Chapter 3

2181 Words
"Ahm, Ms. Yara wala ka na pong libro na ibabalik, cleared na po. Lahat po ng hiniram n'yo nandito na." 'I know, I know, I just had to make sure' aniya sa isip. "Okay, thank you so much," nakangiting sabi n'ya saka lumabas ng library. Bumuntong hininga s'ya. Sigurado s'yang hindi sa kanya ang libro kaya dinala n'ya ito para itanong sa mga kaibigan. Naglakad s'ya pabalik sa room nila kung saan n'ya iniwan si Guia kanina pagkarating nila. Sakto namang nakita n'yang pumasok si Denver at kasunod nito si Argel. "Oh, Yara, saan ka galing?" agad na tanong ni Argel sa kanya nang mapansin s'ya. Hindi s'ya dito sumagot bagkos ay lumapit s'ya sa tatlong kaibigan na magkakatabing nakaupo sa kanya-kanyang upuan. Silang dalawa ni Demi ang pinagigitnaan ng dalawang lalake. Agad n'yang ipinatong ang bag sa armchair at inilabas ang libro. "Hiniram mo 'yan sa library?" kunot noong tanong ni Denver at kinuha ang libro. "Wild soul? Nagbabasa ka ng ganito?" dagdag tanong nito. "Hindi sa 'kin 'yan," sagot n'ya. "Hindi ba sa inyo 'yan?" dagdag tanong n'ya kaya sabay na napatingin ang tatlo sa kanya. Hinablot ni Guia ang libro mula kay Denver at tiningnan ito. "Wild soul? Bakit ako magbabasa ng ganyan? Ang creepy ah," agad na sabi nito nang mabasa ang title. Pinasa nito ang libro kay Argel na sinalo naman ng huli. Binuklat nito ang libro at kung saang pahina lang ito napupunta. "Yara bebe, sa ating apat ikaw ang mahilig magbasa kaya aanhin namin ang librong 'to? Oh teka, di ba sulat kamay mo 'to?" Automatic s'yang napatingin sa tinutukoy ni Argel at naningkit ang mga mata n'ya nang makitang sulat kamay n'ya nga 'yon. Kanya! At mas lalo pa s'yang nagtaka sa nakasulat dito. 'Mariel Formanes' "Is that a name? Who is Mariel Formanes?" tanong ni Demi na nakatingin din sa libro. "Good morning everyone" Napaayos silang apat sa pag-upo ng may marinig silang nagsalita. "Sino 'yan?" bulong ni Guia sa kanya. Umiling s'ya dahil hindi n'ya rin naman kilala, ngayon n'ya lang ito nakita. Napatawa s'ya ng mahina nang marinig ang naiipit na boses kinikilig ng mga ka klase. Gwapo naman kasi talaga. Para s'yang si Richard Gutierrez, I mean ang awrahan. "Ang gwapo," pabebeng bulong ni Argel at dahil s'ya ang katabi nito ay kinurot n'ya ito sa tagiliran natampal naman nito kaagad ang kamay n'ya. "I'm sorry if this is a sudden announcement but I will be your professor in this subject from now on," kaagad nagtilian sa kilig at saya ang mga kaklase n'ya sa narinig. Natawa nalang din s'ya ng mahina nang maging si Argel at Guia ay naging gano'n din ang reaction. Nagpatingin s'ya kay Denver at nakita n'ya itong nakatingin kay Demi at naiiling. She always knew that Denver likes Guia pero hindi nito masabi dahil sa bukod sa magkaibigan sila, maraming crush si Guia. "Nasa'n na po pala si Dr. Ignacio, sir?" nakataas kamay na tanong ng isang lalakeng ka klase. "Nagbitaw na si Dr. Ignacio ng mga subjects," nakangiting sagot naman nito. "Sir, what's your name and how old are you?" napatingin s'ya kay Argel nang ito ang nagtanong. Pinipigilan n'ya ang sariling matawa sa mukha ng kaibigan na pilit tinatago ang kilig. Narinig n'ya rin ang hagikhik nina Guia at Denver. Napayuko s'ya at tumama ang mga mata sa nakasulat na pangalan sa libro. 'Mariel Formanes, who is she? Was she a relative? We have the same surname' tanong n'ya sa isip. Wala s'yang kapatid, nag-iisa syang anak at kahit kailan ay walang nabanggit ang ninang n'ya na Mariel Formanes. Kung ang Mariel Formanes na ito ang may-ari ng libro bakit nasa kanya? Sa kwarto n'ya at parehas pa sila ng penmanship. Hindi lang basta parehas, dahil masasabi n'yang possibleng s'ya ang nagsulat no'n pero alam n'yang hindi s'ya. Napatigil s'ya sa pag-iisip at napalingon kay Argel nang hawakan nito ang kanang kamay n'ya at itinaas sa ere. "What?" pabulong na tanong n'ya sa kaibigan. Hindi s'ya nito pinansin at nakangiti lang na nakatingin sa harapan, iginala n'ya ang mga mata sa pagtataka at lahat ng kaklase n'ya nakatingin sa kanya.  Sinundan n'ya ang tingin ng kaibigang si Argel at halos mawalan s'ya ng hininga ng diretsong nagtama ang paningin nila ng bagong prof nila. Matamis itong nakangiti sa kanya. "Ms. Yara Formanes?" "Yes sir?" wala sa sarili n'yang sagot. Hindi n'ya alam kung bakit s'ya nito tinawag at kung bakit s'ya nito kilala. "I was advised you were in this class, the number 1 in Deans list," proud nitong sabi kaya napayuko s'ya at biglang na awkward. She's been the number one since high school pero hindi pa rin s'ya nasasanay na sinasabi 'yon sa mukha n'ya. "Thank you, sir," awkward n'yang sabi dito at nginitian lang s'ya nito ng matamis. Nang tumunog ang bell ay kaagad n'yang inayos ang sarili at bag. Nakasanayan nilang apat ang 'wag makipag siksikan sa mga nauunang lumabas kaya naman ay nanatili pa sila sa upuan. Nang maubos na ang kumpol ng tao sa pinto ay saka lang sila nagtayuan. "Congratulations sa inyong apat," sabay silang napalingon nang magsalita ang bago nalang professor. Napatingin s'ya sa mga kaibigan at nakangiti itong nakatingin sa lalake. "Thank you sir," magalang na sabi ni Denver. "Lahat kayo ay candidate for latin honor, friendship goals, sabi nila," natatawa nilang sabi kaya napatawa na din sila. "Kaming tatlo lang sir, itong isa magaling lang mangopya," pampahiya ni Guia kay Argel. Agad naman lumipad sa ere ang kamay ni Argel at tumama sa batok ng kaibigan. Hindi gumanti si Demi at tumawa lang. "Scam 'yan sir, sa aming apat ako ang pinakamagaling at si Yara ang pinaka mahina," mayabang na response ni Argel. "I am so proud when I see your record Ms. Formanes, I mean, the consistency, that was one of a kind," kumikislap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at may malaking ngiti. Sincere na ngiti ang isinukli n'ya dito. "Sir, baka gusto mong mag join sa amin for lunch? Or, baka may klase ka?" si Guia ang nag-aya dito. Sumama naman agad ang timpla ng mukha ni Denver sa narinig. "Thank you, but I still have class," "Ano nga pangalan ni sir?" tanong n'ya nang makalabas sila ng classroom. Napahinto s'ya sa paglalakad nang walang pasabing humalakhak si Argel kaya sinamaan n'ya ito ng tingin. "Alam namin na wala ka pang kain bakla ka pero wag ka namang magpahalata," mataray na sabi ni Guia. "Whatever Demisya! Pero hindi mo talaga narinig ang sexy-ing pangalan ni sir?" natatawa n'ya na namang sabi. Tumango s'ya at kumunot ang noo ng tumawa na naman ang kaibigan. Binuhat n'ya ang bag at inampas dito. "Zoren Corpuz ang pangalan ni sir," lumingon s'ya kay Denver nang ito ang sumagot, kinindatan naman s'ya ng kaibigan at inakbay kay Guia ang kaliwang braso. Sinamaan n'ya ng tingin si Argel at naunang naglakad, sumunod naman sa kanya ang dalawa at iniwan ang namimilipit sa t'yan sa kakatawa na baklang 'yon. "Tawa nang tawa, wala namang nakakatawa sa tanong, malala na 'yong baklang 'yon," sambit ni Guia na tinanguan n'ya. "Ho--hoy! An-tay-yin n'yo 'ko," natatawa parin nitong sabi. Huminto s'ya sa paglalakad maliban sa dalawa na tuloy-tuloy papunta sa parking lot. "Ano bang nangyayari sa 'yo at tawa ka nang tawa?" "Hindi ko alam, pero feeling ko nakakatawa 'yong tanong mo," at humalakhak pa nga. Tumayo s'ya ng tuwid at pinag krus ang braso sa dibdib habang seryosong nakatingin sa kaibigan, hinihintay na matapos itong tumawa. At habang nasa gano'ng posisyon s'ya ay biglang tumunog ang cellphone n'ya at lumabas doon ang telephone number sa opisina ng ninang n'ya. Lumayo s'ya sa kaibigang hindi pa rin naputol ang tawa at sinagot ang tawag. "Hello, ninang?" ("Hello hija, I'm sorry for disturbing you, but can you call Joseph to fetch me here? Nawala ang phone ko hindi ko namalayan and I don't have his number,") mahabang litanya nito. "Of course ninang, asap?" ("Yes please,") sagot nito. "Alright, I'll end this call now ninang," paalam n'ya at narinig n'ya ang pag okay nito sa kabilang linya kaya binaba n'ya na ang tawag. Sinubukan n'yang tawagan ang number ng kuya Joseph n'ya pero hindi ito ma contact. Nagmadali s'yang pumasok sa sasakyan ni Denver kung nasaan sina Guia naghihintay. "Ano? Hindi pa rin ba tapos humalakhak ang isang 'yon?" agarang tanong nito pagkapasok n'ya sa back seat. "Dem, I can't contact kuya Joseph, can you call him?" utos n'ya sa kaibigan. Bigla namang sumeryoso ang mukha nito at tumingin sa kanya. "Ha? Bakit?" nagtatakang tanong nito. "Ninang called nagpapasundo sya sa office, I think there's an emergency kaya s'ya nagpapasundo, asap," Agad namang nataranta ang kaibigan at nilabas ang cellphone. "Ha? Teka, ang sabi mo hindi mo ma contact si papa? Baka tulog wala masyadong signal sa room nila ni mama eh, wait, I'll call sa telephone nalang," natataranta nitong sabi. Nakatoon ang atensyon n'ya kay Guia na tumatawag sa bahay nito. Baka nga natutulog si Kuya Joseph n'ya. Napatingin s'ya sa tabi n'ya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Argel na nakasimangot. "Iniwan n'yo akong mag-isa do'n," himutok nito pero 'di n'ya pinansin. "Nag ring na," lalo s'yang mas nakatutok kay Guia sa sinabi nito. Nag-aalala s'ya sa ninang n'ya. Sa boses nito kanina ay halatang may emergency sa trabaho. Possibleng sa trabaho lang, wala naman itong sinabi patungkol sa kung ano pa. "Hello, manang titay?" Nakangiting tumingin si Guia sa kanya nang may sumagot sa kabilang linya. "Si papa po nand'yan ba? Nasa manokan? Pakitawag naman po, pakisabi emergency," sambit n'ya. "Guys, anong nangyayari?" nagugulohang sabi ni Argel. "Huwag ka muna sumabat baka mabaliw ka na naman," pambabara ni Denver dito pero hindi n'ya pinansin. Dinig n'ya ang pag hissed ni Argel na nasa tabi n'ya. "Papa! Tumawag si tita Alicia, nagpapasundo s'ya sa office n'ya... po? Asap papa, emergency... ay binabaan ako?" napatingin si Demi sa cellphone n'ya nang mawala sa kabilang linya ang kausap nitong ama. "Speed talaga si tito," natatawang sabi ni Denver. "Thank you Guia," pasasalamat n'ya at tumango naman ang kaibigan. "Guys, wala akong naiintindihan," nakasimangot na sabi ni Argel. "Ayos lang yan bakla, hindi masaya ang barkada pag walang tanga," pambabara naman ni Demi dito kaya nagtawanan silang tatlo. Kaagad pinaandar ni Denver ang sasakyan at umalis na ng school. Hanggang alas dos lang ng hapon lagi ang klase nila at nakasanayan na nila araw-araw na mag lunch sa labas. Ang dinner ay minsan sa bahay ng isa't-isa. Sa umaga ay hinahatid s'ya ng kuya Joseph sa uwian ay hinahatid sila ni Denver kaya hindi na s'ya nagpapasundo. Hindi rin naman s'ya hinihigpitan ng ninang n'ya dahil hindi rin naman s'ya pumupunta sa mga lugar na hindi n'ya gusto. Katulad ng bar, club oh kung ano pa. Alam ni Yara na kapag nakasanayan mo ang mga ganyang bagay, madalas at panigurado ang maisasakripisyo mo ay ang pag-aaral at 'yon ang huli n'yang gustong mangyari. "Oh! Wag ka na mag take out ah," mataray na sabi ni Guia kay Argel. "Ano ka ba Guia, wala akong pang dinner, wala naman tayong schedule dinner ngayon di ba?" nakangisi naman nitong sabi at nag order nga ng for take out. "Matuto ka kasing magluto," sabi naman ni Denver "Sabihin mo 'yan sa sarili mo," sabay irap ni Argel sa kaibigan. Nag kibit balikat lang si Denver dito. "Ang lakas ng loob umalis sa bahay di naman marunong magluto," asar naman ni Yara dito. Di makapaniwalang napatingin sa kanya si Argel. "Yara baby, alam kong magaling kang magluto pero pwede paki filter ng bunganga mo, nahahawaan ka na ni Guia," mataray na sabi nito sa kanya. Kinindatan n'ya lang ang kaibigan at nakatanggap ito ng pagkutong gamit ang chopsticks mula kay Demi. "Qouta na kayo sa'kin ah," galit-galitan na reaction nito. "Pero ang gwapo ni sir Zoren no?" biglang singit nito sa usapan. Niyakap pa nito ang sarili at umaktong kinikilig. "Di papatol sa baklang mukhang lalake 'yon," asar ni Denver. Agad lumitaw sa hangin ang gitnang daliri nito at pinakita kay Denver. "Pero alam mo, lagi s'yang nakatingin kay Yara, crush ka siguro no'n, Yara baby," wala naman s'yang kinakain ay nabilaokan s'ya sa narinig. Agad s'yang inabutan ni Guia ng tubig at ininum 'yon. Sinamaan n'ya ng tingin ang kaibigan dahil sa sinabi. "Ikaw kung ano-ano napapansin mo, ang malisyoso mo pa," "Totoo  nga, pansin ko 'yon, pansin n'yo rin di ba?" paghahanap nito ng kakampi sa dalawa pa nalang kaibigan. Sabay na umiling sina Guia at Denver kaya napa face palm si Argel. "Bro, di ba sabi namin tigilan mo na ang pag-aadik hindi maganda sa katawan at utak 'yan," sabi ni Denver sa kaibigan habang seryoso ang mukha. Napakagat s'ya sa ibabang labi nang marinig ang mahinang hagikhik ni Guia. "Basta! Patutunayan ko sa inyo ang sinasabi ko na crush ka ni sir," "Paano pag mali ka?" hamon n'ya dito. "Susundin ko lahat ng utos ninyong tatlo, paano pag tama ako? Ililibre n'yo rin ako?" hamon nito pabalik. "Deal" sagot n'ya "No deal" sabay na sagot nina Guia at Denver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD