Chapter 27

2965 Words
"Well, puwede akong magpretend na walang mga asungot na sumira ng bakasyon natin. Masaya pa rin naman iyon kahit na may ganoong nangyari. Isa pa, tingin ko may gagawig askyon ang management ng hotel para doon sa mga baliw na iyon," ani Guia nang makalabas na ang sasakyan nila sa mismong parking area ng hotel. Pauwi na sila at may limang oras sila na babyahe-in bago makarating sa mismong bahay ni Yara kung saan nila iniwan ang mga sasakyan ng ilan. Tiningnan ni Yara ang mukha ng mga kaibigan at nakita n'ya ang saya mula sa mga ito. "Duuh," maarteng pag-irap na saad ni Argel. "Hindi naman worth it ang mga iyon para hayaan na masira ang memory natin sa lugar ano. Isa pa, napakain na rin naman ni Yara ng lupa ang babae na maingay na iyon." "Kalimutan na natin ang nangyari kagabi, hindi naman iyon importante, ang importante wala sa ating nasaktan," saad naman ni Yara. "Hindi ka ba nasaktan ng babae na iyon, Yara baby? Mukhang walang pagdadalawang-isip na hinila ng baliw na iyon ang maganda mong buhok eh. Pinagtanggol pa iyong mga kaibigan nilang lalake na 'di naman ako kaya," pairap na sambit ni Argel. "Kahit talaga ang arte mo, hindi pa rin talaga nawawala sa 'yo ang pagiging maton," natatawang saad ni Guia kaya ganoon na lang ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Argel at napalitan ng pag-isang linya ng mga labi nito. Agad na sumama ang tingin nito kay Guia habang nililingon ang sarili habang nasa shotgun seat s'ya. "Alam mo ikaw, hindi ko alam kung ayos ka lang ba o trip mo lang akong pagtripan. Alam mo na soft and gentle ang puso ko at macho ako, pero hayop ka hindi naman ako kagaya noong mga nasa gym para tawagin mo akong maton, no!" asik nito sa kaibigan dahilan para mapatawa rin sina Yara at si Denver na nakatutok ang mga mata sa daan. Hindi na sinagot ni Guia ang sinabi ni Argel at binalingan si Yara, "Ya, diretso na lang din kaya tayo sa tailor para makuha natin ang dress natin," aniya dito kaya napatingin sa kanya ang kaibigan at agad na tumango. "I was thinking the same thing too. Mabuti na lang ay inagahan natin umalis doon at least may time pa tayo kung sakali man na may mga kailangan ng adjustments," nakangiting saad ni Yara. "Wala tayong foods ngayon, mapapa fast food na talaga tayo ulit ngayon," bumubuntong-hininga na sambit ni Argel. "Kasalanan mo eh," nakangising sambit ni Denver nang may tunog paninisi sa kaibigan. "Sayang talaga ang mga pagkain na iyon, paborito ko pa naman iyon at masasarap pa naman ang mga iyon tsaka libre din. Naku kasi Gelo, kung gaano ka katigas na lalake noong nakikipagsapakan ka doon sa may tabing dagat ganoon ka naman ka clumsy noong bitbit mo ang pagkain," manenermon ni Guia sa kaibigan kaya humaba ang nguso nito. Kanina pagkatapos nilang kumain sa restaurant ng hotel bago umalis ay inabotan sila ng ilang pagkain na nasa container bilang pabaon sa kanila at iyon raw ang bilin ng mommy ni Denver. Agad na inabot iyon ni Argel dahil ayon sa kanya ay baka itatago ng mga kaibigan n'ya at hindi s'ya bibigyan. Kaya lang noong nakarating na sila sa parking area ay hindi n'ya nakita ang gutter at natapilok dahil sa kakatitig sa cellphone n'ya. Ganoon na lang ang gulat at panlalaki ng mga mata nila noong nakita nila kung paano natapon ang mga pagkain sa sahig. Animo'y nawalan silang lahat ng lakas lalo na nang makita kung ano ang pagkain na pinabaon sa kanila. Halos mangiyak-ngiyak silang apat habang nililigpit ang natapon na kare-kare at iba pa. Para silang pinako sa kinatatayuan noong nakita nila kung paano natanggal ang mga takip ng container at gumulong. "Huwag na nga ninyong ipaalala. Hindi ninyo alam kung paano ako nasaktan noong nawala sa mga kamay ko ang hawak-hawak kong pagkain. Hindi ninyo alam kung gaano nahiwa ang puso ko dahil sa nangyari. Hindi ninyo alam kung paanong gusto kong ibalik sa containers ang mga iyon lalo na noong naamoy ko kung gaano kabango ang kare-kare," madramang sambit ni Argel dahilan para mawalan ng expression ang mga mukha ng mga kaibigan n'ya. "Minsan talaga tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kaibigan kita eh baliw ka. Pero naaalala ko na sabi ng karamihan, sa isang grupo may baliw talaga kaya naiintindihan ko na lang at tinanggap na lang kita," walang buhay na sambit ni Yara at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya ang kaibigan na pinaparinggan. Kagat labing pinipigilan ni Denver ang sarili upang huwag matawa, pero si Guia na natutuwa sa sinabi ni Yara ay humarap kay Argel nang may malawak na ngisi sa labi at nakataas pa ang dalawang hintuturo. Napuno ng natawanan ang buong byahe nila. Kagaya ng dati, walang boring na segundo kapag silang apat ang magkakasama. Napapahawak si Yara sa t'yan n'ya habang tinitingnan ang mga kaibigan na walang awat sa pagtawa sa kung ano-anong napag-uusapan nila. Hanggang sa hindi na nila namalayan ang oras at nanlaki ang mga mata nila nang ma-realize na nasa siyudad na sila. And in less than 30 minutes ay nasa bahay na sila ni Yara at dahil nga napag-usapan na nila na dadaanan nila ang pinatahing dress ay doon ang tuloy ni Denver na s'yang nasa manibela. "Ang bilis ng byahe natin, nandito na kaagad tayo sa siyudad, almost 4 hours lang ang takbo natin. Mas mabilis tayo ngayon kaysa noong papunta pa lang tayo," ani Guia pagkatapos silipin sa suot na relo ang oras. "Ang ingay n'yo kaso kaya hindi na natin namalayan ang oras, hindi na rin tayo nakakain sa daan. Hindi man lang tayo pinara ng mg fast food restaurant sa daan para ipapaalala sa atin na hindi pa tayo kumakain," natatawang sambit ni Denver. "Malapit na lang naman na din tayo sa bahay, doon na lang tayo kumain. Nagsabi na rin ako doon na ngayon ang uwi natin kaya panigurado inasahan na nila na doon tayo kakain. Although, plano rin naman talaga natin dapat na kakain sa daan pero dahil nga nabaliw tayo ay nakalimutan natin ang gutom," mahabang litanya ni Yara at mahinang natawa nang maaalala ang mga pinagtatawanan nila sa byahe. "Tapos na ba ang dress ninyo, Yara baby? Hindi na ba tayo magtatagal doon? Gutom na ako eh," agad na sambit ni Argel at bahagyang hinimas ang t'yan. "Oo, kukunin na lang namin kung wala nang kailangan pang ipa-adjust, at kung mayroon man ay babalikan na lang namin bukas ng umaga," sagot ni Yara sa kaibigan at sinulyapan si Guia na aprobado ang sinabi n'ya. "Ako na ang bahala sa make-up namin, hindi naman kami mga contestants kaya hindi namin kailangan ng bongga na make-up, hindi ba, Ya?" Tumango si Yara sa sinabi ni Guia. Tama ito, at isa pa, hindi rin naman nila ugali ang maglapat ng makapal na make up sa balat. Agad silang lumabas ni Guia ng sasakyan nang maitigil ni Denver ang sasakyan at diretsong pumasok sa tailor shop na kilala ng ninang n'ya kung sino ang may-ari. Mabilis lang para sa kanila ang pakikipag transaksyon dito dahil sa pagiging kaibigan ng may-ari nito at ng ninang n'ya. Dito na rin sila ni Guia nagpatahi ng mga gowns nila noong debut at prom nila noong high school. Malawak na ngiti ng isang babaeng may nakasabit na tape measure sa leeg ang sumalubong sa kanila habang hawak sa magkabilaang kamay nito ang parehong itim na long dresses. "I did it myself and this is not my first time sewing a dress and gown for you two but I always have mini heart attack. I hope you two would like it," nakangising sambit ng babae at saka inabot sa kanila ni Guia ng sabay ang hawak nitong dresses. "At hindi ka pa naman pumalpak," ani Guia at kinindatan ang babae, "you always made and left us in awe, please your humbleness is no joke." "Everyone knows your standards guys and no one is capable to question that, because you two deserves the bar that are highest." Mahinang natawa lang si Yara saka tiningnan ang kabuuan ng hawak n'yang dress. Malawak ang mga ngiti ni Guia nang mapatingin sa isa't-isa. Tinanguan n'ya ang kaibigan at sabay silang dalawa na pumasok sa magkahiwalay na fitting room. Kumislap ang mga mata ni Yara habang pinagmamasdan ang sarili sa isang malaking salamin na nasa loob ng fitting room. As expected from the one and only Angelique who made the best dresses in town and in business. Angelique is everyone's designer, she personally do her friends dresses and gowns. She's a well known designer of the country and was able to do and held a runway fashion show in America and that was one hell of fire. That is why her ninang always bring her into Angelique's care because they knew how quality her products are. She never failed to amaze her clients, she always made them want to come back. At ngayon, habang tinitingnan ni Yara ang kabuuan at kung gaano ka perpekto ang sukat at sikip ng damit sa katawan n'ya, alam n'ya at sigurado s'ya na mga kamay ng isang Angelique ang nagtahi nito. Sakto lang ang haba ng slit ng damit. V neck ito and sakto lang din ang haba ng cut nito. Enough to not to show her cleavage. Transparent na V naman ang likuran nito na abot hanggang sa balakang n'ya. Hindi s'ya wild pero mahal n'ya ang pagdadala ng damit. Yara always find herself confident and powerful in her clothes, shoes, and mood. Napahiyaw at napapalakpak si Angelique nang hawiin ni Yara ang takip ng fitting room at napalingon s'ya sa gilid at napangiti ng malawak nang makita ang paglabas ni Guia sa kabilang fitting room. She alway knew that Guia is gorgeous and a fashion big fan. She knew she could pull every outfit she will be wearing. "You two lovely ladies are elite!" kinikilig na saad ni Angelique. "Thanks to your genius mind and hard working hands," nakangising saad naman ni Guia. Mahaba rin ang suot n'yang dress at katulad kay Yara umaabot din ito sa sahig. Well, they will be wearing their high heels so it won't matter. Kung ang kay Yara ay transparent ang likuran kay Guia at literal na backless at round neck naman ito pero mababa ang cut. Angelique knew that they both like rocking outfits that is not looking slutty. "You only knew the best, aren't you? You always do the best, Angelique. Thank you for this," nakangiting saad ni Yara kaya lumapad din ang ngiti ni Angelique at binuka ang braso para sa kanilang dalawa ni Guia. Natawa silang pareho ng mahina at niyakap ang masayang si Angelique pero sabay-sabay silang napalingon nang maingay na bumukas ang pinto ng shop at bumungad ang galit na mukha ni Argel. "I'm sorry to interrupt you ladies but I'm f*cking dying in starvation. Can we now go home?" malamig na saad nito at pinagkrus ang mga braso sa dibdib habang nakasandal sa gilid ng pintuan. "You know how much I hate intruders in my shop, handsome. But seeing your handsome face, I would say, sometimes it would also be better if we just let it slide at least once," seryosong sambit ni Angelique. Sampung taon ang tanda ni Angelique sa kanila at walang hiya itong umamin na crush n'ya si Argel kaya ang baliw na bakla takot na pumunta dito pero ngayon mukhang hindi na nito kinakaya ang gutom. "Please lang," pairap na saad nito saka binalingan sina Yara at Guia, "kung hindi lang dahil sa dalawang iyan na mukhang nakakalimot na na may naghihintay sa kanila na mamamatay na sa gutom ay baka hindi na ako aapak dito sa shop mo," mataray na saad nito. "We'll just change, Angel. I have no adjustment kaya dadalhin ko na ito," ani Yara na tinanguan ni Angelique habang hindi naaalis ang mga ngiti sa kabila ng pagtataray ni Argel dito. Hindi nito alam ang tunay na pagkatao ni Argel kaya hindi nito alam na kinikilabutan ang bakla kapag naririnig ang mga sinasabi n'yang papuri dito. "I'm good with this too. This is perfect!" masayang saad ni Guia bago sila tumuloy na sa pagpasok sa fitting room upang magpalit bago pa sumabog sa galit ang kaibigan nilang hinamak ang lahat para sa gutom na nararamdaman nito. Nang makalabas na sila bitbit ang kanya-kanya nilang paper bag na may laman na damit ay walang kasing tulis ang paningin na binigay sa kanila ni Argel. "Salamat naman at naisipan na ninyong lumabas sa impyerno na lugar na iyon," mataray na saad nito habang nakasandal sa sasakyan nila. "Bakit ka ba natatakot kay Angelique? Ang ganda kaya noon, sikat at talented," natatawang pag-asar ni Guia nito nang makapasok na silang tatlo sa loob ng sasakyan. "Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo, Gyaya. Baka s'ya pa ang agawan ko kapag nag ka bf s'ya na guwapo," pairap na saad nito kaya natawa ang dalawang kaibigan na nasa likuran. "Okay na lahat ng kailangan ninyo para bukas? Wala na kayong babalikan?" Napalingon sina Yara at Guia sa nagtatanong na si Denver. Sumsulyap ito sa kanila sa pamamagitan ng rare view mirror habang nag da-drive. "Ayos na, lalabhan na lang namin ito and everything is good," sagot ni Guia dito na sinang-ayunan ni Yara "Muntik ko nang makalimutan na kami pala dapat ang kailangan maghanda bukas," asar na saad ni Argel saka pinadyak ang mga paa. "Pupunta rin naman kami doon, ano ang problema mo?" ani Yara nang nakataas ang mga kilay at dahil hindi na makausap ng maayos ang kaibigan ay sinagot lang s'ya nito nang pag-ikot ng mga mata dahilan para mapahalakhak na lang sila. Well, Argel was dying in starvation — according to him. "Sa audience nga lang kami," natatawang sambit ni Denver habang pinapasok na ang sasakyan sa loob ng subdivision nina Yara. "Oy! Hindi ko napansin na nandito na pala tayo, grabe na ang pagtitiis ko sa gutom, pakiramdam ko hindi na ako magtatagal kung aabot pa ng isang oras na hindi ako makakakain," agad na sambit ni Argel nang makita ang paligid at makita ang tuktok ng bahay ni Yara. "Alam mo, Gelo, kahit na kumpleto ka ng kain, para ka naman talagang bibitayin sa dami ng pagkain. Huwag mo kaming dramahan, kilala ka namin mula ulo hanggang intestine," pambabara ni Guia dito pero iyon pinansin ni Argel at tumulong pa sa pagtawag pansin sa mga kasambahay ni Yara upang ipagbukas sila ng mga ito ng gate. "Tumigil ka kakasigaw babatukan kita," inis na saad ni Yara dito saka tinakpan ang dalawang tainga gamit ang mga kamay. Lumingon ito sa kanya nang may matulis na paningin, "Yara baby, sabi ko naman sa inyo, gutom na ako at ang babagal nilang magbukas ng gate. Paano ako makakakain kung hindi agad nila ako papapasukin?" gigil na sagot nito. "Kung makaganyan ka dito sa bahay ko, parang may pinatago kang pagkain ah," nakangising saad n'ya dito na hindi pa rin inaalis ang masamang tingin na diretsong binibigay sa mga mata n'ya. "Whatever! Bakit ba kasi ------ holy damn sh*t!Finally, wide f*cking open! Oh gosh! I'm so famished!" "Hindi ko talaga alam kung ilang layer ang kapal ng mukha ng isang 'yon," naiiling na saad ni Denver nang makita kung paano sila nito talikuran ng walang pasabi. "Like, what is new? Baka mas nagulat pa ako kung natutong mahiya ang baliw na iyon," kibit-balikat na sagot ni Guia habang bitbit ang paper bag na pinaglagyan ng mga containers para sa baon nila noong paalis sila. Napahinto silang tatlo sa bumungad sa kanila nang madatnan nila ang kaibigan na kumakain na ng cake sa kusina. Hindi na nga sila nito tinulongan, hindi pa sila nito niyayang kumain. "Oh. Nandito na pala kayo, may cake pa, nagutom na talaga ako ng husto at kailangan kong alagaan ang katawan ko for my healthy heart," anito nang puno ang bibig ng malaking slice ng cake na walang pag-alinlangan nitong isinubo. "Alam mo ba kung kanino iyang cake na pinaki-alaman mo?" nakataas na kilay na pagtatanong ni Yara at itinuro ang isang daliri sa cake na nasa mesa. Napatigil si Argel sa pagnguya habang nakatingin sa seryosong mukha ng dalaga at sinundan n'ya kung saan nakatuon ang daliri nito. "Ba-bakit? Kanino ba ito? Ang sabi ni ate Maica ay ayos lang na kainin ko 'to eh," mahinang sambit niya. Agad na nagsi-upo sina Denver at Guia sa kanya-kanyang upuan habang si Yara ay dumiretso sa lababo upang ilapag doon ang mga ginamit nilang containers. "Ate Maica, kayo na lang po ang bahala dito. Puwede po ba na pahanda na ng pagkain? Mamamatay na yata iyong kaibigan namin kung hindi pa makakakain," tango at tawa lang ang natanggap n'yang sagot mula sa tinawag na si Ate Maica bago bumalik sa mesa para ituloy ang nasimulang pananakot sa kaibigan. "Yara baby! Kanino nga 'to? Bakit bigla akong kinabahan? Kanina lang ang sarap ng kain ko ngayon parang hindi ko na malunok itong nginunguya ko, ano ang nangyayari?" nag-aalalang tanong nito. "Naaalala mo ba na kumain ako ng ganyan na cake? Hindi na, hindi? Kasi kay ninang ang cake na 'yan," mahinahong sambit ni Yara. Napakagat s'ya ng labi upang pigilan ang pagtawa nang makita ang panlalaki ng mga mata ng kaibigan dahil sa naging sagot n'ya. Pahawak pa ito sa t'yan at lalamunan. "Ano? Nabilaukan ka? Alam mo ilugar mo kasi iyang pagiging patay gutom mo. Alam namin na hindi ka pinapakain sa bahay ninyo at wala kang pagkain sa sarili mong bahay pero Gelo, ang kinakain mo ngayon, ay pagkain ni tita Alicia," pang-asar ni Guia. "Pumapatay pa naman si ninang kapag ang paborito n'yang cake ang ginagalaw. Kita mo iyan? Ikaw pa talaga ang unang humiwa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD