Chapter 11

2979 Words
"Close na kayo agad?" malisyosong bulong ni Argel kay Yara dahilan para matulak ito ng dalaga. "Masakit iyon, Yara baby!" reklamo nito. "Ginulat mo 'ko sa boses mo eh!" singhal ni Yara habang hindi pa inaalis ang kamay sa tainga kung saan bumulong ang kaibigan. "Alam ko na maganda ang boses ko pero bakit naman mapanakit ka? Binulong ko nalang dahil baka mabatokan ako ni Guia at ayaw ko ng sakit pero nakalimutan kong mas brutal ka nga pala. Silent but deadly, sabi nga sa saying," nagtatampong saad nito pero imbis na maawa si Yara ay inirapan n'ya lang ang kaartehan ng kaibigan habang sina Denver at Guia ay walang pakialam sa ginagawa nito. "Hindi ko malaman kung kailan umaatake ang pagiging baliw mo, kapag ba gutom o kapag busog. Tumigil ka na nga! At para naman matahimik iyang kaluluwa mo, sasagutin ko ang tanong mo. Hindi kami close, hindi ko nga alam bakit sumabay sa akin papunta dito iyon," pagtataray na pagsagot ni Yara. Lumapad ang ngisi ng kaibigan na ikinakunot ng noo ni Yara maging ni Guia na nagmamasid sa mukha ni Argel. . Lihim na nagdiwang ang isip ni Yara nang tumunog ang bell at kailangan na nilang pumunta sa classroom nila. Pinaka-ayaw nila ang nali-late dahil ayaw nilang pagsimulan sila ng issue. Naging aral sa kanila ang nangyari sa isang senior nila na grumadweyt last year. Hindi naging maganda ang naging exit n'ya sa school bilang inasahan ng lahat na s'ya ang makakuha ng latin honor for that school year pero. Bigla itong nagkasakit ay napaliban ng ilang araw at hindi nakapag-comply sa ilang requirements on time at iyon ang naging problema ng ilang studyante na nangangarap din makakuha ng colors. Hindi pinangarap ni Yara ang madikitan ng kahit na anong bad issue ang pangalan n'ya, kaya hangga't maaari ay iiwasan n'ya ang mga possibleng magdala at magdulot nito sa kanya. Sakto lang din ng pag-upo nila ang pagpasok ni Zoren. Impit tili ang ginawa ng mga babaeng kaklase n'ya at maging ang mga babaeng nasa katawan ng lalake, isa na nga doon ang best friend n'ya na parang 'di mapakaling uod na naasinan. "Umayos ka nga, kapag ikaw biglang nautot dahil sa pagpipigil ng kilig d'yan," mahinang saway n'ya dito. "Yara baby, tingnan mo si sir, sobrang gwapo n'ya talaga. Pero mas gwapo talaga s'ya kapag hindi s'ya naka uniform nang faculty. Naalala mo kagabi? Grabe ang hot n'ya," parang baliw na saad nito. Kinagat ni Yara ang ibabang labi para pigilan ang sariling huwag matawa nang mapansin n'ya kung paano pinipigilan ng kaibigan na huwag umaktong bakla. He is trying hard to maintain his sit position and arms. "Ganyan din naman ang tingin ng mga babae sa 'yo, kaya nga napapa-oo mo sila kapag niyaya mo sila ng date. Malas nga lang kasi hindi mo sila sinisipot." Nagkibit-balikat ang dalaga at ipinukos ang mga mata sa note n'ya nang maramdaman kung gaano katulis ang paningin ng kaibigan sa tabi n'ya. "Anong problema ng isang iyon? Bakit parang gusto kang patayin sa tingin?" bulong sa kanya ni Guia. "Hindi ko alam. Kanina kasi kilig na kilig s'ya kay sir, ang sabi n'ya ang gwapo daw at sobrang hot kapag hindi naka faculty uniform. Ang sabi ko naman sa kanya ganyan din ang tingin sa kanya ng ibang babae kaya umu-oo sila kapag nagyayaya s'ya ng date kaya lang hindi s'ya sumisipot," mahabang paliwanag ni Yara sa inosenteng boses. Mahina lang ang boses n'ya tama lang para marinig ni Guia ng maayos dahilan para matawa ito. Mabilis na tinakpan ni Guia ang bibig nang biglang lumabas ang tunog ng tawa n'ya. Pareho nilang hindi pinansin ang kaibigan at itinuon ang paningin sa harapan nang magsalita si Zoren. Biglang nag-baba ng tingin si Yara ng saktong salubongin ng mga mata niya ang mga mata ng binata. Hindi n'ya alam kung bakit hindi s'ya komportable kapag nagtatama ang paningin nila, iniisip n'ya siguro dahil hindi naman n'ya gaanong kilala iyong tao pero madalas n'yang marinig ang pangalan dahil sa kaibigan n'ya. "Alright guys, I was advised by Dr. Ignacio that he already gave you an activity. I would like to know if you guys are done with it," agad na sambit ni Zoren. "Sir." Nagtaas ng kamay ang isang babaeng kaklase nila na naka-upo sa kabilang aisle na tapat sa inuupuan nila. Napasulyap si Yara at ang mga kaibigan n'ya dito. "Yes, Ms. Mendez?" tanong ni Zoren sa dalaga nang makuha nito ang atensyon n'ya. "Hindi po namin ginawa ang activity, competition po ang pinapagawa ni Dr. Ignacio sa amin at kami ang bahalang mamili ng kagrupo namin. Sir, parang unfair naman po kung magkasama sa grupo sina Guia, Argel, Denver at Yara," reklamo nito at itinuro pa sila. Agad na lumipat ang paningin ni Yara sa binatang professor na napatingin din sa kanila. "Uhm, I don't think that was unfair. We are not high school here, we are actually in our final year in college. It doesn't matter who are your group members, it's how you guys have a team work and make your work better or how you give your best," simpleng sagot ni Yara. "I get your point, Yara. Pero tingnan mo ang mga kasama mo. Ikaw palang alam mo nang kaya mong gawin mag-isa ang activity, kahit magkakahiwalay kayong apat kaya ninyong manalo ------" "Ciara," pagputol ni Guia sa sinasabi ng kaklase, "paano ka papasa sa thesis kung hindi mo kayang mag-isa? Tama ang sinabi mo, kahit mag participate kami mag-isa at walang ka grupo pwede kaming manalo, iyon ay dahil binibigyan namin ng atensyon ang dapat naming gawin. Kung hindi naman namin se-seryosohin ay pwede rin kaming bumagsak. Enough with that mentality, just work hard and you'll pass," seryosong sambit n'ya. Pasimpleng sinulyapan ni Yara ang professor at nakita n'ya ang pagkibot ng labi nito sa pagpigil ng ngiti. Hindi n'ya alam kung saan ito natutuwa pero sa tingin n'ya ay kung paano bitawan ng kaibigan n'ya ang mga salitang iyon ng walang takot. Diretso itong napatingin kay Ciara ng walang kahit anong ekspresyon sa mukha, hindi naman iyon mananalo kay Guia. "Kahit na, alam nating lahat kung gaano kayo katatalino tapos magkasama kayo?" pakikipagtalo pa nito. "Ciara why are you acting like a junior high school? With that kind of mindset, I wonder how the heck you are here in this room with us," makahulugang sagot ni Guia dito. Hinawakan ni Denver ang kamay ng kaibigan at bahagyang pinisil iyon. Ito ang pinaka rare sa kanilang apat, ang makitang nakikipag sagutan sa ibang studyante. "Sir, hindi po ba ninyo sila aawatin?" biglang sambit ni Argel kaya napatingin sa kanya ang ilang kaklase at natawa. Iyong iba ay pinilit pigilan ang mga tawa. Si Argel ay seryosong nakatingin sa professor hinihintay ang sagot nito habang hawak ang kamay ng kaibigan na si Yara. Unang napansin ni Zoren ang kamay ng binata na nakahawak sa kamay ni Yara pero agad n'yang iniwas ang tingin doon. Ngumiti ito bago sumagot sa tanong ni Argel. "No, I would like to hear more about your insights," nakangiting sagot n'ya dito at pasimpleng nahulog na naman ang paningin n'ya sa kamay ng dalaga ng hawak ng kaibigan. "No deep insights about the activity. This activity was supposed to work with brainstorming but we also want to do it fair, we want to play fair. If it what makes you guys feel okay then fine, me and my friends are not going to be a group. Gagawin namin ang activity ng magkahiwalay but we are also not joining a group," seryoso at may diin na sabi ni Yara. Natahimik ang ilang nagtawanan at napatingin sa kanya. Alam nilang lahat na seryoso ang dalaga. Minsan lang ito maririnig, alam nila kung gaano ka careful ito pero alam din nila na hindi biro ang galitin ang dalaga. They saw it before. "Whatever the instructionis, do it. I know how was the activity supposed to run and be done. Help yourself everyone, weather you are in a group or individual just pass your project right then you'll get the grade that you want," seryosong saad ni Zoren. Bahagya n'yang pinasadahan ng tingin ang buong klase pero nahinto ang paningin n'ya sa seryosong mga mata ni Yara. She is serious, her face is not telling how serious she is but her eyes are. The duality of this woman is so interesting. She can be bubbly and happy but she can also be serious and danger. No wonder everyone in this school knows who is Yara Formanes and they talked about her like they are talking someone like an inspiration because she is indeed an inspiration. Hindi pa n'ya kilala ang dalaga at ang mga kaibigan nito pero nakikita n'ya kung gaano ka seryoso sa buhay ang mga ito sa likod ng mga tawa nito habang nasa harap ng maraming tao. "So okay lang po sir ang sinabi ng best friend ko? Denver, Argel, Yara and me, we will do it individually. We will not be a group anymore but we will also not be joining into a group," pagtatanong ni Guia sa professor. "Yes. Again, I am not giving any pressure about this activity, you can do it whatever you want. As long as you are doing it right then you'll graduate," sagot ni Zoren dito. Hindi natutuwa si Yara sa tinakbo ng oras. Natapos ang klase nila nang walang ibang ginawa kung hindi ang pag-usapan ang activity na hindi naman na dapat. She noticed that Zoren is observing them, he is not saying a lot but he is looking at them like he is knowing every meaning of the edges. His subject also do not requires discussion, this subject is always a self research of the problem. That is why Yara always find this subject interesting even before. "Hindi ko gusto ang tono mo kanina, Guia." Sabay na nag-angat ng tingin sina Argel, Denver, Yara at Guia nang marinig ang mga salitang iyon sa harapan nila habang naka-upo sila. Bumungad sa kanila ang hindi masayang mukha ni Ciara Mendez, the woman that other people called Yara wannabe. Nahapi naman ng mga mata ni Yara si Zoren na hindi pa umaalis sa table nito. Tapos na ang klase nito sa kanila pero hindi pa ito lumalabas. Ayos lang naman dahil bakante naman ang room nila sa oras na ito. Nakaharap ang binata sa laptop nito kaya marahil ay may ginagawa itong importante at kailangang matapos na kaagad. "Wala akong matandaan na nagbabago ang tono ko, pero pwede ba na hintayin mo muna na makalabas ang professor natin bago ka sumugod?" nakataas ang kilay ni Guia dito kaya pansin n'ya kung paano dahan-dahan na namula ang mukha nito sa galit. "Masyado kayong mayabang. Porket ba matatalino kayo feeling ninyo lahat ng sinasabi at ginagawa ninyo tama? Feeling ninyo kayo lang marunong? Feeling ninyo kayo lang makakagawa?" mahina ngunit madiin na pagtatanong nito. "Nasa likuran mo si Mr. Corpuz, Ciara," paalala ni Yara dito kaya napatingin sa kanya ang kaharap. "Isa ka pa, Yara! Bakit hindi mo ilabas ang halimaw sa likod ng maganda mong mukha at mabait mong ngiti?" Kumunot ang noo ni Yara sa sinasabi nito. Hindi n'ya malaman kung saan galing ang mga salitang binibitawan nito. Hindi n'ya pa kailanman nakaaway ang babae kaya nagtataka s'ya kung bakit ganito ang mga sinasabi nito sa kanya. Mahinang natawa si Yara, "ano ba Ciara, inspired ka ba sa mga bully sa pelikula? Bumalik ka na nga sa upuan mo. Hindi ko alam kung ano ang problema mo, eh," sambit n'ya dito. "Is there any problem?" sabay silang lahat na napatingin sa pinagmulan ng boses at sumalubong sa mga mata nila ang nagtatanong na mukha ni Zoren pero ang mga mata ay diretsong nakatingin kay Yara. "Wala po," simpleng sagot ng dalaga. Tumango ang binata saka iniligpit ang mga gamit nito. "Are you sure? How about you, Ms. Mendez? Do you have any problem?" pagtatanong nito habang isinasabit ang bag sa balikat. "Wala po sir," maarteng sambit nito. Naningkit ang mga mata nina Guia at Argel sa tono ng babae. Mahinang natawa si Denver at napailing nang mapansin ang pinong pag-ngiwi ni Zoren. "If that so, that's good. Good-bye everyone," paalam nito. Dinaanan ng tingin ng binata si Yara bago tuloyang lumabas ng pinto. "Ano ba ang problema mo, Ciara? Bakit bigla ka nalang lumapit dito at gamitan kami ng matigas na boses?" nakataas noong tanong ni Guia nang mawala na si Zoren sa paningin nilang lahat. "Una, dahil hindi ko na kayang manahimik. Matagal na akong naiinis sa inyo. Magkaklase tayo since 1st year kaya alam ko kung ano ang totoo ninyong kulay," nakataas kilay na saad nito. "Would you go in a date with me, Ciara?" biglang singit ni Argel sa usapan. Napakagat labi ang tatlo n'yang kaibigan sa narinig para lang huwag lumabas ang mga tawa nila lalo na nang manlaki ang mga mata ni Ciara sa gulat sa sinabi ni Argel. "W-what?" hindi makapaniwalang tanong nito. Napalingon pa ito sa dalawang kasama na hindi rin makapaniwala sa narinig. Patay malisyang napa-iwas ng tingin sina Yara at Guia pero nang magtama ang mga tingin nila ay halos hirap silang pigilan ang tawa kaya napatingin sila sa nakapikit na si Denver. "Ang lakas ng trip ni Gelo," natatawang bulong ni Guia. "That's fine, as long as hindi s'ya nakikipag pustahan sa atin," sagot naman ni Denver saka idinilat ang mga mata. "Date, niyaya kita na mag date. Tatanggpin mo ba ang date proposal ko?" sagot ni Argel kay Ciara. Mula sa gulat na mukha ni Ciara ay agad itong naging maarte na mataray. Napairap sina Yara at Guia sa drama ng isang ito. "Marami na akong narinig na hindi ka sumisipot sa date, are you pranking me?" maarte na mataray na tanong nito kay Argel. Inilabas ni Yara ang isang libro at saka nagbasa. Pero ang isip n'ya ang atensyon n'ya ay diretsong nakatuon sa usapan sa pagitan ng kaibigan n'ya at ni Ciara. Alam n'ya kung ano ang ginagawa ni Argel. Tumayo si Yara kaya napatingin ang mga kaibigan at maging sin Ciara sa kanya. "Saan ka pupunta?" pagtatanong ni Denver. "Sa library, may hihiramin lang akong libro, dito lang kayo," sagot n'ya. Nakiki chismis ang tainga n'ya sa usapan nina Argel at nang maarte na si Ciara kaya bago pa s'ya tuloyang matawa ay aalis nalang muna s'ya. "Sama ako," presinta ni Guia pero umiling na si Yara. "Hindi na, isang libro lang naman ang kailangan ko," sagot n'ya saka lumabas ng classroom. Hindi n'ya na napigilan ang tawa n'ya at napahalakhak nang makalabas ng pinto. Agad n'yang kinagat ang ibabang labi para pigilan ulit ang tawa n'ya bago pa s'ya makita ng ibang tao at isipin ng mga ito na nababaliw na s'ya. Iyon pa naman ang laging sinasabi sa mga mahilig magbasa, mabilis mabaliw. Naiiling nalang s'ya at agad sineryoso ang mukha habang naglalakad. Hindi s'ya komportable sa tuwing nararamdaman n'yang tinitingnan s'ya ng mga studyante kaya kapag nasa ganitong sitwasyon na mag-isa lang s'ya ay mas pinipili n'yang gawing seryoso ang mukha kaysa ngumiti. Biglang napahinto si Yara sa paglalakad nang may biglang sumulpot sa harapan n'ya. Bumungad sa kanya ang dalawang babaeng nakangiti na may mga folders sa braso. "Ms. Yara bakit po hindi ka sumali?" Naningkit ang mga mata ni Yara sa tanong na iyon. "Sumali saan?" nagtatakang tanong n'ya sa mga ito. "Sa pageant po. Yearly po naming inaabangan ang pagsali mo sa school fair night at nag expect kami na baka sasali ka na this year since last year mo na sa LU," sagot naman ng isa. Natatandaan n'ya na parehong member ng student's council ng department nila ang dalawang ito kaya lang hindi n'ya matandaan ang mga pangalan. Naalala n'ya na kinumbinsi na rin s'ya ng dean ng department nila na sumali pero ayaw n'ya, si Guia din umayaw manonood nalang daw sila. "Hindi kasi ako mahilig sa ganyan kaya manonood nalang ako," nakangiti n'yang saad. "Sayang po! Inilabas na po kasi ang final list ng candidates na sasali sa school fair night at nagulat po kami noong nakita namin na si Hope ang sasali," sagot ng blonde. Kumunot ang noo ni Yara dahil parang pamilyar sa kanya ang pangalan na para bang narinig n'ya na kung saan noon. "Hope?" "Opo, Hope Martinez po ng late sched. Baka po hindi ninyo kilala, pero medyo kilala din po s'ya ng ilan dahil sumali na po s'ya last year kaya lang ay 1st runner up lang s'ya." Nanlaki ang mga mata ni Yara nang biglang parang may bombilyang umilaw sa isip n'ya at naalala na n'ya kung saan narinig ang pangalan na iyon. Sa pageant at isa din iyon sa mga babaeng niyaya noon ni Argel pero hindi sinipot. "Oh, natatandaan ko na s'ya, maganda naman s'ya pwede s'ya." Tumatango-tangong saad n'ya. Humaba ang nguso ng dalawa na ipinagtaka n'ya. "Pero mas maganda ka doon eh. Nag expect talaga kaming lahat na ikaw ang sasali. Naghanda na nga po ang org ng cheer for you kasi akala namin," umakto itong naiiyak kaya natawa si Yara. "Ano ba kayo, dapat hindi muna kayo nagpagod," saad n'ya dahil sa narinig. Hindi n'ya iyon inasahan dahil una palang noong kinausap s'ya ng dean nila ay tumanggi na agad s'ya. "Kung si Ms. Guia pa siguro ang sasali ay baka gagamitin namin ang mga nagawa namin pero dahil si Hope, bahala na s'ya mag provide ng props n'ya," himutok ng mga ito saka walang pasabing tinalikuran s'ya. Napatingin nalang si Yara sa likod ng mga iyon na hindi na talaga lumingon. Natawa nalang s'ya dahil sa inakto ng mga iyon. Nanlaki ang mga mata n'ya nang maalala kung bakit s'ya nasa lugar. Akmang hahakbang s'ya para tumuloy na nang marinig na naman ang pangalan n'ya pero napahinto s'ya nang makita kung sino ang tumawag sa kanya. "Sir Corpuz."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD