"Their names are now rambled."
Napalingon si Yara sa mga kaibigan at ganoon din ang mga ito sa kanya. Hindi n'ya alam kung sino ang tinutukoy noong studyante na dumaan sa tabi nila at nagsabi ng mga salitang iyon. Rambled.
"Tara na," nagpatianod si Yara nang biglaang hawakan ng kaibigan ang kamay n'ya at hilahin s'ya nito ng walang pagdadalawang isip palapit sa tapat ng bulletin board.
Napatingin ang nilang naroon sa kanila pero hindi nila pinansin ang mga ito. Minsan ay nagtataka pa s'ya kung bakit s'ya kilala ng mga studyante ng LU gayong hindi naman s'ya isa sa mga katulad sa nasa TV na mga sikat na student next door. She's just quite and stay out there, grounded and focused. Hindi n'ya nga naisip na possibleng mga ganitong bagay ang dahilan kung bakit sila kilala ng kung sino.
Mula sa ibaba ay dahan-dahan na inangat ni Yara ang ulo n'ya upang makita ang pangalan na nasa itaas, ibaba pa itaas.
"Hah! Point 2 lang ang lamang mo sa akin!" pasigaw na saad ni Argel at dahil mabilis ang kamay ni Guia ay agad itong lumipad na parang may sariling buhay na humampas sa tiyan ng kaibigan. "Aray! Napaka brutal mo, tanggapin mo na na point 2 lang ang lamang mo sa akin."
"Naririnig mo ba ang sinabi mo? Masaya ka? Nagsasaya ka? Kahit na point 2 lang ang lamang ko sa 'yo, lamang pa rin ako sa 'yo," pairap na saad ni Guia at saka diniinan ang salitang 'lamang pa rin ako sa 'yo' kaya umirap din ang huli.
"D?" pagkuha ni Yara sa atensyon ni Denver.
Napatingin sa kanya ang binata at tipid na ngumiti, "congratulations, I knew you can still have the place you deserve and you own that spot. Still the top huh, I'm so proud of you, Ya, we're always proud of you."
"It's just the exam, it's not yet the final grade, but what happ----"
Hindi n'ya natapos ang sasabihin nang umiling ito at pasimpleng sinulyapan ang dalawang kaibigan na tiningnan ang scores nila sa bawat subjects kung saan sila nag-exam.
"They studied hard and so they deserve that place. Guia being there in the second place and Gelo in the third place, I can say that they both focused a lot. You and Guia's gap are way too far and look how proud Gelo is after knowing that G just got point 2 ahead of him," natatawang sambit nito.
They have been friends for more than a decade now and she is sure that she knew all of them. She knew what they feel when she look at their eyes.
"You know that I know you, right? You know that I -----"
"Yara baby!" naputol ang dapat na sasabihin ni Yara nang biglaang umalingawngaw sa paligid ang boses ni Argel. "Pare-pareho tayong walang ginawa sa buong linggo dahil nasa bakasyon tayo at pag-uwi natin ay diretso tayo sa final night ng school fair. Paano ka nakapag review ng ganoon katindi para ma perfect ang lahat ng exams? Pinilit kong isa-isahin ang bawat subjects at nagdasal ako na sana may mahanap ako na kahit isa lang na may isang mali ka para kahit papaano ay maniniwala ako na normal ka, pero wala akong nahanap."
"Sinasabi mo ba na hindi ako normal?" kunot-noong tanong n'ya dito.
"Ang sinasabi ko lang naman, oo, parang ganoon na nga," nakangising sagot nito kaya inirapan n'ya na lang ito at baka masapok n'ya ito sa ulo at humiwalay ito sa katawan. Mahirap na.
"Congratulations, Ya," malawak na ngiti ang sumisilay sa mukha ni Guia at nakabuka ang mga braso saka niyakap si Yara. Pero agad na nawala ang ngiti nito nang bumitaw sa kaibigan at inilipat ang atensyon sa isa pang kaibigan na si Denver. "What happened D?"
Ito ang unang beses na nakalamang silang dalawa ni Argel kay Denver. Alam nila kung gaano ka focus at kung gaano ito katalino. Marunong silang pareho ni Argel pero matalino si Denver at hindi ito pumapayag noon na may makakapalit sa puwesto n'ya na kasunod ni Yara. Aminado ang binata na hindi n'ya kaya si Yara at iyon ang dahilan kung bakit n'ya binabakuran ang pangawala sa ranking.
Guia at Argel admitted and accepted the fact that Yara and Denver are fixed for the first top 2 and that is why she was shocked when she saw her name next to Yara and Argel next to her. Although this is not the final grade yet but the exam took 50% of the entire grading system for each exam session.
Hindi n'ya inasahan na makakuha ng score na susunod kay Yara. Hindi s'ya masyadong nakapag focus at alam n'yang lumilipad sa kung saan ang isip n'ya kaya ang in-expect n'ya na score ay malayong-malayo sa nakuha n'ya. Hindi n'ya nakapag review ng matino at maayos but maybe, thanks to her stock knowledge she do not know that really exists this time.
"Maybe this time, I got a bad luck," nakangising sambit ni Denver. Malungkot na nakatingin sa kanya si Guia kaya mas nilawakan n'ya ang ngiti sa mga labi at hinawakan ang dalaga sa dalawang balikat. "I promise, next time, I will get my place or maybe I can still have my place in this preliminary, remember that is just 50% and I still have 50% from other criteria. Point 6 lang din naman ang lamang mo sa akin."
Mahinang natawa si Guia sa sinabing iyon ni Denver. Alam n'yang biro iyon pero puwede rin naman na totoo. Hindi magiging masama sa loob n'ya kung makukuha ni Denver ang rank 2 dahil sa nakasanayan sa kanya naman talaga ang spot na iyon. Pero hindi n'ya rin maitatanggi na masaya s'ya sa score na nakuha n'ya. Ngayon mas tumaas ang tiwala n'ya sa sarili na hinding-hindi n'ya mabibigo ang pangarap n'ya at pangarap ng pamilya n'ya para sa kaniya.
Iyon ay, kung mananataling ganoon ang pokus n'ya at hindi malikoy ang isip n'ya. Sisikapin n'ya na kahit ano ang mangyari, kahit na maraming bagay ang puwedeng maglaro sa isip n'ya, sisikapin n'yang hindi n'ya makakalimutan ang dahilan kung bakit s'ya nagsumikap.
Yara is her living inspiration, her journey of life wasn't a joke and so, she doesn't have in the right place to demand what she has because Yara herself survived from the strongest storm she could imagine that once in other people's life would come.
"Wala akong pakialam kung ikaw pa rin ang magra-rank 2 ang importante lumamang ako sa 'yo sa exam," natatawang sambit ni Argel na may halong pang-aasar.
Sabay silang nagtawanan habang naiiling dahil dito. How can they even survive a dull moment of the whole year without Argel? They couldn't imagine, he maybe sometimes — most of time a pain in the ass because of being loud but that is just fine. Biro lang din naman nila ang pagsisita dito. Well, sabi nga nila jokes are half meant, so bahala na kung paano intindihin ng kaibigan nila iyon.
"Ang yabang mo naman wala pa ngang 1 point ang lamang mo sa kanya, point 4 lang bakla, point four," pairap na saad ni Guia sa kaibigan na gumanti rin sa pag-irap.
"Lamang pa rin. Kahit na point 4 lamang pa rin. Sa susunod ang lalamangan ko na ay ikaw, Yara baby." Kumikindat na sabi nito kay Yara, walang pasabing inangat ni Guia ang kamay at inihampas sa batok ng kaibigan na mukhang nananaginip ng gising.
"Sabog ka? Hindi mo malalamangan ang perfect score," ani Guia saka pinandilatan si Argel.
"E 'di ipagdarasal ko na sana magkamali s'ya ng isa," pairap na sagot nito bilang depensa sa sinabi ng Guia.
Yara and Denver may sometime found them annoying because they're loud but they are also for sure find the moment dead when they're silent and they have experienced that — not just once.
"Nagdasal ka na kanina na sana may makita na kahit isang subject na may mali. May nakita ka? Hindi ba wala? Isa lang ang ibig sabihin n'yan, huwag ka ng umasa dahil masasaktan ka lang," saad naman ni Guia dito.
Agad na sumilay ang mapang-asar na ngiti sa mga labi ni Argel na ikinakunot ng noo ni Guia pero ikinakibit ng balikat ni Yara. Napalingon sa kanya ang kaibigan na si Argel at kumindat bago ibinalik ang atensyon sa kaharap na si Guia.
"Ano iyong sinabi mo?" nakangising panimula ni Argel, "huwag umasa para hindi masaktan? Alam mo ba Gyaya? Hindi dapat ako ang sinasabihan mo niyan? Pero may kakilala ako na puwede mong pagsabihan n'yan."
Lumabas ang mahinang pagtawa ni Yara nang makita kung paano agad na namula ang mga tainga ni Denver. This man is pure brave but coward at the same time. Pero alam naman nila kung bakit pa ito umaamin kay Guia. Kasi sa kabila ng sangkatutak na crushes ni Guia, at kahit na ligawan pa s'ya ng isa sa mga iyon ay wala naman itong sasagutin. She promised her parents, to them and to herself that she will never get a boyfriend unless she already have a degree in college and have her first job.
And Denver being a respectful man, nirespeto n'ya ang kagustuhan ng kaibigan. At kung magbiro man ang tadhana at masira ni Guia ang sariling pangako, mahulog ang loob nito sa iba at tatanggapin n'ya iyon bilang boyfriend ay irerespeto n'ya rin iyon. Hindi dahil torpe s'ya at hindi n'ya kayang lumaban, iyon ay dahil iyon ang gusto ng kaibigan n'ya. Hindi n'ya puwedeng ipilit ang sarili sa isang tao na hindi naman para sa kan'ya. Eventually, they will find other people that really matches their personality, those who are destined to be with them forever.
Kasi kahit naman swak ang personality nila kung hindi naman talaga sila para sa isa't-isa, wala rin namang mangyayari.
"Bakit ba kapag gumaganyan ka parang wala akong tiwala? Bigla akong kinakabahan na feeling ko mapapamura ako ng isang milyong beses kapag sinabi mo sa akin iyang mga paganyan mo," natatawang sabi ni Guia saka lumapit kay Yara at pumunta sa likuran n'ya na para bang nagtatago laban kay Argel.
"Hayaan mo na G, alam naman natin na natural ang saltik n'yan sa ulo," ani Yara na sinang-ayunan ni Guia sa pagtango ng malalaking tango.
"Whatever!" pa-irap na sagot ni Argel sa mga kaibigan na babae.
"Ang ingay n'yo, nakatingin na sa inyo ang iba na nandito, tara na nga nakita naman na natin ang laman ng bulletin board na iyan," pagyayaya ni Denver sa kanila at agad na tumalikod sa mga kaibigan n'ya.
Wala na silang nagawa kung hindi ang sumunod dito. Naglalalad sila papunta sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan nilang apat, pero bago pa man sila nakalabas ng campus at makapasok sa parking area ay nakita nila ang professor nila na seryosong may kausap sa cellphone na hawak ninyo.
"I couldn't agree more," sambit ni Argel kaya napalingon sa kanya ang mga kaibigan.
"Ano?" kunot-noong tanong ni Yara dahil wala naman silang pinag-usapan.
"I couldn't agree more, I know he's hot as f*ck!" maarteng saad nito at nakuha ni Yara kung ano at sino ang tinutukoy nito at wala sa oras na umikot ang mga mata n'ya sa hangin sa iniwan ang kaibigan.
Tumabi s'ya sa kaibigan na si Guia na nakatuon rin sa sariling cellphone.
"Nagtext sa akin ang kapatid ko, bilhan ko raw s'ya ng mga ito," ani Guia saka ipinakita kay Yara ang listahan ng materials na gagamitin nito sa school activity. Nanlaki ang mga mata n'ya nang mabasa ang mga iyon.
"Oy huwag ka ng bumili! Marami akong stock niyan sa bahay at hindi ko naman na iyon magagamit. Itatapon ko na lang din iyon, kunin mo na lang," sabi niya sa kaibigan.
Noong nagtitingin s'ya ng mga libro at noong isiniksik n'ya ang strangherong libro sa library n'ya ay nakita n'ya sa cabinet ang mga school supplies na hindi nagagamit.
"Talaga? Oh my gosh, thank you Ya! Mabuti na lang dahil kapag ito pa naman nagpapabili hindi nagbibigay ng pambili," natatawang sabi nito kaya maging s'ya ay natawa.
"Alam kasi yata ni Luis na may maraming ipon ang aye niya," biro n'ya dito.
"Mas maraming ipon sa akin iyon, naku! Kung kuripot ako iyon naman ay mas kuripot pa sa kuripot," natatawang sabi nito.
Yara really admire the relationship that Guia has with her siblings, may dalawang nakababatang kapatid ito at masasabi ni Yara na ito ang pinaka responsabling nakakatandang kapatid na kilala n'ya. Si Argel kasi, palihim at tahimik ang pagsurporta sa kapatid na babae. Sa complications na mayroon ang pamilya nila, hindi n'ya na masasabi kung may sinusuportahan ang mga ito sa myembro ng pamilya nila.
But that didn't stop them to love Argel and accept him as a family. He has the good soul that everyone want to have in their environment. It just so happen that the environment he has is heartless.
"I was right, wasn't I?"
Napalingon silang dalawa ni Guia nang sabay nang makarinig ng nagsasalita sa gilid nila. Nauuna sa kanila sa Denver habang si Argel ay iniwan ni Yara sa likuran nilang dalawa.
Sumalubong sa paningin nila ang nakangiting mukha ng professor nila na si Zoren na kanina lang ay seryoso ang mukha. He can really be intimidating and can be light as feather at the same time. Mahirap s'yang basahin, mahirap malaman kung ano ang laman ng isip n'ya dahil hindi s'ya katulad ng iba na hindi kayang labanan at itago ang totoong nararamdaman sa mga mata.
Zoren is a different story that even Yara herself tremble her knees and couldn't catch the intense beat of her heart. May pakiramdam s'ya na parang gusto n'yang malaman kung ano ang mayroon sa lalake pero natatakot din s'ya dahil baka kung saan mapunta ang pagiging curious n'ya dito.
Ika nga nila, curiousity killed the cat.
"Tungkol saan po sir?" kunwari'y inosenteng pagtatanong ni Guia dito kahit na may ideya naman na s'ya kung ano ang tinutukoy nito.
Napayuko si Yara upang itago ang pagngiwi dahil sa pagkukunwari ng kaibigan n'ya.
"That you four will still be leading the list," nakangiting sabi ni Zoren kaya natawa si Guia dahil dito. Kinurot ni Yara ng pino ang tagiliran ng kaibigan dahil sa kalokohan nito.
"Exam pa lang po iyon sir, aabangan pa po namin ang final grade, sana po ay hindi kami hihilain ng 50% pababa," ani Yara kaya bumaling sa kanya ang paningin ng binata na pilit n'yang huwag salubongin.
"I know you four will stay there. Alam na ng lahat na pangalan ulit ninyong apat ang magkakasunod na makikita sa pinakataas ng listahan," proud na sambit nito at kasabay nito ay ang pagtalon ni Yara dahil sa gulat nang biglaang pumulupot sa leeg n'ya ang braso ng kaibigan na si Argel.
Siniko n'ya kaibigan na tawang-tawa at napatingin sa professor n'ya. Ramdam n'ya ang hiya dahil talagang hindi mawala sa isang ito ang kalokohan kahit sino ang kaharap, kaya ngayon ay parang kainin na naman sa kahihiyan si Yara sa harapan ng professor.
Pero parang gusto n'yang magtanong kung bakit nang ibalik n'ya ang paningin dito ay wala na ang ngiti sa mukha ng binata. Seryoso na ang mga mata nito at nag-isang linya ang mga labi.
"Kapag nasa top 4 pa rin kami sir, manlilibre ako," nakangising sabi ni Argel. Dahan-dahan naman ulit na sumilay ang ngiti sa mga labi ni Zoren at nakita ni Yara ang lahat ng galaw na iyon.
Nagtataka s'ya kung bakit ganoon na lang kabilis magbago ang timpla ng mukha nito. Iniisip n'ya na baka may problema ang professor at pinipilit lang nito ang pagngiti kapag kaharap ang mga studyante n'ya. Kanina lang ay mukhang hindi maganda ang pakikipag-usap nito sa cellphone pero dahil hindi naman nila kaibigan ang isang ito ay wala s'yang karapatan na tanongin ito o kamustahin ito.
Baka magtaka lang ang binata kapag tinanong n'ya ito kung kamusta ito o kung may problema ito.
"Talaga? Aasahan ko iyan ah, sigurado na ako na malilibre mo 'ko. Noong unang nakita ko kayo ay agad akong naniwala sa mga sinasabi ng mga studyante na nakakilala sa inyo," nakangiting saad naman ni Zoren.
"Sige po sir, kailangan na po namin umalis," ani Yara saka yumuko bilang pagalang dito.
"Yeah, of course," agad naman na sabi nito. Pero bago pa man s'ya tuloyang nakatalikod dito ay narinig n'ya ang pahabol nitong tanong, "by the way, Ms. Formanes, how do you guys know Jeffrey Santiago? Alam ko natanong ko na sa iyo iyan noon pero nakalimutan ko."
Kumunot ang noo ni Yara dahil sa tanong na iyon dahil tama naman ito, naitanong na nito noon kung paano nila nakilala ang Jeffrey Santiago na iyon.
"Sa seminar po, 21St Century Leadership years ago, doon po namin siya unang nakita pero dito ko na po nalaman ang pangalan n'ya. I accidentally met him somewhere outside," mahabang litanya ni Yara hoping na wala ng follow up na tanong patungkol sa lalaking iyon.
Ayaw na ayaw n'yang pag-usapan ang Jeffrey Santiago na iyon dahil hindi naman importante at hindi s'ya komportable na pag-usapan iyon. Hindi n'ya naman iyon kaibigan. Kaya medyo nagtataka s'ya ngayon kung bakit ito tinatanong ng professor n'ya sa kanya. She do not know anything about that guy and she's not interested of knowing anything about him as well.
"That is why," tumango-tangong saad nito kaya mas kumunot ang noo ni Yara.
Napatingin s'ya sa dalawang kaibigan na nasa tabi n'ya dahil si Denver ay dumiretso na sa sasakyan n'ya.
"That is why ano po?" pagtatanong ni Guia dito. Gusto n'ya rin sanang itanong ang tanong na iyon pero naunahan s'ya ng kaibigan kaya napatingin s'ya ulit dito.
Pero bago pa man makasagot ang binatang professor ay sumingit na si Argel na nagpalaki sa mga mata nilang lahat.
"Mayabang naman iyon. Pagsabihan po ninyo iyong kaibigan n'yo na iyon sir baka manghiram s'ya ng mukha sa mga aso."