Hindi mailayo ni Yara ang mga mata sa libro. Inilabas n'ya ito nang makaakyat s'ya sa kwarto n'ya. Sinubukan n'yang buklatin ang bawat pahina at nahinto na naman sa kung saan nakasulat ang pangalang Mariel Formanes.
She's trying hard and in the deepest part of her mind if she might have a lost or forgotten memory about writing this name with her own hand. Pero kahit anong piga n'ya sa ala-ala ay wala talaga. Hindi s'ya ang nagsulat nito.
Kapag ginaya ang sulat kamay ay makikita mo pa rin ang pinagkaiba pero ang isang ito ay parehong-pareho talaga sa sulat n'ya. Mula sa unang lapat ng ballpen sa papel hanggang sa pinakadulong letra ay ganoon na ganoon ang sulat n'ya.
Hindi pa rin dumarating ang ninang n'ya para maitanong dito kung may pagkakataon ba na narinig na nito ang pangalang Mariel Formanes. Pareho sila ng apelyido kaya kung kamag-anak man n'ya ito ay bakit hindi n'ya kilala?
*"At bakit ngayon ko lang nakita ang librong ito? Palagi kong magiging tanong iyan hangga't hindi ko nalalaman kung saan nanggaling ang isang 'to,"* sambit n'ya sa isip.
Hindi n'ya maintindihan kung bakit at paano napunta sa kwarto n'ya ang libro at kung bakit parang hinihigop nito ang atensyon n'ya para alamin ang mga sagot sa mga tanong na nasa isip n'ya. Her friends were somehow right, this books seems so creepy. Nagbabasa naman s'ya ng ilang paranormal stories pero ang librong ito parang may something.
Nag-angat si Yara ng tingin nang makarinig nang katok sa pinto. Binitawan n'ya ang libro at seryosong lumapit dito saka tinanggap ang pinapaakyat n'yang snack. Dahil maaga pa naman para sa dinner at hindi pa dumarating ang ninang n'ya ay kakain nalang muna s'ya nang cake bilang pantawid gutom.
Agad pumasok sa isip n'ya ang tanong ni Argel kanina sa sasakyan na hindi nasagot. Mabilis n'yang hinablot ang cellphone n'yang nakapatong sa mesa at nagsimulang tumawag sa group chat nilang apat. Panigurado na si Argel ang unang sasagot dahil sa kanilang apat ito ang pinaka walang ginagawa pagdating ng bahay.
Ika nga n'ya, alone is peace. Well, Yara couldn't agree more but she's also not denying the fact that alone is empty. She couldn't imagine living her life by herself that is why she's always thankful she had her ninang.
Practically speaking, money can buy you happiness — temporary happiness, those that loves by your eyes but not the one's that chosen by your heart. At alam n'yang iyon ang nararamdaman ng kaibigan nila. Masaya si Argel sa harap nilang lahat pero ito ang may pinakamabigat na pinapasan sa mga balikat n'ya.
Kasi kahit na nariyan silang tatlo nina Denver at Guia ay iba pa rin kapag tinanggap si Argel ng sarili n'yang pamilya. Yara knows the feeling of being literally no family though her ninang made sure she would feel that but she was there, she had that feeling before.
"Yara baby, bakit ka napatawag? Alam mo bang inistorbo mo 'ko?" agad na bungad ni Argel sa harap ng camera nang sagutin nito ang tawag. Napangiti si Yara dahil sa lahat ng video call nila ay palaging ito ang unang sumasagot.
"Sorry naman, pero hindi pa rin talaga ako nagkakamali, alam ko na ikaw na naman ang unang papasok sa video," nakangiting sambit ni Yara.
Agad nanlaki ang mga mata ni Argel nang ma-realize na silang dalawa pa nga lang ang nasa video chat, humaba ang nguso nito, "sabi ko pa naman noong huli nating video na ako na ang huling papasok. Bakit ba palaging pa-importante iyang mga matatagal mag-accept? Akala mo naman mga busy wala namang ginagawa sa buhay!" himutok nito.
"Ikaw lang ang walang ginagawa sa buhay bakla. Huwag ka ng mandamay!" agad na sabat ni Guia nang sumulpot agad ito sa camera at kasunod ay agad na nagpakita ang mukha ni Denver.
"Ano ba 'yan, 'di pa rin ba tapos ang bangayan para sa araw na 'to?" reklamo ni Denver. Si Guia na naghihiwa ng apple ay walang pakialam sa tanong ng kaibigan habang si Argel na nakaharap diretso sa camera ay nag kibit-balikat. Si Yara naman ay kumakain ng cake na pinadala n'ya kanina.
"Pinaglihi siguro talaga iyang maldita na Guia sa mga kontrabida, kumakati ang pwet kapag 'di ako nababara," maarteng sumbong ni Argel nang walang nagsalita pagkatapos magtanong ni Denver.
"Walang pinaglihian si mama noong buntis s'ya sa akin, bakla," sagot ni Guia habang may nakakalokong ngiti sa labi, "pero may pinagmanahan ako."
"Oh 'wag n'yo na akong isali ngayon. Tumawag ako dahil hindi natin napag-planuhan kung saan tayo mag di-dinner tomorrow," sambit ni Yara habang ngumunguya ng cake.
"First of all, what are you eating, Yara baby?" kunot noong tanong ni Argel sa kanya. Sinulyapan n'ya ang platito na may lamang cake at inangat n'ya ito saka pinakita sa camera.
"Woooh, iyan iyong cake na kinain natin d'yan noong nakaraan! Gusto ko sanang itanong kay tita Alicia kung saan nabibili ang cake na iyan or kung anong pangalan ng store, sobrang sarap n'yan!" nakangusong saad ni Guia, nanlaki pa ang mga mata nito nang makita ang laman ng platito n'ya.
"I'll ask ninang later for you," nakangiting saad ni Yara kaya nag thumbs-up abg kaibigan.
"Libre mo nalang ako, Gyaya," simpleng sabi ni Argel na nagpangiwi sa kaibigang si Guia.
"Bakit ba wala na akong tiwala na kapag nagsimula na kayong magsalita, Guia and Argel, wala na akong tiwala na magkakaroon pa ng katahimikan." Ginulo ni Denver ang sariling buhok saka matutulis ang mga matang humarap ulit sa camera.
Agad nagtawanan ang tatlong kaibigan sa tinuran n'ya na s'yang sinang-ayunan naman ni Yara.
"Eh kasi hindi ko alam kung bakit parang nitong mga nakaraang araw hindi matigil ang bunganga ng baklang iyan," sambit ni Guia.
Agad kumunot ang noo ni Argel na para bang hindi makapaniwala sa narinig.
"Hoy! Babae! Ikaw kaya bigla nalang sumasabat kapag may sinasabi ako! Huwag ka nga baka sabihin ko sa crush mo na crush mo s'ya," asar ni Argel na ipinanlaki ng mga mata ni Guia. Bigla itong nataranta kaya nawala ang kaninang nakakalokong ngiti sa mga labi.
"You have a crush, Guia?" seryosong pagtatanong ni Denver dito.
Tumikhim si Yara at maging si Argel habang si Guia ay nakabawi na mula sa pagkagulat sa narinig sa sinabi ng baklang kaibigan. Umikot ang mga mata nito bago sagutin ang tanong ni Denver.
"Duuh, I have thousands of crushes," mataray na sagot nito saka sumeryoso ang mukha.
"Well, yeah." Kibit-balikat na sagot pabalik ni Denver.
*"That would be better like that"* sambit nito sa isip. Mahinang natawa si Yara habang inuubos ang kakarampot nalang na natitirang cake at orange juice sa baso n'ya.
"So, do we have a schedule dinner tomorrow?" pagtatanong ni Yara sa mga kaibigan. Si Argel na hindi marunong magluto at walang kasama sa bahay ang s'yang nay pinakamalakas na sagot na "yes" at napahampas pa ng unan sa kama n'ya.
"Wala ka na namang malamon kapag wala tayong schedule?" pambabara ni Denver sa kaibigan.
"Alam mo, Gelo, dapat mag enroll ka na sa cooking class." Natatawang sambit naman ni Yara.
Tumingin si Argel sa screen na may mukha ng kaibigang si Guia at hinihintay itong magsalita. Binilangan n'ya ito sa isip pero naka sampung segundo na ay wala pa rin itong dinagdag sa pambabara ninang Denver at Yara.
"Ikaw Guia, wala kang sasabihin? Huwag ka nang mahiya, makapal naman iyang mukha mo eh," mataray na sambit n'ya pero imbis na magsalita ay tumawa lang ng malakas ang kaibigan kaya laglag ang balikat pati panga n'ya.
"Alam mo bakla, gusto ko sanang manahimik nalang at hindi na gatungan ang sinasabi nilang dalawa pero na realize ko rin na kulang pala ng spice kapag walang galing sa akin, 'di ba ramdam mo din?" malakas na humalakhak si Guia nang makita kung paano sumimangot ng husto ang mukha ng kaibigan.
"Oh sige na, baka bukas na naman matapos iyan eh, nagsalita na si Guia," sabay-sabay na tumango ang tatlo sa sinabi ni Yara.
Ito lang din ang gusto n'ya sa mga kaibigan, hindi nawawala ang pagiging sira-ulo pero kapag nagseryoso, hindi mo rin makikitaan nang bakas ng pagiging sira-ulo.
Well, the four of them are part of the cream of crop since then. They will be getting latin honors in graduation and they're claiming it — they're claiming that. They were lowkey famous in their school and they agreed what their new professor said that some of his students knew about them specially, Yara.
"Dito nalang sa unit ko, dito nalang tayo mag dinner, magluto nalang kayo G and Yara," Argel suggests and that seems serious. G lang ang tawag nila kay Guia kapag seryoso nila itong kinakausap, binabagsag naman nila ang pangalang Guia kapag alam nalang lilihis ang usapan sa pagiging comedy.
"Ayos lang naman. I'm also thinking about convincing ninang to let me drive myself. Nabubulok na ang sasakyan ko sa garahe," nakangiting sabi ni Yara.
Agad sumilay ang malalaking ngiti sa mga mukha ng kaibigan n'ya ng sabihin iyon. Alam ng mga ito na matagal na n'yang gustong maging independent, at isa na doon ang pagtanggal ng personal driver n'ya.
"That's good news! Nakausap mo na ba si Papa? Pero naku, Ya, wala pang balak mag retire iyon eh," mahinang sambit ni Guia.
"Hindi naman kailangang mag retire ng Papa mo. Wala na rin kasing personal driver si ninang so naisip ko na si Kuya Joseph nalang mag drive para kay ninang. Kaya ko naman na ang sarili ko at para hindi na rin kami kailangang ihatid ni Denver, kami ni Gelo," nakangising sambit ni Yara. Gelo ang palayaw ni Argel pero minsan lang nila ito gamitin.
"Napakalalaki naman ng Gelo, Yara baby," reklamo naman ng huli. Iyan palagi ang reklamo n'ya sa tuwing tinatawag nila itong Gelo pero parang mas magandang pakinggan iyon.
"Parang mas simple at mas magandang pakinggan ang Gelo. Nickname mo naman kaya simula ngayon iyan na ang itatawag ko sa iyo." Kibit-balikat sa sambit ni Yara.
"Whatever, I like Gel or Argel that sounds smooth," maarteng pag-argue ng kaibigan.
"So convoy nalang tayo tomorrow papunta sa unit ni Argel? Are you gonna be bringing your car, Gel?" Pagtatanong ni Denver sa kaibigan na nag-iinarte.
"Yes! I miss my car na as well," sagot nito at lumiwanag ang mukha.
"Magpapahatid nalang ako kay Luis sa school bukas ng umaga tapos sasabay nalang ako sa isa sa inyo papunta sa unit ni Gelo." Tumango-tangong sagot naman ni Guia pero agad iyon kinontra ni Yara.
"No! Susunduin mo si Guia hindi ba, Denver?" kunwari'y pagtatanong n'ya sa binata pero nang kumunot ang noo nito ay pasimpleng tinaas baba ni Yara ang kilay para makuha ng binata ang gusto n'yang sabihin.
"Uhm, ye-yeah. Sunduin nalang kita bukas G, para hindi ka na magpahatid kay Luis baka awayin ka na naman ng kapatid mo kapag na-late s'ya," nakangiting sagot ni Denver.
"Everything sounds plan," Argel cheered kaya lumapad ang ngiti ni Yara pero napa-smirk s'ya nang makitang clueless si Guia sa ginagawa n'ya habang si Denver ay mukhang naintindihan naman dahil bigla itong nag send ng private message sa kanya.
Denver : the heck?
Mahina s'yang natawa at hindi nalang iyon nireplyan. Kinindatan n'ya ang kaibigan sa screen kung saan kompleto pa silang apat.
"Well, Yara always had everything planned a day before," sang-ayon ni Denver sa sinabi ni Argel.
"May naisip na akong pwede nating dinner bukas guys," sambit ni Argel kaya ang tatlo ay sabay-sabay na kumaway bilang pagpapatigil sa kaibigan at huwag nitong ituloy ang binabalak na sabihin. "Ayaw n'yong marinig ang mga food suggestions ko?"
"Kami na ni Yara ang bahala n'yan kaya na namin 'yan," agad na sagot ni Guia sa kaibigan.
"Paano kung 'di ko type ang mapili ninyong menu?" pagtatanong pa nito.
"E 'di huwag kang kumain," pambabara ni Yara sa kaibigan kaya napatawa na naman ang mga kaibigan maliban syempre kay Argel na parang hindi pa qouta sa natanggap na pambabara ng mga kaibigan sa buong araw na magkasama sila.
"Napakataray mo ah," pagbawi naman ng huli.
"Para naman kasing may mga pagkain kang hindi mo type. Wala ka namang pinipili, lahat naman nilalamon mo," sambit ni Yara at umirap pa.
"Agree! Hinihintay ko nalang talaga kung kailan ka lulubo para pag mag swimming tayo may makakapitan ako," dagdag asar pa ni Guia sa kaibigan.
"Ay iyan ang pinaka impossible na mangyari sa mundo, Gyaya. Aminin mo nalang na mas maganda ang katawan ko kaysa sa 'yo," sagot naman ni Argel nang may nakakalokong ngisi sa mga labi.
Indeed he is sexy! Kaya nga itinigil na nalang magkakaibigan ang paglaro sa laro nitong ililibre nila ito kapag nakapag pa-oo ng babae na makipag date sa kanya. Kung hindi lang alam nina Yara at Guia ang totoong kulay ng kaibigan ay aminado din naman sila na baka isa din sila sa mga babaeng napapalingon dito kapag dumadaan ito.
Argel and Denver are looking damn expensive! Not just because they're wearing expensive clothes and all but because they're aura are shouting millions.
"Okay, pero may matres ako ikaw wala," humalakhak silang apat sa sinabi ni Guia. They honestly didn't expect that.
"Bahala na nga kayo, leave na ako guys. I heard a honk in the garage maybe ninang is finally home," paalam ni Yara saka kumaway sa mga kaibigan sa screen bago pinatay ang tawag.
Kita mula sa bintana ng kwarto n'ya ang mga sasakyan sa garahe kaya sinilip n'ya mula dito kung kaninong sasakyan ang dumating. Although, there's no other car coming in their place for they don't have anyone to come over.
Napangiti s'ya nang hindi s'ya nagkamali. Ninang n'ya ang dumating at bumaba ng sasakyan bago ito dalhin ng kuya Joseph n'ya sa sariling bahay for convenient.
Niligpit n'ya ang pinagkainan ng cake at ininuman ng juice saka ipinatong sa tray at binitbit ito palabas ng kwarto n'ya at pababa ng hagdan at dinala sa kusina at inilagay sa lababo.
"Ms.Yara huwag na po ninyong hugasan, ako na po ang bahala riyan," agad na dalo ng kasama nila sa bahay kaya hindi na s'ya nagpumilit at binitawan na ang mga iyon.
Lumabas s'ya ng kusina para salubongin ang ninang n'ya at sakto ang paglabas n'ya dahil paakyat palang ito ng hagdan.
"Hi, ninang. How's your day?" pagbati n'ya dito at humalik sa pisngi.
Malapad ang ngiting ibinigay sa kanya ng ninang n'ya nang tumingin ito sa kanya.
"Had a little emergency but everything went smoothly. How about you? How's school?"
Naalala n'ya kung ano ang tinutukoy nitong "little emergency" and of course it would surely goes smooth. She knows her ninang well and her ninang would never allow things get broken or falling.
"Ayos lang din po, as usual, school is kind off fun and challenging at the same time but all good," sagot n'ya dito at nakangiting tumango ang ninang n'ya.
Sinabayan n'ya ang mga hakbang nito paakyat ng hagdan.
"I expected that answer. I know you love school like how much I hate it before."
"Ninang, may tanong po ako," paninimula ni Yara sa dahilan kung bakit hinihintay n'yang dumating ang ninang n'ya.
"Yeah? Tungkol saan?"
"May kilala po ba kayong kamag-anak ni daddy?" Napatigil sa paglalakad ang ninang niya at sakto na nasa tapat sila ng pinto ng kwarto nito. Kumunot ang noo ng ninang n'yang nakatingin sa kanya.
"Kamag-anak? Wala akong kilala na kamag-anak ng daddy or kahit ng mommy mo," sagot naman nito habang magkasalubong pa rin ang mga kilay dahil sa pagtataka kung bakit bigla n'yang naitanong ang bagay na iyon.
"So hindi po ninyo kilala sino si Mariel Formanes?" pagtatanong n'ya ulit.
Umiling ang ninang n'ya at basang-basa n'ya sa mga nata nito ang pag-iisip patungkol sa pangalang nabanggit n'ya.
"I never heard that name before. Bakit? May nagpakilala ba sa 'yo na kamag-anak ng parents mo? Are they harassing you?" agad na lumabas sa boses nito ang biglaang pag-alala at hinawakan pa s'ya sa magkabilaang balikat.
"Naku, wala po. Nakita ko lang kasi ang pangalan na Mariel Formanes nakasulat sa old book ko, naisip ko lang na baka kamag-anak ni daddy dahil pareho kami ng surname," paliwanag n'ya dito pero mukhang hindi ata naniwala ang ninang n'ya.
"Parehong single child ang mommy at daddy mo eh kaya wala akong mahanap na kamag-anak, kapatid oh pinsan. Wala din namang nagpakilala noon kaya hinayaan ko nalang. Hindi ko naman sila kailangan, kaya ko namang ihatid sa huling hihimlayan ang mga magulang mo," mahabang litanya ng ninang n'ya kaya tumango s'ya.
Iyan din ang alam n'ya. Wala din talaga s'yang natatandaan na kahit isang kamag-anak. Wala s'yang nakilalang lolo at lola, tita at tito, wala s'yang ganoon. Hindi n'ya tuloy malaman kung paano malalaman kung sino ba si Mariel Formanes at kung bakit ito nakasulat sa libro.
Hindi n'ya pa nga rin masagot-sagot ang sariling tanong kung saan galing ang libro at kung bakit parang ibang klase ang pagiging interesante n'ya dito. Bakit parang tinatawag s'ya ng libro para alamin at basahin ang laman nito.
"Ganoon po ba?" mahinang saad nya, "kaya pala hindi ko rin po mahanap sa ala-ala ko kung may nakilala na ba akong Mariel Formanes noong bata pa ako dahil wala pala talagang nakakilala sa kanya. Nagtataka lang po kasi ako kung bakit pareho kami ng surname."
"Why? Is there something that bothers you about that name?" Pagtatanong nito kaya napatingin s'ya sa mga mata nito.
"Wala naman po, nagtataka lang ako kung bakit parehas kami ng surname kaya ko naisip na baka kamag-anak ni daddy. Kalimutan na po ninyo ang tungkol sa tanong ko ninang," sagot n'ya.
"O-okay, I'll go inside now, I'll just change and let's have dinner in 8," saad ng ninang n'ya at akmang papasok na ito sa loob ng kwarto nang hawakan n'ya ang kamay nito kaya napahinto.