bc

SOUL BREAKER

book_age16+
346
FOLLOW
1K
READ
murder
sex
goodgirl
brave
drama
tragedy
bxg
mystery
soul-swap
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

An evil inside, a voice in your head. How are you going to deal if your evil side takes over your mind, body and soul during a night of sleep?

And she has a name, she's Mariel Formanes.

And Yara thought her home is her safe haven, she was wrong. Because it's a crime scene, and her finger prints are found in every dead bodies.

"Monsters are real, ghosts are real too. They live inside us, and sometimes they win" - Stephen King.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Gotta go now, Ninang," she shouted from the stairs hoping her ninang could hear her from the kitchen.  "Akin na po 'yang bag n'yo Ms. Yara, " magalang na sabi ng driver n'ya.  Matamis s'yang ngumiti dito saka inabot ang mabigat n'yang bag na puno ng libro at nakasukbit sa kanyang kanang balikat.  "Than you so much, kuya Joseph. But, where is Ninang?  Bakit po hindi s'ya sumasagot? Wala ba s'ya sa kitchen?" luminga-linga sa malaking bahay at humakbang patungong kusina.  Pero napahinto s'ya nang marinig ang sinabi ng driver.   "Ang bilin po ni Madam Alicia ay hindi daw baka gabihin raw po s'ya sa pag-uwi. May biglaan daw pong meeting sa opisina," mahabang sabi nito.  Humaba ang nguso n'ya sa narinig. Ang ninang n'ya lang ang kasama n'ya sa buhay simula ng mamatay ang mga magulang n'ya at s'ya lang ang himalang nakaligtas.  Her parents died when she was 5 and her ninang was there with her all through out. Hindi s'ya nito pinabayaan. Wala itong pamilya kaya naman lahat ng gusto n'ya ay binibigay nito.  Good thing she's not spoiled. And that's why she wants to remain in the top and keep her ninang proud of her. She was once tried calling her ninang mom but her ninang told her not to.  'Don't call me mom, you are already my daughter in heart. I want you to still think that you only have one mom, you can just call me ninang like you used to. Let's not forget your mom, alright?'  And that's the reason why she loves her ninang so much. And in 6 months, she'll finally be graduating in college with Latin honor.  "Gano'n po ba? Sige, kindly wait me in the car, kuya. I'll just get some sandwich, gusto n'yo po ba?" magalang na tanong n'ya sa driver n'ya.  Sampung taon na itong nag da-drive para sa kanya at dalawampung taon ang tanda sa kanya. Mabuting tao ang kuya Joseph n'ya kaya hindi na ito pinalitan ng ninang n'ya. Kaibigan n'ya rin ang anak nitong panganay na kaedad nya.  "Kumuha na ako kanina Ms. Yara," may hindi n'ya na mabilang kung ilang beses n'yang sinaway ito na 'wag na s'yang tawaging Ms., pero hindi talaga nito inaalis ang pagkakabit sa pangalan n'ya.  "Sige po, mabilis lang ako kuya," aniya at tumalikod na dito para kumuha ng sandwich sa kusina.  She smiled sweetly when she saw their house maids preparing her sandwich. Siguro ay nasabihan na ito ng ninang n'ya.  "Hello," bati n'ya  dito.  Sabay na umangat ang tingin ng dalawa sa kanya at nanlaki ang mga mata. Kumaripas sa pagtayo ang mga ito mula sa pagkakaupo.  "Hi po, Ms. Yara, na handa ko na po ang baon ninyo," awkward na sabi ng isa saka inabot sa kanya ang dalawang ziplock na may lamang sandwich.  "Thank you, si ninang ba kumain bago umalis?"  Agad na tumango ang isang babae na taga luto nila.  "Opo, si madam din po ang nagsabi na ipaghanda po kayo ng sandwich kada huwebes po," sagot naman nito.  Ngumiti s'ya at tumango bago sumulyap sa hawak n'yang plastic. "Sige, salamat. Kumain na rin kayo," she then turn her heels back.  Noong isang araw n'ya lang sinabi sa ninang n'ya na mag sa-sandwich s'ya tuwing huwebes. Kasama 'yon sa plano n'yang pag da'diet.  "Sorry kuya medyo napatagal ata ako," nakatawa n'yang sabi habang pumapasok sa loob ng sasakyan.  Kaya n'ya namang ipag drive ang sarili pero ang ninang n'ya paranoid kaya mas gusto nitong siguradong ligtas s'ya.  Noon, bago s'ya mag 18 ay hindi lang driver ang mayroon s'ya pati na rin bodyguards, tatlong bodyguards. At laking pasalamat n'ya na nakuha n'ya ang kiliti ng ninang na tanggalin ang mga ito. Pero ang driver n'ya, ayaw talaga. 'Yon ang condition ng ninang n'ya sa kanya.  Tatangalin ang bodyguards pero mananatili ang driver.  "Kuya, dadaanan po natin si Guia," refering to her bestfriend, Kuya Joseph's daughter.  "Hindi na po, Ms. Yara. Ihahatid po ni Luis ang ate n'ya sa motor," malawak ang ngiti nito sa labi na ikinanguso n'ya.  Nasanay s'yang dinadaanan ang kaibigan pero simula nang mag ka motor ang nakababata nitong kapatid ay sinasabay na ito sa pagpasok. Magkaiba nga lang ng school kaya isasadya ni Luis ang ate n'ya.  Nabuhay ang saya sa kanya nang tumunog ang cellphone n'ya at lumabas ang pangalan ng ninang n'ya.  "Ninaaang," masigla n'yang sagot. Sa edad na 23, bini-baby parin s'ya ng ninang kaya nakasanayan n'yang maging sweet dito.  Wala na ring kahit na sinong kamag-anak ang ninang n'ya. Nag-iisang anak kaya silang dalawa nalang ang magkasama sa buhay.  "Yara, I'm sorry hindi na kita nahintay kanina, may urgent meeting ako and it's emergency," nahihimigan n'ya ang pagod sa boses ng kausap.  "Major?" tanong n'ya.  Sa edad n'ya ay dapat nagtatrabaho na s'ya, nakakatulong na dapat s'ya sa ninang n'ya sa negosyo nito at sa negosyo na naiwan ng mga magulang n'ya na ngayon ay pinangangalagaan ng ninang n'ya.  Pero heto s'ya't isang estudyante. Pero di bale, dahil isang sem at 6 months nalang din naman at mag mamartsa na s'ya.  "Hindi naman, just a little but urgent," tumango-tango sa sagot ng ninang n'ya kahit hindi naman s'ya nito nakikita ngayon.  Napangiti s'ya ng malawak nang masilayan si Guia kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Argel, isang babaeng nakulong sa katawan ng lalake.  Ang gwapo pa naman. Kaya nanghihinayang ang mga babaeng nakaka gusto dito.  "Ninang, nasa school na po ako. Gotta go now, take care. I love you" "I love you too, I'll cook dinner," sagot naman ng ninang n'ya bago n'ya binaba ang cellphone.  Bago pa s'ya makababa ng sasakyan ay narinig n'ya ng may kumatok sa bintana kaya naman ay masaya n'ya itong binuksan.  "Hi baklaaa," nag face palm s'ya sa kaharap at napatakip sa tenga sa tinis ng boses.  Pumasok sa shotgun seat ang kaibigang si Guia at humalik sa pisngi ng ama. That always makes her smile. Maldita at medyo may pag ka war freak ang kaibigan pero mabait at sweet ito sa kanila.  "Yaraaaa ang dami mo na namang dala," kunwari ay naiinis na sabi nito sa kanya. Inabot n'ya dito ang dalawang clear book na hawak at kinuha naman ng huli at iniyakap sa dibdib.  Galit-galitan pa eh.  "Bakit kasi ang dami mo na namang inuwi na libro, bakla," maarteng saad naman ni Argel.  "Nag-aaral ako no, tsaka kaya ko dinala lahat ngayon kasi ibabalik ko na sa library," natatawa n'ya namang sabi.  Kinuha n'ya sa balikat ang bag na puno ng libro at ipinatong sa balikat ng kaibigang si Argel ng mangisay ito at pinagpagpagan ang balikat. "My God! 'Wag mong ibigay sa akin ang mabigat mong bag! Masisira porma ko, no," irap nito sa kanya na ikinatawa nalang dalawa ni Demi.  "Napaka arte mo, di ka naman maganda," aniya.  Sinamaan s'ya nito ng tingin. Inakbay nito ang kaliwang braso at kanan kay Guia kaya na compress silang tatlo. "Kita n'yo 'yon?" kumunot ang noo n'ya at sinundan ang daliri nitong nakaturo sa kung saan.  "Alin d'yan?" tanong ni Guia. Nakatutok ang daliri nito sa tatlong magkakasamang babae.  "Yong naka purple," sagot naman ng huli.  "Oh? Bakit?"  Ngumisi ng maloko ang kaibigan sa kanya kaya tinaasan n'ya ito ng kilay. "Ang sabi mo hindi ako maganda, hindi kasi gwapo ako," may pagkindat na sabi nito.  "Kilabotan ka nga sa mga pinagsasabi mo at baka makalimutan kong bakla ka," nakangiwing sambit ni Guia kaya natawa s'ya.  "Eh paano kapag napa oo ko ang babaeng 'yan?" hamon nito sa kanila.  "Ano bang binabalak mo?" tanong n'ya.  "Yayayain ko s'yang lumabas, pag umoo libre n'yo 'kong dalawa," nakangising sambit nito.  Inayos n'ya ang pagkakabit ng bag at inismiran ang kaibigan. Hinila n'ya si Guia papalayo dito at sabay silang nagtawanan.  Alam nila parehong mapapa-oo nito ang babae. Tatlo lang silang nakakaalam na paminta ang Argel Santos na kinahuhumalingan ng mga babae.  At sa nakaraang pinatulan nila ang hamon nito ay nailibre nila ang kaibigan papuntang Brazil. Simula noon ay hindi na pinapatulan ang mga hamon nito lalo pa kapag ang condition ay ililibre ito.  "Ang gahaman ng baklang 'yon," Guia murmured  and she chuckled.  "Napaka bastos ninyong dalawa!" Umigtad silang pareho ni Guia ng bigla itong sumulpot sa likuran nila at diretsong pumatong ang magkabilaang balikat nito sa kanila.  "Ikaw naman gahaman," sambit n'ya ito. Natawa lang ang ang kaibigan at ginulo ang buhok n'ya. Kahinaan n'ya ang gano'n kaya humaba ang nguso n'ya na mabilis din namang pinitik ni Guia. "Aray!" reklamo n'ya.  "Hindi porket maganda ka at cute ka tingnan kapag nag pout ay gagawin mo na," sabi nito sabay irap sa kanya.  Tiningnan n'ya ng masama ang kaibigan habang iniipit ang labi. Napatingala s'ya kay Argel nang bigla nitong kinuha ang bag sa balikat n'ya at ito na mismo ang nagdala. "Mukha ka na kasing nabibigatan," nakangisi nitong sabi.  "Kung kailan nasa tapat na tayo ng library?" di makapaniwalang tanong naman ni Guia habang s'ya binibigyan ng nakamamatay na tingin ang kaibigang bakla.  "Ay, di marunong maka appreciate ng effort?" nakakunot ang noo nitong palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Guia.  "Minsan talaga gusto kitang i-unfriend eh," biro n'ya dito. Nanlaki ang mga mata nito at bigla s'yang hinawakan sa magkabilaang balikat kaya napaatras ang ulo n'ya. "Ano ba!" ginalaw n'ya ang balikat pero hindi s'ya nito binitawan.  "Sorry na, wag kang magpa demonyo kay Guia ha?" seryoso itong nakatingin sa kanya at dahil sa sinabi nito ay pinukpok ni Guia ang hawak nitong clear book sa batok ng bakla kaya nabitawan s'ya nito.  "Demonyohin mo mukha mo!" singhal ng kaibigan nila dito.  "Napaka brutal mo talaga," ani Argel at hinihimas ang batok.  "Pasok na nga tayo, 'wag na kayong maingay," saway n'ya sa dalawa at naunang pumasok sa loob ng library.  Bumungad sa kanila ang nakakabinging katahimikan dito at ang malawak na ngisi ng nasa desk. "Hi po, Ms. Yara. Hihiram ka ng books?" matamis na ngiti ang binigay nito sa kanya kaya ngumiti s'ya pabalik dito.  Bago pa s'ya nakasagot ay naunahan na s'ya ni Argel. "Ay hindi Ms., hindi s'ya hihiram, magsasauli s'ya ng sandamakmak na libro. Ang bigat ng bag n'ya," nakangiwing sabi nito habang inaangat ang bag n'yang pinapatong sa desk.  "Hello po, kuya Argel, ate Guia," masigla ngunit mahinhin na bati ng babae sa mga kasama n'ya. Ngumiti naman ng pilit si Guia dito at kumindat si Argel. Siniko n'ya ang kaibigan at kinuha ang bag n'ya.  Binuksan n'ya ito at isa-isang nilabas ang 6 na librong sing kapal ng almanac.  "Jusmiyo, Yara! Nabasa mo ang lahat ng 'yan?" gulantang na sabi ni Guia habang nakaturo sa mga libro.  "Oo naman," natatawa n'yang sabi.  "Kailan ka mababaliw, Yara Formanes?" natawa s'ya sa sinabi ni Argel maging ang babaeng nasa desk dahil seryoso ang mukha nito.  Isa-isang chineck ng babae ang mga books na hiniram n'ya at tiningnan ang pangalan sa computer. Allowed naman kasi silang maglabas ng libro basta maisauli lang bago mag isang linggo.  Dahil kung hindi ay babayaran mo ang libro and ma tatag as lost under your care. Hindi ka na makakahiram next time.  "Okay na po, Ms. Yara. Maglalabas ka po ba ng books ngayon?"  Umiling s'ya at ngumiti dito. "Hindi muna, thank you." sagot n'ya.  Saktong paglabas nila ng library ay sabay-sabay silang napahinto nang sabay-sabay tumunog ang cellphones nila. Nang tingnan nila ito ay pare-pareho silang nakatanggap ng text sa iisang tao.  "It's Denver!" sabay-sabay nilang sabi kaya nagkatinginan sila at sabay ding nagbukas ng message.  Pinagtabi pa nila ang mga cellphone at nanlaki ang mga mata sa nabasang message.  'I'm back, in my seat.'  Yan ang laman sa text at napatalon sila sa excitement. Sabay na tumakbo papunta sa room nila. Mabuti nalang ay natanggal na ang mga librong dala n'ya sa bag.  Pagdating ay sumalubong sa kanila ang malawak na ngiti ng gwapong mukha ng isang Denver David, fresh from New York.  Dinumog nila ito ng yakap at humalakhak ng tawa. Nakita n'ya ang ibang naroon na kinukuhaan silang apat ng picture habang nakangiting nakatingin sa kanila.  Muntik n'ya ng makalimutan na sikat nga din pala ito sa mga babae dito. Pareho sila ni Argel na chick magnet ang kaso kay Argel nagyayaya ng dates sa mga babae di naman sumisipot, kasi hindi n'ya naman talaga trip ang mga babae.  "Complete na tayooo," masayang sambit ni Guia.  "Tama na bro, baka isipin ko naiinlove ka na sa 'kin." natatawang saway ni Denver kay Argel ng inisin s'ya nito ng makailang yakap.  Malawak ang ngisi ni Yara habang tinitingnan ang mga kaibigan. Nanlaki naman ang mga mata n'ya nang may maalala.  "Tamang-tamaa..." napatingin sa kanya ang tatlo kaya binigyan n'ya ang mga ito ng malawak na ngiti. "Ninang will cook dinner, sa bahay tayo?" Parehong sumilay ang ngisi sa mga labi ng tatlo at napasuntok pa sa hangin si Argel. "Minsan talaga gusto ko nang magpaampon kay Tita Alicia eh," sambit nito na ikinatawa n'ya.  "Magpapasundo ka ba kay Papa mamaya? Or sasabay nalang tayo kay Denver?" tanong ni Guia sa kanya.  "Sabay nalang tayo kay Denver," sagot n'ya. Nag apir pa silang apat na parang nagkasundo sa isang kalokohan.  Saktong tumunog ang bell ibig sabihin ay magsisimula na ang klase nila. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
283.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
539.8K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
321.5K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

My Master and I

read
134.2K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
350.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook