"Gelo, tigilan mo na ang mga jokes tungkol kay sir. Hindi natin s'ya kaibigan at isa pa, baka may makahalats sa 'yo. Baka isipin nila na may gusto ka kay sir," saway ni Guia kay Argel. Tahimik lang na nakikinig sina Denver at Yara.
"Ah basta! Hindi pa ako nagkakamali sa pakiramdam ko, alam kong crush ni sir si Yara baby. Pagnapatunayan ko talaga iyan, ililibre n'yo ko," matapang na sambit nito kaya napa-face palm ang tatlong kaibigan.
"Alam mo ba kung ano ang mangyayari kapag may makarinig sa 'yo na gumagawa ng chismis na iyan?" kalamadong tanong ni Yara dito.
"Bakit may mangyayari? Babastedin mo si sir? Yara baby, ano ka ba! Iyong mga ganoong lahi, pinapadami! Hindi ko alam kung ano ang magiging kalabasan kapag pinagsama ang lahi ninyong dalawa. Oh My God! Mahihiya ang lahi ni Aphrodite," maarteng sagot nito na may pagpikit pa at pagtapat ng mga palad na parang nagdadasal.
"Katapusan ng pangalan ko ang pangarap mo, bakla," pabulong ngunit madiing sambit ni Yara kaya napadilat ang kaibigan at napatingin sa kanya na parang hindi pa rin nakukuha ang ibig n'yang sabihin.
"Teacher ang pinapares mo sa studyante, sira-ulo. Nawala na ba utak mo? Ang tagal bumalik ah." Napatakip sa bibig si Argel nang marinig ang sinabi ni Guia.
Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa tatlong kaibigan na parehong may tumaas na kilay na nakatingin sa kanya. Bukod sa iniisip ni Yara na impossible na magkakagusto sa kanya ang professor gaya ng palaging sinasabi ng kaibigan n'ya ay naisip n'ya din iyon.
Pinapagalitan n'ya ang sarili nang minsan ay pumasok din iyon sa isip n'ya, hindi n'ya maintindihan kung bakit dahil sa dami n'yang nakasalubong at nakitang lalake ay hindi naman s'ya nagkakaroon ng kahit na kaunting interest sa mga ito. Siguro ay dahil palaging bukambibig ng kaibigan n'ya at palagi n'yang nakikita.
"Sh*t! Sa sobrang kagwapuhan ni sir at sa sobrang pag-imagine ko kung gaano kagaganda at gwapo ang magiging inaanak ko, nakalimutan ko ng hindi nga pala sila pwede," naka-pout na saad nito, "pero baka naman pwedeng gawan ng paraan."
"Itigil mo na iyan, Gelo bago pa may makarinig sa 'yo at gawan ng issue 'yan. Better to be safe than sorry at isa pa, nakakahiya kapag nakarating kay sir iyan tapos mali naman ang akala mo," paalala ni Denver sa kaibigan.
"Oo na, joke lang naman eh. Bakit ang seryoso ninyo?" himutok nito dahil buto s'ya na magustuhan ng professor nila ang kaibigan. Pero sa kabilang banda, alam n'yang hindi dapat mangyari ang bagay na iyon dahil sa huli, ang kaibigan niya ang magiging kawawa.
"Para hindi kumalat, mas magandang putulin na, hindi ba? Tara na nga, uwi na tayo." Tumayo na si Yara mula sa pagkaka-upo at binitbit ang bag. Sumunod din naman kaagad ang mga kaibigan at sabay-sabay na silang naglakad papunta sa parking area.
"Haaay, sayang talaga!" pabulong na sambit ni Argel at pumadyak pa. Bumuka ang bibig ni Guia para sana magsalita pero tumunog ang cellphone ni Argel kaya napahinto ito sa paglalakad kaya napatingin ang magkakaibigan dito.
Biglang sumeryoso ang mukha nito na tila ba hindi natutuwa. Napatingin sina Guia at Yara sa isa't-isa habang si Denver ay seryosong nakatingin kay Argel. Dahan-dahan nitong itinaas ang cellphone at pinakita sa kanila ang pangalan ng tumatawag.
*Daddy*
Walang kahit na anong salita ang lumabas sa magkakaibigan at tumuloy sa paglakad, nasa bukana na sila ng parking lot at magkakahiwalay ang mga sasakyan nila kaya bago pa sila maghiwa-hiwalay ay sinagot ni Argel ang tawag na hindi pa napuputol.
Tumango sina Yara sa kaibigan at hinayaan itong dumistansya sa kanila.
"Ito ba ang unang beses na tinawagan s'ya ng tatay n'ya?" pagtatanong ni Guia habang hindi inilalayo ang mga mata sa lumalayong likod ng kaibigan.
"Sa tingin ko ay importante ang tawag na iyon para hindi putulin kahit na ang tagal sagutin ni Gelo," saad naman ni Yara na tinanguan ng dalawang kasama.
"Sasabihin naman niya sa atin iyon kung pwede nating malaman. Hayaan nalang natin si Gelo, if that is family matters and personal for him, he can keep that. Hintayin natin s'yang magsabi," sambit ni Denver.
"Of course, if that's a problem then we will be just right there in his back and if that's a good news then let's be happy for him," sagot naman ni Yara.
"Tara na, nasaan ang kotse mo, Ya?" pagtatanong ni Guia at itinuro ni Yara ang sasakyan n'yang nasa lugar kung saan din ito naka park kahapon.
"Walang vacant sa parte na iyan noong dumating kami, ang layo tuloy namin," humaba ang nguso ng kaibigan kaya mahinang natawa si Yara.
Kinawayan n'ya ang dalawa at nagsimula nang maglakad para makalapit sa sasakyan n'ya. Hihintayin n'yang makalabas ang sasakyan ni Denver bago s'ya susunod dahil panigurado naman ay hihintayin din s'ya ni Argel bago ito lalabas.
Napatingin si Yara sa katabing sasakyan, nandito pa, ibig sabihin ay nandito pa ang prof nila. Napalingon s'ya sa kabila nang makarinig ng pagbusina. Hindi n'ya sigurado kung kanino iyon, kung kay Denver ba o kay Argel pero agad s'yang pumasok sa loob at pinaandar ang sasakyan n'ya.
Hindi maiwasan ni Yara ang sulyapan ang katabing sasakyan habang pinapa-atras ang sariling sasakyan. Kitang-kita sa pwesto n'ya ang exit kung saan lalabas ang sasakyan nilang lahat. Hindi nagtagal ay nakita n'ya na ang paglabas ng sasakyan ni Denver kaya sumunod na s'ya kaagad dito.
Nakita n'ya rin naman kaagad ang pagsunod ni Argel sa likuran n'ya pero bago pa s'ya tuloyang makaliko at makalabas ng parking lot ay nahagip pa ng side mirror n'ya ang pagpasok ni Zoren sa parking area.
Mabilis na ipinukos ni Yara ang atensyon sa daan at ipinagsawalang bahala n'ya ang binata na basta-basta nalang sumusulpot sa isip n'ya. Bumusina si Yara nang makarating na s'ya sa tapat ng subdivision nila. Narinig n'ya ang pagbusina ng mga kaibigan pero imbis na pumasok at nag u-turn ang dalaga at dumiretso sa book store.
May hiniram s'yang libro kanina sa library na pwedeng basahin pero bigla din namang pumasok sa isip n'ya ang libro na nakita n'ya sa kwarto n'ya. Kapag nakakakita s'ya ng libro ay hindi iyon pumapalyang magpaalala. Gusto n'yang makita kung mayroon ba sa book store ang librong iyon — kung may kapareho.
"Wild soul, bakit din ba kasi hindi ko matandaan kung sino ang author ng librong iyon? " himutok n'ya nang pilit inaalala kung sino ang nagsulat noon pero hindi n'ya matandaan. Ni hindi n'ya matandaan kung may nabasa s'yang ibang nakasulat sa cover na pangalan maliban sa title nito.
"Wala naman sigurong libro na walang author," pabulong na sambit n'ya sa sarili habang pina-park ang sasakyan.
Magalang na nginitian ni Yara ang babaeng gwardiya na nagbigay din ng magandang ngiti. Bilib talaga s'ya sa mga guards na buong duty nila nakatayo lang, ang mga sales lady na parang hindi naapagod kakatayo.
*"Thank you mommy, daddy. Thank you for working hard to make sure and secure my future"* natatawang saad ni Yara sa isip.
Hindi n'ya maisip kung papaano kinakaya ng mga nagtatrabaho ng walang oras ng walang upuan. Well, nakaka-upod naman siguro pero saglit lang, siguro kapag kakain or 15 minutes break. Anyway!
Dumiretso s'ya sa bookshelves para mabusising tingnan ang mga libro. Minsan ay hindi n'ya naiintindihan ang ibang tao kung bakit parang natatakot ang mga ito sa libro. Maraming beses na s'yang may nakakasalubong na studyante na napapangiwi sa tuwing may bitbit s'yang maraming libro mula or pabalik ng library.
Hindi ba nila alam kung gaano ka life changing ang pagbabasa? Napapailing nalang si Yara sa naalala. Muli n'yang ipinukos ang mga mata sa nakahilirang mga libro.
"Yara Formanes?"
Napatigil si Yara sa ginagawa at napatayo ng tuwid nang marinig ang pangalan n'ya mula sa likuran. Hindi s'ya kaagad lumingon at inisip kung pamilyar ba ang boses ngunit naningkit ang mga mata n'ya nang hindi n'ya matandaan kung sino ang may-ari ng boses. Dahan-dahan s'yang lumingon at bumungad sa kanya ang nakangiting gwapong mukha.
Kumunot ang noo n'ya dahil parang pamilyar sa kanya ang mukha, para bang nakita n'ya na sa kung saan pero matandaan kung saan at kailan.
"Hi, base sa tingin mo sa akin, hindi mo ako kilala," nakangiting sambit nito kaya bahagyang napayuko si Yara. Hindi naman s'ya rude kaya nakaramdam s'ya ng hiya.
"Sorry, hindi kita matandaan, pero tinawag mo ako," mahinang sabi n'ya at ngumiti ng tipid.
"Kanina hindi ako sigurado kung ikaw nga, pero nang lumingon ka, masaya ako na ikaw nga. This is Jeffrey — Jeffrey Santiago." Inilahad nito ang kamay kaya napatingin ng diretso si Yara dito.
Parang pumintig sa pandinig ng dalaga ang pangalan nito kaya napa-angat ang tingin n'ya sa mga mata nito nang hindi pa tinatanggap ang kamay ng lalake.
"Jeffrey Santiago?" paglilinaw n'ya. Bahagyang kumunot ang noo ni Yara nang inaalala kung saan n'ya noon narinig ang pangalan na ito at nanlaki ang mga mata n'ya nang maalala kung saan. "Jeffrey Santiago, from 21st Century Leadership," nakangiting saad n'ya.
Narinig n'ya ang mahinang pagtawa ng binata at sumilay ang malalim nitong dimples sa magkabilaang pisngi. Parang biglang naging baby ang tingin ni Yara sa mukha nito dahil sa paglabas ng dimples. She have never seen a grown up man with this perfect dimples in this close. She always thought of dimples being there in the baby's cheeks.
"That's correct! At least you remember when you heard my name even if you didn't remember how I look," he chuckled and showed a gesture to his offered hand for handshake.
Agad iyong tinanggap ni Yara at awkward na napangiti.
"I'm glad you remembered me, I'm sorry I'm not good at remembering other people I have met somewhere," paumanhin ni Yara pero natawa lang ang lalake.
"No problem. I found that cute, though. What are you doing here by the way? Are you looking for some books?" tanong nito at sumulyap sa shelves na nasa likuran n'ya. Saka n'ya lang naalala ang reason kung bakit at kung nasaan s'ya.
"Ah, yeah. I am looking for a book but I guess, I can't find the book here," simpleng sagot n'ya at ibinalik ang paningin sa mga libro. Mahinang nagbuntong-hininga si Yara, mukha nga yatang hindi n'ya mahahanap dito ang katulad ng librong iyon.
"May I know the title? Maybe I can help you."
Napalingon si Yara dito at ginawaran lang s'ya nito ng isang matamis na ngiti.
"Wala ka bang pupuntahan? Hindi ka ba busy? I can do it alone naman," sambit n'ya nang mapansin na mukhang may importante itong lakad base sa suot. Mukhang nasa meeting pa yata or aattend ng meeting.
"Tapos na, I have all the free time in the world now," nakangiting sagot nito sa kanya kaya maging s'ya ay napangiti na din.
"Wild soul, that's the title," simpleng saad n'ya. Gusto man n'yang sabihin kung sino ang author ay hindi n'ya masabi dahil hindi n'ya alam.
"Wild soul, is that a story or something?" pagtatanong nito nang pumunta sa kabilang shelf na nasa tapat n'ya.
"I don't know. Hindi ko alam kung anong klaseng libro iyon. I only knew the title, but I guess it was a story — a fiction maybe, I'm not sure," hindi siguradong sagot n'ya. Pero pwede na story iyon dahil noong binuklat n'ya ang ilang pahina at noong nakita nila ang pangalan na Mariel Formanes, she saw some dialogues so maybe, yeah.
"Alright, let's start looking for it. This book store have tons of shelves in this line," natatawang sambit nito.
Hindi na sinagot ni Yara ang sinabi ng lalake. Hindi n'ya nga ito maintindihan kung bakit ito narito at tinulongan s'ya. Hindi naman sila magkaibigan. Kung nagkakilala man sila sa seminar, isang beses lang iyon at hindi na naulit, hindi n'ya rin alam kung taga saan ito. Napakatalas naman ng memorya ng lalaking ito para matandaan s'ya habang nakatalikod.
Itinuloy na ni Yara ang paghahanap hanggang sa matapos n'ya ang isang bookshelf. Bumuntong-hininga s'ya nang hindi n'ya nakita ang libro na may parehong title nang hinahanap n'ya.
*"Mayroon nga kaya dito?*" tanong n'ya sa sarili.
Sinubukan n'yang dumiretso sa section kung nasaan ang mga paranormal stories baka sakaling naroon. Kaya lang wala, hindi n'ya nakita. Napatingin si Yara sa pambisig na relo at napasinghap nang ma-realize n'yang mahigit dalawang oras na s'yang nandito sa loob ng book store.
Sinilip n'ya ang kabilang shelf pero hindi n'ya na nakita ang lalake, baka umalis na. Sa dami ng libro dito ay impossible na magsasayang iyon ng oras para lang tulongan s'ya.
"I don't think we can find that book here," halos mapatalon sa gulat si Yara nang biglang may sumulpot sa tabi n'ya at nagsalita. Napahawak s'ya sa dibdib dahil para itong naghuhurumintado sa kaba.
"You startled the hell out of me," seryosong saad n'ya kaya agad na nataranta ang lalake at akmang hahawakan s'ya nito pero umatras s'ya.
"What? Oh, sh*t sorry, I didn't mean to," nag-aalalang saad nito. Umiling nalang si Yara dahil agad na gumuhit sa mukha nito ang pag-aalala.
"Okay lang, mahina lang ang pakiramdam ko kaya hindi ko agad naramdaman ang pagsulpot mo sa tabi ko," mahinang sabi n'ya dito at ngumiti ng tipid, "mukhang tama ka, hindi ko nga yata mahahanap dito ang librong iyon. Hayaan mo na, salamat sa tulong mo."
Tatalikod na sana si Yara pero bigla s'yang napatigil nang magsalita ito.
"How about coffee? Can we have a coffee?" tanong nito kaya bahagyang kumunot ang noo ng dalaga.
"Coffee?" napatangang tanong ni Yara kahit na narinig naman n'ya ng klaro ang sinabi nito. Napayuko ito ng kaunti at awkward na napangiti sabay napakamot sa ulo. "I mean, why? Are you just living somewhere nearby?"
Nag-angat ito ng tingin at lumiwanag ang mukha. "3 kilometers away and I'm used of going back and forth so I could tell it, nearby," nakangiting sabi nito kaya maging si Yara ay napangiti ng tipid.
"I know a good coffee shop in this way," saad ng dalaga kaya lumapad ang ngiti ng lalake.
"My treat." Tumango ang dalaga sa sinabi nito.
Seryosong napasulyap si Yara sa nakahilirang mga libro bago tumalikod. Titingnan n'ya ang librong iyon pag-uwi n'ya. Hindi n'ya talaga maintindihan kung bakit parang gusto n'yang malaman ang tungkol sa librong iyon pero hindi naman s'ya interesadong basahin ito. Siguro kailangan n'yang basahin para malaman kung ano nga ang tungkol doon.
Hindi n'ya na nga yata masasagot ang sariling tanong kung bakit at paano iyon napunta sa kwarto n'ya. Iniling n'ya ang sarili habang kasabay na naglalakad ang lalake papunta sa isang coffee shop upang isantabi na muna sa isip ang tungkol sa libro.
"Thank you," nakangiting pasasalamat ni Yara nang pagbuksan s'ya nito ng pinto. Sabay silang dumiretso sa counter para umorder.
"Let's find a seat, I'll get our order when it's ready," saad ng lalake kaya tumango s'ya.
Nginitian n'ya ang lalake nang ipaghila s'ya nito ng upuan. Pasimpleng iginala ni Yara ang paningin sa paligid at napangiti s'ya sa ganda ng interior design. Hindi ito ang unang beses n'ya sa lugar pero hindi talaga s'ya nagsasawa sa ganda dito. This place is so perfect for someone who wants to have a deep and serious talk or just to think.
Hindi maingay at ang ambiance ng lugar ay masyadong malalim. Hindi n'ya alam kung bakit sila nandito pero ayos lang, hindi naman iyon importante para sa kanya. Hindi n'ya napansin ang pagtayo ng kasama kaya nagulat s'ya nang ilapag nito ang order n'ya.
"Salamat," nakangiting sabi n'ya.
"You're welcome. How are you doing, by the way?" tanong nito sa kanya kaya napatingin s'ya dito.
"I'm doing well. I'm graduating this school year, hopefully," mahinang natawang saad n'ya.
"You are Yara Formanes, that would never a question. Mas nakakagulat kung hindi ka makaka graduate. You are your school's pride, though," nakangiting sambit nito kaya napatingin s'ya dito nang may pagtataka kung bakit parang may alam ito tungkol sa kanya bukod sa pangalan n'ya.
"What is that supposed to mean? Do you happen to know me?" nakangiti ngunit naningkit ang mga mata n'yang tanong dito habang sumisimsim sa frappe n'ya.
"Well, I am an alumna and I always check what is new about LU. I always visit their website and your name is there, all over there. I also saw the comments from schoolmates how they were praising the Yara Formanes," nakangising sambit nito and Yara just felt awkward.
Alam n'yang walang ganoon sa website ng school nila. Yes, her face and her name was posted there but no one's prasing her name.
"That's exaggerated," pilit na tawang saad n'ya, 'but wait, you're an alumna? In my entire years with LU, I wasn't able to see you there or just even hear your name. You must be couple of years ahead of me."
"That is low-key telling me, I'm old," pagbibirong sambit nito na ipinanlaki ng mga mata ng dalaga.
"No, no, no, that is what I mean — well, it depends in your own understanding." Isinandal n'ya ang likuran habang ngumunguya ng cookies na mayroon sa lamesa nila.
"I always knew you can be feisty. Your level of smart mind is too high to reach," sambit nito.
Yara always don't find that kind of phrase nice. That would always make her feel awkward. Ayaw na ayaw n'yang sinasabi iyon sa harapan n'ya. That is not sounds to be prouf of that is somehow sounds of boastful and she don't like that. She would rather chose hearing that she is feisty, snob, sweet or whatever just don't talk about like she's some kind to praise.
"You are like praising me. I am not that smart, I just happened to love studying hard so I can have satisfying grades," aniya saka binaling ang paningin sa frappe.
"You are humble, I won't get surprise if one day, your name will top in the board, with too much gap with the next name."