Chapter 14

2976 Words
"The person that as smart as you are usually the hard ones to talk to, but you are different. Palagi kang nagbibigay nang kakaibang impression sa lahat, Yara," saad ng binata habang diretsong nakatingin sa mga mata n'ya. Hindi s'ya komportable sa klase ng tingin nito sa kan'ya bahagya s'yang yumuko at ngumiti ng hilaw. "Stop telling me such words. I don't like that," diretso n'yang saad. Nanlaki ang mga mata nito na para bang napahiya dahil sa sinabi n'ya. Hindi yata nito inasahan ang naging reaksyon n'ya. "Oh geez, I'm sorry. I didn't mean to sound like or make our conversation awkward. I'm just a fan of yours, palagi kong pinapangarap na sana mayroon din ako ng katalinuhan na kagaya ng sa 'yo," sambit nito kaya tumango nalang s'ya. "Nagkataon lang din siguro na ang mga taong nakapaligid sa akin ay iyong mga taong kasabay kong nag-aaral. Again, I'm not smart, mahilig lang akong magbasa at gusto ko lang nang natututo ako," sagot naman n'ya dito. Pa simple s'yang tumingin sa suot na relo at napansin n'ya ang pagsunod ng binata ng tingin sa galaw ng mga mata n'ya. "Sorry, kailangan ko na palang umalis. Hindi ako nakapag-paalam na matatagalan ako, thank you for helping me finding the book. I'll just try some other bookstore soon, and thank you for the coffee," pasasalamat n'ya dito saka tumayo. "My pleasure, kapag maghahanap ka ulit noong libro, sabihan mo ako. Kung hindi ako busy, sasamahan kitang maghanap at kapag ako naman ang mapapadaan sa mga bookstore, maybe I can look the book for you," ani nito kaya mahina lang s'yang natawa. Napatawa si Yara sa isip sa sinabi nito. Medyo nape-preskohan s'ya sa galaw ng isang ito eh. Oo nga at hindi s'ya nakikipaglokohan pero hindi naman s'ya tanga, salamat sa kadaldalan ng kaibigan n'yang si Argel. "Thank you pero hindi na kailangan. Magpapasama nalang siguro ako sa mga kaibigan ko, nagkataon lang kasi na umuwi na sila kaya hindi nila ako nasamahan," magalang na sagot n'ya dito. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi n'ya. "You mean, Guia, Argel and Denver, sila ang mga kaibigan mo hindi ba?" Nakalabas na sila ng coffee shop kaya nilakihan n'ya ang mga hakbang para makarating na kaagad sa parking lot kung saan n'ya pinark ang sasakyan n'ya. Medyo may kalayoan pa iyon. Bigla tuloy s'yang nagsisi na sumama pa s'ya sa pag-aya nitong magkape. Bakit naman kasi ito biglang tumulong sa kanya, ayon tuloy bigla s'yang naging obligadong umu-o sa alok nito para naman hindi s'ya kainin ng konsensya n'ya, Kainis! "Ahm, oo sila, kasama ko sila noon sa seminar, doon mo din ba sila nakilala or nakita mo na rin sila somewhere?" pagtatanong n'ya. Lumawak ang ngiti nito kaya napangiwi s'ya. Gwapo naman eh, itong ganitong klase nang mukha ang tinitilian sa showbiz, mga ganitong mukha ang nagpapalingon ng mga babae kaya bukod sa presensya nito ay naaasiwa na rin s'ya sa mga paglingon ng mga babae dito. Baka isipin ng ilan dito na boyfriend n'ya ito. Oh no! "Nakita ko si Denver pero isang beses lang, natatandaan ko lang din s'ya dahil nakita ko sila noon na kasama mo sa seminar," nakangiting sagot nito sa kanya. Tipid na ngumiti si Yara at halos magdiwang ang kalooban n'ya nang makita na sa hindi kalayuan ang sasakyan n'ya. Sa wakas. "Ganoon ba? Sige, I have to go now. Thank you for the coffee," sambit n'ya dito. Tatalikod na sana s'ya nang bigla nitong hawakan ang siko n'ya kaya napahinto s'ya at napalingon dito. Lihim s'yang napanhinga ng malalim sa ginawa nito pero ayaw naman n'yang gumawa ng eksena kaya binigyan n'ya ito ng tipid na ngiti at binawi ang braso n'ya. "Oh. Sorry, I just want to offer you a ride," nahalata nito ang naging reaksyon n'ya kaya biglang naging awkward ang tunog nito. "Thank you for that kind offer, Jeffrey. But you don't have to, I have my car right there." Itinuro n'ya ang sasakyan na kitang-kita sa pwesto nila. Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya, "damn! I didn't know you drive such luxury car. Nahiya naman ako sa 'yo," sambit nito. Wala nang ibang gustong sabihin si Yara dahil pakiramdam n'ya kapag pinatulan pa n'ya ang mga sinasabi nito ay hahaba lang ang conversation nila at baka matagalan pa s'yang makaalis. Wala naman din dito ang kailangan n'ya kaya gusto na n'yang makauwi. "I have to go, thank you for helping me and thanks for the coffee," hindi na n'ya ito hinintay pang may sabihin at tumalikod na s'ya kaagad. Hindi n'ya na rin ito inabala pang lingonin, tuloy-tuloy ang paglakad n'ya palapit sa nakaparada n'yang sasakyan at agad na pumasok sa loob. Napabuntong hininga ang dalaga nang makita n'yang nakatingin ito sa kanya. "Tama lang din talaga na hindi ako lumingon," sambit n'ya sa sarili saka binuhay ang makina ng sasakyan at agad na n'yang nilisan ang lugar. Bahala na ito kung isipin nito na mataray s'ya oh ano man, bigla kasi talaga s'yang hindi naging komportable dito. Napatingin si Yara sa cellphone n'yang nakapatong sa shotgun seat kasama ang bag n'ya at isang libro, ang libro na hiniram n'ya kanina sa library. Nakita n'ya ang pangalan nang ninang n'ya sa caller ID kaya agad n'ya itong inabot ang sinagot ang tawag. "Yes, ninang?" mahinahon na sambit n'ya dito. ("Hello, hija, where are you?") tanong nito sa kanya mula sa kabilang linya. "On my home, ninang. Are you home now?" pagtatanong n'ya. ("Not yet, I will be home late. Tumawag ako para sabihin sa iyo na huwag mo na akong hintayin for dinner. I have an immediate dinner meeting,") sagot nito sa tanong n'ya. Tumango-tango ang dalaga habang diretso sa daan ang mga mata n'ya at busy naman sa manibela ang mga kamay. "Alright, you take care ninang," napatingin s'ya sa cellphone nang agad na ibinaba nang ninang n'ya ang tawag. Mahina s'yang natawa dahil ganoon pa rin ang trato nito sa kanya. Hindi ito nagbago, kahit na minsan ay pagod ito ay hindi s'ya nito nakakalimutan at alam n'ya kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala nito sa kanya. Nang makauwi ay dumiretso si Yara sa library saka kinuha ang libro na hindi n'ya alam kung kanino at kung saan galing. Kumunot ang noo n'ya nang wala s'yang makita na pangalan ng kung sino ang nagsulat nito. "Kailan pa nagkaroon ng libro na walang pangalan ng may-akda? Seriously?" Mabilis na binusisi n'ya ang bawat pahina at wala talaga s'yang nakitang pangalan ng manunulat nito. Agad s'yang tumakbo sa kwarto n'ya para kunin ang laptop at nagsimulang magtipa. Sinubukan n'yang i-search ang title ng libro pero walang lumalabas sa internet. "Hindi ba dapat ay hindi ko na iniisip ang tungkol sa librong ito, pero bakit ayaw mong mawala sa isip ko? Ano bang mayroon sa librong walang pangalan ng kung sino ang author? Kainis!" Naiinis na sambit ni Yara at sinimulang basahin ang mga nakasulat sa unang pahina pero isinara n'ya rin ito nang mapansin na hindi ito English oh Tagalog. Hindi n'ya alam kung anong salita ito pero sumasakit ang ulo n'ya nang makita ang mga ito kaya ibinalik n'ya ang libro sa kung saan n'ya iyon kinuha. "Hindi rin Arabic ang mga letrang iyon. Sasayangin ko lang ang oras ko doon!" Binitbit n'ya ang laptop saka umalis sa lugar, pero napahinto rin s'ya nang biglang pumasok sa isip n'ya kung paano n'ya iyon nakita. Nilingon ng dalaga ang pinaglagyan ng libro, "pero paano ka nga ba napunta sa kwarto ko, hindi kita babasahin dahil hindi naman kita maiintindihan kaya impossible na dadalhin kita sa loob ng kwarto at ilalagay sa closet area," aniya na para bang kinakausap ang libro mula sa kinatatayuan n'ya. "Ms. Yara." Napalingon si Yara nang marinig ang pagtawag ng kasambahay nila sa pangalan n'ya. Kumurap s'ya ng ilang beses bago sumagot dito, "ano 'yon?" "Kakain na po ba kayo? Luto na po ang pagkain," sambit nito kaya tumango s'ya. Busog pa naman s'ya pero parang gusto nalang n'yang kumain. "Sige po, pahanda nalang ako ng table, bababa na ako," sagot n'ya at dumiretso na nga sa kwarto n'ya para ibalik ang kinuha n'yang laptop. Hindi na nga yata s'ya tatantanan ng librong iyon. Bigla-bigla nalang kasing sumusulpot iyon sa isip n'ya. Bakit naman kasi n'ya inabala ang sarili para lang malaman kung saan at kanino galing ang libro na iyon. Kahit kailan naman hindi s'ya naging ganoon sa ibang libro n'ya. Pero kasi sa lahat ng libro na nakita, nabasa at mayroon s'ya, hindi naman kasing weird ng librong ito. Iniling ni Yara ang sarili saka inayos ang buhok bago bumaba para kumain. Napasulyap s'ya sa malaking nakasabit na orasan sa dulo ng hallway sa taas ng bahay nila. "Ang bilis naman ng oras, alas-syete na kaagad ng gabi? Parang maliwanag pa iyon noong makauwi ako ah," aniya habang naglalakad pababa ng hagdan. Nang makarating s'ya sa lamesa ay nakita n'ya na kaagad ang nakahandang pagkain. Napangiti si Yara nang makita ang gulay. She really loves veges. "Ano po ang gusto ninyong inumin, Ms. Yara?" pagtatanong ng tagaluto nila. Nakasanayan na ng mga ito ang pagtatanong sa kanila para hindi masayang ang kung ano mang ilapag ng mga ito sa mesa pero hindi naman magagalaw. "Iced tea nalang po please, salamat. Kumain na po ba kayo?" sagot n'ya dito sabay pagtatanong. "Mamaya pa po kami kakain, Ms. Yara, hinihintay nalang po namin si Gina na matapos sa ginagawa n'ya para po sabay-sabay na kami," sagot nito. Napatingin si Yara dito at napatigil sa pagnguya. "Sumabay nalang po kayo sa akin, wala akong kasama," sambit n'ya pero ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya. "Hindi na po, kami na lang po magsasabay na kumain, Ms. Yara. Wala pa rin naman po si ma'am Alicia baka hihintayin nalang din po namin," sagot nito kaya agad na naalala ni Yara ang tawag sa kanya ng ninang n'ya. "Hindi ba tumawag si ninang dito kanina?" tanong n'ya dahil mukhang hindi alam ng mga ito na hindi dito maghahapunan ang ninang n'ya. Tumingin sa kanya ang kasambahay at umiling pagkatapos nitong ilapag ang baso n'ya na may lamang iced tea. "Hindi naman po," sagot nito. Nanlaki ang mga mata ni Yara sa narinig. Agad n'yang kinuha ang baso saka uminom sabay nilunok ang pagkain na nasa bibig n'ya. "Naku, sorry. Akala ko po tumawag si ninang dito, nakalimutan ko tuloy sabihin. Hindi na po dito kakain si ninang ng dinner, may meeting kasi s'ya kaya huwag na ninyo s'yang hintayin dahil baka late na daw s'yang makakauwi," saad n'ya kaya agad na tumango ang babae. "Ganoon po ba, sige po, ilagay nalang po namin sa ref ang pagkain pagkatapos po namin kumain," ani ng kasambahay nila kaya tumango nalang din si Yara. Aga na napaisip ang dalaga kung kamusta ang ninang n'ya. Nitong mga nakaraang araw ay parang napapadalas ang trabaho nitong inaabot ng madaling araw. Kapag kinakamusta n'ya naman ito ay ang sagot sa kanya ay palagi lang naman na walang problema at ayos lang. Hindi rin ito nagpapakita sa kanya ng pagkapagod sa ginagawa. *"May problema kaya sa kompanya?"* tanong n'ya sa isip. Napatunganga ang dalaga sa harap ng hapag at napabuntong-hininga. "Sorry," sambit n'ya. Hihintayin nalang ulit n'ya ang ninang n'ya na mismo ang magsasabi sa kanya dahil kahit ilang beses n'ya itong tanungin sasagutin lang naman s'ya nito nang wala s'yang dapat ipag-alala. Nang matapos kumain ay tumayo na ang dalaga ay umakyat sa kwarto n'ya, agad itong naglabas ng ilang notes at ginawa ang mga kailangan sa school. Naalala naman n'ya ang naging eksena nila sa loob ng classroom. Alam n'ya na kahit walang sinabi ang bago nilang professor ay malaki ang inaasahan nito sa kanya at sa mga kaibigan n'ya kaya ito pumayag na gagawin nila ang proyekto nang magkakahiwalay. Mas maganda na iyong ganoon para iwas gulo, alam ni Yara na kapag nagkaroon sila ng mga kagrupo ay magugulo lang ang lahat. May i-ilan na hindi tumatanggap ng opinyon at minsan na s'yang nakarinig ng mga katagang "hindi porket ikaw ang pinakamatalino sa grupo ay pakiramdam mo na sagot mo lang ang tama" at ayaw n'ya nang marinig ang mga iyon. Hirap s'yang pigilan ang sarili para lang huwag makapagsalita sa mga ito. Napatigil si Yara nang mapansin sa gilid ng mga mata n'ya ang litrato nilang magkakaibigan na nakita nang professor nila sa notebook n'ya. "Kamusta na kaya si Argel, ayos lang kaya s'ya? Mukhang importante iyong tawag sa kanya ng daddy n'ya eh. Sana naman ngayon, hindi na s'ya pagbubuhatan ng kamay ng pamilya n'ya," napabuntong-hiningang sambit ni Yara sa sarili nang nakatuon ang mga mata sa kaibigan na si Argel. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at agad pinulot ang cellphone n'ya nang tumunog ito at lumabas ang pangalan ng kaibigan. "Nasa isip lang kita kanina ah," aniya bago sagutin ang tawag, "Gelo?" Hindi pa man ito nagsasalita ay narinig n'ya na ang mahina nitong paghikbi at pagsinghot. Napatuwid ng upo ang dalaga at napalunok nang maisip na umiiyak ang kaibigan. Sa kanilang apat, ito ang huling magpapakita oh ipaparinig sa kahit sino sa kanila ang pag-iyak. ("Yara baby.") Napakagat si Yara sa ibabang labi nang makumpirma na umiiyak nga ito. "Gelo, okay ka lang ba? Nasaan ka?" pinipilit n'yang huwag ipahalata sa boses ang nagbabadyang pagkabasag nito dahil sa pagsisimula n'yang lumuha. ("Si daddy, bakit ganoon sila? Bakit parang nakagawa ako ng krimen para itakwil nila ako nang ganoon?") Kumunot ang noo ni Yara nang mahimigan sa boses nang kaibigan na nakainom ito. Ramdam n'ya ang sakit sa boses nito. "Nasaan ka, Gelo?" pagtatanong niya dito. Itinuon n'ya ang pandinig dito at nagpapasalamat na wala s'yang kahit na anong ingay na narinig mula sa background nito. Ibig sabihin ay possible na nasa bahay lang ito at wala sa labas — oh kahit saang labas para uminom. ("Nandito ako sa labas ng bahay nyo,") nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig na sagot mula sa kabigan kaya agad s'yang napatayo at lumapit sa bintana ng kwarto n'ya. Hindi makapaniwalang napatingin s'ya sa labas at tama nga, naroon ito sa labas, maliwanag ang ilaw nang gate nila kaya kitang-kita n'ya ang kotse nitong nakaparada sa tapat. Nagmamadaling bumaba si Yara sa hagdan at nakita n'ya ang pagtataka sa mukha ng kasamabahay nilang nakakita sa kanya. "Ms. Yara may problema po ba? Bakit po kayo nagmamadali?" pagtatanong nito na kaagad nataranta. "Pakibukas naman po ng gate, please. Nasa labas po ang kaibigan ko, ipapasok n'ya po ang sasakyan n'ya. Salamat, ate," saad n'ya dito. Agad naman itong tumango nang walang pagtatanong at lumabas para ipagbukas nang gate ang kaibigan n'ya. "Ipasok mo ang sasakyan mo dito, Gelo," sambit niya nang makitang hindi pa pala napuputol ang tawag nito sa kanya. ("Thank you,") sagot nito at walang pasabing binaba ang tawag. Hinintay ni Yara na makapasok ang sasakyan ng kaibigan, gamit na nito ang BMW nitong may ilang buwan nang hindi ginamit. Ibig sabihin ay nanggaling ang isang ito sa bahay nang pamilya n'ya. Noong nakaraan dahil sa pagbabawal nang ama nitong pumasok s'ya sa pamamahay nito ay sa isang restaurant ito pinatawag. Hindi nga malabong seryoso ang pagpapatawag nito sa kanya. Agad n'yang ibinuka ang dalawang braso nang makitang bumaba na ito nang sasakyan. Hindi naman ito nag-alangan na yumakap sa kanya, agad n'yang naramdaman ang paghikbi nito sa balikat n'ya. "It's okay, it's okay. Let's go inside? Doon tayo mag-usap," aniya habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. Tumango ito at seryoso ang mukhang sumunod sa kanya papasok sa loob ng bahay. "Sir Argel, kumain na po kayo?" Napalingon silang pareho ni Argel nang marinig ang tanong na iyon ng tagaluto nila na tinatawag nilang ate Maica. "Pahanda nalang ng food for him, ate Maica, salamat," si Yara ang sumagot nang mapansin na parang wala sa maayos na mood ang kaibigan. This is not the usual Argel, he was bubbly and he would never take a second to answer if it's food. Pero simpleng sumulyap lang ito sa kasambahay nila at hindi man lang sumagot sa tanong na para bang hindi nito naintindihan ang tanong sa kanya. "He gave me an ultimatum," pagsisimulang sabi nito. "Ultimatum? Para saan?" kunot noong tanong ng dalaga. Nag-angat ito ng tingin at diretsong tumingin sa mga mata n'ya, "Yara, ikaw, si Denver at si Guia, alam n'yo kung ano ang tunay na ako pero hindi ninyo ako tinalikuran," sambit nito at kumislap ang mga mata dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak. "Dahil mahal ka namin kaya kahit ano ka pa, tanggap ka namin. Hindi kami kompleto kung wala ka, at isa pa, hindi naman importante kung ano at sino ka eh, ang importante ay kung anong klaseng tao ka," mahinahon na sagot n'ya dito. Hindi man nito diretsong sabihin ang gustong sabihin ay naintindihan naman ng dalaga ang gusto nitong iparating. Parang dinudurog ang puso n'ya habang tiningtingnan ang kaibigan na kahit kailan ay hindi n'ya nakitang ganito. "Pinapasok nila ako sa bahay para lang sabihin na bibigyan na lang nila ako ng isang buwan at kung hindi ako susunod sa gusto nila ay pati si Kela, hahayaan nilang mag-isa," may diin na sambit nito na ikinagulat n'ya. Binitawan n'ya ito at hindi makapaniwalang tiningnan n'ya ito sa mga mata. "What? What do you mean?" nagtatakang tanong n'ya dito. Si Kela ang bunsong kapatid ng kaibigan at nasa ibang bansa ito para doon mag-aral at mas bata ito sa kanila ng anim hanggang pitong taon. "Ni hindi nga nila ako kinamusta, hindi nila ako tinanong kung masaya ba ako, gusto kong sabihin sa kanya na masaya ako, nakakahinga na ako ng maluwag dahil tanggap ako ng mga taong nakaalam ng tunay kong pagkatao. Kaya lang, bago ko pa masabi ang mga iyon, nauna na n'yang sabihin na nasa mga kamay ko nakasalalay ang magiging buhay ni Kela."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD