Nang matapos ang program ay agad na tumayo si Yara sa kinauupuan para sana lapitan ang dalawang kaibigan na naroon sa mesa ng mga bisita. Pero bago pa man s'ya makahakbang ay agad na may humawak sa braso n'ya dahilan para mapatigil s'ya.
Sinulyapan n'ya si Denver nang isipin n'ya na sana ang kaibigan n'ya ang nakahawak sa braso n'ya pero hindi. May kausap itong isang judge na hindi n'ya kilala. Dahan-dahan n'yang nilingon ang kung sino man ang nakahawak sa braso n'ya, mula sa kamay nitong nakalapat sa balat n'ya ay unti-unti n'yang inangat ang tingin hanggang sa makasalubong ng mga mata n'ya ang mata ng kung sino.
Hindi naman ito ang unang beses pero sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ay may ibang pakiramdam talaga si Yara. Pakiramdam n'ya ay hinihigop ng mga mata nito ang kaluluwa n'ya kaya agad n'yang binaling sa kung saan ang paningin.
"Y-yes sir?" nauutal na sambit n'ya at bahagyang binawi ang braso.
Napatingin ang binatang professor sa kamay nitong nakahawak sa braso n'ya nang galawin n'ya iyon. Mukhang nakuha naman nito ang mahinang galaw n'ya dahil agad s'ya nitong binitawan.
"Ahm.. I don't know if you guys already know about this, probably, yes, but I just want to remind you guys that in the AVR we have a party celebration together and Ms. President told me to make sure that you four are coming," saad nito na bahagyang ikinakunot ng noo n'ya.
"Celebration party?" pagtatanong n'ya, dahil kung party ito ng lahat ay hindi sila pupunta. Pero kung private naman and formal, sige.
"Yes." Tumatangong sagot nito sa kanya nang may matamis na ngiti sa mga labi. "Exclusive party for the guests only," dagdag nito.
Magsasalita na sana s'ya nang biglang may lumapit sa kanila at tawagin ang pangalan n'ya dahilan para mabaling dito ang atensyon n'ya at maging ang atensyon ni Zoren.
"I wasn't shocked when I saw a goddess in the screen earlier," agad na sambit ng taong ito na tumawag kanina sa pangalan n'ya at nang makalapit ito sa kanila.
"Thank you," simpleng sagot n'ya dito.
"When you were featured in the screen along with mentioning your name, I heard people mumbling that they expected you to be one of the candidates. But, I personally think that you didn't fit to be a candidate because you are too overqualified. You fit in this chair, giving a scores to all the candidates," mahabang litanya nito.
Napasulyap si Yara sa biglaang natahimik na professor n'ya at nakita n'ya ang seryoso nitong mukha at ang mga mata na diretsong nakatingin sa kanya.
"Ahm. I don't know what to say about that, Jeffrey, but thank you," awkward na saad n'ya dito.
Noong unang nakita n'ya ito sa labas ng university ay tinakasan n'ya ito dahil sa pagkaasiwa n'ya sa pagiging presko ng isang ito. Ngayon naman ay parang gusto n'yang lumubog sa lupa dahil sa hiya sa mga pinagsasabi nito. Wala naman itong ginagawang masama pero iba talaga ang pakiramdam n'ya sa tuwing nagbibitaw ito ng mga ganoong salita.
Nahihiya pa rin talaga s'ya kapag pinupuri s'ya ng ganoon. Kahapon ay narinig nila ang ilang studyante na nanlumo noong tinawag ang mga pangalan nina Guia at Argel. Sabi ng mga ito, baka lutuin umano nila ang labanan dahil marami silang galing sa department nila at tag-iisa lang ang mga galing sa ibang department.
Kaya ngayon na may narinig s'yang ganoon mula sa lalaking ito ay hindi n'ya alam kung matutuwa ba s'ya o iisipin n'ya na lang na may narinig s'ya na pampalubag loob.
"Mr. Zoren Corpuz," nanlaki ang mga mata ni Jeffrey nang banggitin ang pangalan ni Zoren at nang makita ito nang bumaling ito sa kabilang gilid nito.
"Jeffrey Santiago," walang buhay na sambit naman ni Zoren ng pangalan ng huli.
Kumunot ang noo ni Yara nang marinig na tinawag ng isa't-isa ang mga pangalan nila. Ibig sabihin ay magkakilala ang dalawang ito. Hindi n'ya masasabi kung magkaibigan ba ang dalawang ito dahil magkaiba ng reaction ang nakikita n'ya sa mga mata ng mga ito.
Jeffrey seems surprised and excited while Zoren didn't seems so pleased.
Nang mag-usap ang dalawa ay agad naramdaman ni Yara na parang hindi naman na s'ya kailangan dito kaya agad n'yang iginala ang paningin upang hanapin ang mga kaibigan. Una n'yang nakita si Denver na mukhang nag-eenjoy sa pakikipag-usap sa mga judges na businessman.
Well, Denver is a business tycoon in the making. He surely can relate these people. Binalingan n'ya ulit ang dalawang binata sa harapan n'ya at nahuli n'ya na naman ang mga mata ni Zoren na nakatingin sa kanya habang nagsasalita si Jeffrey at hindi n'ya iyon naiintindihan.
"Let's go?" agad na sambit ni Zoren nang diretsong nakatuon sa kanya ang atensyon nito.
Napalingon sa kanya si Jeffrey kaya maging s'ya ay napatingin din dito.
"Ahm...."
Hindi natuloy ni Yara ang sasabihin nang biglang magsalita si Jeffrey na para bang may na realize na kung ano.
"Oh. You guys know each other! How are you guys know each other?"
Parang gustong batukan ni Yara ang Jeffrey na ito. Noong kinakausap ba s'ya ng professor n'ya ay hindi ito nagtanong kung bakit nasa school na to si Zoren? Noong tinawag si Zoren ng host at sinabing one of our respective professor, hindi ba 'to nakikinig?
"Obviously, I'm a professor of this university," pabalang na sagot ni Zoren dito.
Napatawa ito ng bahagya sa narinig at binaling sa kanya ang tingin.
"Right! And you, Ms. Yara Formanes, is a student. Oh! How dumb I can be, right? It didn't come into my mind, silly me," anito nang mahinang natatawa.
Hindi nagugustuhan ni Yara ang tono ng isang ito. May mali sa taong 'to. Seryoso n'yang sinalubong ang mga mata nitong naglalaro at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng professor n'ya. Ayon sa tono ng pananalita ng lalake ay para itong may iniisip na kakatawanan o seryosong bagay na pinagtatawanan.
"Sometimes views are satisfying but sometimes, you also don't like seeing it and has to stop that view," biglang singit ni Guia kaya napalingon silang tatlo dito.
Napalingon si Yara sa likuran ng kaibigan upang tingnan kung kasama ba nito si Argel pero nakita n'ya itong kausap ng staff ng President's office kaya ibinalik n'ya ang atensyon sa kaibigan n'yang sumulpot na mukhang nahalata ang disgusto sa mukha n'ya habang kaharap ang mga lalaking ito.
"Guia Pascual," malapad ang ngiti ni Jeffrey nang banggitin ang pangalan ng kaibigan n'ya.
Pinagmamasdan ni Yara ang reaction ni Guia at nakita n'ya ang seryosong mukha nito na bumaling kay Jeffrey.
"Hi, Mr. Jeffrey Santiago," simpleng bati nito sa lalake. "I'm sorry if I interrupted you guys, but I'm fetching my best friend, she's coming with me, Denver and Argel. Sir, we'll just see you around," pagkasabi nito noon ay agad nitong hinila ang kamay ni Yara at walang nagawa ang huli kung hindi ang sumama sa kaibigan.
"Mabuti na lang ang dumating ka, gustong-gusto ko ng lumayas doon kanina," agad na sambit ni Yara nang makalayo sila sa dalawang lalake.
"Nakita ko na mukhang hindi ka na komportable buhat noong lumapit sa inyo 'yong Jeffrey Santiago na iyon, kaya binantayan kita," sagot naman nito kaya napangiti na lang si Yara.
Huminto sila sa likuran ni Denver kaya napalingon sa kanilang dalawa ang binata nang may malapad na ngiti.
"Oh. These are my best friends sir," pagpapakilala nito sa kanila doon sa matandang kausap nito kanina pa.
"It's nice to finally met you, lovely ladies," masayang inabot nina Yara at Guia ang kamay ng matanda at kinamayan ito.
"Nice meeting you sir," magalang na saad ni Yara.
"I have to excuse myself for now. I will be having a few words with the school President who happen to be a good friend of mine."
Tanging pagtango at pagyuko na lang ang ibinigay nilang sagot sa matanda.
Nararamdaman ni Yara ang mga titig sa kanya na nagmula sa kung kanino. Dahan-dahan n'yang inilingon ang sarili at sumalubong sa mga mata n'ya ang seryosong paningin ng professor n'ya na hanggang ngayon ay kaharap at sa tingin n'ya ay kausap pa rin si Jeffrey Santiago. These two men probably really knew each other.
Agad n'yang iwinaksi ang paningin nang makita ang pagalaw ng ulo ni Jeffrey upang sundan ang kung ano o sino ang tinitingnan ng kaharap. Napangiti ng pilit ang dalaga nang makita si Argel na papalapit na sa kanila. Hindi naman din nakatakas sa paningin n'ya ang masayang mga studyante dahil sa pagkapanalo ng pambato nila.
Hope Martinez who happened to be their candidate lose. Sa ikalawang pagkakataon ay 1st runner up lang ulit ang dalaga. Nakita n'ya kanina kung paano tumalas ang paningin nito sa kanila pero agad din iyong binawi ng dalaga.
Hindi maiwasan ni Yara na isipin na baka iniisip nito na dadayain nila ang pagbibigay ng score dahil lang nasa parehong department sila. But she and her friends got the honor. They would rather lose a battle rather than cheat on it just to get the victory they do not deserve.
"Guys tara na sa AVR, narinig ko masasarap raw ang mga pagkain na hinanda ni madam para sa atin," excited na saad ni Argel nang saktong makalapit ito sa tatlong kaibigan.
"Hinaan mo naman ng kahit kaunti lang iyang boses mo. Nakakahiya kapag narinig ka ng mga studyante na nakapaligid sa atin at lalong mas nakakahiya kapag ang mga bisita ang makakarinig sa 'yo," pabulong na saway ni Guia sa kaibigan. Argel just looked at Guia with his raised eyebrows and stuck his tongue making his friend rolled her eye on him.
"Whatever! Tara na," ani Argel sa malaking boses kaya impit na pinipigilan nina Yara ang paglabas ng mga tawa dahil sa pagiging firm ng boses nito.
Argel really sounds like straight guy but not firm, that is why everytime he talks with a whole deep voice, his friends would go crazy for they are not used to it.
"Kanina ko pa napapansin ang pagtingin ni sir Zoren sa 'yo," simpleng pabulong na sambit ni Guia kay Yara.
Naglalakad silang apat papunta sa AVR na tinutukoy ng kaibigan at ng professor n'ya kanina. Hindi rin naman nila inasahan na may ganitong pagtitipon pagkatapos ng program. Mukhang private naman talaga kaya ayos lang sa kanila, besides, hindi lang naman sila ang bisita doon. Although, siguro sila lang ang studyante but, nah.
"He's looking at me?" pagtatanong n'ya dito at kunwari ay hindi n'ya alam. Alam n'ya iyon, alam na alam n'ya. At hindi n'ya alam kung bakit.
"Oo, pero hindi ko mapaliwanag kung ano ang klaseng tingin na iyon. He don't look suspicious at all, hindi rin naman s'ya mukhang nagnanasa sa 'yo, hindi naman bastusin ang pagtingin n'ya sa 'yo. Maybe he just found you mesmerizing," nakangiting sambit nito kaya mahinang natawa si Yara.
Zoren Corpuz, their professor who have the looks that can surely end a celebrity's career, mesmerizing her? She don't think so.
"Jeffrey Santiago said hi to me, by the way. Do you guys happen to talk to him? He said he will be looking at you guys, especially you, Ya," ani Denver kaya napatingin silang tatlo dito.
"Naka-usap s'ya ni Ya, lalapitan ko na sana sila kanina when I was with you, Gelo. But I was caught off-guard of how the heck he talked to Yara and the way he looks at her. Nasense ko kaagad na parang hindi comfortable si Ya kaya nilapitan ko sila at kinuha ko si Yara," mahabang litanya ni Guia. Nakuha n'ya ang atensyon ng dalawang lalakeng kaibigan.
Seryoso na napatingin sa kanya sina Denver at Argel, walang bakas ng pagkatuwa ang mga mukha nito bagkus ay mukhang naging interesado ang mga ito sa narinig.
"Binastos ka ba, Yara?" seryosong pagtatanong ni Argel.
Nakarating na sila sa tapat ng pinto ng AVR kaya bago pa makasagot si Yara ay agad na tumambad sa harapan nilang apat ang mukha ng staff na tumawag sa kanila noon sa classroom nila.
"Mabuti na lang nandito na kayo. Hahanapin ko sana kayo sa quadrangle dahil sabi ni madam baka hindi kayo aakyat dito, pasok na kayo," agad na saad nito nang may malaking ngiti sa mukha.
Mag-aalas 12 na ng madaling araw pero mukhang gising na gising pa ang maraming tao na narito. The competition was on fire. The ladies and gentlemen candidates didn't disappoint the guests and judges.
"Talaga ba na hinahanap tayo ni madam? Bakit ba nakatuon ang atensyon n'ya sa atin?" pabulong na sabi ni Guia at dinig iyon ng katabing si Yara dahil inilapit n'ya ang bibig sa tainga nito habang nagsasalita.
Natawa ng mahina si Yara, "hindi ko rin alam, natatakot na nga ako eh," sagot n'ya sa kaibigan.
"I know, I will be able to see you guys in here."
Sabay silang dalawa na napalingon nang marinig ang sinabi na iyon sa likuran nila. Parehong dahan-dahan na nawala ang mga ngiti sa mukha nilang dalawa at bahagyang yumuko si Yara bago ngumiti ng pilit.
"Jeffrey Santiago, right? I saw your name in the invitation card and noticed you earlier when you were showed in the screen," formal na sabi ni Guia dito saka inabot ang kamay.
"Hi, Guia Pascual. I knew you guys way back in the seminar, I know you guys are best of friends with the one and only Yara Formanes," malapad ang ngiti nitong tinanggap ang nakalahad na kamay ni Guia pero agad iyong binawi ng dalaga.
"Hmm. I remember you, sir. That was years ago and I'm glad you didn't forget us," plastic na ngumiti si Guia at bahagyang humigpit ang hawak n'ya sa kamay ng tahimik na kaibigan na si Yara.
Pasimple n'yang sinulyapan sina Argel at Denver na tahimik na nagmamasid sa kanila sa tabi. Obviously Argel won't do such things he usually does. Napapaligiran sila ng malalaking tao na may matutunog na pangalan. Hindi lang iyon, nasa lugar sila kung saan naroon rin ang taong nagmamay-ari ng lugar na kinatatayuan nila ngayon.
Pansin ni Guia kung paano at gaano kalagkit ang tingin ni Jeffrey sa kaibigan n'ya kaya pilit n'yang kinukuha ang atensyon nito upang huwag na nitong matingnan ang kaibigan. She don't like the way how this guy looks at Yara. Ramdam n'ya rin ang disgusto mula kay Yara.
"Who would have the audacity of forgetting Yara Formanes? She's a pride so I don't think anybody would be able to forget a pride like her," anito at matamis na ngiting bumaling sa hindi komportable na si Yara.
"Well, we are a proud best friend," pagsingit ni Denver at inakbayan ang dalawang kaibigan. Agad na sumunod si Argel at tumayo sa tabi ni Yara saka hinawakan ang kamay ng dalaga.
Nahuli ni Yara kung paano sundan ni Jeffrey ng tingin ang kilos na iyon ng mga kaibigan n'ya. Kitang-kita n'ya kung paano nito sinundan ng tingin ang kamay ni Argel na humawak sa kamay n'ya. What's with this man?
"I'm sure, madam President is so proud of you guys. Let's enjoy the night? The food seems so good," pag-iiba nito ng usapan.
Naramdaman yata ng huli na parang hindi na natutuwa si Yara sa kung paano n'ya ito tingnan mula ulo hanggang paa.
"Yes, we'll get some," tipid na sambit ni Yara dito.
"By the way, nahanap mo na ba iyong libro na hinahanap mo noon? Wild soul, isn't it? I tried to look for it in other bookstore, I'm sorry hindi ako nahanap ng ganoon," saad nito kaya napalingon ulit si Yara dito.
Naalala n'ya ang unang beses na nakita n'ya ito at naka-usap. Kung bakit s'ya naglaan ng oras na magkape kasama ito dahil sa ginawa nitong pagtulong sa kanya na maghanap ng librong iyon sa bookstore na pinuntahan n'ya.
Unang beses na nakita n'ya ang lalake pero nagkaroon kaagad s'ya ng hindi magandang impression dito kaya siguro ganito na lang kahilaw ang pakikitungo n'ya dito. Alam n'yang napapansin nito kung gaano s'ya ka cold, hindi n'ya rin naman sinasadya sadyang iba lang talaga ang pakiramdam n'ya sa lalake.
Hindi rin naman maganda ang tingin ni Guia sa kung paano s'ya nito tingnan kaya hindi mali ang instinct n'ya. Besides, hindi n'ya naman talaga ito kilala kaya hindi s'ya masisisi ng kahit na sino kung hindi n'ya kaagad ito pagkakatiwalaan.
She is no dumb. Hindi s'ya tanga at hindi s'ya bobo, may tiwala s'ya sa sarili kaya may tiwala s'ya sa pakiramdam n'ya.
"Oo, mayroon na, salamat," tipid na sagot n'ya. "Puntahan ko lang ang mga kaibigan ko," dagdag n'ya nang makita ang tipid na pagsenyas ni Guia sa kanya na lumapit dito.
"Sure, no problem," sagot nito kaya agad niya itong tinalikuran upang lapitan ang mga kaibigan n'yang naghihintay sa kanya.
Walang kahit na anong salita ang lumabas sa mga bibig nito at dumiretso sila sa mesa kung saan naroon ang mga pangalan nila.
May tig-lilimang upuan ang bawat round table at apat silang magkaibigan, ibig sabihin ay may isa silang makakasama sa mesa.
"Zoren Corpuz," biglaang banggit ni Argel sa pangalan ng professor nila kaya napalingon si Yara dito at nakita n'ya itong nakatingin sa papel na nakatapat sa ikalimang upuan na nasa mesa nila. "Dito rin si sir Zoren uupo mamaya," kinikilig na sambit nito.
"Oh. Maghunos dili ka," saway ni Guia sa kaibigan na mukhang nabuhayan ng pusong babae, bumaling sa kanya si Guia, "mukhang kilala ni sir Zoren si Jeffrey," anito sa kanya.
"Sa tingin ko din, kasi kanina noong lumapit si Jeffrey sa amin ni sir, mukhang matagal na silang magkakilala sa klase ng batian nila sa isa't-isa," sagot n'ya dito habang nagsisimula na silang kumain.
"Nakita ko kung gaano kalaki ang ngiti ni sir kanina noong nakita ang mukha mo sa screen, Yara baby," pabulong na sambit ni Argel pero narinig iyon ni Yara dahilan para mapalingon s'ya sa paligid dahil baka mamaya may nakarinig dito or worst, kung ang professor mismo ang makarinig dito.