Time flies that fast and now, Guia and Yara are both preparing their selves here in Yara's house. Sabado na at final night na ngayon, last night was fun and all. Guia and Argel was having fun being a judge. Kailangan din pala umupo ng mga judge ng first night sa final night kaya ngayon, kailangan na naroon pa rin sina Guia at Argel sa event.
Although, iba ang table nila, doon sila sa table na naka-line sa mga guest. Ngayon nila malalaman kung sino ang magiging Miss LU for this year. Masaya sila na medyo na-cringe noong akala mo sobrang laki ng prize dahil sa cheer ng audience at sa sobrang taas ng qualifications, sobrang pressured para sa mga candidates ang criteria at malalaking tao na may malalaking pangalan ang mga judges.
"Hindi ko rin naman inasahan na magiging ganoon kasaya ang gabi na iyon. Akala ko nga mapapanis ang laway ko dahil wala kaming kilala na nasa table, pero dahil nga likas na maingay at madaldal si Gelo, ayon, tingin ko ay nakausap namin lahat ng kasama namin sa mesa," natatawang sambit ni Guia habang inaalala kung paano nagsimula ay nakausap nila lahat ng kasama.
"Buhay na buhay din ang mga audience eh," nakangising sambit ni Yara habang nagkakabit ng fake eyelashes sa mga mata n'ya.
Kagaya ng original plan nilang dalawa, hindi na sila nag-hire pa ng make up artist na gagawa nito sa kanila. Marunong naman sila pareho na magpahid ng foundation sa mukha. Si Guia ang nag blend ng make up kay Yara at si Yara naman ang gumawa sa make up ni Guia.
Hindi na sila gumastos, umayon pa sa gusto nila ang make up na nasa mukha nila. At dahil nga rin hindi nila alam na kailangan pala na naroon sina Guia at Argel sa mesa ngayon na final night na ay hindi ito napaghandaan ni Guia. Isang dress lang ang napatahi n'ya, si Yara ay gumamit lang ng dress n'ya noong first night kaya ganoon na rin ang ginawa ni Guia. Maraming dress si Yara kaya kumuha na lang din s'ya sa closet ng kaibigan.
Nagpatahi lang talaga sila ng bagong dress dahil ang karamihan sa mayroon si Yara ay hindi babagay sa pagiging judge. Well, puwede naman pero hindi s'ya komportable na alin sa mga iyon ang isusuot n'ya dahil nga nasanay s'ya na sa mga private party, or dinner niya lang iyon nagagamit.
"In fairness din naman doon sa taga Engineering department, magaling ah. Ako personally wala akong confident sa contestant natin. Kapag ganoon pa rin ang performance n'ya tonight, matatalo s'ya," ani Guia habang sinusuot ang sapatos n'ya.
May isang oras na lang sila at magsisimula na ang program, ngayon din daw ang awarding ng mga winners ng mga games na ginawa.
"Mukhang fair naman din naman ang ibang judges. May tag-iisang judge naman from each department, ang mga Deans nila kaya hindi sila dapat kakabahan. Siguro naisip din ni madam iyon dahil nga inilagay niya tayong apat at nasa iisang department tayo. Magwawala nga naman ang iba doon," nakangising sambit ni Yara.
Sabay silang napalingon sa pinto nang may biglang kumatok at dahil si Guia ang nasa malapit dito ay ito ang nagbukas. Bumungad sa kanila ang mukha ng kasambahay nina Yara na si Gina.
"Ms. Guia, Ms. Yara nasa baba na po sila sir Denver at sir Argel po," anito nang hindi pinapasok ang katawan at tanging ulo lang nito ang isinilip sa nakaawang ba pinto.
"Bakit hindi sila umakyat? Pumasok ba sila?" pagtatanong ni Yara.
Tumango ang babae, "opo, ang sabi po ni sir Argel sabihin ko raw po ito sa inyo, hindi naman raw po kayo mga prinsesa kaya hihintayin na lang daw po nila kayo sa baba at hindi nila kayo susunduin," natatawang saad nito na ikinatawa rin ng dalawang magkaibigan.
"Ang kapal talaga ng mukha ng baliw na iyon," komento ni Guia nang hindi naaalis sa mukha ang ngisi.
"Hayaan mo na nga iyon, wala nang pag-asa ang isang iyon," ani Yara bago binalingan ang hindi pa umaalis na si Gina, "pakibigyan na lang sila ng makakain, nay cake pa naman po sa ref, ano? Samahan na lang din ninyo ng maiinum," agad itong tumango at nagpaalam na umalis.
Patapos na rin naman na sila at bababa na rin silang dalawa mamaya-maya.
"I know you'll look great and stunning in that dress," namamanghang sambit ni Guia nang tumayo si Yara at makita ang kabuuan ng kaibigan.
Napangiti si Yara sa narinig mula sa kaibigan saka tiningnan ang sarili sa harap sa malaking salamin na mayroon s'ya sa loob ng kwarto n'ya.
"Do you think, I can pull this better?" pagtatanong n'ya sa kaibigan.
Hindi na nagulat ni Guia na itinanong iyon ni Yara, she knows how Yara wants everything to be perfect. Simple lang ang kaibigan pero alam n'ya na lahat ng ginagawa at gagawin nito ay gusto nito walang mali, walang kahit na maliit na aberya. Kaya hindi s'ya nagulat na tahimik ito noong gabi na may nanggulo sa kanila sa bakasyon pero bigla itong lumaban.
Kinokontrol noon ni Yara ang sarili na huwag makagawa pa ng higit pa roon.
"Why would you ask me that? Of course! Runway model handlers knows that, kaya nga palagi ka nilang nililigawan kahit palagi mo rin silang nire-reject. Wala kang hindi kayang dalhin, Ya, that is why we are so damn proud of you. We can cheer you for the rest of our lives," malambing na saad ni Guia habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Yara sa reflection nito sa salamin.
"You really know how to flatter me, Gyaya," natatawang saad ni Yara sa kaibigan. "You know I we can also cheer for you for the rest of our lives, and correction, hindi lang ako ang nag-reject ng mga runway model handlers. I also know some name, Guia i guess."
Napahampas si Guia sa balikat n'ya dahil sa sinabi n'ya. Well, that wasn't a joke, pareho sila ni Guia na hindi na mabilang sa mga kamay kung ilang beses na tumanggi sa mga ganoong offer. They both want to focus on their studies first.
But Yara is certain that Guia would make a huge name in modelling industry. She personally have never seen herself doing such thing. She was looking forward to take over their companies and get busy herself. She will just stay in the side and cheer Guia conquer her dreams and the world of modelling.
"Tara na nga, baka mamaya n'yan, naubos na ni Gelo ang cake doon. 30 minutes na lang at magsisimula na ang program," saad nito at naiiling para lang huwag na nilang pag-usapan ang tungkol sa modelling.
Yara just chuckled a little and nodded, grabbing her purse and they went outside together heading downstairs. Nakita nila si Denver na nakatutok sa cellphone n'ya habang naka cross ang mga bente at komportableng naka-upo sa sofa sa sala ng mag-isa.
Nagkatinginan silang dalawa ni Guia at mukhang pareho sila ng naiisip nang sabay din silang napa-iling. Alam na nila kung nasaan ito ngayon na wala ito sa sala. Napabuntong-hininga na lang sila ng sabay. Nasabi nga pala ni Yara na may cake sa ref. Alam n'yang hindi patatawarin ng kaibigan n'ya ang pagkain na ibibigay dito.
Ayos lang naman iyon sa kanila, ayaw lang nila na malulong ang kaibigan sa pagkain, para rin naman iyon doon. Although, Argel knows what he is doing, he knows how to balance his lifestyle but it's just Yara don't like it that he found foods as the comfort of his stress and problems.
Napalingon sa kanila si Denver at lumawak ang ngiti nito nang makita sila. Agad itong tumayo at inabot ang tag-iisa nilang kamay bago pa sila tuloyang makababa ng hagdan.
"Thank you," sabay nilang saad nang makababa na nga sila.
"Gina, pakitawag naman na ang kaibigan namin pakisabi aalis na kami," utos ni Yara sa kasambahay na nasa sala nag-aayos ng mga display ng ninang n'ya.
Tumango naman ito at agad na ginawa ang pinag-uutos n'ya. Hindi rin naman nagtagal ay agad na lumitaw ang kaibigan nila mula sa kusina. Cool na cool itong naglalakad palapit sa kanila na parang hindi kagagaling sa pagkain.
Napangiti si Yara nang makita ang kabuuan ni Argel sa suot nitong black suit. He really looks like a billionaire bachelor, ang guwapo nito sa suot nito na bumagay sa haircut nito. Magkasing tangkad silang dalawa ni Denver and they are both looking so ideals.
"Let's go?" agad na tanong nito nang makalapit sa tatlong kaibigan na naghihintay sa kanya sa sala.
Iisang sasakyan lang ang gagamitin nila at ang sasakyan ni Denver iyon. Agad na tumango ang mga kaibigan n'ya. Inabot ni Denver ang kamay kay Guia at ganoon din ang ginawa niya kay Yara.
"Sana tinirhan mo pa ako kahit na isang slice lang," sambit ni Yara nang abutin ang kamay ni Argel at nang palabas sila ng bahay at dumiretso sa sasakyan ni Denver na hindi na pinasok sa loob ng gate.
"Naisip naman kita kaya nagtira ako para sa 'yo," nakangising sagot nito sa kanya at may pagkindat pa.
Nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan ay agad itong pinaharurot ng binata dahil 25 minutes na lang ay magsisimula na ang program at 15 - 20 minutes ang magiging takbo nila. Hindi malabong magkakaroon ng kaunting traffic kagaya kagabi dahil sa maraming sasakyan na pumapasok sa loob ng LU. Good thing that Denver made an agreement with the guard na mag-reserve ng kahit isang space lang para sa kanila.
"I am sure na mas maraming tao ngayon kaysa kagabi," ani Guia na sinang-ayunan ng mga kasama.
"Mas excited ako na makita ulit si sir Zoren. Sobrang guwapo n'ya kagabi kaya lang hindi ko s'ya naka-usap. For sure ngayon, makaka-usap ko na s'ya. Tingin ko magiging crush ka na n'ya ng husto, Yara baby," saad ni Argel na kinikilig.
"Alam mo ba hindi ko na in-expect na maririnig ko pa sa 'yo iyan? Tigilan mo na ang kakasabi n'yan, Gelo baka mamaya hindi mo mapigilan iyang bunganga mo at kung ano ang masabi mo nang nasa harap ng maraming tao. Tandaan mo, professor natin iyon," paalala n'ya sa kaibigan kahit na alam naman n'yang hindi ganoon ka careless ang kaibigan.
Pero hindi n'ya rin naman kasi itatanggi kung gaano ka talas ang pandinig ng mga tao lalo na kapag chismis. Yeah, she maybe quite and reserved but that doesn't mean she is not fully aware what kind of environment she has. Kahit saan ka magpunta, mabibilis ang chismis at iyon ang iniingatan n'ya. Ayaw n'ya ng kahit na anong issue na magdadawit sa pangalan n'ya.
"Tsaka baka nga may girlfriend iyon si sir, eh. Sinabi n'ya lang wala kasi wala tayong nakikita, you know boys," pairap na sambit ni Guia kaya matulis na napatingin sa kanya ang kaibigan na si Argel.
"We do not know him personally, he may or may npt be telling the truth, that is not our business. He is just our professor and we are civil," dagdag komento ni Denver kaya napasimangot pa lalo si Argel sa mga narinig.
"You guys are really against my intuition. Basta sigurado ako na crush ni sir si Yara baby," nakangusong saad ni Argel kaya napatawa ng mahina ang mga kaibigan.
"Just don't say a word or anything when he's around para hindi tayo mapapahamak. Remember, that will be the death of me, so please spare my name at bahala ka na riyan sa imagination mo," naiiling na saad ni Yara.
Napangiti sila nang makita na walang sasakyan na naroon sa pwesto na ipikaiusap ni Denver kaya hindi sila nahirapan. Agad silang lumabas ng sasakyan nang makapag-park ng maayos si Denver at sabay-sabay na naglakad papasok ng campus. Sakto lang na 15 minutes ang naging takbo nila at matao na nga sa loob.
Hindi nakatakas sa kanila ang mga mata ng ilang pamilyar na mukha na sa tingin ni Yara ay mga kaklase nila at ang iba ay mga nakakilala sa kanila kahit na hindi nila kaklase. Tuloy-tuloy ang lakad nilang apat hanggang sa nakarating sila sa quadrangle kung saan ginaganap ang program ngayon. Hindi rin naman kasi biro ang lawak ng lugar nito.
Nanlaki ang mga mata at malawak na napangiti ang President ng organization ng department nila at agad sila nitong nilapitan nang makita silang apat.
"Mukhang mas marami talaga ang tao ngayon kaysa kagabi," pabulong na sabi ni Guia, sapat lang upang marinig ni Yara.
"Excited rin yata sila na malaman kung sino ang mananalo. Hindi naman bago ang pageant sa school nito. Pero palaging excited ang mga studyante," pabulong na sagot n'ya sa kaibigan.
"Kaya nga, hindi naman ito Miss Universe pero ang excitement nila ibang level," natatawang sambit pa ni Guia.
"That is because winning is a pride at kapag nanalo ang contestants nila, that's the whole department's victory," nakangiting sagot ni Yara.
"Saktong-sakto ang dating ninyo," agad na saad ng org President nang makalapit ito sa kanila. "I always knew you guys are elite, but anyway please follow me at ituturo ko sa inyo ang seats ninyo, Guia and Argel. While Yara and Denver, nasa center ang table ninyo at naroon na ang ilang judges. Kayong dalawa na lang sa apat ang kulang."
Sabay silang tumango at napatingin sa isa't-isa. Tinanguan nilang pareho ang isa't-isa bago humiwalay sina Guia at Argel. Nakahawak si Yara sa braso ni Denver nang papalapit sila sa table kung saan naroon ang upuan ng mga judges.
Ayon kay Guia may mga pangalan naman daw nila ang ang table kung saan dapat sila maupo kaya hindi sila manghuhula kung saan sila dapat maupo. Apat na magkakatabing upuan na lang ang bakante at nang makalapit ay agad na naguli ng mga mata ni Yara ang pangalan n'ya.
Katabi n'ya sa kaliwa si Denver at napalunok s'ya nang makita ang pangalan ng taong magiging katabi n'ya sa bandang kanan. Mr. Zoren Corpuz, ang professor n'ya.
Akmang hahawakan n'ya ang sandalan ng upuan n'ya upang hilahin pero napatigil ang kamay n'ya nang may isang kamay na humila dito. Napa-angat s'ya ng tingin kay Denver upang tingnan kung ito ba ang gumawa pero napatigil s'ya nang makitang hindi ang kaibigan n'ya. Dahan-dahan ang paglingon n'ya sa kabila at sumalubong sa mga mata n'ya ang nakangiting guwapong mukha ng professor n'ya.
"Please have a seat," nakangiting saad nito nang magtama ang mga mata nilang dalawa.
Alangan na napangiti si Yara saka sinulyapan ang upuan na hawak nito na s'yang para sa kanya.
"Thank you, sir," mahinang saad n'ya.
Lumingon s'ya kay Denver at tinanguan s'ya ng kaibigan kaya agad s'yang umupo nang makita ang pag-upo ng katabi. Iginala n'ya ang paningin upang mahanap kung nasaan ang mga kaibigan na sina Guia at Argel at hindi naman s'ya nabigo, agad n'yang nahanap ang dalawa at malawak ang mga ngiti nito na kumaway ng pino sa kanya.
"How was your vacation?"
Napalingon si Yara sa kabila nang marinig ang pagsasalita ng professor n'ya. Hindi masyadong malinaw sa pandinig n'ya kung ano ang sinabi nito pero sigurado s'ya na s'ya ang kinausap nito.
"I'm sorry, I didn't get it," nahihiyang saad n'ya.
"Your vacation, how was it?" nakangiting pag-ulit nito.
"Oh. Ayos lang po, it was great and we had fun," sagot n'ya saka tipid na ngumiti. Medyo hindi n'ya inasahan ang naging tanong na iyon, napaisip pa s'ya ng bahagya kung bakit at paano nito nalaman na nagbakasyon sila.
Naalala n'ya na nasabi nga pala ng madaldal nilang kaibigan na si Argel noong naharang sila nito para sana palaruin ang mga ito ng chess.
"Where did you guys go? It's just the four of you?" dagdag tanong pa nito at naging malinaw iyon sa pandinig niya.
Medyo naasiwa s'ya kasi baka narinig ng katabi nito sa kabila pero kung oo, ano naman hindi ba? Hindi lang siguro s'ya komportable na nagtatanong ito ng mga bagay na walang kinalaman sa klase. Knowing that he is her professor and she is his student. It's just so happen that they are both sitting in here judging this event.
"Ahm, just somewhere Denver parent's knows po at yes po, kaming apat lang," simpleng sagot n'ya sa tanong nito.
Magsasalita pa sana ito nang biglang magsalita ang host ng program kaya sabay silang napatuon ng tingin sa stage. Maganda ang stage masyado nang moderno ang panahon at puro technology na ang kumikilos ngayon.
Isa-isang tinawag ang mga pangalan ng judges at pinapakita sa malaking screen ang mga mukha nila. She's trying herself to stay still and as much as possible not so looking intimidating.
Napatingin s'ya sa screen nang banggitin ang pangalan ni Jeffrey, hindi rin talaga maitatanggi ang guwapo nitong mukha.
"Gorgeous."
Napalingon s'ya sa katabi nang bigla itong magsalita kasabay nang pagtawag ng pangalan n'ya at pagpakita ng mukha n'ya sa screen.
"Thank you," aniya.
"I now understand why everyone was rooting for you to be one of the candidates," nakangiting sambit nito.
"Just so happen that, that is not my thing," aniya nang hindi tumitingin dito.
Napangiti s'ya nang tawagin ang pangalan ng kaibigan at makita ang mukha nito sa screen, binalingan n'ya si Denver at napatingin din ito sa kanya.
"It's kind off awkward," natatawang bulong nito.
"Yeah, pero ayos lang iyon, ang pogi mo naman doon sa screen eh," mahinang natawa s'ya sa sinabi n'ya kaya natawa din ang huli.
Nagsisimula na ang performance ng mga candidates kaya napatutok s'ya sa stage. Nabasa n'ya na ang criteria at hinahanap n'ya sa bawat candidates ang mga iyon. She will be fair enough for this.
Naalala n'ya ang mga mukha ng mga studyante na nakakilala sa kanila kung paano rumihestro sa mga mukha nito ang gulat noong nakita sina Guia at Argel dito sa mesa. Alam n'yang inasahan na ng mga iyon na uupo rin sila ni Denver dito ngayon.