Chapter 7

2945 Words
Dahan-dahan ang bawat nguya ni Yara ng pagkain habang pasimpleng sinusulyapan ang ninang n'ya na busy din sa pagkain na nasa plato nito. Hindi n'ya nasabi kanina ang balak plano n'ya noong nasa taas pa sila dahil biglang tumunog ang cellphone ng ninang n'ya. Ngayon tuloy ay parang hindi s'ya mapakali at hindi malaman kung paano sisimulan ang mga gusto n'yang sabihin. Umayos si Yara bg upo at uminom ng tubig nang malunok ang laman ng bibig n'ya. Hindi s'ya papayag na hindi n'ya maka-usap ang ninang bago matapos ang gabing ito at ito lang ang pagkakataon n'ya dahil mamaya kung hindi tulog ay busy na ang ninang n'ya. "Napakahirap nang makahanap ng matinong driver ngayon. Tatlong agency na ang kinausap ko at hindi ko gusto ang mga background ng mga bakante nalang driver," iritadong saad nito. "I have a suggestion, ninang," pagkukuha n'ya ng atensyon nito kaya napatingin din naman ito sa kanya. Ngumiti ng pilit si Yara para itago ang kaba. "Suggestion? You know some agency?" pagtatanong nito kaya mabilis s'yang umiling. "Hindi po, naisip ko lang ninang bakit hindi nalang si kuya Joseph ang gawin mong driver," sambit n'ya. Seryosong napatingin ang ninang sa kanya kaya mas nilaparan pa n'ya ang pagngiti. "He is your driver, Yara. I can find one for me," sagot naman nito kaya humaba ang nguso n'ya. But she is Yara, this will be the first time that she is going to insist things that she wants in her ninang. "Yeah." Tumango-tangong saad n'ya, "but I have my own car, ninang. I can drive for myself. I promise I will be careful, you don't have to worry about me. I got the best driving skill." Pinag-krus n'ya ang dalawang daliri sa taas ng hita n'ya habang pinagdarasal sa isip na sana sa pagkatataong ito ay may tiwala na ang ninang n'ya sa pag da-drive n'ya. "Hindi ako mapapakali kapag ikaw ang nasa manibela," nag-aalala nitong sabi. "Ninang, I am 23 years old. I am old enough to be in the wheels. Kaya ko ninang, kaya kong alagaan ang sarili ko sa gitna ng daan, promise. Please?" pakiki-usap n'ya. "Ayaw pa mag-retire ng kuya Joseph mo." Napangiti si Yara sa narinig dahil alam n'yang papayagan s'ya nito. Hindi n'ya naman idi-disappoint ang ninang n'ya. She loves her ninang so much to give her a headache. "Yes, though Guia wanted her dad to retire but kuya Joseph don't want to kaya naisip ko na s'ya nalang ang mag drive para sa 'yo," nakangiting saad n'ya. Tahimik ang ninang n'ya na tila pinag-iisipan ang mga sinabi n'ya. Pasimple n'ya ulit itong sinusulyapan, ngayon pa lang s'ya nagpumilit sa gusto n'ya siguro naman ay alam ng ninang n'ya iyon. "Do you still have your license?" Agad nagdiwang ang kalooban ni Yara at mabilis na tumango, "of course! Yes, ninang! I always have my license in my wallet," sagot n'ya dito. "Kaya mo ba?" malambing na pagtatanong nito at bakas sa mukha ang pag-aalala. "Ninang, kaya ko. Hindi ko naman po hihilingin sa inyo na hayaan ninyo ako kung wala akong tiwala sa kaya kong gawin. Pangako po, hindi po ako mapapahamak sa pag-drive." Itinaas n'ya ang kamay na para bang nanunumpa kaya napatingin sa kanya ang ninang ng masama habang s'ya ay natawa ng bahagya. "Kapag nakikita ko ang sasakyan mo ay nagsisisi ako kung bakit binilhan kita noon eh," sambit nito na ikinangiti n'ya pa ng husto. "I will be bringing my car tomorrow in school so kuya Joseph will not be driving me there," masayang sabi n'ya. Bumuntong-hininga ang ninang n'ya na para bang wala na itong magagawa dahil buo na ang pasya n'ya at wala ng makakapagbago ng isip n'ya. Kung tutuusin ay kung sasabihin ng ninang n'ya na bawal at hindi ito papayag ay hindi n'ya naman talaga ipipilit pero dahil wala naman itong sinabi kahit isa sa mga hinihintay n'yang keywords ay pinilit n'yang ipaliwanag dito ang gusto n'ya. "Fine! Pero alam na ba ng kuya Joseph mo na hindi ka n'ya ihahatid bukas?" Napatayo at napasigaw sa tuwa si Yara, agad s'yang tumakbo at umikot sa mesa at niyakap ang leeg ng ninang n'ya sa tuwa. Finally! "Sasabihin ko nalang po Guia na sabihin sa Papa n'ya. OMG! Thank you so much ninang, you're the best!" masayang turan n'ya. "Huwag ka lang uuwi nang may yupi ang sasakyan at may kahit na anong sugat dahil sa sasakyan. Huwag ko lang din mabalitaan na sinugod ka sa hospital dahil na disgrasya ka," matigas na bilin nito. Mahinang natawa si Yara at bumalik sa upuan n'ya. Napangiwi s'ya nang makitang hindi pa pala s'ya tapos kumain at may laman pa ang pinggan n'ya. "I can't tell about the run of time but I can promise that I will take good care of myself, I will be driving with so much care," sagot n'ya sa sinabi nito. "Yeah, whatever! Tapusin mo iyang kinakain mo, aakyat na ako dahil may tatapusin pa akong PowerPoint at para makapag-pahinga na rin ako ng maaga. Matulog ka na din ng maaga," saad ng ninang n'ya at tuloy-tuloy nang lumabas ng dining at diretsong umakyat ng hagdan. "Thank you ninang, goodnight." Sigaw n'ya nang nalunok ang kinakain at nasa labas na ng hagdan ang ninang n'ya. "Tapos na rin ako, ate Maica," masayang sabi n'ya nang lumabas mula sa dirty kitchen ang taga luto nila. "Akala ko po nandito pa si ma'am Alicia, tatanungin ko sana kayo kung ano ang gusto ninyong dessert," nakangiting saad naman ng huli. "May trabaho si ninang sa taas, katok nalang kayo sa room n'ya mamaya. Ako naman busog na ako, bababa nalang ako kung gusto ko ng snack," sagot naman n'ya. "Sige po, Ms. Yara. Gumawa po ako ng leche flan nasa ref baka gusto ninyo mamaya." Tumango si Yara sa narinig, nararamdaman na n'ya ang sarap ng leche flan pero talagang busog s'ya. Naparami yata ang nilagay n'yang pagkain kanina sa plato n'ya dahil sa kaba. Kung alam n'ya lang na hindi naman pala magagalit ang ninang n'ya ay sana 'di n'ya inisang lagay ang pagkain sa plato n'ya, obligado pa tuloy s'yang ubusin. Pero ayos lang, worth it naman. May ngiti sa labing umakyat si Yara sa kwarto n'ya at nag text kay Guia para sabihin na hindi na simula bukas ay hindi na s'ya kailangang ihatid ng papa nito sa school. Nang makitang sent na ang message n'ya ay dumiretso na s'ya sa banyo para maligo bago matulog. Pinaka-ayaw ni Yara ang hindi nahuhugasan ang katawan bago matulog. Minsan na n'yang ginawa iyon dahil sa sobrang pagod at hindi na n'ya kaya pang maligo. Pag-gising n'ya ay halos hindi n'ya na makita ang maputi n'yang balat na natabunan ng pula dahil sa pagkamot n'ya. Nang matapos ay agad n'yang tinuyo ang buhok gamit ang blower. Well, she do believes that sleeping with wet hair will not do good — I mean, is not good. Masayang napalingon si Yara sa litrato n'ya noong bata pa s'ya kasama ang mga magulang. Hindi darating ang araw na makakalimutan n'ya ang mga ito dahil bago magsisimula at matapos ang araw n'ya itong family picture nila ang una at huling magandang tanawin ang lalapatan ng paningin n'ya. "Goodnight mommy, daddy. Are you two looking at me from there? Above? There's this name that bothers me a lot, daddy. I thought she's a family or something related to us since we share the same surname but ninang said she do not know nor heard the name before, so I guess, maybe the name was probably just made up or something but didn't exist. Well, it's not important, really. I just had this feeling of wanting to know about it which supposed to just ignore that and I'll be starting to ignore that one from tomorrow." Natatawang sambit ni Yara habang bino-blower ang buhok at nakaharap sa litrato ng mga magulang n'ya. Kinakapa n'ya ang buhok at nang tuyo na ay sinuklay nalang n'ya ito ng daliri saka nahiga. Hindi pa man lumipas ang sampung minuto ay nilamon na s'ya kaagad ng antok. "Dito ka ba mag dinner ulit?" salubong na tanong ng ninang n'ya nang makababa s'ya nang may bag sa balikat. Naalala n'yang sa condo unit ni Argel sila mag di-dinner. "Hindi po ninang, sa unit ni Argel po kami mag-dinner, " magalang na sagot n'ya saka inilapag ang bag sa sofa sa sala at naglakad papasok sa kusina para mag-almusal. "Alright, dadalhin mo na ngayon ang sasakyan mo?" Pagtatanong nito kaya tumango s'ya ng nakangiti. "Opo," excited na sambit n'ya. Humaba ang nguso ng ninang n'ya na para bang payag sa gusto n'ya pero para din namang hindi. Pero hindi na magbabago ang isip n'ya, simula sa araw na ito ay gusto n'yang magkaroon ng kumpyansa ang ninang n'ya sa kanya. Well, her ninang trust her in anything aside from driving and she will be gaining that trust as well. She thinks, this is enough right time. She's already 23 for Christ sake. "Okay, I'll be leaving now. I have an early meeting with some of our investors and I will be going to Rizal before lunch to check the site," paalam ng ninang n'ya. Nakamasid si Yara sa ninang n'ya na busy sa pag-check ng bag nito at inisa-isa ang pagtingin ang mga laman nito. "Don't overworked yourself, ninang," seryosong sambit n'ya kaya napatingin ito sa kanya. Ngumiti ang ninang n'ya sa sinabi n'ya, "I am not and I will never. I am actually excited for you to take these over and handle it well. I can't wait for you to rule the business," nakangiting saad nito. Matagal ng hiniling ni Yara na tumulong pero hindi s'ya pinapayagan ng ninang n'ya. Ayon dito, tapusin n'ya muna ang pag-aaral at maging kung ano ang gusto n'yang maging at kapag nakamit na n'ya ang unang pangarap ay saka lang kamo nito ibibigay sa kanya ang responsibilidad sa negosyo at mga tao. "Ikaw kasi eh, ayaw mo pa akong ipasok sa negosyo, kaya ko naman eh kahit nag-aaral," kunwari'y paninisi n'ya dito. Narinig n'ya ang mahinang pagtawa ng ninang n'ya. Binuhat nito ang bag matapos ibalik sa loob ang mga laman nito na inilabas para i-check isa-isa — her typical ninang. Napapikit si Yara nang lapatan s'ya ng ninang n'ya at halikan sa noo. "Mas masarap at mas masaya ang kalooban mo kahit na pasan mo ang responsibilidad kapag nakamit mo ang talagang gusto mo," saad nito. "And I am in the final step of the stair unto my dream, ninang. It won't take too long now," nakangiting saad n'ya. "I am so proud of you, I will always be proud of you. Your parents are probably so proud of you. Anyway, bago pa tayo mag-iyakan dito kailangan ko ng umalis, nariyan na ang kuya Joseph mo para ihatid ako. Mag-ingat ka sa pag-drive. Huwag kalimutan ang batas sa daan," matigas na bilin nito. "Promise, ingat ninang. We will have our dinner with Argel's tonight," pagpaalam n'ya ulit dito dahil baka maunang makauwi ang ninang n'ya at magtaka kung bakit hindi pa s'ya nakakauwi. "Alright, take care." Naglakad na nito palabas ng dining kaya hindi na s'ya nakasagot pa. Tinapos ni Yara ang kinakain at umakyat sa kwarto n'ya para makapag toothbrush. Nadaanan ng paningin n'ya ang librong nakapatong sa drawer n'ya at kumunot ang noo. Hindi n'ya pala ito nailagay sa bookshelf sa library n'ya. Kinuha iyon ni Yara at idinaan sa library bago bumaba para pumunta na sa school. "Pabukas naman po ako ng gate," paki-usap n'ya sa kasama nilang nagwawalis sa bakuran nila. "Magdadala po kayo ng sarili ninyong sasakyan, Ms. Yara?" 'di makapaniwalang tanong nito nang tumama ang mga mata nito sa hawak n'yang susi. Napatingin din tuloy s'ya sa hawak n'ya. Nginitian n'ya ito at tinanguan, "oo, pasuyo nalang ng gate, salamat." "Sige po," nagmamadali itong buksan ang malaking gate para makalabas ang sasakyan n'ya. Sobrang saya ng kalooban n'ya nang mahawakan n'ya ang manibela at mapaandar ang sasakyan. "It's been a long time, buddy. Ninang gave you to me but it is just the first time that I was able to drive you out." Natatawang kina-usap n'ya ang sasakyan nang makalabas ng gate. Hinintay n'yang maisara ng kasama nila ang gate bago n'ya pinaharurot palayo sa bahay nila ang dalang sasakyan. Malawak ang ngiti ni Yara habang binabaybay ang malawak na highway papunta sa school nila. Nagpapasalamat s'ya na hindi nagkakaroon ng sobrang pag-traffic sa lugar nila kaya kahit 30 minutes lang ang ilalaan n'ya ay hindi s'ya mali-late. Napatingin s'ya sa side mirror nang makarinig nang pag honk sa likuran at nanlaki ang mga mata n'ya saka natawa ng bahagya nang makita ang sasakyan ni Argel na kasunod n'yang pumasok sa highway na ang dulo ay ang school nila. Ito ang pinakamagandang ginawa ng school nila, dahil nga private naman ay napagawan ito ng may-ari ng private way para hindi makikipag-siksikan ang mga studyanteng may sasakyan doon sa u-turn section para lang maka-ikot at makapasok sa parking area. Itong daan na tinatahak nila ngayon ay diretso sa parking lot. Ibinalik ni Yara ang pag honk habang diretsong dina-drive ang sasakyan n'ya hanggang sa makarating sila sa malawak na parking lot. Iyong iba ay mga motor ang narito at naka separate din naman iyon sa bandang gilid. Nakahanap si Yara ng dalawang magkatabing bakanteng parking area kaya doon s'ya pumasok para maging katabi n'ya ang sasakyan ng kaibigan. Nakita n'ya naman kaagad ang pagsunod ni Argel. Ibinaba n'ya ang bintana para makita s'ya ng kaibigan. Mukhang maganda ang araw nito dahil sa lawak ng ngiti habang kumakaway sa kanya. Nang maayos na ang lahat ay sinukbit n'ya sa balikat ang bag n'ya. Hindi na mabigat dahil wala pa naman s'yang dalang libro, baka next day or next week nalang siguro s'ya ulit hihiram sa library. "Napakagara talaga ng baby mo, palit tayo," namamanghang sambit ng kaibigan at hinaplos pa ang sasakyan n'ya. Tinampal n'ya ang ang braso nito dahil sa sinabi. "Huwag ka nga riyan. Baka nakalimutan mong magara din ang sasakyan mo." Itinuro n'ya ang sport's car nitong naka park sa tabi ng sasakyan n'ya. "Pero mas bago itong sa 'yo eh, kaya mas magarang tingnan," asik pa ulit nito. "Mas nauna mo lang nagamit iyong sasakyan mo pero mas naunang bilhin itong sa 'kin. Tumigil ka na nga, dami mong sinasabi akala mo naman 'di mo kayang magpalit ng sasakyan kung kailan mo gusto." Inikotan n'ya ng mata ang kaibigan. Noon ay halos linggo-linggo itong nagpapalit ng sasakyan dahil sabi n'ya, mabilis s'yang magsawa. Binibenta n'ya ang sasakyan n'ya para bumili ng bago. Nagtataka na nga rin silang magkaka-ibigan kung bakit umabot na ng dalawang buwan ang Mazda nito. Akala nila magpapalit na agad dahil noon ay inirereklamo nito na dalawang tao lang ang pwedeng sumakay. "Hindi ko pa na nasabi sa inyo?" agad naging seryoso ang boses nito kaya napatingin din s'ya dito ng seryoso. "Ang tungkol saan?" kunot-noong tanong n'ya at bakas sa boses n'ya ang pagiging curious sa sinabi nito. Luminga-linga ang kaibigan sa paligid kaya maging s'ya ay ginawa din iyon. May kakarating lang na sasakyan pero wala namang mga taong pakalat-kalat at medyo malayo naman sila sa iba pang sasakyan. "Pinutol ni daddy ang allowance ko." Napatakip sa bibig si Yara sa narinig habang ang kaibigan ay nakangisi pa ito habang sinasabi iyon ng mahina na sapat lang para marinig n'ya. Magsasalita pa sana s'ya nang makarinig sila nang pag-busina kaya sabay silang napalingon at bumulaga sa kanila ang maingay sa kakabusinang sasakyan ni Denver. Itinuro ni Argel ang bakanteng bahagi sa may likuran ng sasakyan nito na agad namang sinunod ng kaibigan. Mabuti nalang ay magkakalapit ang mga sasakyan nila. "Bakit kasi hindi pwede na i-rent ang area dito ano? Mas maganda sana kung pwedeng i-rent para hindi magiging magulo, ang hirap ng 1St come first serve. Though, malawak naman pero kahit na, mas maganda tabi-tabi pag friends." Natatawang sambit ni Yara habang pinapanood ang sasakyan ni Denver na nagpa-park sa tinurong space ni Argel. "Ay true! Naisip ko din iyan tsaka minsan nakakaligaw dito, nakakalimutan ko kung saang parte ako nag-park! Parang gusto kong i-suggest sa committee iyan," maarteng sambit ng kaibigan kaya napa-face palm tuloy si Yara. "Ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa? Bakit parang seryoso kayo?" tanong ni Guia nang makalapit ito sa kanila at kasunod nito si Denver. Napalingon ulit si Yara kay Argel at naalala ang sinabi nito kanina. "Totoo iyong sinabi mo?" nanlalaki ang mga mata n'ya habang nakatingin sa kaibigan. Mahina itong natawa at tumango. "Teka, ano ba iyon? Wala kaming naiintindihan," sambit ni Denver na sinang-ayunan ni Guia. "Tinanong ko kasi si Gelo kung bakit hindi pa s'ya nagpapalit ng sasakyan. Ayan oh, iyong Mazda pa rin gamit n'ya." Itinuro ni Yara ang sasakyan ng kaibigan at sinundan din naman iyon ng dalawa. "Oo nga, bakit hindi ka nagpalit? Tinamad ka na bang magpalit ng sasakyan linggo-linggo? Nahirapan kang makahanap ng buyer n'yan? Ang mahal naman kasi n'yan bakla!" Napangiwi si Guia nang sabihin n'ya ang mga huling katagang iyon. "Hindi ah, tinatanong nga ako sa group kung bakit ilang linggo na akong walang binentang sasakyan. Sabi ko lang parang gusto ko kasi iyan eh, pero ang totoo n'yan, pinutol na ni daddy ang allowance ko kaya hindi na pwedeng waldas here, waldas there." Tumawa ito ng malakas sa sinabi habang sina Guia at Denver ay nanlaki ang mga mata sa narinig. Napatingin ang mga ito sa isa't-isa at maging kay Yara. Napa-pout si Yara at tumango para dito. "Seryoso talaga iyan? Sus! Iyon lang pala ang paraan para matuto ka nang maging masinop sa pera," nakangising saad ni Yara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD