Chapter 8

2967 Words
"Guys!" Napalingon si Guia nang marinig iyon kahit hindi naman n'ya alam kung sino ang tinawag pero nang makita n'ya ang pagtaas ng kamay ng professor nila na si Mr. Zoren Corpuz ay napahinto s'ya sa paglalakad. At dahil katabi n'ya si Yara ay napatingin ito sa kanya at sinundan ang tinitingnan ni Guia. Naglalakad papalapit sa kanila ang binatang professor habang may ngiti sa mga labi. Yara just found it kind off awkward or something for she always caught him looking at her or she's just overacting with his looks. Yeah, maybe she's just overacting. He always looked at Guia, Argel and Denver too — to all of them. How the heck she end up thinking he is only looking for her. *"OH MY GOD! Paano pumasok sa isip ko ang thought na iyon?"* tanong n'ya sa isip. "Good morning, sir," bati nilang apat ng sabay nang makalapit sa kanila ang binata. Pa-simpleng napatingin si Yara sa paligid nang hindi makatakas sa pandinig n'ya ang mga pag-ipit na kilig ng ilang kababaehan na nakatingin sa kaharap nila. "Good morning, guys," balik na pagbati nito sa kanila. Tumapat kay Yara ang mga mata ng professor kaya nabalik dito ang atensyon n'ya na kanina ay napunta sa mga babaeng kinikilig dito. "Ms. Formanes, I was looking for a summary lecture for the science 3 and I was advised to ask you, do you mind if I'll borrow your notes or do you still have it?" "Uhm, yes po, kaya lang sir hindi ko po dala today," magalang na pagsagot n'ya. Napangiti ang kaharap at tumango, "no worries, how about tomorrow?" saad nito na ikinatango n'ya. Wala na rin naman nang gamit iyon at nandoon lang sa library n'ya kung saan naka tambak lahat ng summary notes n'ya. Hindi na rin naman na bago sa kanya ang lapitan ng ilang professor para hiramin ang mga summary notes ng mga subjects na tapos na n'yang i-take. "Ay naku sir, hindi kayo nagkamali ng nilapitan, lahat mayroon ang kaibigan namin," biglang alaska ni Argel kaya napatingin silang lahat dito. Hindi iyon inasahan ni Yara kaya nanlaki ang mga mata n'ya habang nakatingin sa nakakalokong ngiti na mayroon ang kaibigan habang nakatingin sa kaharap nilang professor. "Yeah, everyone said that too. Sabi nila ay subukan ko raw sa inyong apat lalo na kay Ms. Formanes," sagot naman nito. "Hindi naman po lahat. Iyon lang pong mga subjects na gusto ko," pagsisinungaling n'ya dahil totoo ang sinabi ng kaibigan n'ya. Kahit sa mga minor subjects nila ay may nagawa s'yang summary notes. Sa ganoon n'ya kasi ginagawa ang pag re-review tuwing may exam sila. Mas natututo s'ya sa ganoon kaya sa simpleng pagbabasa lakanina Parang hindi yata naniwala ang professor sa sinabi n'ya dahil sa klase nang ngiting sumilay dito. "Really? Well, yeah. Thank you, Ms. Formanes, I'll give the note back once I'm done," saad nito kaya tumango si Yara. "We have to go now sir, we still have classes to attend," biglaang sambit ni Denver kaya nakuha n'ya ang atensyon ng mga kasama. Agad naman nataranta ang dalawang babaeng kasama at napatingin sa mga suot nilang relo at parehong nakahinga ng maluwag nang makitang may limang minuto pa naman sila at mga dalawa o tatlong minuto nalang naman ang layo nila mula sa classroom. "Yeah, sure. Thank you again, guys. Just give the note to me during our time of class, Ms. Formanes. See you around, guys." Kumaway ito at lumiko na sa kabilang hallway. Naroon siguro ang susunod na klase ng binata. "Hindi mo pa rin ba crush ang gwapong mukha