Chapter 30

2975 Words
"Do you need a hand?" Napalingon si Yara nang marinig ang boses ng nagsalita sa bandang gilid n'ya. Hindi s'ya nagkamali nang isipin na kilala n'ya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Thank you sir, but I can do this," aniya dito saka ngitian ang professor nila. Kumuha s'ya ng inumin sa mesa at nilalagay n'ya sa maliit na tray kung saan kakasya lang ang apat na baso na sapat din naman para sa kanilang apat ng mga kaibigan n'ya. "I insist, since we shared the same table, ako na ang magdadala n'yan," nakangiti nitong sabi at kinuha ang tray na dapat ay bubuhatin n'ya pa lang. Wala na s'yang nagawa kung hindi ang sumunod dito. Mahina itong natawa nang bigla itong lumingon at sa tingin n'ya ay nakita nito ang paghaba ng nguso n'ya na agad n'yang tinanggal. "Thank you po," nahihiyang sabi n'ya dito. "Were you ever told that you look cute if you pout?" mahinang saad nito nang may malaking ngiti. Napatingin s'ya dito at nakita n'ya kung paano kumislap ang mga mata nito sa ganda at nakita n'ya ang sarili sa reflection nito. She have seen beautiful eyes but she have never seen eyes that is beautiful like this. Hindi yata s'ya magsasawang pagmasdan ang mga mata ng binata. Kung hindi lang s'ya parang natutunaw at kinakain ng hiya sa tuwing nahuhuli s'ya nito na nakatingin dito ay hindi n'ya aalisin ang mga mata sa mga mata nito. Iniyuko ni Yara ang sarili bago pa n'ya masabi dito na ang ganda ng mga mata nito. "Thank you sir," Dinig n'yang sabi ng mga kaibigan n'ya kaya napatingin s'ya sa mga ito at saka n'ya lang napansin na nasa table na sila nila. Nag-alisan na rin ang bisita at maya-maya lang ay uuwi na rin sila. Dapat ay kanina pa pero kina-usap sila ng President ng school nila na huwag muna at babalikan sila nito mamaya. Ang mamaya na iyon ay magda-dalawang oras na kaya kahit na may presentation naman at video sa malaking screen ay naboring silang apat. Wala silang plano na uminom pero dahil nga doon ay naisipan ni Yara na tumayo para kumuha ng maiinom, nagpasabay naman ang mga kaibigan n'ya. "So you and Jeffrey Santiago know each other?" dinig n'yang tanong ng professor nila na nasa katabi n'yang upuan. Nilingon n'ya ito at umiling, "I mean, I met him in a seminar years ago. I don't know him personally. I even hardly remembering him if he didn't just introduce himself," sagot n'ya dito. Yumarok ito ng isang beses mula sa inumin na nasa hawak nitong baso. Natikman n'ya na ang wine na kinuha nila at masasabi n'ya na hindi naman sila nito malalasing. "I see," tumatango-tangong saad ng professor n'ya. "We're not friends," wala sa sariling sambit n'ya na halos kutusan n'ya ang sarili dahil sa sinabi. Hindi n'ya alam kung bakit parang gusto n'yang bawiin ang sinabi at pagsisihan kung bakit n'ya iyon talagang inilabas sa bibig. Ang dating tuloy ay parang gusto n'yang magpaliwanag dito. Tipid s'yang napangiti nang lumingon sa kanya ang binata at hindi nakatakas sa pandinig n'ya ang mahina nitong pagtawa. "Really? I thought you guys are getting along. I mean, he is Jeffrey Santiago and everyone make a good friendship with him," anito kaya tumaas ang kilay niya dahil sa narinig. For the second time, she don't think so. "So are you two in a good friendship-friendship?" pagtatanong n'ya dito at sinabayan ng pag-inum ng inumin n'ya na nasa baso na kanina n'ya pa hawak-hawak. Zoren looks at Yara with amusement, like always. He always knew Yara is something or someone with this wide understanding and he knew she would always read between the lines. Kitang-kita ni Yara kung paano kumislap ang mga mata ng binata nang tingnan s'ya nito. Hindi n'ya masabi kung para saan ang pagkislap ng mga mata nito sa tuwing nakikita n'ya, hindi iyon madalas pero may iilang pagkakataon. Minsan kapag nakikita n'ya ang mga mata nito ay seryoso at malalim ang mga iyon at hindi n'ya alam ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon pero walang pagkakataon na hindi s'ya natatalo ng kaba kapag nagtatama ang mga paningin nila. Hindi n'ya alam kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng iyon pero isa lang ang sigurado s'ya, hindi n'ya magugustuhan kung ano ang bagay na iyon. "Just like you, kilala ko lang din s'ya sa pangalan pero hindi kami magkaibigan. It just so happen that we met countless times in a meeting, around and any activities," magaan na sambit nito nang may maaliwalas na expression sa mukha. Her professor, Zoren Corpuz, she knew he is something huge behind that title professor. She will be soon conquering in the industry of their business and if her professor is a businessman behind his faculty uniform, there still this big chance that she will be bumping this man outside the university. Him, in his business suit and her, in her corporate dress. Maybe. "Sir," Sabay sina Yara at Zoren na napatingin kay Argel na s'yang kumuha ng atensyon ng binata. Nakangiti ito na nakatingin sa kanilang dalawa na para bang kanina pa ito nagmamasid sa kanila at ngayon ay gustong sumali sa usapan. Binaliwala ni Yara ang klase ng tingin na iyon ng kaibigan. Kilala niya ito kaya alam n'ya kung anong klaseng panunukso ang sinisigaw ng mga tingin nito. Maaring hindi iyon mahuhulaan ni Zoren pero s'ya alam n'ya, alam na alam n'ya. Wala s'yang hindi alam sa galaw ng mga mata nito. "Yes, why?" pagtatanong ni Zoren dito. Nangingiting tumikhim si Argel saka isa-isang tiningnan ang mga kaibigan bago ibinalik ang paningin sa professor nila. "Sir, there are bunch of girls there tonight, but I don't know if you'll agree with me. I just found out that my best friend, Yara, she is stunning and she shines over these girls. She, sometimes don't believe in herself, she hardly think she can pull herself but we knew she can, it's just that, she sometimes is lacking confidence," seryosong sambit nito dahilan upang manlaki ang mga mata ni Yara dahil sa narinig. Napatingin s'ya sa kaibigan nang may hindi makapaniwalang pagtingin. Hindi n'ya inasahan ang mga iyon, binaling n'ya ang mga mata sa nakikinig na si Guia at Denver. Napayuko na lang din ang mga ito na para bang ito ang nahihiya sa klase ng sinabi ng kaibigan. They both knew Yara is always in fire but this Argel who happen to have a stubborn ass is clearly playing his invisible card right in front of Yara. Napa-iling na lang si Guia sa sinabi ng katabi. Lumingon si Zoren kay Yara kaya tipid na ngiti ang sumilay sa mukha ng dalaga. Nahihiya s'ya dahil sa sinabi ng kaibigan, hindi man lang nagdalawang-isip ang isang iyon. Ni hindi man lang din nautal. Gustong hampasin ni Yara ang batok nito pero saka na lang kapag sila na lang. Baka matanggal n'ya ang ulo sa katawan ng bakla na ito. "I know you'll find that statement false, sir. I don't lack confidence, I am confident but I don't outshine other girls," agad na sambit n'ya nang umawang ang bibig ng professor n'ya upang magsalita. Masyadong attention seeker ang baklang ito, kinagat pa ang ibabang labi para huwag lumabas ang tunog ng tawa nito. Halos tawagin ni Yara ang lahat ng Santo sa pagpapasalamat nang makita n'ya ang Presidente ng school nila na hindi pa inaantok, hindi pa mukhang pagod at papalapit ito sa kanila. Good thing because she really wanted to go home now. Ayaw n'yang dito matunaw sa hiya kung sakaling may iba pa na hindi kaaya-ayang lumabas sa pasmadong bunganga ng kaibigan n'yang may pusong babae pero na-trapped sa katawan ng lalake. "How was the night?" agad na tanong ng Presidente ng skwelahan nila. Yara believes that people has multiple personality and this woman is one of the perfect definition of that. Now, happiness is being drawn on her face and she don't look how she usually look in the morning while walking down in tha hallway or corridor of this school. That is why people called her madam because of the aura she had everytime she's outside. "We enjoyed it po, salamat po sa pag-invite ninyo sa amin dito," magalang na sagot ni Guia na s'yang malapit sa ginang. Matamis na ngiti ang natanggap nitong sagot sa ginang at ipinatong pa nito ang kamay sa balikat ng dalaga. Napatingin si Guia kay Yara na hindi maitago ang kaba. Ramdam ni Yara ang kaba mula sa kaibigan lalong-lalo na noong mapangiwi ito nang lumapat ang kamay ng President sa balikat nito. "I've always dream to have you in the same room with me — oh no! Correction, I mean, I always dream with be in the same room with you. I never saw serious, smart, carefree and ideal people such as the four of you. I am always proud to have you four in my school. One day, you will be making your own names outside of my university and I will be having my chin up proud saying that you four are the product of LU," mahabang litanya nito. Ramdam ni Yara ang pag-iinit ng mga mata niya dahil sa sinabi nito. Hindi na bago sa kanila na sabihan sila ng matalino ng ibang tao, but when the woman everyone thought are cold, heartless and scary said those words in her face, it hits different. "Thank you for that, ma'am. I don't know what we did that made you proud of us but thank you," sinserong sambit ni Denver at bahagyang iniyuko ulo tanda ng paggalang dito. "Everyone looked up the four of you, especially you, Yara. You and Guia are every girls dream to be. I am so proud of your parents for knowing how to mold you into such a responsible child that brought you in your adulthood. I will be forever thankful to them that they put you in my school. I have finally my school's pride," natatawang saad nito kaya maging sila na kaharap nito ay hindi rin napigilan ang matawa. "That is too much of expectations from us but I am still thankful for the appreciation, ma'am," ani Argel na may halong sarkastiko sa tunog habang natatawa pa din. "I heard, you didn't tell your classmates prior the night that you will be sitting in the table judging the candidates along with those people. I wasn't shock at all. You maybe not aware but I always have my eyes on you here. I always love seeing how serious and chaotic you guys are. That is why I am not surprised that you surprised the students upon showing your selves in the huge screen," malaking ngising sambit nito. "We just don't feel the need of telling that to other people," magalang na sabi ni Yara dito kaya mas lalong lumapad ang ngisi ng ginang. Naglakad ito palapit sa kanya at hinawakan ang balikat n'ya. Nakaupo sila kaya iyon ang agad na maaabot ng ginang sa kanya. "If I only have a son, I won't allow him dating a girl that is not you," pagbibiro nito na hindi n'ya inasahang marinig. Pakiramdam ni Yara ay kahit na hindi s'ya umiinom ay nabilaukan s'ya ng sarili n'yang laway. "Ma'am," nahihiyang sambit n'ya lalong-lalo na nang marinig n'ya ang pagtawa ng mga kaibigan. Napayuko s'ya dahilan para masulyapan ang oras na nasa suot na relo ng katabi n'yang si Zoren na kanina pa tahimik simula nang lumapit sa kanila ang ginang. Nakita n'yang lagpas ala-una na ng madaling araw at pakiramdam n'ya ay kailangan na nilang umuwi. Iisang sasakyan lang ang dala nila at kay Denver lang iyon, iikot ang kaibigan n'ya kaya kailangan na nilang magsi-uwi. "Unfortunately, I don't have a son. So I just hope that whoever you will fall in love with, he is not a dumbass," pagbibiro pa ulit nito. "Well, Ms. Formanes is known for being smart, she will choose the best man for him," biglang umangat ang ulo ni Yara at nilingon ang katabing professor nang bigla itong magsalita. Hindi n'ya na naman inasahan na marinig ang mga salitang iyon. Yeah, people keeps on saying that she is smart and not dumb pero pakiramdam n'ya sa mga sinasabi ng mga ito na parang ginugulat s'ya ay ang laki n'yang tanga. "I hope she will find a man like you, Mr. Corpuz. You know I always vocal that I want you for my daughter that is why I also hope that someday my favorite student will find someone like you are," sambit ng ginang. Napahawak si Yara ng mahigpit sa suot n'yang dress habang nagdarasal na sana ay lamunin na s'ya ng lupa sa kahihiyang natatamo n'ya sa gabing ito. Bakit ba ang lahat ng mga nakapaligid sa kanya ay walang filter ang mga bibig? Una ay ang kaibigan n'yang si Argel tapos ngayon ay ang mismong nagmamay-ari ng lugar na kinaroroonan n'ya. "Ma'am, I guess it's too late na. I think, we need to go home now," aniya saka tiningala ang nakatayong ginang sa tabi n'ya. Narinig n'ya ang mahinang hagikhik nito saka tumango pero hindi pa doon natapos dahil nagpahabol pa ito ng pagkindat sa kanya. "Yeah of course, mag-ingat kayo," anito kaya masayang tumango si Yara maging ang mga kaibigan n'ya at sabay-sabag silang nagtayuan. "I'll just go with them now, ma'am," dinig nilang sabi ng professor nila kaya napatingin sila dito. Tumango ang ginang dito saka tinapik ang balikat ng binatang professor saka ito nagpaalam sa kanila na pupuntahan ang bisita dahil baka gusto na rin ng mga itong magsi-uwi. Inaantok na rin daw ito bigla kaya gusto na rin nitong magpahinga. Ngayon ay kasabay nina Yara si Zoren na naglalakad papunta sa kung nasaan ang sasakyan nila. Iisa lang naman ang parking lot dito, kaya iisa lang sila ng pupuntahan. "I want to offer you a ride but I know that you got your own car," nakangiting sabi ni Zoren. Nauuna sa kanila ang mga kaibigan ni Yara kaya tanging ang dalaga lang ang nakarinig ng sinabi nito. "We only brought Denver's car tonight sir, and we will be going straight to my house for Argel and Guia's car are there," aniya saka tipid na ngumiti. Ramdam n'ya na bigla ang antok kaya mas binilisan n'ya ang hakbang upang agad na makarating sa sasakyan. "Oh. I see, you know I always wanted to know you and your friends," saad nito kaya tumaas bigla ang kilay ni Yara at napalingon dito. "I mean, who wouldn't. Madam President was so fond of you guys because of your simplicity yet you guys are rocking. I don't want to give negative impression to you because I am your current professor but it would also be hypocrite of me if I mess your mind," dagdag pa nito sa seryosong boses. "What do you mean po?" pagtatanong ni Yara. Kinakapa n'ya ang sarili dahil pakiramdam n'ya ay bigla s'yang kinabahan dahil sa kung ano. Pakiramdam n'ya ay may gustong s'yang marinig pero ayaw n'ya rin naman na marinig. "You always get my attention, Ms. Formanes. I wanted to know you but I know where I should stand and stick around. You four are making a good couple, I mean, if I'm not mistaken, Mr. Santos and you are looking so good with each other and I am not in the right place to just popped in the center," seryosong sabi nito. Ayaw ni Yara na mag-conclude sa mga binitawang salita ng professor n'ya. Ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na nakapag-usap ng ganito pero ayaw n'yang isipin na may gustong sabihin ang mga salita nito. Malabo iyon, impossible. Pero isang linya ang mas nakakuha ng atensyon n'ya. Iniisip ba nito na si Guia at Denver habang s'ya naman at si Argel? Hindi alam ni Yara kung ano ang tawag sa nararamdaman n'ya. Gusto n'yang matawa, pero kinakabahan s'ya dahil ibang sinabi nito. Gusto naman n'yang masuka dahil sa sinabi nito tungkol s kanila ni Argel. Kapag malaman iyon ng kaibigan n'ya ay malamang magsusuka ang isang iyon at baka maglupasay pa iyon sa sahig. Tumikhim s'ya saka diretsong tumingin sa mga mata ng kasama. Gone the sparkle of his eyes. "I don't understand what did you just said, sir, but hopefully that won't give us the awkward atmosphere and that won't put us in a complicated issue," seryosong saad n'ya. Sumilay ang ngiti sa labi ng binata saka bahagyang tumango. "It won't. I have so much respect to a woman and your kind of a woman is the type that no one would want to ruin. Trust me, when I said I know where to stand and stick around. You are a gem, Yara," anito. Pinilit ni Yara na isantabi sa isip n'ya ang mga narinig na salita mula sa professor lalo na noong makalapit na sila sa sasakyan ni Denver kung saan naroon na ang mga kaibigan n'ya at hinihintay s'ya. Pero agad na kumunot ang noo n'ya nang matamaan ang isang bulto na kasama ng tatlo n'yang kaibigan. That's Jeffrey Santiago. "Salamat kung ganoon po," pagbaling n'ya dito. "Just don't step back when you are about to meet me around. Just don't step back when you are about to bump be somewhere," sambit nito. Tanging ngiti na lang din ang binigay ni Yara dito. Hindi n'ya alam kung nasaan ang sasakyan ng isang ito pero sumabay ito sa kanya hanggang sa makalapit sila sa mga kaibigan n'ya. "There you are — oh, you're together," nakangising sambit ni Jeffrey nang makita sila nito. "Yes, hi," tipid na bati ni Yara dito bago binalingan si Guia na halatang hindi at ease sa presensya ng isang iyon. "Tara na?" pagyaya n'ya sa kaibigan na agad tumango. Akmang papasok na sila sa loob ng sasakyan nang biglang magsalita si Jeffrey kaya napatigil silang pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD