Chapter 5

2970 Words
"Siguro po dahil nakasabit ang mukha ko sa auditorium kaya kilala po nila ako," awkward na pagkakasabi ni Yara. Muntik pa s'yang matumba nang biglang sumiksik si Argel sa pagitan nilang dalawa ni Guia para tumapat kay Mr. Corpuz. Tiningnan n'ya ang kaibigan pero kinindatan lang s'ya nito. Gusto n'ya sana itong irapan pero naalala n'ya nasa harap nga pala nila ang professor nila, baka ma bad shot, ikakasira pa ng pangalan n'ya. "I don't think that's the only reason," nakangiting sambit naman ng kaharap. "Sir, may asawa na po ba kayo? Ilang taon ka na ba sir?" walang hiyang tanong ni Argel kaya agad nanlaki ang mga mata ni Yara at pino naman itong kinurot ni Guia sa tagiliran. Napangiwi si Argel nang maramdaman ang tulis ng kuko ni Guia pero hindi s'ya nag-atubiling sulyapan ang kaibigan dahil diretso s'yang nakatingin sa professor habang hinihintay ang sagot nito sa tanong n'ya. "Do I look like a married man?" nakangising pagtatanong naman nito. "Hindi nga sir eh, single pa po ba kayo? Ipakilala ko kayo sa kaibigan ko si------ Hoy! Ano ba! Kanina ka pa nangungurot!" singhal nito bigla kay Guia nang sa pangalawang pagkakataon ay mas diniinan nito ang pagkurot sa tagiliran n'ya kaya hindi n'ya natapos ang sasabihin. "I'm sorry for that, sir. My friend's just kind off having a bad day," nahihiyang saad ni Yara pero lumapad ang ngiti ng professor nang mapatingin ito sa kanya. "No problem," saad naman ng lalake, "I'm not married and I'm 27," sagot nito sa tanong ni Argel. "Please excuse us sir, may pupuntahan pa po kasi kami. Pasensya na po sa abala," agad na sambit ni Guia at saka hinila si Argel palayo. Hindi iyon inasahan nina Yara at Denver pero agad naman nilang nakuha ang inakto ng dalaga. Ngumiti ng hilaw si Yara sa professor at yumuko ng bahagya, "mauna na po kami, Mr. Corpuz. Have a nice day ahead, sir," sambit n'ya. "Bye sir," segunda naman ni Denver na kanina pa hindi nagsasalita at nakikinig lang sa mga kaibigan. Kumaway ang professor sa kanila bago pa sila tuloyang tumalikod dito at sumunod sa dalawa nilang kaibigan na hindi pa rin binibitawan ni Guia ang tagiliran ni Argel. "Argel's being Argel again." Umiiling na sabi ni Yara nang may mahinang pagtawa. "Well, nothing's new and surprising about him," saad naman ni Denver. Tinawag ni Yara si Guia kaya napalingon ito sa kanila maging si Argel. Ibinaba ni Guia ang kamay nitong nakadikit sa tagiliran ni Argel at agad humingang malalim ang binata at umaktong pinaypayan ng kamay ang tagiliran. Hindi na naman talaga iyon pinatawad ng pinong kurot ni Guia. "Magpasalamat ka talaga dahil babae ka, kung hindi ay baka nasapak na kita," maarteng sambit ni Argel, umakto pa itong kaltukan ang dalaga pero nang salubongin s'ya ng seryosong mga mata nito, agad humaba ang nguso ng binata at madramang umiiyak. "Sabi ko naman sa 'yo itigil mo na ang pag-aadik," alaska ni Denver kay Argel nang sakto ang paglapit nila ni Yara sa madramang kaibigan. Tinapik nito ang balikat ng kaibigan nang sabihin n'ya iyon na s'yang ikinatawa naman ng dalawang dalaga. "Oh huwag ka nang sumagot, 'di pa man bumubuka bibig mo naririnig ko na ang maarte mong boses, nakaka kilabot talaga na ganyan kalaki ang katawan mo pero ang arte ng boses mo." Hinila ni Guia sina Yara at Denver para iwanan ang napatungangang kaibigan na si Argel. "Buong araw na yata nating binu-bully 'yon." Natatawang sambit ni Yara. Napahagikhik naman ang dalawa pa niyang kaibigan sa sinabi n'ya. "Ang sarap kasi noon asarin," sambit naman ni Denver. "Bakit ganyan ang mukha mo?" inosenteng tanong ni Yara nang makalapit na sa kanila si Argel. "Mukha kang natatae bakla, kaya ba yan this year?" asar ni Guia dito. Agad na tumulis ang tingin ni Argel sa dalaga at inirapan. "Napansin ko lang 'no, trip ninyo akong lahat, ano ang mayroon sa inyong tatlo ngayon?" reklamo nito na nagpatawa sa tatlong kaibigan. "Bakit kasi para kang baliw ngayong araw? Tara na nga, baka mamaya mababaliw ka na naman," sagot ni Guia at nauna nang naglakad pababa ng hagdan ng hallway para pumunta sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ni Denver na maghahatid sa kanilang tatlo. May sariling sasakyan si Argel na minsan ay dinadala rin nito pero minsan lang dahil ayaw n'yang mahiwalay. Unfair daw sa tuwing sina Guia, Yara at Denver ay magkasama sa iisang sasakyan tapos s'ya nahihiwalay kaya nakasanayan na rin na maging s'ya ay ihatid at dinadaanan naman ni Denver sa pagpasok dahil along the way naman ng kaibigan ang condo nito. "Saan tayo mag di-dinner bukas?" agad na tanong ni Argel nang makarating silang apat sa parking lot. "Nag-iisip ka na agad ng pagkain? Hindi ka pa nga naghahapunan ngayong araw," pambabara naman ni Guia sa kaibigan. "Wala ba talagang spare day para sa ikatatahimik ng bunganga mo, b***h?" mataray na tunog babaeng sambit ni Argel dito. Imbis na mainis ay napahalakhak pa si Guia na ikinakunot noo naman ni Argel habang sina Yara at Denver ay naka face palm na nakatingin sa dalawa. "Tumigil na nga kayong dalawa," saway ni Yara sa mga ito. Natahimik naman agad ang dalawa at sabay-sabay silang pumasok sa sasakyan saka agad itong pinaandar ni Denver para ihatid sila isa-isa. S'ya ang unang ihahatid dahil s'ya ang pinakamalapit at kasunod ay si Argel huli naman si Guia. "Ang gwapo talaga ni sir Corpuz 'no?" biglaang sambit ni Guia kaya napatingin sa kanya ang tatlong kaibigan. Naningkit ang mga mata ni Denver na nakatingin kay Guia mula sa rare side mirror habang si Yara naman ay hindi rin makapaniwalang napatingin dito. Napatili ng matinis si Argel at napatawa ng malakas dahil alam n'yang nagaguwapohan din sa binata ang kaibigan ayaw lang nito aminin, pero hindi n'ya inasahan ang biglaang lumabas sa bibig nito. "Pabebe ka pa kanina nagwapuhan ka din naman pala," asar ni Argel dito. Agad na nag-isang linya ang mga labi ni Guia at laglag ang pangang nakatingin sa kaibigang bigla na naging tunog babae. "Gwapo talaga s'ya, 'di ko naman kokontrahin 'yan pero nakakahiya ka lang talaga dahil harap-harapan mong pinapakita kay sir ang kalandian mo, ang macho mo pa, putok na putok na biceps mo, baka kinilabutan si sir sa 'yo 'no!" singhal naman ng huli. "Tsee! Kung 'di ko lang alam na may crush si sir Corpuz kay Yara baby ay baka magbihis na talaga ako," maarteng sambit nito. Nanlaki ang mga mata ni Yara sa narinig mula sa kaibigan kaya wala sa sarili n'yang pinulot ang unan na nasa gilid n'ya at walang pasabing hinampas iyon sa ulo ng kaibigan na nag-iinarte. Hindi nito iyon inasahan kaya halos mapatalon ito mula sa kinauupuan dahil sa pagkagulat. Mabuti nalang ay may seatbelt. Nasa gitna sila ng highway pero ang lilikot nila sa loob ng sasakyan. "Papatayin mo ba ako sa gulat?" reklamo nito at lumingon pa sa kanya habang nakatapat ang kamay sa bandang dibdib at matutulis ang tingin sa kanya. "Wala ka namang sakit sa puso kaya hindi ka mamamatay kahit gulatin ka, hindi ka pa din high blood kaya safe ka pa sa ngayon," boring na sambit ni Denver. Kinagat nito ang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang pag-ngiti dahil gusto n'yang makita ng kaibigan na parang wala s'yang paki sa sinasabi n'ya. Parang hindi makapaniwalang napatingin si Argel sa kaibigan na nag nagda-drive. Napanganga s'ya sa sinabi nito. "Muntik ko nang makalimutan na nag drive ka. Mabuti nalang naalala ko dahil kung hindi baka wala ka nang ulo sa mga segundong ito," matigas na sambit ni Argel na ikinalabas na talaga ng tawa ni Denver. "Okay, malapit na ako," sambit ni Yara nang masilayan ang gate ng subdivision nila. Simula nang kupkupin s'ya ng ninang n'ya ay dito na sila tumira, minana ng ninang n'ya ang bahay na ito mula sa yumaong mga magulang kaya hindi n'ya mayaya ang ninang na lumipat oh ano man. Gusto n'ya sana na kahit papaano ay tumira sila sa mas malapit sa opisina nito ng sa gayun ay hindi ito nahihirapan sa araw-araw na byahe. Ayos lang naman sa kanya na mas mapapalayo sa school, may driver naman s'ya. Gusto n'ya na nga sana na s'ya nalang ang mag drive pero para sa ika-tahimik ng ninang n'ya ay hinayaan n'ya nalang na hanggang ngayon ay may driver pa s'ya. Malaking tulong na rin daw iyon para may income pa rin ang kuya Joseph n'ya. Hindi naman na talaga kailangan ng kuya Joseph n'ya ang kita sa pagmamaneho. Sa tagal na naging empleyado ng ninang n'ya papa ni Guia ay nakapundar sila ng negosyo at ngayon ay maganda na ang buhay ng kaibigan n'ya. Ilang beses na rin n'yang kinausap ang kaibigan na kumbinsihin ang ama nito, sapat na para sa kanya ang sampung taon na pagtatrabaho nito at gustuhin man din ni Guia ay ayaw ng ama nito. Ang sabi ng kuya Joseph n'ya na minsan ay tinatawag n'yang tito ay kahit wala na itong tatanggapin na sahod at hanggang makakaya pa nitong mag trabaho ay hindi ito titigil. Malaki ang pagtanaw ng pamilya ni Guia ng utang na loob sa ninang n'ya. Tinulongan ng ninang n'ya na makaahon sa hirap ang pamilya ng kaibigan n'ya kaya pamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanila ng ninang n'ya. Ang mga magulang ni Denver na minsan lang umuwi ng Pilipinas ay hindi n'ya masyadong nakikita kaya hindi n'ya gaanong kilala, habang ang pamilya naman ni Argel ay pinili nilang huwag nang pansinin pagkatapos ng mga ito walang pagdadalawang-isip na sipain ang kaibigan nila mula sa sarili nilang pamamahay dahil lang sa pagiging hindi nito straight na lalake. "Alright, dito na ako, bye guys," saad ni Yara nang huminto ang sasakyan ni Denver sa tapat ng gate nila. Wala doon ang sasakyan ng ninang n'ya kaya siguro ay nakabalik na ito sa opisina. May sariling driver ang ninang n'ya kaya lang ay hindi maingat sa pagmamaneho at naibangga ang sasakyan sa kawawang tricycle na ginagamit ng isang lalake sa paghahanap-buhay kaya naman ay sinibak iyon ng ninang n'ya. Agad may parang umilaw na bombilya sa isip ni Yara nang maalala na wala na nga palang private driver ang ninang n'ya. Siguro naman sa pagkakataong ito ay mahihilot na n'ya ang ninang na tanggalin ang driver n'ya. "Kahit na iniinis mo 'ko sa buong araw, I love you pa rin Yara bebe, bye," maarteng sambit ni Argel na ikinatawa n'ya ng mahina. Nag flying kiss pa ito sa kanya. "Sasabay ako kay Papa bukas, Yara," nakangiting saad naman ni Guia kaya tinanguan n'ya ito. "Bye-bye Yara." Kumaway naman sa kanya si Denver kaya kinawayan n'ya din ito. Pumasok s'ya sa gate nang makalayo na ang sasakyan ng mga kaibigan. Habang naglalakad palapit sa pinto ng bahay ay nahagip ng mga mata n'ya ang sasakyan n'yang hindi n'ya na matandaan kung kailan ang huli na namaneho n'ya ito. Palaging ang van na nandoon sa garahe nina Guia ang palaging gamit ng ama ng kaibigan para ihatid sila sa school. Gusto n'ya na rin na mapatunayan sa ninang n'ya na hindi na nito kailangan na idagdag s'ya sa isipin nito. Masyado nang abala ang ninang n'ya sa negosyo, marami na itong alalahanin kaya hangga't maari ay gusto n'yang maging independent. Nasa tamang edad na s'ya. Masyadong naging mabigat ang naiwan na ala-ala ng mga magulang n'ya kaya ganoon nalang ang takot ng ninang n'ya para sa kanya. Naiintindihan n'ya naman ito, malaking trauma din ang naidulot n'ya sa ninang n'ya noong mga panahong naglalaro pa sa isip n'ya ang lahat nang naranasan n'ya. Mahal s'ya ng ninang n'ya kaya ganoon nalang ang takot nito pero ngayon ay okay na s'ya, matagal na s'yang okay at alam n'ya 'yon sa sarili n'ya. Hindi n'ya ipapahamak ang sarili. "Ms. Yara nandito na po pala kayo." Nakangiting sambit ng kasambahay nilang nagdidilig ng halaman malapit sa garahe. Nginitian n'ya ito pabalik at naglakad palapit dito. Tiningnan n'ya ang mga halaman n'yang pinagkakaabalahan n'ya tuwing bakasyon. "Ang ganda na nila, salamat sa pagdilig," masayang saad n'ya. Nakuha n'ya ang pagiging mahilig sa halaman sa mommy n'ya, bata palang s'ya ay tinuturuan na s'yang magtanim at nagpapasalamat s'yang nabubuhay ang mga halaman na itinatanim n'ya. "Sayang po ang mga ito kapag namatay, sobrang ganda po ng mga halaman ninyo Ms. Yara at ang mamahal pa." Natawa naman ito sa sinabi. Medyo may kamahalan lang din talaga ang mga nabili n'ya pero hindi n'ya na iyon inisip. Ang pumapasok noon sa isip n'ya ay kung gaano ito kaganda kapag lumaki at namumulaklak na. "Oo nga po eh, pero worth it naman 'di ba po? Maganda hindi ba?" Tumango ang babae sa naging tanong n'ya, nakangiti s'yang sumulyap dito bago ibinalik ang tingin sa bulaklak. "Opo, naku kung kaya ko lang din sana bumili ng ganito kamamahal na bulaklak ay baka napuno ko na din ang garden ng nanay ko ng mga gusto n'yang bulaklak," saad ng babae kaya napatingin ulit s'ya dito. "Mahilig ka rin sa bulaklak?" tanong ni Yara. "Opo, si nanay po kasi sobrang nahilig magtanim kahit na iyong mga tanim n'ya ay 'yong nakikita lang din sa baryo namin." Yumuko ang babae at kinuha ang patay ba dahon na nahulog saka dinurog iyon at inilagay sa paso. "Talaga? Gusto mo ba ang mga iyan? Matutuwa ang nanay mo kapag binigyan mo s'ya nang mga bulaklak na hindi masyadong nakikita sa inyo," seryoso namang sambit ni Yara. "Pag-iipunan ko po muna." Natawa ang babae sa sinabi nito. "Taga saan ka nga po pala? Pasensya na hindi ko alam kung taga saan kayo, minsan nga nagkakamali pa ako sa mga pangalan ninyo. Si ninang lang kasi kinakausap ninyo eh," mahina s'yang natawa sa sinabi. "Davao po, ayos lang po Ms. Yara, ang importante ay kilala mo kami sa mga mukha namin," saad nito kaya tumango s'ya. May punto naman. "Ilang taon ka na?" pagtatanong n'ya ulit dito. *Mukha na ba akong nag-interview ngayon?* pagtatanong n'ya sa isip. Wala na rin naman s'yang makakausap kaya ito nalang kausapin n'ya. Masyadong naging katatawanan ang buong araw n'ya dahil sa kalokohan nilang magkaka-ibigan at lalong-lalo na ni Argel na parang hindi napagod magpatawa, tumawa at pagtawanan. Hindi lubos maisip ni Yara kung ano ang buhay n'ya sa University kung hindi n'ya nakilala ang tatlong kaibigan. Kompleto sila sa grupo eh, si Denver mukha lang seryoso dahil mahirap patawanin pero madalas dumatawa din iyon sa jokes na hindi naman nakakatawa para sa kanya at sira-ulo din 'yon. Si Guia, maldita at war freak, hindi iyon nagpapatalo dahil bakit nga naman ito magpapatalo? Sayang ganda 'no. Si Argel naman na unintentionally biglaang naging clown, parang 'di nauubusan ng katatawanang dala sa isip habang s'ya naman ay gaya ng sabi ni Guia, madalas lang s'yang mukhang seryoso at mabait pero mas pranka s'ya kaya hindi bago at hindi mahirap sa kanya ang mambara kapag hindi n'ya nagugustuhan ang sinasabi ng ilan. "23 na po ako, pero mas matanda po kayo sa akin ng ilang buwan," sagot naman ng babae. "Ay talaga ba? Kamusta naman ang trabaho ninyo dito? Hindi naman ba kayo nahihirapan? Hindi naman ba ako maraming pakisuyo?" nakangising saad n'ya na agad ikinatawa ng babae at umiling. "Naku po, hindi po Ms. Yara, hindi ka nga po halos maramdaman eh," pagbibirong sagot ng huli. Napangiwi si Yara sa narinig dahil mukhang totoo yata ang sinabi nito. Kapag wala s'yang klase ay bukod sa pag-aalaga ng mga tanim n'ya na sa hapon n'ya lang naman nabibigyan ng oras ay nauubos ang oras n'ya sa pagbabasa. Minsan ay pumupunta s'ya sa mga bookstore para bumili ng iba at bagong libro kung hindi man ay ino-order n'ya pa online kapag hindi n'ya nakita sa bookstore. Bababa lang s'ya mula sa taas kapag kakain or kukuha ng snack n'ya. Well, if her friends are there in her house, the house is in chaos. Loud and happy, but of course that is not happening everyday or so. "Nagbabasa po kasi ako madalas eh," nahihiyang sambit n'ya. "Ang dami po ninyong medals and awards, Ms. Yara. May napaglalagyan pa po ba kayo ng talino n'yo sa isip ninyo?" mahina s'yang natawa sa naging tanong nito dahil hindi ito ang unang beses na may nagtanong sa kanya ng eksaktong tanong. Hindi n'ya makuha ang sagot sa tanong dahil maging s'ya ay pakiramdam n'ya sa bawat may naiintindihan s'yang bagay-bagay sa libro man oh internet, sa kahit na anong subjects ay pagkatapos n'yang maintindihan iyon ay parang nagkakaroon ng malaking hole sa utak n'ya na kailangan n'yang lagyan ng kaalaman. "Naku, wala akong ganyan eh. Mahilig lang akong magbasa pero hindi po ako matalino," mahinang sabi n'ya saka tumayo mula sa pagkaka-upo at pagdudurog ng mga tuyong dahon na nahulog saka inilalagay n'ya sa paso. Palagi n'yang ginagawa ang ganoon sa tuwing may nakikita s'yang tuyong dahon na kaya nang durugin ng mga kamay. Ayaw n'yang lagyan ng ibang fertilizer ang mga tanim n'ya dahil para sa kanya, mas malusog ang mga halaman n'ya kapag organic ang inilalagay n'ya at napatunayan n'ya na iyon. Sa tabi ng garden n'ya ay naroon ang timba na pinaglalagyan ng mga nahuhulog na dahon na hindi pa kayang durugin para hindi magkalat sa paligid. Nagpaalam si Yara sa kasama at lumapit sa sasakyan n'ya na s'yang dapat n'yang gagawin kanina bago n'ya nakita ang babae. She just have this feeling that she will be holding the steering wheel once again. She actually really miss driving. Hindi naman magiging problema para kay Guia dahil minsan ay hinahatid ito ng kapatid papasok sa school at pag-uwi ay ihahatid pa rin ito ni Denver. This is some kind of hitting two birds with one stone. She and Argel will no longer interfere Guia and Denver's moment. Yara chuckled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD