"Ikaw ah," panunumbat ni Guia kay Argel na s'yang abala sa pagliligpit ng tini-take out into, "bantayan mo 'yang bibig mo. Kung ano-ano na lumalabas d'yan. Kapag ikaw narinig ng ibang tao baka isipin nila totoo 'yang sinasabi mo."
"Guia, ikaw nakapaka-kontrabida mo talaga. Ayaw mo ba noon, kung sakali man na totoo ang pakiramdam ko, magkaka-boyfriend na itong best friend natin, oh 'di ba masaya — aray! Ano ba!" singhal ni Argel nang agad s'yang pukpokin ni Yara ng libro sa ulo.
"Ikaw, kumain ka na hindi ba? Busog ka na nga eh, bakit parang kulang ka sa kain ha? Ayos lang ba utak mo? Ipapahamak mo pa ako." Natatawang sambit ni Yara habang tinitingnan ang kaibigan na hinihimas ang ulo dahil sa pagpalo n'ya dito.
Tumingin si Argel sa kaibigan na si Denver para humingi ng tulong pero pagtaas ng kilay lang ang natanggap ng huli. Agad na humaba ang nguso ni Argel na ikinangiwi ng dalawang babae.
"Bakit napaka-brutal ninyong dalawa? Yara baby, kailan ka pa naging ganyan? Alam ko si Guia matagal nang sira ang ulo, pero ikaw? Hindi ko matanggap," maarteng saad nito at umakto pang naiiyak at sumubsob sa mesa.
Napatingin si Yara sa dalawang kaibigan na sina Guia at Denver habang nagpipigil ng tawa. Tumango sa kanya si Guia at tumayo, agad n'yang nakuha ang ibig sabihin ng kaibigan kaya naman ay dahan-dahan s'yang tumayo at binitbit ang bag saka sumunod sa kaibigan at lumabas nang restaurant habang nag-iinarte pa ang kaibigan.
Halos 'di magkamayaw sa pagtawa silang tatlo nang makalabas na pero hindi pa rin namamalayan ni Argel na wala na s'yang kasama.
"Hindi ko alam kung paano natin naging kaibigan ang isang 'yon." Napahawak si Guia sa t'yan dahil sa sobrang pagtawa.
Si Denver naman ay umupo sa hood ng sasakyan n'ya habang walang tigil sa pagtawa. Diretso silang nakatingin sa loob ng restaurant kung saan kita sa transparent na salaming ding-ding ang kaibigan nilang si Argel na nakayuko pa rin sa mesa.
"Mabuti nalang at wala 'yang pakialam sa mga babae." Humahagikhik na sambit ni Denver at iginala ang mga mata sa mga babaeng nasa kanang bahagi ng table nila at nakangiting nakatingin sa nakayukong si Argel.
"Huwag n'yong tawagin, hintayin natin na ma-realize n'yang wala na s'yang kasama," sabi ni Guia saka inilabas ang cellphone at nagsimulang kuhanan ng video ang kaibigan sa loob kaya mas lalo pa silang natawa.
Napapahawak si Yara sa t'yan n'ya dahil sa pagtawa nang magsimulang magtawanan ang mga babae sa kabilang table dahilan para mag-angat ng ulo si Argel. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makitang wala na s'yang kasama sa lamesa nila. Agad n'yang inilibot ang paningin at hindi n'ya makita ang mga kaibigan kaya naman ay mabilis n'yang binitbit ang paper bag kung saan pinaglagyan ng pagkain na ite-take out n'ya at nagmadaling lumakad papunta sa pintuan.
Napahinto ang binata nang paglabas n'ya ay agad sumalubong sa paningin n'ya ang halos maglupasay na sa pagtawa n'yang mga kaibigan. Parehong hawak nina Guia at Yara ang mga t'yan habang nakatingin sa kanya. Si Denver ay napadapa sa hood ng sasakyan sa sobrang pagtawa.
Masama n'yang tiningnan ang mga ito at naglakad palapit sa mga babaeng naka-upo na sa sahig habang hindi pa rin tapos sa pagtawa.
"Ano?! Happy kayo? Mga walang-hiya kayo biglang tumambol ang puso ko sa 'di ko malaman kung kaba dahil iniwan ninyo ako oh hiya dahil nagtatawanan ang mga babae doon at nakatingin sa 'kin. Mga pisti kayo!" nangagalaiti nitong sabi at pinagkaltukan ang mga kaibigang dalaga habang si Denver ay mabilis na nakatakbo at pumasok sa driver's seat habang patuloy na tumatawa.
"Na-imagine mo n-na ba kung a-ano ang hit-hitsura mo doon?" nahihirapang sabi ni Guia sa gitna nang pagtawa.
Agad na tumulis ang mga mata ni Argel na napatingin sa humalakhak na si Guia na sinegundahan naman ni Yara.
"Napakasama ng mga ugali ninyo! Paano n'yo naatim na apihin ako nang ganoon?" madramang sambit ni Argel kaya napa-ikot sa hangin ang mga mata ng mga babae saka nakangiwing itinulak ni Guia ang ulo ng binata at diretsong pumasok sa sasakyan na pinaandar na ni Denver na ngayon ay nakabawi na sa pagtawa.
"Sa susunod 'wag ka nang mag-inarte ha baka naka-uwi na kami ikaw nasa restaurant pa." Natatawang sabi ni Yara kaya humaba ang nguso ni Argel at sumunod kay Yara sa pagpasok sa back seat.
May klase pa sila at mukhang malapit na maubos ang oras nila dahil sa ginawa nilang kalokohan. Agad namang naalala ni Yara ang ninang n'ya na tumawag kanina. Inilabas n'ya ang cellphone at seryosong tinawagan ang numero nang telepono nila sa bahay.
("Magandang araw po,") sagot ng kung sino nang mag ring ang telepono.
"Si Yara po ito, nariyan na po ba si ninang?" agad na tanong n'ya.
Napatingin sa kanya ang mga kaibigan at seryoso ang mga tingin nito na tila ba naghihintay rin nang sagot.
("Ms. Yara, kayo po pala. Opo, umakyat po sa taas ang ninang ninyo pero aalis din daw po s'ya kaagad kaya hindi na pinasok ang sasakyan sa garahe,") dinig n'yang sagot mula sa kabilang linya.
Tumango s'ya at nag thumbs-up sa mga kaibigan nang taasan s'ya nito nang mga ito ng kilay at gusto rin na malaman ang sagot sa tanong n'ya. She was nervous when her ninang called her and really sounds like in a rush but their scene with Argel kind off made her forgot it for a moment.
"Ano nga kaya ang nangyari? Bakit nawala ang phone ni tita Alicia?" pagtatanong ni Argel habang seryoso ang mukhang nakatingin sa cellphone nito.
"Hindi naman sinabi ni ninang. Mamaya ko nalang s'ya tatanungin, hindi noon sasabihin kapag nasa school pa ako, alam n'yo naman si Ninang," sagot ni Yara.
She knows her Ninang well, she knows how her ninang treasured her that kept everything that could ruin her mind. Lahat nang pwedeng magiging magpagulo sa isip n'ya ay pinipilit itago ng ninang n'ya sa kanya kaya hindi n'ya na rin nakasanayan ang pangungulit dito dahil kung gusto naman ng ninang n'ya na malaman ang mga bagay-bagay ay ito mismo ang magsasabi sa kanya. Hindi nito hihintayin na itanong oh sa iba n'ya pa malaman.
"Sa tingin ko naman hindi sobrang malaking problema or emergency kasi hindi naman tumawag si Papa," saad naman ni Guia habang may ngiting nakatingin kay Yara.
Ngumiti pabalik si Yara dahil tama si Guia. Kung malaking problema ay malamang tumawag na ang kuya Joseph n'ya na Papa ni Guia sa kanila. Pilit n'yang iwinaksi sa isip ang bagay na 'yon dahil nga may huling klase pa sila sa araw na ito at 'yon ang ayaw n'ya — ang magdala ng iisipin sa klase.
Naiwaglit man n'ya ang isipan sa ninang n'ya agad naman n'yang naalala ang libro nang makita n'ya ito sa bag n'ya. Hindi n'ya ito nakuha sa library ng school nila, hindi rin nanggaling sa mga kaibigan n'ya, hindi rin sa ninang n'ya at sigurado s'ya na hindi n'ya ito binili sa kung saan. Lahat ng librong binili n'ya ay may signature n'ya at ito wala. Pero ang nakapagtataka ay may sulat dito na sa tingin n'ya ay isang pangalan at sulat kamay n'ya.
"Tingin ko rin, or maybe tita Alicia just forgot where she did put her phone or maybe she left it at home and she thought she had it when she came in the office," sambit naman ni Denver habang nagmamaneho papasok sa gate ng school nila at papunta sa parking lot.
"Huwag na natin stress-sin ang mga sarili natin. Panigurado naman na okay lang ang lahat, nakakasira ng ganda ang pagiging stressed, my God!" maarteng sambit ni Argel at pinaypayan pa ang sarili gamit ang mga kamay.
"Hinahamon kitang umaktong ganyan sa corridor." Nakangising sabi ni Guia na agad ikinasira ng mukha ni Argel. Kinagat ng dalaga ang ibabang labi upang pigilan ang tawa n'yang nagbabadyang lumabas.
"Magkano?" mayabang at masungit na sambit ni Argel na ikinatawa na talaga nilang tatlo ng tuloyan.
"Napaka mukhang-pera mo talaga ano?" Natatawang sabi ni Yara sa pinitik ang tainga ng kaibigan.
"Masakit iyon!" reklamo ni Argel, "alam mo Yara baby, napapansin ko nagiging brutal ka na rin. Ano ang nangyayari sa 'yo? Hoy! Bruhang Guia! Anong pinakain mo kay Yara bakit naging ganito?"
"Tigilan mo na nga iyang kabaliwan mong bakla ka," singhal naman ni Guia dito. "Nakalimutan mo na agad na sa aming dalawa si Yara ang pinakamahilig mambara? Tahimik lang 'yan pero walang patawad 'yan pagnagsalita, mukhang tinakasan ka na ng utak mo ah, tuyo na ba?" dagdag alaska ni Guia sa kaibigan at diretsong lumabas ng sasakyan bago pa nakabawi si Argel na handang-handa na ring gumanti.
Napasulyap si Guia kay Denver na naiiling na nakatingin sa kakalabas lang din na si Argel kasunod ni Yara. Mahina s'yang natawa nang umismid ang binata at nang tingnan n'ya ang tinitingnan nitong si Argel ay agad nawala ang ngiti sa labi n'ya at agad napangiwi.
"Bakit ganyan na hitsura mo?" agad na tanong n'ya kay Argel na biglang tikasing lalake na ulit.
"Nagpalit na naman ng balat ang ahas," bulong na sambit ni Yara pero dahil sadyang nagiging malakas ang pandinig ni Argel ay hindi iyon nakatakas sa pandinig n'ya. Hinila n'ya ang buhok ni Yara na ikinatawa ng dalaga.
Nagsimula silang naglakad sa palabas ng parking lot at umakbay si Argel kay Yara at dahil alam ni Yara ang totoong pagkatao ng kaibigan ay hindi s'ya naiilang dito at hindi naman na bago sa kanya ang ganito.
"Napaka bastos ng bunganga mo ngayong araw ah. Siguro kinikilig ka sa sinabi ko na crush ka noong bago nating professor 'no?" pabulong na sambit ni Argel na ikinawala nang ngisi n'ya.
Tiningnan n'ya nang masama ang kaibigan dahil agad n'yang naalala kung paano nito pinagpilitan na palaging nakatingin sa kanya ang bago nilang prof. Hindi n'ya itatanggi ang magandang hitsura ng professor nila pero impossible ang sinasabi ng kaibigan n'ya kanina sa restaurant.
"Bigla na namang pumasok sa isip mo 'yan? Tigilan mo na nga 'yan, hindi mo nga kilala 'yong tao baka mamaya may asawa na 'yon, ma eskandalo pa 'ko dahil sa 'yo." Kinurot n'ya ang tagiliran ng kaibigan habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
Mahinang napatili ang kaibigan dahil sa pinong kurot pero agad din 'yong nakabawi at tumingin sa kanya ng nakakaloko.
"So." Inilagay ito ang kamay sa ibabang baba at umaktong nag-iisip pero sumisilay ang ngiting alam ni Yara na may naglalaro sa isip ng isang ito na hindi n'ya gugustuhing marinig.
Hinawakan n'ya ang kamay nitong nasa balikat n'ya at akmang tatanggalin ang pagkaka-akbay nito pero mas malakas ang kaibigan kaya hindi n'ya natanggal ang kamay into. Napatingin ito sa kanya at mahinang natawa. Lumingon s'ya sa tahimik na nauunang sina Guia at Denver at hindi rin naman nakatakas sa mga mata n'ya ang mga mata ng ilang studyante na nadadaanan nila.
Hindi s'ya sigurado kung kilala ba sila ng mga ito pero hindi rin malabo. Nakabalandra ang malaking tarpaulin na may mukha n'ya sa auditorium bilang pag-congratulate sa kanya noong nanalo s'ya sa academic show case at noong nakaraang taon pa 'yon.
Hindi iyon tatanggalin doon hanggat hindi malaman kung sino ang mananalo ngayong taon at kung mangagaling iyon sa school nila.
"So ano?" mahinang pagtatanong n'ya dito dahil talagang basang-basa n'ya sa hindi nabuburang ngiti nito ang nakakaloko nitong iniisip.
Mas lumapad ang ngiti nito sa mga labi at iniyuko ng kaunti ang ulo para pumantay sa kanya, "sinasabi mo ba na kung sakali single si sir, may chance na magiging boyfriend mo ---- aray putcha! Bakit naman may pagbatok?!" himutok nito saka inilagay ang kamay sa batok ang mahinang hinimas iyon. Humaba ang nguso nito panandalian pero tinanggal din.
"Ikaw nababaliw ka na! Ang dami na sigurong insekto d'yan sa ulo mo ano? Napakalawak ng imagination mo. " Naglakad nang mabilis si Yara at pumantay sa dalawang nauunang kaibigan. Napatingin sa kanya si Guia nang umangkla s'ya sa braso nito at sabay silang lumingon nang tawagin s'ya ni Argel na 'di makapaniwala ang mukha na iniwan n'ya ito.
She stuck her tongue in her friend and chuckled a little.
"Ano na naman ang nangyari sa isang 'yon?" pagtatanong ni Denver nang makapasok na silang tatlo sa classroom nila at si Argel ay nakasunod.
"Iwan ko sa isang 'yan kung saan-saan napupunta ang imahinasyon. Bigla ba namang naalala 'yong chismis n'ya doon kanina sa restaurant," saad n'ya na agad nagpatawa sa dalawa n'yang kasama.
"Napakalande talaga ng isang 'yan," Guia mumbled.
Katulad nang nakasanayan nalang arrangement sa upuan ay nasa kaliwa n'ya ang upuan ni Argel habang nasa kanan n'ya si Guia at nasa tabi nito si Denver. May kung ano-anong sinasabi ang katabing si Argel pero hindi n'ya ito iniintindi. Dumating ang professor nila at nagsimulang mag discuss.
Hindi natigil ang pangungulit ng kaibigan hanggang sa kalahati ng klase pero dahil hindi n'ya naman iyon pinansin at tahimik na seryosong nakikinig sa lecture ay kusa na rin 'yong tumigil. Hindi n'ya alam kung napansin ba 'yon ni Guia pero narinig n'ya ang mahinang pagtawa nito nang padabog na tumigil si Argel sa pangungulit sa kanya.
Nang matahimik ang katabi ay nag-focus s'ya sa nagsasalita n'yang professor sa harapan pero nang bigla na namang pumasok sa isip n'ya ang libro ay parang hindi n'ya na marinig at maintindihan kung ano ang sinasabi ng professor nila.
Lilipas ang isang araw na hindi n'ya malalaman kung kanino nanggaling ang librong iyon. Iisipin at iisipin n'ya kung paano napunta sa kwarto n'ya ang libro na 'yon. Lahat nang nabasa n'yang libro ay hindi n'ya nakakalimutan ang title at hindi gaanong klaseng kwento oh libro ang pinaglalaanan n'ya ng oras.
At isa pa, sino si Mariel Formanes? Bakit naman n'ya isusulat ang pangalan ng taong hindi n'ya kilala?
Natapos ang klase nila na para bang biglang lumipad sa kung saan ang isip n'ya. Pinilit n'yang iwaglit ang libro pero hindi na talaga s'ya nakapagbalik pa ng atensyon sa professor nila.
"Bakit parang wala ka sa mood bigla kanina?" tanong ni Guia nang makalabas sila sa classroom. Iyon na ang huli nilang klase sa araw na ito na kaya diretso na sila sa pag-uwi.
May ilang grupo na ng mga kababaihan at kalalakihan noon na nagyayaya sa kanila na sumama sa mga gimik pero dahil hindi iyon nalahiligan ni Yara ay maging ang mga kaibigan n'ya ay ayaw na rin sa mga ganoong bagay. Magalang nilang tinanggihan ang mga imbetasyon hanggang sa nawala na ang mga pag-iimbita sa kanila matapos ang maraming paghindi.
"Bigla kong naalala ang libro eh, hindi talaga 'yon sa iyo?" paglilinaw n'ya ulit. Bumaling s'ya kay Denver na naglalakad sa tabi n'ya, "sa 'yo Denver? Sigurado ka na hindi familiar sa 'yo ang librong 'yon?" pagtatanong n'ya rin dito.
"Yara, alam mo naman na nagbabasa lang naman ako kapag tuwing exam at lessons ang binabasa ko. Aanhin ko ang ganoong libro, creepy pa ng title," sagot ni Guia kaya humaba ang nguso n'ya. Inasahan na n'ya ang sagot na 'yan eh.
"Guia's actually right," pagsang-ayon ni Denver sa kaibigan, "ang creepy ng title. I don't know, marami na rin naman na akong nabasang medyo off para sa akin na mga book titles pero ang isang iyon, parang may something."
"Oo nga, baka nakalimutan mo lang na nabili mo 'yon. Sa dami ng librong binili mo baka hindi mo na rin matandaan ang title ng nabili mo," sabat naman ni Argel na nasa tabi ni Denver.
"Pero hindi ba nga may nakasulat na napangalan doon? Kung hindi sa iyo 'yan, baka doon sa nakasulat na pangalan, baka sa kanya 'yon. Ano nga ulit ang pangalan na 'yon?"
"Mariel Formanes," simpleng sagot n'ya sa tanong ni Guia.
"Formanes, baka kamag-anak mo 'yan. Ask tita Alicia baka kilala n'ya. Malay mo may kamag-anak ka pa pala di ba? Pero bakit mo ba inaalala ang libro na 'yan? Kung hindi sa 'yo 'yan hayaan mo na, ilagay mo nalang 'yan sa library mo sa bahay n'yo," sagot naman ng huli na s'yang sinang-ayunan ng dalawang lalake.
Sabay silang napahinto sa paglalakad nang sumalubong sa kanila ang nakangiting mukha ng bago nilang professor. Nanggaling ito sa kabilang hallway at lumiko sa dinadaanan nila.
"Ang gwapo n'ya talaga, s**t 'yong panty ko, parang biglang nag loose," malanding sambit ni Argel na mahinang tumatakbo sa likuran nila ang lumipat sa tabi ni Guia kaya ang posisyon nila sa gitna ng hallway ay si Denver nasa kaliwan n'ya at si Guia nasa kanan habang ang malanding bakla ay nasa kanan ni Guia.
"Tumigil ka sa paghaharot mo d'yan baka mahalata ka ng mga babae ang laswa tingnan. Ang kisig mo pero ang harot ng mukha mo," saway ni Guia dito. Pasimpleng kinagat ni Yara ang ibabang labi at naunang humakbang habang pinipigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ni Guia.
"Hi sir," agad na bati ni Argel na may kasamang pagkaway.
Malapad ang ngiti sa mga labi ng professor habang isa-isa silang tiningnan hanggang sa huminto ang mga mata nito sa kanya. Kitang-kita iyon ni Yara dahil sakto rin na nakatingin s'ya sa mga mata nito.
"Hi guys, talagang 'di kayo mapaghiwalay ano?" Natatawa nitong saad habang nakatingin sa kanya. Tinanggal n'ya ang pagkakatingin sa mga mata nito, hindi n'ya maiwasang hindi purihin sa isip kung gaano kaganda ang mga mata ng professor.
"We are soulmate sir, kaya mamamatay ang kung sino man na mahihiwalay sa amin," pagbibiro ni Guia kaya natawa ang professor.
"I can see that, everyone said that as well," sambit naman ng huli.
"Ay pinag-chismisan kami sir?" pabirong tanong ni Argel na ikinatawa ng professor.
"What? No, of course not," saad nito habang natatawa saka tumingin uli kay Yara, "just that, most of my students talked about Ms. Formanes. It seems like, everyone here adores her."