na iyon?" pabulong na tanong sa ni Argel kay Yara nang magsimula na ulit silang maglakad para pumasok na sa classroom. "Ano ka ba! Ikaw ah, iyong sinabi mo kanina para mo akong binugaw bigla doon sa tao, may mga mga matang nakatingin sa atin," saway n'ya dito at sakto din sa pagpasok nila at dumiretso na sila sa upuan. "Bakit? Gusto mo ba iyong walang ibang tao? Iyon bang kayo lang dalawa?" nakangisi pa nitong tanong. "Nababaliw ka na naman bakla! Natural huwag mo na ulit gawin iyong ganoon, ang lakas pa ng boses mo baka isipin ng mga nakakarinig may gusto si Yara kay sir Corpuz or something," saway din ni Guia sa kaibigan. "E 'di mas maganda hindi ba? Para hindi na nila pagpantasyahan si sir kasi alam nilang wala silang laban sa isang Yara Formanes. Hello, s'ya kaya lagi ang standard ng mga babae. Dyosa ang ating kaibigan at parang Dyos din naman ang kagwapuhan ni sir Corpuz. My God! Naiimagine -------- aray naman!" singhal nito nang biglaang hampasin ni Guia ang ulo nito ng hawak nitong cattleya at kasabay noon ang pagtunog ng bell. "Kinakalawang na utak mo." Umamba pa ulit sa paghampas ang dalaga pero pumasok na ang professor nila kaya hindi natuloy ni Guia ang paghampas sa kaibigan sa ikalawang pagkakataon. "Bakit pururot ang isang iyan? May regla ba iyan?" pabulong na tanong ni Argel kay Yara. Bigla namang natawa si Yara sa tanong ng kaibigan, tiningnan n'ya ito ng masama pero tinaasan lang s'ya nito ng kilay na para bang inosenteng galawan. "Nag-almusal ka ba?" mahinang tanong ni Yara dito at inilipat ang paningin sa harapan nang magsalita ang prof nila at tinawag ang reporter nila sa araw na ito. Isa sa maraming dahilan kung bakit naging mas masipag mag-aral at mag review si Yara dahil sa reporting. Ang bawat salitang lumalabas sa mga reporters nila ay nababasa n'ya sa PowerPoint na pini-play ng mga ito sa harapan. Ilang buwan nalang ay magsisimula na ang thesis nila at internship hindi pwedeng petiks lang s'ya. She's claiming the highest latin honor and everyone is rooting for her too. Noong first year college pa lamang sila at nakita n'ya sa handbook ang nakakuha ng pinakamalaking marka sa university ay naging inspirado s'yang lagpasan ang markang iyon, nagawa n'ya na 'yon noong 3rd year s'ya kaya hindi pwedeng bababa ang grade n'ya ngayong last year na nila. "Nagkapagkape naman ako, kumain din ako ng carbonara nag-order ako online," sagot nito na para bang wala sa hulog. "Mamaya ka na magsalita Gelo, makinig ka muna," dinig ni Argel na sabi ni Denver kaya napalingon s'ya sa kaibigan at tinanguan s'ya nito. Napatingin din s'ya sa mga babaeng nasa likuran ng upuan nila na tumatawa habang nakatingin sa kanya. "Bakit kayo tumatawa?" inosenteng tanong n'ya sa mga ito. "Wala lang, nakakakilig lang kasi kayong apat. Bagay talaga si Guia at Denver tapos kayo din ni Yara." Naubo bigla si Argel sa narinig at mahinang natawa. Hindi na n'ya pinansin ang mga chismosa sa likod nila at umayos nang upo saka nakinig sa nagsasalita sa harapan. Kinagat ni Guia at Yara ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa dahil sa naging reaksyon ng kaibigan nila sa sinabi ng mga nasa likuran. "Lahat ng lumabas sa bibig mo, nabasa ko sa screen. Wala ba kayong explanation?" biglaang sabi ni Guia habang naka-upo lang sa upuan n'ya at diretsong nakatingin sa reporter na nakatayo sa harapan. Napatingin ang lahat sa kanila at lalong-lalo na kay Guia na walang ekspresyon sa mukha. Si Yara ay hindi inaalis ang paningin sa reporter at sa professor nila na walang ginawa kung hindi ang tumingin sa kaibigan n'ya at sa reporter. She's wondering if this professor knows her subject. Ito ang prof na lagi nilang naririnig na inirereklamo ng mga studyante eh. "Ms. Pascual, it's rude to interrupt when someone is explaining in front of the whole class, where is your manner?" pagalit na sambit ng professor bigla. "I'm sorry, Ms., but where is the knowledge of this class? Sana sinabi mo nalang self study, ganoon lang naman ang nangyayari dahil ang ginagawa ng reporter mo, binabasa lang naman ang laman ng slide n'ya. Mas masaya pa iyon, iyang ganyan nakaka-irita," palaban na sagot ni Guia. Inakbay ni Denver ang braso sa balikat ni Guia bilang simpleng pagsabi na kumalma ito. Kalmado lang naman talaga s'ya eh pero sadyang pranka lang din talaga ang dalaga, kaya nga sila magkasundo ni Yara eh. "I would never tolerate that kind of attitude in my class, Ms. Pascual. Alam kong matatalino kayo, pero wala kayong karapatan na mambastos ng taong nagsasalita sa harapan," matigas na sambit ng professor nila at nanlilisik ang mga mata nitong palipat-lipat ang tingin sa kanilang apat. "My vote goes to my friend, Guia. I'm sorry Ms., we're not being rude here but we're just so sick of your kind of class. Look, the reporter just read the entire paragraph. That is not necessary, they don't need to read that whole damn line, we can all read, their task for standing in front of us is to explain what was that 100 plus words tells about," singit naman ni Argel sa seryosong boses. Napatingin ang ilang kaklase kay Yara na para bang inaabangan ng mga ito na magsalita s'ya. Hindi n'ya tiningnan ang dalawang kaibigan, hindi n'ya inaalis ang paningin sa mga nakatayo sa harapan. Parang wala lang naman sa mga iyon ang mga sinabi ng kaibigan n'ya. Agad nagtayuan ang mga kaklase nila nang tumunog ang bell, ibig sabihin ay tapos na ang klase. Dito pa rin naman ang klase nila kaya hindi na sila nakigulo sa mga nagtayuan. Siguro ang ilan sa mga kaklase nila ay maglilipat lang ng classroom. Minor subjects lang naman kasi sila today. Naglakad palapit sa kanila ang professor nila at halata sa mukha nito na hindi ito natutuwa sa nangyari. "I don't like the way you approached the reporter earlier, Ms. Pascual and I also don't like the way of your reasoning, Mr. Santos," saad ng professor nila nang makalapit ito. "I'm not sorry about what I did and I what I said, Ms., if you are happy about your class then change your happiness. Your student is learning nothing about your class satisfaction," direstahang saad ni Guia at walang pagkurap na nakatingin din diretso sa mga mata ng professor. "Hindi ba kayo natatakot na baka maapektuhan ang grades ninyo sa akin dahil sa pinakita ninyong ugali?" at doon nagpintig ang tainga nina Yara at Denver. Sabay silang apat na napalingon dito. "You can't threaten us about that, alam mong tatanungin ka ng lahat kapag dadayain mo ang grades namin," sambit ng kanina pa tahimik na si Denver. Umiling lang ang professor at tinalikuran sila nang magdatingan na din ang ilang irregular students na nag enroll sa section nila. Ang iba sa mga ito ay ibang course ang kinuha. "Bakit ba bigla ka nalang sumabog?" Natatawang tanong ni Yara sa kaibigan na parang walang nangyari. Natawa din si Guia nang maalala kung paano bigla nalang lumabasa bibig n'ya ang sinasabi n'ya sa isip. "Sa isip ko lang dapat iyon eh," agad na lumipad ang kamay ni Argel at tumawid sa likuran ni Yara at naglanding sa ulo ni Guia para kaltokan ang kaibigan. Sabay-sabay silang natawa sa naging sagot ni Guia. "Hindi kaya totohanin ni Ms. ang sinabi n'yang baka maapektuhan ang grades ninyo?" biglaang singit ng babaeng nakaupo sa unahan ni Yara sa usapan nila. "Hindi n'ya gagawin iyon," nakangiting sagot ni Argel dito. "Bakit napaka daming chismosa sa paligid?" bulong n'ya kay Yara at sinisiguro na ang kaibigan lang ang makakarinig. Natapos ang klase nila sa buong araw nang hindi naging productive ang araw nila. Ito ang ayaw nila kapag minor subjects lang, hindi nacha-challenge ang mga mata at isip nila para mag focus dahil panay salita lang. Iyong mga prof nila hindi yata kilala ang salitang "activity" porket yata minor ang hawak ng mga iyon eh akala nila dapat petiks lang. Ang mahal ng tuition nila tapos ganoon lang. Pero sa buong buhay nilang nag-aral sa school nila ay ngayon lang sila naka encounter ng mga ganitong professor at hindi sila sanay. "Ang aga pa, alas tres palang ng hapon saan muna tayo?" Pagtatanong ni Guia. "Snack muna kaya tayo sa canteen tapos siguro mamayang mga 4:30 pm punta na tayo ng grocery store para mamili ng lulutuin dahil ipoposta ko ang baon ko ngayon, walang malulutong laman ang ref ng isang ito," pairap na sambit ni Yara at inituro gamit ang gitnang daliri ang kaibigan. "Hoy! Napaka bastos mo ah!" saway nito at tinampal ang kamay n'ya. "Ang boring pala pag palagi kang mabait 'no?" Natatawang sambit ni Yara. "Tara na nga sa canteen, nababaliw na kayong tatlo, ayokong mahawa kailangan nating maagapan ang pagkasira ninyo ng tuloyan." Hinawakan ni Denver ang magkabilaang braso nina Guia at Yara at hinila ang mga ito papunta sa canteen. Habang kumakain ay hindi nila namalayan ang oras at nanlaki ang mga mata ni Guia nang nakitang mag-aalas singko na. "Hoy! 5 na, ano ba yan!" Tumayo na ang dalaga at sinukbit ang bag sa balikat at ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan n'ya. "Sana hindi mabigat ang traffic papunta sa grocery," sabi ni Denver. "Doon nalang tayo mag grocery sa tapat ng building ko para hindi na tayo mapapalayo," sambit ni Argel na sinang-ayunan ng mga kaibigan. Sabay-sabay silang naglakad papunta sa parking area at habang papalapit sila sa mga sasakyan nila ay naningkit ang mga mata ni Yara nang makita ang lalake na nakatalikod at nakatayo malapit sa sasakyan na katabi ng sasakyan n'ya. "Is that, sir Corpuz?" Itinuro ni Guia ang lalake. Naka-jacket na ito at may suot na sombrero kaya medyo iba ang tinding mula sa likuran. "Yeah, I guess so," sagot ni Denver. Luminga ang lalake at napatingin ito sa kanila. Agad na sumilay ang ngiti nito sa mukha at tinanggala ang suot na cap. "Oy sir, wala na po kayong klase?" pagtatanong ni Argel dito. "Wala na, kaninang 2 pm ang last class ko, kayo tapos na din ang klase?" tanong nito pabalik sa kanila. "Opo," simpleng sagot ni Yara. "Alright, drive safely, guys," paalala nito sa kanila at tanging ngiti lang ang sinagot ni Yara dito habang sina Guia at Denver ay ganoon din ang ginawa. Si Argel na walang-hiya ay sumaludo pa. "Kayo din po sir," saad pa nito. Nagkanya-kanya na sila sa pagpasok sa mga sasakyan nila at naunang lumabas ang sasakyan nina Denver at Guia sumunod naman si Yara at nasa likuran n'ya ang sasakyan ni Argel. Mga 15 minutes ay nandoon na sila sa tapat ng building ni Argel, nag text nalang si Yara sa ninang n'ya para sabihin na papunta na sila. Napatingin s'ya sa gilid nang biglang may bumusina at nag-overtake sa kanya at maging kay Denver. Iyon iyong sasakyan na nasa tabi ng sasakyan n'ya sa parking lot. Mukhang sagana sa pera din ang professor nila na iyon, bongga ang Ferrari. BMW naman ang dina-drive ni Denver at maging ni Yara. Ganito din ang sasakyan ni Argel bago iyon nagpalit ng Mazda pero may isa pang BMW iyon sa bahay ng parents n'ya kaya mas mahal ang mga sasakyan nito kaysa sa kanila dahil hindi lang naman isa o dalawa ang sasakyan noon. Mula sa direction nila ay kitang-kita na ang grocery store at maging ang building ni Argel. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating sila. Maliksing kumuha ng cart si Argel kaya napatingin sa kanya ang tatlong kasama. "Cart talaga? Gaano ba kadami ang bibilhin natin?" natatawang sabi ni Guia habang nakatingin sa nagtutulak ng cart na si Argel. "Oo no, malay mo maisipan ninyo akong ipag-grocery ng bath essentials and all," maarte sagot ng huli kaya unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga. "Akin na pambayad, ipagkukuha kita sa mga shelves ng mga kailangan mo sa banyo." Inilahad ni Guia ang palad sa kaibigan pero imbis na pera ang matanggap ay hampas ang nakuha n'ya. "Ang sakit noon! Ang kapal ng kalyo mo, bakla!" singhal ni Guia sa kaibigan. Nagkatinginan silang dalawa nang mapansin nilang nawala na ang dalawa nilang kasama. "Mga walanghiya ang mga iyon, nasaan na ba iyon?" natatawang tanong ni Argel saka luminga-linga sa paligid. Agad nakita ni Guia ang mga kaibigan sa seafood section kaya nilapitan n'ya ang mga ito. Akmang kakalabitin n'ya ang katabing si Argel pero busy ito sa paglingon sa paligid na tingin n'ya ay hinahanap din sina Yara at Denver. Hindi na s'ya nag-abalang kalabitin ito at iniwan ang kaibigan para puntahan ang dalawa. "Oh tapos na kayo? Nasaan si Gelo?" agad na tanong ni Yara sa kaibigan nang tumayo ito bigla sa tabi n'ya. "Ayon oh, iniwan ko," mahinang saad ni Guia at itinuro ang kaibigan nilang luminga-linga pa rin doon sa kung saan nila ito iniwan. "Hindi pa ba tayo nakikita ng isang iyon?" tanong ni Denver. Itinaas nito ang kamay para kumaway pero pinigilan iyon ni Guia kaya bumalik nalang ito sa pagtingin sa mga seafoods. "Ano bang gusto ninyong gawin sa shrimp and crabs?" tanong ni Yara habang naglalagay ng mga iyon sa maliit na basket. "Buttered," sagot ni Denver at sumang-ayun naman si Guia. "Napaka walanghiya ninyong tatlo!" sabay silang tatlo sa paglingon nang biglang may nagsalita sa likuran nila at sumalubong sa kanila ang nanlilisik na mga mata ni Argel. "Ano ba kasi ang ginagawa mo doon?" parang wala lang na tanong ni Yara at tuloy lang sa pamimili ng mga malalaking hipon. "Hinahanap ko kayo eh pero iba ang nahanap ko," sagot ng huli. "Sino?" si Denver ang nagtanong. "Si sir Corpuz, pareho pala kami ng building, ininvite ko s'ya for dinner, ayos lang ba?" Napatingin sa kanya ang mga kaibigan at halata sa mga mukha ng mga ito ang gulat sa sinabi n'ya. "Baliw bakit naman?" matigas na tanong ni Yara. "Nagtanong kasi s'ya kung bakit ko kayo kasama, ayon nasabi ko na mag-dinner tayo sa bahay ko, kaya sinabi ko lang din na kung wala s'yang lakad at kung hindi s'ya busy, pwede s'yang mag join sa atin. Tinanong n'ya kung okay lang daw ba sa 'yo, Yara baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD