n'ya.
Katulad ni Yara, he also don't believe that grades only matters in high school.
"Sariling gym?" gulat na tanong ni Zoren sa kanila. Ibig sabihin ay hindi nito alam na magulang ni Denver ang may-ari ng building na tinitirhan nito?
"Ahm, yes po," naiilang na ngumiti ng pino si Denver sa professor nila. Zoren is only 3 almost 4 years older than him and Argel but he just felt like the gap of their name is way to far.
Lahat sila kahit noong una pa lang nila itong nakita ay alam nila na malaki ang pangalan na mayroon ito. Hindi man nila ito kilala pero halata sa kilos, pananalita at sa maturity nito sa panlabas na malayo na ang narating nito — may narating na ito.
"You also got a unit there? I mean, doon ka rin ba nakatira kagaya ni Mr. Santos?" pagtatanong pa ulit ni Zoren at bakas sa tono nito ang kyuryusidad.
"Sir, puwede n'yo po akong tawagin ng Argel kung gusto ninyo," asar ni Argel sa professor kaya napatawa ito pero agad na nilamon ng hiya ang dalawang dalaga kaya pinanlakiha nila ng mata ang kaibigan. "Masyado po kasing pormal ang Mr. Santos at isa pa po, ganyan din ang tawag ng mga tao sa tatay ko eh."
"Really? If you say so," nakangiting saad naman ni Zoren dito.
"I do have a unit there sir but I don't live there, I live with my parents in our hom," sagot ni Denver sa kaninang tanong ng professor kaya bumaling ito sa kanya.
"I know there are two gym floor in the building but Argel said, your own gym? That must be private," anito.
Sasagot na sana si Denver pero agad s'yang inunahan ng kaibigan na parating gusto laging highlight ng lahat.
"Sir, siya po ang may-ari ng building, baka gusto po ninyong humingi ng discount, i-blackmail n'yo sir," seryosong sambit ni Argel at tumango-tango pa.
Nanlaki ang mga mata ni Zoren sa narinig at hindi makapaniwalang napatingin sa mga studyante n'ya. Ngumiti ng may kasamang pagngiwi si Yara habang tumango na lang din si Guia at ganoon rin si Denver.
"Wow, that building is ----"
"Hindi po sir," agad na awat ni Denver sa sinasabi ni Zoren. He really don't like bragging things that belongs to his parents and not his. He is just a son of the one that owns the property, he is not the owner. "That property belongs to my parents not to my name."
"Iyan ang sagutan ng mga taong ayaw mamigay ng discount, sir. Hindi raw sila ang may-ari kahit na may say naman sila," parang nagsusumbong na saad ni Argel habang seryoso ang mukha at tumatango ng pino.
"Kung may say ako ay baka hindi ka na nagbabayad ng dues doon dahil sa kapal ng mukha mo," pambabara ni Denver sa kaibigan dahilan para mag-isang linya ang mga labi nito at sumama ang timpla ng mukha.
"Grabe ka naman, parang hindi mo ako kaibigan kung pagsalitaan mo 'ko ah," reklamo nito na parang nalugi.
"I've always heard your surname but I didn't expect that you are connected to the certain Mateo David, he is a business tycoon. Everyone wanted to be like Mateo David," manghang saad ni Zoren.
Sure, he knows Denver's father. He is damn a business man and not just a simple business man, he for sure have a name in business industry.
"Hindi po ba halata sa mukha n'ya ang pagiging anak ng isang tycoon, sir?" pabirong tanong ni Guia.
"No, no, no, that is not what I mean. I mean, you guys are simple and not like other students I have encountered bragging each other's properties. If you guys didn't tell me, I wouldn't know for none of you talked about it, no one talks about it," mahabang paliwanag ni Zoren dito.
"Joke lang po sir," natatawang sabi ni Guia, naramdaman n'ya kung paano nagpanic ang boses ng professor. Hindi nito inasahan na magtatanong s'ya ng ganoon. Nahalata n'ya kaagad ang defense sa boses nito, he maybe thought that they found it offensive. "Pero salamat sa sagot mo sir, for sure marami nang ipon itong kaibigan ko dahil simpleng tao lang naman s'ya baka puwede nang utangan."
Irap ang natanggap ni Guia mula sa kaibigan na si Denver nang tingnan n'ya ito pagkatapos sabihin ang salitang binitawan n'ya.
"So correct me if I'm wrong, the Mr. Santos — your father is the certain Mr. Santos of steel industry," pagtatanong ni Zoren at ngayon ay nakatuon ang atensyon sa biglang sumeryoso na mukha ni Argel.
"Well, I guess I don't have to correct you sir, unless there is other Mr. Santos in steels then I have to correct you. I'll try to know about it soon," Argel answered in his firm voice.
Zoren noticed how he talk, napasulyap ito sa katabi na si Yara at nakita n'ya ang tipid na pagngiti ng dalaga. They somehow had this awkward moment of talking about Argel's father.
"That is why Gelo don't like to be called Mr. Santos kasi lahat ganoon ang tawag sa tatay n'ya. I bet, you have encountered a child who doesn't idolizes their father, right sir?" ani Guia, kibit-balikat lang ang tanging naging sagot ni Argel sa sinabi ng kaibigan dahil tama naman ito.
Sa buong buhay n'ya ay hindi n'ya maalala kung may araw ba na ginusto n'yang maging katulad ng tatay n'ya. Wala s'yang ganoong ala-ala dahil kahit anong mangyari, hindi n'ya gugustuhin na maging isang katulad ng ama. Hindi n'ya rin susundan ang baliko nitong daan.
Kung hindi nga lang dahil sa nanay n'ya ay baka hindi pa s'ya umalis ng bahay nila kahit pa pagbuhatan s'ya ng kamay ng ama ng paulit-ulit. Itinakwil din s'ya ng ina noong nalaman nito ang totoo n'yang pagkatao ngunit noong umangat ang kamay ng ama ay hinarang nito ang katawan upamv huwag tumama sa kanya ang naninigas na kamao ng ama at maging ng kapatid n'ya.
"There are some, yeah, I have known specific person who despise his father so I won't ask Argel's case," nakangiting saad ni Zoren.
Habang nagsasalita ito ay hindi nakatakas sa paningin ni Yara kung paano umigting ang panga ng binata. She's not being her own judgement but she can't help it. The certain person he know is probably a person that is very close to him. Puwedeng kapatid, pinsan, kaibigan or it also could be, him.
"The time is fast like this huh," ani Yara upang maputol ang usapan dahil sa tingin n'ya ay mapupunta sa personal na usapan ang lahat. Ayaw n'ya na umabot sa kanya ang kuwento.
Although, hindi naman s'ya nagtatago, ayaw n'ya lang pag-usapan ang buhay n'ya sa kung saan-saan at kasama ang kung sino. Maaaring alam n'ya ang pangalan ng professor nila pero hindi pa rin pumapasok sa isip n'ya na kaibigan na nga nila ito.
"I think, posted na sa bulletin ang results. LU staff really deserve their salary, knowing how on time they work," nakangising sambit ni Denver saka inubos ang natitirang juice sa baso n'ya.
Agad na tinawag ni Zoren ang waiter at hiningi ang bill nila. Nag-offer pa sila Yara na sila na lang ang magbabayad ng kinain nila lalo na kay Argel pero tumanggi ang binatang professor. Binayaran nito ang lahat ng kinuha nila gamit ang card nito. Hindi rin nagtagal nang makuha na ni Zoren ang card ay agad na silang tumungo sa sasakyan na dala nila.
Sasakyan ni Denver ang dinala nila at nasa shotgun seat si Zoren habang sina Guia, Argel at Yara ay parehong nasa back seat. Hindi naman malayo ang pinuntahan nila dahil tinakbo lang nila ito ng sampung minuto.
Agad na naging tahimik ang magkakaibigan nang makapasok sila sa campus. Tumatambol sa kaba ang dibdib ni Yara sa isipan na makikita n'ya kung na maintain n'ya ba ang 100% score ng exams n'ya for the past years. Preliminary exam is preliminary exam and it would affect her entire grade for her final year in college when she missed up.
"I can feel the heavy atmosphere from you guys, what are you afraid of?" nakangiting saad ni Zoren nang mapansin ang mga mukha at mabibigat na balikat ng mga kasama n'ya.
"Mapapanatag lang po kami kapag nakita na namin ang scores namin sir at masiguro namin na hindi kami hihilain pababa bagkus ay hahatakin kami pataas," seryosong sambit ni Guia sa kabila ng ngiti na mayroon s'ya sa mga labi.
"Well then, I have nothing to say to you guys except good luck. I haven't seen yet the final scores but I know and everyone knows that you guys got the first four slot as your territory," ani Zoren kaya napalingon sa kanya ang seryoso na sina Denver at Yara.
"That made me even more nervous, sir," ani Denver habang mahinang natawa.
Mahinang natawa rin si Zoren dahil sa naging reaction ng magkakaibigan pero ayon sa naririnig n'ya patungkol sa mga ito at sa nakita n'ya sa mga record ng apat ay alam n'yang tama ang sinasabi ng karamihan at ang pinaniniwalaan n'ya. These four are all cream of crops.
"I have to report in the faculty now, I'll see you guys around, good luck and congratulations," nakangiting sambit n'ya.
"Thank you sir," yumuko si Yara bilang paggalang sa binata. Oo nga at hindi naman ganoon kalaki ang agwat nila pero dahil professor n'ya ang huli ay kailangan n'ya pa rin magpakita ng paggalang dito.
Nakatuon sa mga mata n'ya ang mga mata ng binata bago ito tuloyan nang tumalikod sa kanila. Nakasunod sa likod nito ang mga mata n'ya na para bang napako ito dito. Napatalon pa s'ya ng bahagya dahil sa gulat nang biglang may braso na pumatong sa balikat n'ya dahilan upang bumalik s'ya sa sariling isipan.
What is happening to her? It wasn't the first time today that she was seem hypnotized by him. Kanina ay sinasaway n'ya ang sarili pero hindi nakikisama ang isip at senses n'ya at ganoon din ang nangyari ngayon.
"Ang sabi nila, nakakatunaw raw ang sobrang pagtitig," nakangising saad ni Argel na halata naman sa to no nito ang pang-aasar.
"Is there any tea out there that you need to spill?" dagdag alaska pa ni Guia dahilan para mapabuntong-hininga si Yara.
"Hindi ko alam kung bakit ganoon pero kapag nagtatama ang paningin namin para n'yang hinihigop ang lakas ko at para n'yang kinokontrol ang isip ko," aniya habang nakakunot ang noo.
"Do you find him attractive?" napalingon s'ya sa kaibigan na si Denver nang magtanong ito. Mabilis ang pag-iling n'ya bilang sagot sa tanong nito at saka tiningnan isa-isa ang mga kaibigan.
"Hindi," simpleng sagot n'ya, " tara na nga hayaan n'yo na iyon. Malalaman ko rin naman soon kung bakit ganoon. Sa ngayon ay kalimutan na muna ninyo ang sinabi ko and please Gelo, quit teasing him to me, I felt something strange in that."
Kumilos s'ya at tumalikod sa mga kaibigan, dinig n'ya naman ang tunog ng mga sapatos nito na humabol sa kanya at agad na pumatong sa balikat n'ya ang braso nang kaibigan na si Argel na s'yang sumulpot sa kaliwang bahagi n'ya.
"Yara baby, alam ko naman na sobrang matalino ka kaya alam ko na alam mo kung ano ang nangyayari ay mangyayari. Maaaring inaasar kita kay sir Zoren dahil talaga naman na bagay kayo pero ayaw ko naman na masaktan ----"
"Anong masaktan? Ang exaggerated mo talaga mag-isip umabot ka na agad na kabilang planeta. Tigilan mo na nga kasi iyang pag-aadik mo. Hindi ako masasaktan dahil walang mangyayari na puwede akong masaktan. I just found my reaction weird, malalaman ko rin naman kung ano iyon at kung bakit," mahabang litanya at depensa sa sinabi ng kaibigan.
Alam n'ya kung ano ang tinutukoy nito na masasaktan s'ya. Argel was referring the so called affection and heartbreak that she, Yara, never think of feeling that thing. Hindi n'ya sinasara ang posibilidad sa sarili na puwede nga n'yang maramdaman ang bagay na iyon pero hindi ganito kabilis, she believes that falling in takes time.
She is not a believer of love at first sight. She was mocking those characters in the book who fell in love with just first sight, that was a fun for her. That was just a fantasy that people made up in their mind. And it was a pure bluff.
Agad nilang nakita ang kumpol ng mga studyante na nakaharap sa bulletin board. Alam nila na hindi lang mga taga department nila ang naroon dahil nasa main bulletin sila napatingin. Napatingin silang apat sa isa't-isa saka tumango.
Walang kahit na isa sa kanilang nagsalita at tahimik na lumapit sa kumpol ng studyante. Hindi nila malaman kung bakit nilalabas ng LU ang resulta ng exam nila dito gayong puwede naman na sa website na lang. Hindi nila naintindihan ang talaga gusto ng LU. Ang sabi lang sa kanila noon ay upang malaman nila kung saan at paano nangyari at ganoon ang final grade nila.
They sometimes found it cringe and very high school but Yara and her friends find it okay. They manually computed their grade if it would match to the given grade and that reflected in their grading sheet.
"Hindi ko mahuli ang t***k ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay mas mabilis pa ito kaysa sa takbo ko," pabulong na sabi ni Guia pero dinig iyon ni Yara na s'yang katabi ng dalaga.
"Alam mo kung digit ng percent ang gusto kong makita na katabi ng pangalan ko. Gusto ko ang sasabihin ko kay ninang ay ang palagi n'yang naririnig sa akin," seryosong sabi naman ni Yara.
Gusto n'ya ulit marinig mula sa bibig ng ninang n'ya ang mga katagang "what's new? I have always know that because I know and trusted you" ayaw n'yang makarinig ng "what happened?" ikakabagsak ng puso n'ya kapag narinig n'ya ang mga salitang iyon.
"You guys are pretty close to sir Corpuz, are you guys friends with him?"
Napalingon si Yara sa gilid n'ya nang marinig ang tanong na iyon. Hindi n'ya alam kung para kanino at kung sino ang tinatanong ng tanong na iyon pero nang makita n'ya kung kaninong bibig nanggaling ang tanong ay sa tingin n'ya, para sa kanya ang tanong na iyon. Hope Martinez.
Nakangiti itong lumingon sa kanya. She reall is beautiful and no one could question that, she knows how to blend the make up in her face. Her make up is immaculate and not slutty, but whatever their department organization officer's said, well nah.
"No," simpleng sagot n'ya sa hindi importanteng tanong.
Napatingin s'ya sa kung sinong sumingit sa pagitan nila ni Hope at sumalubong sa kanya ang mayabang na mukha ng kaibigan na si Argel at kinindatan pa s'ya nito.
Nakapulupot sa braso n'ya ang braso ni Guia sa kaliwa at nakaakbay naman ang braso ni Argel sa kanya sa kanang bahagi. Nasulyapan n'ya si Denver na nakatayo sa tabi ni Guia. Hindi sila sumingit sa maraming tao at hinintay na mawala ang mga ito bago sila lalapit sa bulletin board.
At habang pa-unti nang pa-unti ang mga nasa harapan nila ay bilaang naglaro sa isip ni Yara ang mukha ng professor nila. The amusement smile and the proud stare, that made her heart beat faster.