Chapter 12

2960 Words
"I am not my dad, you may call me in my first name," nakangiting saad ng binata kaya napalingon si Yara sa paligid dahil baka may nakarinig at magtaka. Knowing that he is a faculty member, a professor and he is telling a student to call him in his first name. "Parang hindi po magandang pakinggan sa isang studyante na tawagin ang professor n'ya sa first name sir," sagot n'ya dito nang may pinong pag-ngiti. "Even if with the word sir? I think that would do," mas lumapad ang ngisi nito sa sinabi. Napalunok si Yara at bahagyang nahiya sa inisip n'ya na talagang first name lang. "Well, yeah, sir Zoren," mahinang sambit n'ya. "That sounds better. By the way, ano ang ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang? Nasaan ang mga kaibigan mo?" pagtatanong nito at luminga pa nang tanungin kung nasaan ang mga kaibigan n'ya. "Papunta po ako ng library kaso naharang po ako ng dalawang taga student's council kanina kaya napahinto ako dito," sagot n'ya at ngumiti ng tipid. "I didn't see your name in the student'a council chart," sambit nito at mabilis s'yang tumango dahil alam naman n'ya kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng binata. Hindi ito nagtatanong pero kinukumpirma nito ang curiousity sa isip. "I am not a member of the student's council pero may itinanong lang sila sa akin, by the way sir, I'll excuse myself na kailangan ko ng pumunta ng library baka nagtataka na ang mga kaibigan ko kung bakit ang tagal ko eh," sambit n'ya dahil parang pakiramdam n'ya kung makikipag-chikahan pa s'ya ng matagal sa binata ay magtatagal s'ya at parang kusa n'yang sinasagot ang mga gusto nitong malaman. "Oh — yeah, I am actually was about to go there as well. Nakita lang kita that is why I approached you here, sabay na tayo?" Walang nagawa si Yara kung hindi ang tumango. Pareho naman sila ng pupuntahan kaya alangan naman ay umiling s'ya. "Sorry nga po pala sa nangyari kanina sa klase ninyo sir," nahihiyang paghingi n'ya ng paumanhin. "That's fine, hindi talaga maiwasan ang mga ganoong eksena sa activity. Been there, I was once a student as well so me personally have been in your shoes and I have witnessed my other students before in the same scenario so that wasn't my first time. That didn't shock me at all," mahina itong natawa kaya maging s'ya ay natawa. "I didn't expect that. Well, hindi naman iyon ang una na may kumausap sa amin na hindi sila natutuwa kapag magkaka-grupo kami ng mga kaibigan ko that is why every activity or group activities we always chose to do the activity individually if that's what makes the other think is fair," sagot n'ya dito, "but it was the first time that they speak about it in front of the professor." "I was impressed how you and your friends handled it by the way. You guys were calm yet your eyes are not." Napatingin s'ya dito pero hindi n'ya na nagawang sumagot pa nang makarating na sila sa entrance ng library. Tuloy-tuloy na ang pasok nila at napatingin pa sa kanila ang ilang naroon. Bahagyang kinain ng hiya si Yara dahil ito ang unang pagkakataon na nakikita s'ya ng mga studyante na may kasamang iba na hindi isa sa mga kaibigan n'ya. And take note, the young and handsome professor. Sigurado s'ya na hindi lang mga classmates n'ya ang nagka-crush dito, hindi lang mga classmate n'ya, hindi lang ang bakla n'yang kaibigan ang kinikilig kapag nakikita ang binata, alam n'yang maging ang mga babaeng nakapaligid sa kanya ngayon. Lahat napapalingon sa pwesto nila pero si Yara pinipilit huwag pansinin ang mga iyon at hiningi na sa library assistant ang librong kailangan n'ya. "Ito na po ang libro, Ms. Yara. Iyan lang po ba?" Inabot n'ya ang libro saka tiningnan ito kung tama. Nginitian n'ya ang assistant saka tumango, "ito lang, salamat," sagot n'ya dito. Tatalikod na sana s'ya nang maalala na may kasama nga pala s'yang pumasok dito. Ayaw naman n'yang maging rude kaya lumingon s'ya at tumingin sa binata na naghihintay pa ng librong hinihiram nito. "Are you done?" pagtatanong nito sa kanya kaya tumango s'ya. Naningkit ang mga mata n'ya nang makitang may hawak na pala itong libro sa kabilang kamay. Ibig sabihin ay mas naunang maibigay ang librong kinailangan nito. "Let's go?" "Wala na po ba kayong kailangan?" tanong n'ya. Umiling ang binata at pinakita ang dalawang librong hawak nito, "I got what I need." "Oh," iyon lang ang nasabi n'ya nang lumabas na sila ng library. Wala nang kahit na anong salita pang lumabas sa bibig ni Yara at maging ni Zoren hanggang sa makarating sila sa lugar kung saan s'ya nadatnan ng binata kanina. Didiretso ang binata habang s'ya ay liliko kaya laking pagbubunyi ng kalooban ni Yara dahil pakiramdam n'ya habang kasama n'yang naglalakad ito ay hindi n'ya nararamdaman ang sariling humihinga. "Dito na po ako sir, thank you," saad n'ya at akmang hahakbang na s'ya palayo dito nang bigla nitong abotin ang kamay n'ya kaya s'ya napahinto at agad n'yang hinila ang kamay sa gulat. "I-I'm sorry," awkward na paghingi nito nang paumanhin nang makita ang naging reaction n'ya. Hindi n'ya rin naman kasi inasahan ang galaw na iyon. "M-may ka-ka-ilangan pa po ba kayo sir?" medyo nauutal na sabi ni Yara. Sinundan n'ya ang galaw ng binata nang may dinukot ito sa bulsa ng slacks. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makita kung ano ang kinuha nito sa bulsa. "Hindi ko alam na may nakasiksik pala sa page ng notebook mo, nahulog mabuti nalang nakita ko, sorry. Ibibigay ko sa 'yo baka mawala sa 'kin," saad nito nang may pinong ngiti. Sumilay sa mukha nito ang hiya at guilt dahil sa naging reaction n'ya kanina. Inabot n'ya ang litrato nilang magkakaibigan na inaabot nito sa kanya. Ang tagal na n'ya itong hinahanap, hindi n'ya matandaan na doon lang pala n'ya naisingit sa notebook. Akala n'ya nawawala, nalungkot silang lahat noong sinabi n'yang hindi n'ya maalala kung nasaan ang picture. Ito ang picture nila noong nasa Brazil sila at doon sila nagpasko, nag-iisa lang ito dahil nawala ni Argel ang camera na dinala nila doon. "Oh My God! Thank you sir! Akala ko nawala na ang picture na ito. Salamat po," about tainga ang ngiti n'ya nang tanggapin ang litrato. Napahakbang s'ya at akmang yayakap dito dahil sa tuwa pero napahinto s'ya nang matauhan bago n'ya pa maiangat ang mga braso. Nginitian nalang n'ya ang professor saka yumuko. Ngumiti ito pabalik sa kanya at tumango. "That picture must be important or memorable," nakangiting saad ni Zoren dahil napansin n'ya kung gaano kasaya ang dalaga nang makita iyon. "Ito nalang po kasi ang natitira sa mga pictures namin sa Brazil na magkasama," masaya namang sumagot si Yara. "Mauna na po ako sir, salamat ulit dito." Kinaway nito ang picture habang may malaking ngiti at tumalikod na. Napalinga si Zoren sa paligid nang makalayo na si Yara sa kanya at hindi na ito lumingon. Saka n'ya lang narinig ang mga boses ng ilang studyante sa paligid. Seryoso ang mukha n'yang naglakad pabalik sa faculty bitbit ang libro na hindi n'ya alam kung saan n'ya gagamitin. "Akala namin umuwi ka na eh," dinig ni Yara na sabi ni Argel nang makalapit s'ya sa mga ito. Wala na si Ciara at kung nasaang lupalop na ng LU ang mga iyon ay hindi n'ya na problema. "Nailipat ba ang library? Bakit ang tagal mo, nakauwi ka na sa inyo sa tagal mo eh." "Nasaan na ang date mo?" tanong n'ya dito habang inilalagay ang libro sa bag n'ya at hindi pinansin ang sinasabi nito. Alam n'ya kung ano ang sasabihin nito mamaya kapag nalaman nitong kasama n'ya ang professor nila na crush nito pero sa kanya naman idinidikit. "Malay ko, my God! Kinilabutan ako doon. Bakit naman kasi pinatulan n'yo pa eh, napasubo pa tuloy ako," reklamo nito saka niyakap ang sarili. Natatawa s'yang napatingin dito bago tiningnan sina Guia at Denver na nakangising nakatingin din dito. Tumango ang dalawa kaya mas lalong lumapad ang ngisi niya. "So makikipag-date ka talaga?" nakangising tanong n'ya. "Masisira ang pangalan ko kapag hindi ko siya sinipot 'no? Maraming nakarinig na ako ang nagyaya!" himutok nito. Humaba ang nguso ng kaibigan kaya pinitik n'ya ito. "Saan ka ba galing, Yara?" biglaang tanong ni Denver kaya napalingon s'ya dito. Hindi n'ya nga pinansin ang sinabi kanina ni Argel tinanong naman s'ya ngayon ni Denver. "Sa library, natagalan ako dahil hinarang ako ng dalawang taga student's council," sagot n'ya dito. Mukhang mas naging intersado pa yata silang tatlo. "Bakit?" Bumuntong-hininga nalang s'ya nang magtanong na nga si Guia kung bakit. "Tinanong nila ako kung bakit daw hindi ako sumali sa pageant para sa school fair night." Kibit-balikat na sagot n'ya. "Hala oo nga! In two months na nga pala iyan! Pero hindi ba tinanggihan mo na si Dean noon pa? Hindi alam ng council na tumanggi ka?" kumunot ang noo ni Yara sa narinig mula kay Argel. Hindi n'ya iyon naisip kanina. "Sino ang kasali?" pagtatanong naman ni Denver. Si Denver at Argel din ang nililigawan ng Dean nila na sumali na maging partner sana ng candidate pero pareho itong tumanggi lalong-lalo na si Argel. "Hindi yata nila alam kasi ang sabi nila sa akin kanina, nalaman lang nila na hindi ako ang kasali kanina noong nakita nila ang final list ng mga candidates," sagot n'ya. "Sino nga ba ang candidate ng Department?" si Guia naman ang nagtanong. "Hope Martinez," simpleng sagot n'ya. Napatingin silang tatlo nang biglang humalakhak si Argel pagkatapos n'yang sabihin ang pangalan. "Ano?! The f*ck!" hindi makapaniwalang reaction nito habang tumatawa. "Mabuti nalang hindi ako pumayag maging escort dahil bukod sa nakahubad pantaas, s'ya pala ang candidate baka itulak ako noon sa stage." Sabay silang apat na natawa dahil sa sinabi nito. "Hindi malabo, ikaw ba naman yayain ng date tapos 'di sipotin, baka ipakulam ko pa nga eh," natatawang saad ni Yara na nagpatahimik sa kaibigan at napatingin ito sa kanya ng kasama. "Sobrang sama mo na naman," saad nito sabay irap. "Talaga? Sumali na din iyan last year 'di ba? First runner-up? Oh ano ang problema nila? Ayaw ba nila sa kanya? Maganda naman, medyo kinulang ng ganito pero carry naman," sambit ni Guia at itinuro ang bandang utak kaya natawa sila ng mahina. "Nakagawa na daw nila ng props for cheering para sa akin kaya sila nalulungkot kung ikaw daw sana ang sasali ay baka gamitin pa nila ang mga props ba iyon pero dahil si Hope daw, kaya na daw n'ya ang sarili n'ya," nakangising sambit n'ya habang inaalala ang sinabi ng dalawang babae kanina. "Baka ayaw nila sa kanya, pero ayos naman last year hindi ba? Si Helton ang escort n'ya baka si Helton ulit ngayon." Tumango-tangong sabi ni Denver. Sinang-ayunan nilang tatlo ang sinabi ng kaibigan. Possible, dahil kagaya din naman noong mga nakaraang taon, siya din ang nililigawan ng Dean at ng club adviser nila pero tinanggihan n'ya, sinubukan din nila si Guia pero tumanggi din. Sina Argel at Denver ganoon din pero tumanggi din kaya siguro ngayon hindi na sila pinilit kasi akala ng taga council sasali na ang isa sa kanila dahil final year na nila sa LU. "Oo nga pala, may ipapakita ako sa inyo, ngayon ko lang naalala," inilabas n'ya ang picture nila at nanlaki ang mga mata ng kaibigan n'ya. Hindi s'ya nabigo, alam n'yang magiging ganito ang magiging reaction ng tatlo. Alam n'yang matutuwa ang mga ito katulad ng kung paano tumalon sa saya ang kaluluwa n'ya nang makita itong hawak ng professor nila. "Saan mo 'to nakita? Ang sabi mo nawala to 'di ba?" masayang tanong ni Denver saka hinablot ang picture mula sa kamay ni Argel "Ito naman! Pipicturan ko pa eh!" reklamo naman ng isa. "Doon sa notebook na hiniram ni sir Zoren, doon ko lang pala nailagay iyan," sagot n'ya nang may pag-iingat sa sinasabi. Nakita n'yang pinipicturan ni Denver ang picture. Naalala n'ya tuloy paano sila nalugmok noong sa eroplano na nila naalalang hindi nila nadala ang camera at hindi nila matandaan kung saan naiwan, ang huli lang nilang natatandaan noon ay nakasabit iyon sa leeg ni Argel. Isang camera lang ang dala nila palagi kapag bumabyahe sila pero simula sa nangyari na iyon ay ngayon naniniguro na sila, palagi na silang may tig-iisang bitbit na camera. "Ano ba! Teka lang naman, magpipicture din ako!" Hinampas ni Guia ang kamay ni Argel na akmang dadamputin na ang picture. "Napaka talaga ninyo! Ako muna!" reklamo naman ng isa. "Maghintay ka nga!" walang nagawa si Argel kung hindi ang maghintay. Umaktong kaltokan ang kaibigan pero binelatan lang s'ya nito. "Naku! Magpasalamat ka hindi nandilim ang paningin ko at baka maging mukha nang Ciara na iyon ang tingin ko sa mukha mo at masapak kita," himutok nito habang nakatingin sa magpipicture na si Guia. "Uminom ka ng holy water pag-uwi mo, dumaan ka muna sa simbahan para makahingi ka. Pasmado iyang bunganga mo kung ano-anong impossibleng bagay ang sinasabi," sambit ni Guia nang marinig ang sinabi ng kaibigan. "Tumigil na nga kayo! Ang ingay ninyo, hindi lang ang tayo ang nandito oh, baka nakalimutan ninyong nasa classroom tayo at 30 minutes nalang another major class na naman," saway ni Yara sa mga kaibigan. Sinulyapan n'ya ang tahimik na si Denver at nakita n'ya itong seryosong nakaharap sa cellphone nito. Tumayo s'ya ng bahagya para silipin kung ano ang ginagawa nito sa cellphone, napangiti nalang s'ya nang makita ang pag-eedit nito sa picture nila. "Parang gusto kong bumalik d'yan," mahinang sambit n'ya kaya napalingon sa kanya ang kaibigan. Natawa s'ya dahil nagulat ito, "bakit ka nagulat? Hindi mo ako naramdaman?" "Hindi naman ako senseless pero hindi ko napansin ang pagsilip mo, naging invisible ka ba panandalian?" saad nito pero nakatingin na ulit sa ine-edit na picture. "Bakit mo ba kasi ine-edit iyan?" Napalingon sa kanya si Guia nang marinig nito ang boses n'ya matapos ang pagpi-picture at nang kunin na iyon ni Argel. "Ano 'yang tinitingnan mo, Ya?" pagtatanong nito. "Nakikitingin ako sa pag-eedit ni Denver sa picture pero n'ya pala ako napansin na tumingin kaya nagulat s'ya noong nagsalita ako," natatawa n'yang sumbong sa kaibigan. "Adik, wala ka nang pakiramdam? Nakakamiss naman d'yan, kailan kaya tayo makakabalik d'yan?" naka-pout na sambit ni Guia. "Kapag ililibre n'yo ulit ako," singit naman ni Argel kaya sabay silang napatingin ni Guia dito habang si Denver ay walang pakialam sa sinabi ng kaibigan at tuloy lang sa pag-eedit. "Hindi ka namin isasama kung wala kang pera!" pairap na sabi ni Guia dito agad tumulis ang paningin ni Argel sa kaibigan. "Ilagay mo sa lahat ng pinuntahan natin," excited na suggestion ni Yara kay Denver, "kaya lang pareho ang posisyon natin sa bawat spot." "Ayos lang, huwag lang ninyong i-post ang edited sa i********: ninyo para hindi makita," natatawa namang sambit nito at ginawa nga ang sinabi ni Yara. Nang matapos ay isa-isa din iyong ipinasa ni Denver sa mga kaibigan. "Akala ko talaga nawala na ito, mabuti nalang hiniram ni sir Corpuz ang notebook mo lumabas 'to," sambit ni Guia habang nakatutok ang mga mata sa picture sa phone n'ya. "Kaya nga, sobrang saya ko noong nakita ko to, akala ko wala tayong remembrance together dito nang hindi edited. Lahat ng pictures nating anim na magkasama dito puro edited lang ni Denver," natatawang sagot naman ni Yara. Natapos ang araw nila na parang na-ubos ang lahat ng lakas nila sa huling subject nila. Hindi na bago sa kanila ang mga stress kapag Monday, Wednesday, Friday dahil major days ang mga ito at nagpapasalamat sila na last subject ang pinaka mabigat nilang subject dahil kung nagkataon na una or kalagitnaan ay baka wala na silang lakas na pumasok sa susunod na subject. "Hindi ko alam kung sino ang isusumpa ko, ang prof na iyon oh ang subject mismo," reklamo ni Guia habang naglalakad sila papunta sa canteen. Hindi na sila nakapag lunch sa labas dahil sa nag snack sila noong vacant kaya napag-desisyonan nilang sa bahay nalang kumain ng heavy meal pero dahil nga may kaibigan silang sinusuka ng kusina, dadaan sila ng canteen. Wala na silang ganang lumabas pa kaya dito nalang sa canteen na nasa loob ng school. "Pwede naman na silang dalawa para fair, kawawa naman ang isa kung isa lang," sagot naman ni Denver sa sinabi ni Guia. "Minsan nag-eenjoy ako sa subject na iyon pero madalas nauubos ang lakas ko, wala namang physical activity pero talagang inuubos ng utak ang lakas ng katawan," dagdag ni Yara. "Nagugutom na ako, pero wala na talaga ako sa mood lumayo pa. Pagdating ko nito matutulog na ako," sabi ni Argel na sinang-ayunan nina Denver at Guia. Si Yara na may iniisip gawin pagdating ng bahay ay hindi na nagsalita. Pare-pareho silang umorder ng spaghetti at burger at syempre laging dalawa ang order ni Argel, take-out. "Spaghetti at pa rin ang iuuwi mo? Hindi ka ba mauumay? Iba naman," suhestyon ni Yara. Napaisip naman ang kaibigan at agad tumango. "Oo nga, parang gusto ko nalang ng carbonara at tsaka pizza," sagot nito. "Pasta pa din," pairap na sabi ni Guia. "Ang importante hindi spaghetti, huwag ka ngang kontrabida, kumain ka nalang!" singhal naman ng huli. "Gusto ko sana na umalis tayo sa school fair days, like out of town kaya lang naalala ko baka ikaw ang mag dadala ng torch, Ya," seryosong sabi ni Guia na nagpa-isip kay Yara. "First day lang naman ang lighting pwede pa rin tayo umalis dahil 1 week naman ang sf," nakangiting sagot ni Yara. "Kung sana pwede nating ma-invite si sir Zoren, mas maganda sana 'ano?" biglang sabi ni Argel kaya napainom si Yara ng tubig nang bigla n'yang nalunok ang nginunguyang Burger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD