Chapter 10

2979 Words
"Alright, drive safely." Napalingon si Yara nang marinig ang sinabi ni Zoren na nasa tabi n'ya. Tinanguan n'ya ito at binigyan ng isang matamis na ngiti. Earlier during their dinner and after, when they drank the wine they brought, eat all the fruits got peeled and finished the cake, they had witnessed how easy he can be with. Magaan ang atmosphere na naroon s'ya at madali s'yang pakisamahan. Though, Yara is not that so friendly with people she just get with. Sa kadaldalan ng mga kaibigan n'ya ay mukha namang hindi nagkaroon ng awkwardness sa paligid nila para mailang ang binata. Everything was fun. "Thank you sir," pasasalamat n'ya dito. Hinatid sila nina Zoren at Argel sa parking lot kaya ngayon ay umeecho sa basement ang tawanan nina Guia at Argel sa paligid. "Hoy! Bakit ang ingay na naman ninyong dalawa?" saway na tanong ni Denver sa mga ito. Tumingin si Guia sa kanila habang nakahawak sa tiyan n'ya ang isang kamay, "kasi naalala ko na bawas nga pala iyong cake na inilagay ko sa mesa kanina nakalimutan ko lang punahin. Nauna agad kumuha si Gelo kaya hindi n'yo napansin na binawasan n'ya na iyon at itinago n'ya sa kwarto n'ya." Hindi makapaniwalang napatingin ang iba kay Argel na may malaki at inosenteng ngiti. Naka taas pa ang dalawang daliri nito na pinormang "peace sign". "Hindi talaga mapirme iyang mga kamay at bunganga mo ano?" Naiiling na saad ni Yara. "Ano ka ba, Yara baby, dapat hindi mo hinahayaang magutom ang sarili mo. Inaalagaan ko lang ang sarili ko ano, mas mabuti nang busog lagi kaysa gutom lagi," sagot naman nito. "Whatever." Inikotan ni Yara ito ng mata pero kindat lang ang natanggap n'yang pagbalik. "Hindi ka pa tapos tumawa?" Natatawang tanong din ni Denver sa hindi pa natatapos tumawa na si Guia. Napasandal ang dalaga sa hood ng sasakyan ni Denver habang pinipilit magsalita pero hindi nito matapos-tapos ang salitang gustong sabihin. Nag-isang linya bigla ang mga labi ni Argel na napalingon sa kaibigan na parang mamamatay na sa pagtawa. "Cause of death: too much laughter," walang buhay nitong sabi kaya maging sina Yara at Zoren ay napatawa na din. "I can still hear how Gelo whisper in my ear that he has the cake in his bed, his voice was guilty." Humahalakhak na sambit ni Guia. Naging malinaw naman ang sinabi nito kaya naintindihan din naman nila. "And that's what make you laugh like that? My God, Guia kailan ka pa naging fan ng isang iyan? Pumasok na nga kayo sa sasakyan para makaalis na tayo, baka abutin tayo ng siyam-siyam dito kung hihintayin pa natin matapos iyang tawa mo." Natatawang sabi ni Yara. "Ms. Formanes, I'm borrowing your summary note," paalala ni Zoren kaya nalipat dito ang atensyon ni Yara bago pa s'ya tuloyang makapasok sa sasakyan n'ya. "Yes, sir. I'll bring the note tomorrow, bye sir. Bye Gelo! Denver, bye! Guia, awat na baka maputulan ka na ng hininga sa ginagawa mo, bye na." Kinawayan n'ya ang mga kasama bago pumasok sa sasakyan. Nakita n'ya din ang pagkaway ng mga ito. Hindi nakatakas sa mga mata n'ya ang pagsunod tingin ni Zero sa kanya habang nasa loob s'ya ng sasakyan. Hindi s'ya kita ng binata mula sa loob dahil full dark tinted ang sasakyan n'ya pero kitang-kita n'ya ito mula sa side mirror nang makaliko na s'ya kasunod ng sasakyan ni Denver. Mauunang makakauwi sina Denver at Guia at s'ya naman ang huli. It's almost 11 in the evening and she will be surely got home before 11:15. Hindi nama na bago sa ninang n'ya ang pag-uwi ng ganitong oras kapag galing sila sa bahay ng isa sa kanilang apat at ayos lang naman iyon sa ninang n'ya. Basta huwag lang s'yang pumunta sa mga lugar na hindi kaaya-aya, which her ninang has nothing to worry about that for she herself would never think of going such kind of places. Narinig n'ya ang pag honk ni Denver kaya ibinalik n'ya ang tunog na iyon. Liliko na ito para ihatid si Guia habang s'ya ay diretso ang tatahaking daan. Lumabas sa bintana ang kamay ni Guia kaya ginaya n'ya ang ginawa ng kaibigan. She immediately chilled when the coldness from outside touches her skin. "Parang winter lang sa lamig ah, ano magkaka winter na ba tayo Pilipinas?" Natatawang sambit n'ya. Kahit na alam n'yang hindi bago sa ninang n'ya ang pag-uwi n'ya ng ganitong oras ay ito ang unang beses na uuwi s'ya ng gabi habang s'ya lang mag-isa sa sasakyan at higit sa lahat s'ya ang driver kaya panigurado, gising pa ang ninang n'ya at hinihintay ang pagdating n'ya. Napangiti si Yara sa naisip. Kung gaano s'ya kaswerte dahil may isang tao na nag-aalala sa kanya kung ayos lang ba s'ya, iniisip kong hindi ba s'ya napapahamak o mapapahamak. Kanina nakita n'ya ang maraming tawa ng kaibigan na si Argel, sa harap ng taong hindi s'ya kilala. Malamang ay iniisip ni Zoren kung gaano kasaya ang buhay nilang apat lalo na si Argel na laging pasimuno ng tawanan. Perp sa likod ng mga ngiting iyon, ay ang malungkot na katotohanan na kahit nariyan ang pamilya n'ya ng buo, walang kahit isa sa kanila ang nag-aalala kung ano na ang kalagayan ng anak nila, ng kaibigan nila. Kaya abot langit ang pasasalamat ni Yara na maaga mang kinuha ng Dyos sa kanya ang mga magulang n'ya, saglit n'ya lang naman naranasan ang pagiging ulila at noong bata pa s'ya noon. Agad s'yang bumusina pagdating n'ya sa tapat ng gate nila at hindi naman nagtagal ay lumabas na ang kasama nila para ipagbukas s'ya ng gate. "Gising pa ba si ninang?" tanong n'ya dito nang ibaba n'ya ang bintana ng sasakyan n'ya. "Opo, nasa sala po si Ma'am Alicia may ginagawa po sa laptop n'ya," sagot nito. Tumango si Yara at napangiti dahil hindi s'ya nagkakamali. Pinili ng ninang n'ya na sa sala magtrabaho para hintayin nito ang pagdating n'ya. Her ninang would only do her work downstairs when she's cooking and the rest would never. Hindi na kinuha ni Yara ang bag sa sasakyan at dadalhin pa rin naman niya iyon bukas at diretso na s'ya sa pagtulog pagkatapos maligo. Napangiti s'ya nang makita ang seryosong mukha ng ninang n'ya habang nakaharap sa laptop nito. "Hi, ninang, I'm home," masayang sambit n'ya dahilan para magtaas ito ng tingin. "Oh gosh! I was calming myself na hindi tawagan sina Denver at Argel para alamin kung kaya mo ba na mag byahe in the middle of the night. Sasabihin ko sana ihatid ka nalang nila. You drove yourself?" Ibinuka ni Yara ang braso dahil sa narinig. "I can drive myself in any hour of the day and night, ninang. I am a good driver kaya hindi mo ako dapat inaalala, I'm always telling you that," humaba ang nguso n'ya at kumalas sa pagkakayakap sa ninang n'ya. "Hindi lang kasi ako sanay na wala kang kasama sa sasakyan at ganitong oras na oh," mahinang saad nito saka inililigpit ang mga papel at laptop nitong nakapatong sa mesa. She knows her ninang well, alam n'yang iyon ang mas inaalala nito at alam n'yang s'ya ang dahilan kung bakit narito ito sa sala nagtrabaho at naisip n'ya na iyon kanina pa. "Thank you for waiting for me," malambing n'yang saad dito kaya kitang-kitang n'ya kung paano sumilay ang ngiti sa mga labi nito pero mas ngumiwi ito na nagpangiti sa kanya. "O s'ya, aakyat na ako, matulog ka na rin dahil may pasok ka pa bukas," sambit nito kaya tumango nalang s'ya nang buhatin na ng ninang n'ya ang laptop nito at nagsimulang umakyat sa taas. "Goodnight, ninang, I love you!" sigaw n'ya mula sa kinatatayuan at ang ninang n'ya ay nasa hagdan. "Goodnight, I love you, Yara." She couldn't ask for more. Her parents gave her the best second parent that would love her with all her hearts. Hindi biro ang binigay n'yang hirap sa ninang n'ya noon pero hindi s'ya nito sinukuan. Her day wasn't that bad at all despite of their encounter with their professor. Argel was right, they don't have to be get worry about her they are not brats but no one would believe her if she is going to fail them. Napaungol si Yara nang tumunog ang alarm clock. Idinilat n'ya ang isang mata para makita at para maabot ito at patayin. Pakiramdan n'ya ay kakatulog n'ya lang sa sobrang lalim ng tulog n'ya inaantok pa s'ya. Pero dahil wala naman s'yang choice ay pinilit n'yang bumangon para gawin ang kanyang morning routine. May pasok s'ya at hindi n'ya pwedeng kalimutan iyon. Grades matter for Yara and friends. Mabilis n'ya lang nagawa ang routine n'ya at bumaba na para mag-almusal. Napatingin s'ya sa salamin na bandang itaas ng pinto nila kung saan kita ang labas at nakita n'ya ang paglabas ng sasakyan ng ninang n'ya. "Ang aga naman ni ninang, nakatulog na kaya iyon? Parang ang daming ginagawa noon eh," sambit n'ya sa sarili at saka dumiretso na sa pagbaba ng hagdan. Pagdating n'ya sa mesa ay nakita n'ya na ang nakatakip na pagkain na nakahain. "Kumain po ba si ninang bago umalis?" pagtatanong n'ya sa kasama nila. "Hindi po pero nagbaon po si ma'am Alicia ng sandwich, doon nalang daw po s'ya kakain dahil may breakfast meeting daw po siya," sagot nito. "Kayo po kumain na po ba kayo? Sabay na kayo sa 'kin ate, ang boring kaya kumain mag-isa," pagyayaya n'ya dito pero ngumiti lang ang babae. "Tapos na po kami, Ms. Yara. Maaga kami palaging kumakain para hindi gutom pag nag tatrabaho," nakangiting sagot nito kaya wala na s'yang nagawa. Tama din naman ang sabi nito. Ninang n'ya lang ang hindi kumakain bago pumunta sa trabaho. Biglang pumasok sa isip ni Yara ang hinihiram na summary note ng professor nila habang paakyat ng hagdan pagkatapos kumain kaya bago pa s'ya dumiretso sa kwarto n'ya ay dumaan muna s'ya sa library n'ya kung saan naroon nakatambak lahat ng notes n'ya at mga libro. Hindi nakakatakas sa paningin n'ya ang libro na hanggang ngayon ay hindi n'ya alam kung saan galing. Tinanong na n'ya ang ninang n'ya at hindi nito alam kung may Mariel Formanes ba itong kilala na malapit sa kanila, kung ganoon ay maaring hindi ito nag-eexist kaya hindi na inabala ni Yara ang sarili patungkol sa librong iyon at tumuloy na sa paghahanap ng note na kailangan ng professor n'ya. Napangiwi s'ya nang makita kung gaano kadami ang naipon n'yang notes sa bawat semester na paggawa n'ya ng summary ng buong libro. Isa-isa n'yang binasa ang bawat title na idinikit n'ya sa gilid ng notebook n'ya at nang makita ang hinahanap ay agad n'ya itong hinila at dinala na sa kwarto n'ya. Nag toothbrush lang s'ya at hindi na nagtagal bumaba na rin at para pumasok. Saktong-sakto lang ang oras n'ya, hindi s'ya mali-late sa inilaan n'yang oras kaya hindi gaanong mabilis ang takbo n'ya. Ayaw n'ya rin naman na maging reckless driver dahil ikamamatay ng ninang n'ya kapag may hindi magandang nangyari sa kanya. Sa dami nang naglalaro sa isip ni Yara ay hindi n'ya na namalayaan na nasa daan na pala s'ya papasok ng parking lot ng school nila. Agad n'yang nakita na bakante pa rin ang pwesto na pinagparkingan n'ya kahapon kaya doon n'ya na ulit inilagay ang sasakyan. Hindi n'ya nakita ang sasakyan ng mga kaibigan sa pwesto n'ya. Bakante pa rin naman ang pinagparkingan nina Argel at Denver kahapon kaya baka wala pa ang mga iyon. Naningkit ang mga mata ni Yara nang makilala ang sasakyan na nasa kaliwang bahagi ng sasakyan n'ya. Iyan din iyong sasakyan na nakapark diyan kahapon at kay Mr. Zoren Corpuz ang isang iyan. Agad na lumabas ang binata mula sa loob nang maipark nito ng maayod ang sasakyan. Mabilis na pinulot ni Yara ang notebook na inilagay n'ya sa upuan at nagmadaling lumabas dahil baka umalis na ang binata. "Sir!" Lumingon sa kanya ang professor at napangiti nang makita s'ya. Kumaway s'ya dito at naglakad papalapit. "Good morning po, mabuti nalang nakita ko kayo dito, ito na po pala iyong summary note na kailangan ninyo." Inabot n'ya dito ang notebook at malawak ang ngiti ng binata nang tanggapin iyon. "Thank you so much for this, Ms. Formanes. Hindi ko lang masasabi kung kailan ko ito maibabalik pero kapag natapos kaagad ako dito ay ibibigay ko din kaagad sa 'yo," saad nito. "No problem po, hindi ko naman na din po yan ginagamit sa ngayon kaya ayos lang po. Huwag n'yo lang pong iwawala," biro n'ya na ikinatawa din ng binata. "Of course. I always take good care valuable things," nakangiting sabi nito at may pag kindat pa. Muntik nang mabulonan si Yara sa ginawa ng binata kaya napalunok ang dalaga. Magsasalita pa sana s'ya nang biglang tumunog ang cellphone n'ya at lumabas doon ang pangalan ng kaibigan na si Argel. "Excuse me sir, I have to take this call," paalam n'ya at tumalikod sa binata. "Gelo, nasaan na ba kayo?" ("Nandito kami sa canteen, nagutom ako kakarating lang din nina G at Denver, nandito ka na ba?") Mabilis na binuksan ni Yara ang sasakyan at hinablot ang bag n'ya mula sa backseat at sinukbit iyon sa balikat n'ya. "Nandito ako sa parking lot papunta na ako d'yan, huwa kayong aalis riyan ah," hindi n'ya na hinintay na magsalita ang kaibigan, agad n'yang binaba ang tawag at inayos ang bag sa balikat. "Let's go?" "Ay kabayo!" muntik nang matumba sa gulat si Yara nang biglang bumungad sa mukha n'ya ang nakangiting mukha ng professor n'ya nang lumingon s'ya at nagsalita pa. "Papatayin mo yata ako sa gulat, sir," hinihingal n'yang sabi at itinapat ang kamay sa dibdib. Mabuti nalang ay napasandal s'ya sa sasakyan n'ya kung hindi ay baka natihaya na s'ya sa sahig. "Oh, I'm sorry. Hindi ko alam na magugulatin ka pala," medyo nakangiwing sabi nito. Inayos ni Yara ang sarili at tumayo ng maayos. "Akala ko po kasi umalis na kayo sa likuran ko, tapos bigla pa kayong nagsalita," may bakas ng paninisi ang tono n'ya pero mahinang natawa ang binata sa narinig. "I'm really sorry. I thought, you did feel my presence in your back," mahinang sambit nito kaya tumango nalang s'ya. "Papasok na po ako, nandoon na pala ang mga kaibigan ko sa canteen," paalam n'ya dito. "Yeah let's go." Sabay silang pumasok sa loob at nagtataka man ay hindi na nagtanong si Yara kung bakit sumasabay pa din sa kanya ang binata sa pagtahak n'ya sa daan na papunta sa canteen. "Gutom na naman yata ang mga kaibigan ko kaya tumambay na naman sa canteen," natatawang sambit ni Yara para maputol ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila ng binata. "Argel gave me some of the shrimp you cooked last night. I would say you are a good cook kaya iyon ang kinain ko kaninang umaga. If only I can cook like how you did the shrimp, I would have the best breakfast everyday." Mukhang biglang uminit ang pisngi ni Yara sa narinig. Hindi naman ito ang unang beses na nakarinig s'ya nang pagpuri patungkol sa kahusayan n'ya sa pagluto, maraming beses n'ya na iyong narinig sa mga kaibigan at sa ninang n'ya pero hindi naman ganito ang naging reaksyon niya. Tipid na nginitian n'ya ang binata at tumuloy lang sa paglalakad. Nakita n'ya kaagad ang pagkaway ni Guia mula sa kinaroroonan n'ya. Mahina s'yang natawa na ganoon kabilis s'ya nakita nakita ng mga ito. "Simple dish lang naman iyon, sir. Lahat naman kayang gawin ang buttered shrimp, kailangan lang siguro ng tamang sukat ng timpla," saad n'ya nito nang hindi nawawala ang hiyang nararamdaman. "Well yeah, me personally, I know how to cook but sometimes I had these days that I would rather eat other people's cooked food than mine. Minsan ayaw ko sa luto ko dahil kahit naluto naman hindi naman masarap," sambit pa nito. "Dapat ay sinasamahan ng puso ang bawat ginagawa sir, para magiging maayos at masarap ang luto," nakangiting sagot n'ya dito. Iyon ang turo sa kanya ng ninang n'ya noon. Hindi lang sa pagluluto, kahit sa anong bagay, dapat hindi nawawala ang puso. "Bagay talaga kay--- amp!" hindi natapos ni Argel ang sasabihin nang biglang lagyan ni Guia ng sandwich ang bibig ng kaibigan at pinandilatan ito. "Aga-aga magsisimula ka na naman! Tumigil ka na nga, mamaya may makarinig sa 'yo dito. Alam mo naman na mga chismosa ang mga tao, baka ikapahamak pa ni Yara iyang joke na iyan," pabulong na saway ni Guia dito. Hindi kaagad nakuha ni Argel ang ibig sabihin ng dalaga pero nang titigan s'ya nito ng masama ay kaagad nitong naintindihan kung para saan ang matutulis nitong tingin. "Kumain ka na ba, Yara? Ikaw, sir? Kumain na po ba kayo? Nag sandwich lang naman kami dahil biglang nagutom si Argel," walang pag-ngiting sabi ni Denver at tininginan sina Yara at ang professor nila. "Kumain na ako sa bahay, hindi pwede kay ninang ang umalis ng bahay ng hindi nag-aalmusal," sagot ni Yara sa kaibigan. "I'm done as well, thank you for the shrimp, Mr. Santos, that was very good," nakangiting sagot naman ng professor. "Oo naman sir, ang Yara baby yata namin ang nagluto noon," mayabang na sambit ni Argel kaya nakatanggap na naman ito na pagbatok mula sa mortal na kaaway na si Guia. "Bakit nga pala kayo magkasabay?" biglaang tanong ni Guia sa dalawa. "Kakarating ko lang sa parking tapos dumating din ang sasakyan ni sir kaya inabot ko na sa kanya ang hiniram n'yang note. Hihintayin ko pa sana kayo pero tumawag naman na kayo kaya sabay na kaming pumasok ni sir," sagot agad ni Yara. Nilingon n'ya ang professor at nakita n'ya ang seryoso nitong mukha, "wala ka pa po bang klase, sir?" tanong n'ya dito. "Kayo ang 1st class ko today, mauna na ako, see you in class guys."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD