Napatigil si Yara sa paglalakad nang biglaang may tumayo sa harapan n'ya upang harangin s'ya. Kakalabas n'ya lang ng library at nasa classroom nila naghihintay ang mga kaibigan n'ya. Ibinabalik n'ya lang ang hiniram n'yang libro nitong linggo.
Bahagyang tumaas ang kilay n'ya habang plain ang mukhang nakatingin sa babaeng humarang sa kanya nang mag krus ito ng braso sa dibdib.
"Hi, Yara Formanes," panimulang saad nito nang bumuka ang bibig nito. Sumisilay sa mukha ng babae ang pagngiti at kumunot ang noo n'ya roon. Hindi n'ya alam kung bakit ito humarang sa kanya gayong isang linggo na ang lumipas.
"Hi?" patanong na bati n'ya dito dahil hindi n'ya makuha ang trip nito.
"Hirap ako na matyempohan ka mabuti na lang at nakita kita na papasom ng library kaya hinintay na kitang lumabas," saad nito saka sumilip ng bahagya sa nakabukas na pinto ng library.
"May kailangan ka ba sa akin?" mahinahon na pagtatanong n'ya dito.
"Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses ko nang narinig ang pangalan mo dito sa LU, noong umupo ang mga kaibigan mo sa judge's chair alam ko na agad na uupo ka rin pero hindi ko in-expect na sa final night ka uupo," saad nito kaya napangiti si Yara sa loob loob n'ya.
Ano pa nga pala ang kailangan nito at dahilan nito para harangin s'ya bukod sa mga sinabi nito ngayon? Wala na. Well, hindi pa rin ito naka move-on habang s'ya iniisip n'ya na okay na ang lahat dito LU at wala ng bitter dahil tahimik na ang website at wala namang lumapit sa kanila upang magtanong o magsimula ng kahit na anong patutsada sa kanila. The week was smooth, calm and quite. Everyone was busy for their exams.
"And you're telling me that, because?" kalmadong pagtatanong n'ya dito.
"I just wanted to know kung bakit hindi ako nanalo. I gave and did my best, ginawa ko ang lahat ng kaya ko para ma-ipresent ang department natin ng maayos. Marami kayo sa upuan, marami kayo na taga department natin para tumulong sa akin pero wala man lang kayong ginawa upang manalo ako?" mahina ngunit may diin na pagkakasabi nito.
Kumibot ang mga labi ni Yara at bahagyang tumaas ang mga kilay n'ya. Gusto n'yang tawanan ang mga salitang binigkas nito pero mas pinili n'yang huwag na lang.
"I know. Nakita ko kung paano ka lumaban, nakita ko na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. And may I just remind you na hindi lang kami ang nasa mesa na iyon. Hindi lang kami ang judges kaya hindi lang decision namin ang masusunod. At sa tingin ko, hindi ka nanalo dahil hanggang doon lang ang kinaya mo, hanggang doon lang ang lahat ng kaya mo," mahabang litanya n'ya sa mahina at kalmadong boses.
That sounds really brutal but hey, that was brutally honest.
Nakita n'ya kung paano gumalaw ang mga mata nito sa pagsimpleng pagtingin sa paligid. Hindi naman maitatanggi ang galit at inis na sinisigaw ng mga mata nito. Hindi na hinintay ni Yara na makapagsalita ito at tinalikuran n'ya na kaagad.
Sa tingin n'ya ay kapag hinayaan n'ya pa iyong magsalita ay hahaba lang ang usapan nila. She doesn't seem the one who listens but she seems to be the one that wants to be listened.
Pero hindi pa man s'ya naka tatlong hakbang ay napapikit s'ya nang biglang may humawak sa braso n'ya dahilan para mapatigil s'ya. Alam n'ya na kung sino ang may-ari ng kamay na nakalapat sa balat n'ya ngayon. Huminga s'ya ng malalim saka dahan-dahan na tinanggal ang kamay na iyon at hindi na nag-abalang tingnan pa ito. Tuloy-tuloy s'yang naglakad at hindi na binalingan pa ang babae.
What for? Kahit magalit pa s'ya, kahit magwala pa s'ya, wala ng magbabago. She lost and she can do nothing about it.
Saktong pagdating n'ya sa tapat ng classroom nila ay s'ya namang pagsulpot ng professor nila na si Zoren Corpuz sa tabi n'ya. Maaliwalas ang mukha ng binata at matamis itong ngumiti sa kanya. Simula noong gabi ng school fair night ay naramdaman n'ya ang pagkaiba ng atmosphere sa pagitan nilang dalawa.
Kung noon ay agad na nanginginig ang kalamnan n'ya kapag tumatama ang paningin n'ya dito ngayon ay parang matutunaw na s'ya sa kaba na parang gusto n'ya na lang lamunin ng lupa na kinatatayuan n'ya.
Bahagya n'yang iniyuko ang ulo upang magpakita ng pagalang sa binatang professor.
"Hello, sir," aniya.
"Are you alone? Where are your friends?'' pagtatanong nito, sanay itong makita silang apat na kumpleto.
"Nasa loob po sila," simpleng sagot n'ya saka itinuro ang loob ng classroom. "Ahm, pasok na po ako sir."
Nauna s'yang pumasok at hindi naman nagtagal ay sumunod ang binatang professor. Ramdam at kita ni Yara ang kalmadong mga mukha ng lahat. Tapos na ang exam nila sa subject na ito kaya malamang ngayon ay wala silang gagawin.
"Bakit ang tagal mo?" agad na tanong ni Argel sa kanyan nang maka-upo s'ya sa upuan n'ya na dating upuan nito.
Hindi n'ya na hinayaan na magkatabi ito at si Guia dahil alam n'ya na kahit chaotic talaga ang paligid kapag magkatabi ang dalawang ito. Nilingon n'ya ang kaibigan at inaalala ang dahila kung bakit ngayon lang s'ya, agad na pumasok sa isip n'ya ang hindi masayang mukha ni Hope Martinez.
"Nakasalubong ko si Hope Martinez," totoong sagot n'ya at narinig iyon ng tatlo n'yang kaibigan kaya sabay na tumingin sa kanya ang mga ito nang may nagsi-taasang mga kilay.
"Oh? May ginawa s'ya?" nakakunot-noong tanong ni Guia sa kanya.
Agad s'yang umiling bilang sagot sa tanong nito dahil para sa kanya ay wala naman itong ginawa na masama, sadyang hindi n'ya lang nagustuhan ang ginawa nito na kinausap s'ya patungkol sa bagay na hindi n'ya naman kontrolado.
"Wala naman, pero kinausap n'ya ako tungkol sa nangyari," nilingon n'ya ang mga kaibigan at isa-isang tiningnan. Sinulyapan n'ya ang professor nila na abalang nakatutok sa laptop nito at kung ano ang ginagawa ay hindi n'ya alam.
Madalas ganito ang nangyayari kapag last day of the exam week na. Hinihintay na lang nila ang result ng exam at sa Monday ang release ng grades nila. Yara still hoping the expected grade she always aimed. Hindi puwedeng bababa ang grado n'ya. If she wants to get the 1, she'll have it. Hindi puwedeng hindi.
"Tungkol sa nangyaring pagkatalo n'ya? Bakit? Hindi pa s'ya naka-move on?" mataray ang tunog ni Argel nang sabihin iyon.
Nagkibit balikat na lang s'ya at iyon din naman ang naisip n'ya. Possible nga na hindi pa ito naka get over dahil sa pagkatalo. Ang hindi n'ya lang talaga gusto ay kung bakit s'ya nito kinompronta. She joined the contest that she and her friends were given a task to critique them. Wala s'yang karapatan na magtanong sa judges kung bakit hindi s'ya nanalo.
Puwede n'yang tingnan ang performance n'ya nang malaman n'ya kung saan s'ya pumalya o kung may nagawa ba s'ya na puwede n'yang ikapanalo. There are several eyes giving them scores and the opponent got and won the competition.
"She's overhyped. Inisip n'ya na mananalo s'ya, she's over too confident yet she can't even show what the competition asked for and to win," naiiling na saad ni Denver.
"The overall score will be posted in the bulletin before 6 pm but the final grade and general weighted average will be released on Monday."
Napatingala si Yara at maging ang mga kaibigan n'ya nang marinig ang sinabi na iyon ng professor nila. Wala pa man ay agad ng nabuhay ang kaba sa dibdib ng dalaga. She's rooting the four of them to be and remain on top. Sila lang apat dapat ang magkasunod o magkasama sa taas — in the first four.
"Maka 3 lang ako masaya na ako doon, sir," natatawang sabi ng isang kaklase nila na lalake.
Nagtawanan ang karamihan maliban sa kanilang apat na sabay-sabay ngumiwi sa sinabi ng lalake. How would he just be happy with 3? Like, seriously? Is that even a thing? 3?
Kagat-labing napatingin si Yara sa katabi na si Argel nang kurutin nito ang tagiliran n'ya dahil sa pagpipigil nito ng tawa na sa tingin ang dahilan ay ang pagkakita nito ng reaction n'ya. Bakit ba?
"Really? Are you not aiming for like, 1.5, 1.25 or of course, plot 1?" kunot-noong pagtatanong ni Zoren sa studyante n'ya.
"Naku sir, kahit pa bente kwatro oras ako mag-review hindi talaga kaya iyan. Magpapa-fiesta nga ako sa bahay kapag maka 2.5 ako eh. Baka naman sir," natatawa pa ulit sa saad ng lalaking studyante.
Napailing na lang si Zoren dahil dito at iginala ang mga mga mata, lahat ng galaw n'ya ay sinundan ni Yara hanggang sa mapunta sa kanya ang tingin ng binata. Napangiti ang isip n'ya nang amusement at proud na tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi nito kasabay nang pagkislap ng mga mata nito.
"I heard from everyone that they have already expected names leading in the top," anito nang hindi inaalis ang mga mata sa puwesto ni Yara at ng mga kaibigan n'ya.
"Alam naman na natin sir kung sino ang mangunguna, wala nang makakatapat pa sa kanilang apat. Kami okay na kami sa tres hahaha doon lang ang kaya namin eh, ang importante sir di kami mag incomplete at singko, may internship at thesis pa kaming lalagpasan eh, sayang naman," humahagikhik na saad ng babae na katabi ni Ciara.
Agad namang sinang-ayunan ng karamihana ng sinabi nito. May narinig pa si Yara na bumulong sa likuran n'ya na kapag college, hindi na kailangan ang mataas na graded at perfect score kapag exam, sa high school lang daw iyon, ang importante raw sa college, complete requirements and perfect attendance.
Gusto n'yang kontrahin ang narinig na iyon pero naisip n'ya, opinyon nila iyon and she has to right to revoke other people's opinion. People should have living their own life without other people criticizing them unless their doings put other people in harm or in danger.
May tumayo na isang studyante at nagpaalam na pupunta ng canteen, pinayagan iyon ni Zoren kaya sunod-sunod na naglabasan ang mga studyante hanggang sa silang apat na lang ang natira.
Malawak ang ngiti ni Zoren na naglalakad palapit sa apat na magkakaibigan. Napangiti rin ang mga ito nang tumama ang mga mata ng mga ito sa binata.
"Ang guwapo mo sir ah, mukhang masaya ka," nakangising saad ni Argel dito.
Hindi nakatakas sa pandinig ni Yara ang animo'y musika na tunog ng mahinang pagtawa ng professor nila. Kanina lang ay may lakas ng loob s'ya na tingnan ito pero ngayon ay parang nawalan s'ya ng lakas. May kakaiba talaga sa binata na hindi n'ya alam kung ano at palagi s'yang nadidistruct.
"I'm just happy because I know I will be seeing your names in the top, this would be my first time, you know," nakangiting sabi nito kaya bahagyang napayuko si Yara.
Hindi naman s'ya ganito pero parang bigla s'yang na-pressure ngayon na may harap-harapang nagpakita ng expectations sa kanila. The last thing she would want to do in life is to disappoint people who believes in her.
"Naku sir, mukhang malabo iyang iniisip mo. Ako hindi ako kampante kasi hindi po ako nakapag review ng maayos. Ewan ko lang si Yara at Denver, silang dalawa possible talaga," ani Guia nang may tipid at awkward na ngiti.
Totoo na hindi s'ya umaasa na mananatili ang pangalan n'ya sa taas. Ramdam n'ya ang medyo malayong lipad ng isip n'ya. Distracted s'ya sa bagay na hindi n'ya alam kung ano, maraming pumapasok sa isip n'ya pero hindi n'ya alam kung ano. Maraming naglalaro sa utak n'ya bago magreview, bago matulog at hindi n'ya naintindihan ang lahat ng iyon.
"Parang sinabi mo na rin na maliligwak ako ah, Gyaya," natatawang sabi ni Argel kaya maging ang mga kasama nila ay natawa.
"Panigurado iyon, alam mo naman na lagi ka lang nakasunod sa pwet ko," natatawang sagot ni Yara dito kaya nakatanggap s'ya ng matulis na tingin mula sa kaibigan.
"By the way, are you guys not going anywhere?" pagtatanong sa kanila ni Zoren kaya lahat sila ay bapabaling sa nakatayo nilang professor.
Agad na umiling si Yara kaya sa kanya nahinto ang atensyon ng binata. "Hindi po, hihintayin po namin ang result ng exam para may ideya kami kung ano ang possible namin na makikita sa final grades."
"You really are so competitive, hindi nakakagulat kung pangalan mo ulit ang makikita sa taas," nakangiting sambit nito sa dalaga.
"Hindi lang naman department namin ang tinatalo n'ya sir, she is beating other department and she will still," proud na sabi ni Argel na s'yang tinanguan ng binatang professor.
"I can see that," ani Zoren nang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi at ang kislap ng mga mata nito habang nakatuon pa rin ang paningin sa seryosong mukha ni Yara.
Agad na pumasok sa isip ni Yara ang eksena noon ng senior nila. She did graduated with flying colors, she expected to be on the top unfortunately she failed. Without her knowing there is other silent name that is very close to her. Isang pagkakamali n'ya lang at nawala ang lahat ng inaasam n'ya.
That is why Yara is not in complacent, ayaw n'yang makampante dahil lang sinabi ng lahat na s'ya ang may pinakamalinis at pinakamataas na gwa for the past years. Hindi s'ya sigurado kung wala pang lalapit sa kanya or worst ay baka lamangan s'ya.
Hindi n'ya iyon matatanggap, she have already molded her future in her mind and that should stay in her palm. She promised everyone, her ninang, her parent's grave and herself that she will be what she want to be.
Kaya tama ang kaibigan n'ya na si Argel, hindi lang department nila ang kailangan n'yang bantayan, hindi lang ang program nila. Maraming course ang kasabay nila na ga-graduate at sisiguraduhin n'ya na wala ni isa sa mga courses o department na iyon ang maglalagay sa kanya sa dulo o kahit sa pangalawa.
Sa kanya ang unang linya at kukunin n'ya iyon, with no cheating.
"We have dreams, if you trust your capabilities then dream big," sambit n'ya nang buong tapang na sinalubong ang tumutunaw sa kalamnan n'yang paningin ng professor nila. "Nangako ako sa magulang ko na gagawin ko ang makakaya ko, at may tiwala ako sa sarili ko na kaya, magiging ako kung ano ang gusto kong maging."
"No doubt that everyone here already knew that you will be taking over the highest honor. Alam ng lahat na ikaw ang makakakuha noon. It's an honor to tell that once in my life, I have been a professor of the one and only Yara Formanes. It's a pride for me to bring around," pakiramdam ni Yara ay wala silang ibang kasama.
Ang mga mata at isip n'ya ay nakatuon sa kaharap n'yang professor na hanggang ngayon ay parang ayaw bitawan ang paningin n'ya. Pakiramdam n'ya ay hawak ng binata ang isip n'ya na parang hindi n'ya kayang alisin ang mga mata n'ya dito.
Alam n'yang may mga nakapaligid sa kanya pero hindi n'ya magawang utusan ang sarili na alisin ang mga mata sa mga mata ng professor n'ya. Pakiramdam n'ya ay hinihigop nito ang buong kakayahan n'ya na kontrolin ang sarili. Gustong kastiguhin ni Yara ang sarili dahil pakiramdam n'ya ay ang hina ng isip n'ya, ang hina n'ya.
"That is just an exaggerated guess and prediction about me sir. Masyadong mataas ang bagay na iyan. I can be who I want to be in a process of trusting my own self and capabilities but I don't know if I can be what other people want me to be. I'm just so comfortable with the expectation of others about me, that seems and sounds like, I am not allowed to do things that could be a mistake for their eyes and mind. I'll just make myself a disappointment for them," mahabang litanya dito at ramdam n'ya ang init sa lalamunan at mga mata habang sinasabi ang mga salita na iyon.
Hindi n'ya makapa sa sarili kung saan galing ang mga iyon, basta na lang iyon pumasok sa isip n'ya at walang pagdadalawang-isip n'yang binitawan. Napapitlag s'ya nang maramdaman ang paghawak ng kung sino sa kanang kamay n'ya kaya agad s'yang napalingon dito.
She blink several time to get herself back to her senses, inayos n'ya ang upo saka isinandal ang likod sa sandalan ng upuan. Parang ngayon lang s'ya nakaramdam ng hiya sa ginawa n'ya. Wala naman s'yang ginawa na masama pero alam n'yang nagtataka ang mga kaibigan n'ya sa naging akto n'ya kanina.
Nginitian n'ya ang professor at sa kabila ng seryoso nitong mga mata ay sumilay ang ngiti nito sa labi. Agad n'yang binalingan ang mga kaibigan na nakatingin pala sa kanya. Alam n'ya kung bakit nakatingin sa kanya ang mga ito kaya nginitian n'ya ang tatlo at pasimpleng itinaas ang isang kilay.
"That's a powerful trust of yourself. But anyway, how about I'll treat you guys over snack? It's almost 5 and the result will be posted on or before 6 pm."
"I do believe in the saying that goes: huwag mong tanggihan ang grasya, thank you for the offer, sir, of course, hindi namin tatanggihan ang maganda mong alok na iyan," nakangising saad ni Argel dito kaya wala nang nagawa ang mga kaibigan at napa-iling na lang.
"Alam na alam mo kung paano kami ipahiya, ano?" pabulong na sabi ni Denver pero dahil malapit at katabi n'ya lang si Guia ay narinig iyon ng dalaga dahilan para matawa ito at makuha ang atensyon ng mga kasama.
Sabay-sabay na silang tumayo na ikinangiti ni binatang professor at sabay na lumabas ng classroom pero bago pa man sila nakalabas ay agad na baabsorb ng tainga ni Yara ang sinabi ng kaibigan na si Guia.
"I saw how intense was that, ratio out of ten? 10.5, I don't what was that but yeah."