"Ang bilis ng araw, bukas babalik na tayo sa siyudad," nakangusong saad ni Guia at bumato ng kung anong napulot na buhangin sa apoy na nasa gitna nila apat.
Huling gabi na nila sa lugar at hindi naman maikakaila ang saya at pag-e-enjoy nilang apat sa lugar.
"Parang ayaw ko pang umuwi," seryosong saad ni Argel.
Kapag naiisip n'ya na babalik na ulit s'ya sa siyudad, ay parang nakakalimutan n'ya kung paano kahit papano naging malinaw ang isip n'ya. Walang kung anong naglalaro sa isip n'ya dito pero alam naman n'ya na kailangan n'yang bumalik doon, naroon ang buhay n'ya at nagpunta lang sila dito upang lumanghap ng sariwang hangin at pagaanin ang isip ng isa't-isa.
"Kung puwede lang na huwag na munang umuwi, hindi na sana muna ako uuwi. But ninang is waiting for me plus we still have school to do," ani Yara saka tinungga ang laman na alak ng basong hawak n'ya.
"Malapit na lang, ilang buwan na lang din naman at tapos na tayo. Kapag nangyari iyon puwede na tayong pumunta sa kahit saan natin gusto at kung gaano katagal. Kunting tiis na lang," saad ni Denver na sinang-ayunan ng mga kaibigan.
"Hindi na ako makapaghintay na makalayo sa lugar na iyon. Hindi na ako makapaghintay na mamuhay ng malaya, iyong puwede kong gawin lahat ng gusto ko nang hindi ko iniisip ang sasabihin ng ibang tao lalong-lalo na ng pamilya ko," sambit ni Argel habang diretsong nakatingin sa buhangin.
"Ako naman, hindi na ako makapaghintay na tuparin ang pangarap ng mga magulang ko. Gusto ko ng magretiro si Papa, gusto ko na s'yang magpahinga at tulong-tulongan na lang n'ya si mama sa maliit naming tindahan. Ako naman ang magbibigay sa kanila," nakangiting sabi ni Guia kaya napatingin sa kanya si Yara na may malaking ngiti sa labi.
Yara's always been proud of Guia. She's always been this dreamy woman and that made Guia stronger. Kaya ito nag-aaral ng mabuti ay dahil mayroon itong pangarap.
"I know magagawa mo iyan, hindi magiging mahirap sa 'yo yan, G. Matalino ka at alam ko na malakas ka, kaya magagawa mo at makakamit mo ang lahat ng mga pangarap mo," ani Yara sa kaibigan nang hindi tinatanggal ang ngiti sa labi.
Tumango ang nakangiting si Guia sa narinig mula sa kaibigan na si Yara. Inspirasyon n'ya ang tapang at talino ni Yara kaya gusto n'ya na gawin ang lahat dahil ng kaya n'ya dahil alam n'yang nasa likod n'ya lang palagi ang mga taong nagmamahal sa kanya at hindi s'ya pababayaan, ganoon din naman s'ya sa mga kaibigan at sa pamilya n'ya.
"Darating din ang araw na kapag nabanggit at naipagsigawan ang pangalan mo ay titingala ang tatay mo," sambit ni Denver nang nakatingin ng diretso sa kaibigan na si Argel.
"This past few days, mula noong pinatawag n'ya ako at gamitan ulit ako ng lakas at kapangyarihan na mayroon ang pangalan n'ya, na-realized ko na hindi ko pala kailangan patunayan ang sarili ko sa kanila. Gagawin ko ang gusto ko, tutuparin ko ang mga pangarap ko para sa sarili, para sa sarili kong pangalan. Tama ka, darating ang araw na kapag sinabi ko ang pangalan ko ay magiging proud ako hindi dahil anak ako ng isang Ernesto Santos kung hindi dahil ako iyon," mahabang litanya ni Argel.
Napangiti si Yara sa sinabi ng kaibigan, ramdam n'ya ang paninindigan nito sa bawat bigkas ng salita. Alam n'yang makakaya iyon ni Argel. Sa kanilang apat, ito ang may pinakamahirap na pinagdaraanan ngayon.
Yara was once envious with the kids that has their parents with them. Naiinggit s'ya sa mga bata na hinahatid ng mommy at daddy, naiinggit s'ya sa mga bata na may tinatawag na mommy at daddy. Naiinggit s'ya sa mga bata na may dinadalang magulang sa school tuwing family day.
Naiinggit s'ya noon sa mga kaibigan n'ya na may tinatawag na family day, family dinner, family outing at iba pa. Pero nang malaki na s'ya at nakita na kung ano ang mayroon s'ya sa buhay, kung ano ang mayroon ang mga kaibigan n'ya ay doon n'ya naitindihan na maswerte ang mga ito sa ibang bagay.
Mayroong mga bagay na wala s'ya at mayroon ang mga ito pero may mga bagay din na mayroon s'ya at wala ito. Iyon ang tuloyang nag-alis ng pait at sakit sa dibdib na dinadala n'ya sa mahabang panahon.
"Nagpapasalamat talaga ako sa inyo ng malaki dahil kahit na hindi ako katulad ninyong tatlo, hindi kayo nagdalawang isip na kaibiganin ako," biglaang sabi ni Guia kaya napatingin sa kanya ang tatlong kaibigan.
"Ano ka ba, anong hindi ka katulad namin. Pareho nga kayo ni Gelo na maingay eh," natatawang sagot ni Denver dito.
"Ayaw ko talaga na pinupuri ka dahil lumalaki ang ulo mo pero pagbibigyan kita tonight. Matalino ka kagaya ni Denver at Yara kaya ano ang sinasabi mo na hindi ka katulad namin," pairap na sabi ni Argel na ikinatawa ng dalaga.
"Alam naman ninyo na hindi iyan ang tinutukoy ko," nakangusong saad ni Guia saka bumaling kay Yara, "noong una kong nakita si Yara, hindi ko inakala na magiging kaibigan ko s'ya dahil ang tahimik n'ya, intimidating at malungkot pero noong naintindihan ko na kung bakit s'ya ganoon ay hindi ko s'ya kinulit na maging kaibigan dahil natatakot ako sa kanya pero lagi akong nagpapakita sa kanya hanggang sa kinausap na n'ya ako, wala nga lang s'yang pagngiti noon."
"Akala mo noon bully ako," natatawang sabi ni Yara.
Naalala n'ya kung paano lumalayo si Guia kapag lumalapit s'ya dito, napansin n'ya kasi na lagi itong naroon sa kung nasaan s'ya.
"Alam mo na, alagang teleserye ako noon eh. Lagi kong napapanood sa tv kung paano binubully ng mga mayayaman ang mahihirap. Kaya ako nagpapasalamat dahil kahit anak lang ako ng driver mo, hindi ka nagdalawang isip na kaibiganin ako," nakangiting saad nito.
Napadighay si Yara at nalasahan n'ya ang alak sa lalamunan n'ya kaya napainom s'ya ng maraming tubig.
"Pinagkakatiwalaan ni ninang ang papa mo, kaya alam ko na mabuti s'yang tao. And you being a scaredy cat before, that amazes me, kaya alam ko na magiging best friends tayo," nakangiting sagot ni Yara.
"Pero ang tatanda na ninyo guys wala pa kayong boyfriend," bilang sambit ni Argel kaya agad na nag-isang linya ang mga labi ng mga kaibigan n'ya.
"Ikaw nga mas matanda pa sa amin, hindi pa nagka girlfriend," pagbabalik asar ni Guia dito.
Nanlaki ang mga mata ni Argel sa narinig mula sa bibig ng kaibigan at umaktong nasusuka dahilan para mapahalakhak ng tawa ang mga ito.
"May nakain ka bang masama, ha? Kung ano-anong lumalabas riyan sa bibig mo. Umayos ka nga! Hindi ko pinangarap ang girlfriend no. Huwag ako ang hanapan ninyo ng girlfriend, hindi iyan ang gusto ko," saad nito.
"Nakalimutan yata ninyo na hindi n'ya sinipot ang mga niyaya n'ya ng dates. Naalala ko pala, ano na iyong plano ninyo ni Ciara?" ani Denver kaya tumulis ang mga mata ni Argel nang diretsong napatingin sa kaibigan.
"Sinabi ko sa kanya na sabihin ko na lang s'ya kapag puwede na ako," natatawang sagot ni Argel dito.
"What are you, a teenager? High school?" napangiwing tanong ni Yara sa kaibigan. "Ganyan na ganyan ang mga nababasa ko sa libro, sa mga fiction stories, ang cliche ah."
"Alam mo, Yara baby tatrabahuin ko talaga ang lahat para malaman mo kung tama ang hinala ko na may crush sa iyo si sir Zoren. Kaya lang ang problema ko, kung ikaw walang crush sa kanya, kawawa naman si pogi," laglag pangang sambit nito.
Sinamaan ni Yara ng tingin ito dahil sa sinabi. Hindi pa s'ya nagkagusto mula noon, may mga pagkakataon na humahanga s'ya sa isang tao dahil sa guwapong mukha o kaya naman sa galing ng talent, sa ganda ng tindig pero hanggang ganoon lang. Kaya alam n'ya na ang paghahanga n'ya dahil sa magandang mga mata at perpektong mukha ng professor n'ya ay hanggang doon lang din.
Mawawala din ito sa paglipas ng nilang araw. Ngayon pa lang naman kasi s'ya ng ganoon ka-perpektong mukha.
"Ikaw yata talaga ang may crush kay sir Zoren eh," asar ni Guia sa kaibigan na si Argel.
"Hindi ka naman tanga hindi ba, Gyaya? Hindi ba halata na bet ko si sir? Kaya lang halata naman na hindi iyon papatol sa kagaya ko at iba ang tingin n'ya kay Yara eh. Ngayon ko lang ito sasabihin dahil medyo mataas ang standard kapag Zoren Corpuz ang pag-uusapan. Tanggap ko na ngayon na mas lamang talaga ang ganda mo kaysa sa ganda ko, Yara baby," madrama nitong saad at dahil mabilis ang mga kamay ni Yara ay agad n'yang napukpuk sa ulo nito ang hawak n'yang bag.
"Wala ka namang ganda kaya anong sinasabi mo? Kinumpara mo pa talaga ang sarili mo kay Yara?" pambabara ni Guia dito kaya naibuga nito ang iniinom na alak.
"Minsan talaga hindi nakakatuwa iyang lumalabas sa bunganga mo," reklamo ni Argel habang pinupunasan ang baba.
"Hi, excuse me!"
Sabay silang apat na napalingon nang may marinig na boses sa tabi. Nakita nila ang dalawang lalake na nakatayo sa may bandang likuran ni Yara at nakatingin sa kanila. Luminga-linga si Guia upang tingnan kung saan ito possible galing at nakita n'ya ang may hindi kalayuang nag-aapoy din kagaya nila.
"Yes? What can we help you?"
Si Argel ang nagtanong at pasimpleng hinila si Yara. Pareho-parehong silang nakaupo malilit na bangketo. Napalingon si Yara sa humihilang si Argel at nakita n'ya ang pagyango nito sa kanya ng pino. Agad s'yang tumayo at binitbit ang upuan saka lumapit sa kaibigan.
Nakita n'ya ang pagkamot ng mga lalake sa likurang bahagi ng ulo ng mga ito.
"What can we help you, sir?" pag-uulit ni Guia sa tanong ni Argel na hindi pa sinasagot ng mga ito.
"Kakarating lang namin dito kanina," panimula ng isang matangkad na maputi, "ahm, gusto lang namin malaman ang pangalan ng girls, if you don't mind."
Seryosong nakatingin si Yara ng diretso sa mga mata nito at halos kilabotan s'ya sa klase ng tingin nito.
"I do mind," agad na sagot ni Yara sa mga ito at kitang-kita n'ya kung paano dahan-dahan na nabura ang mga ngiti ng mga ito.
"I'm sorry but we don't give our names to strangers," nakangising sarkastikong saad ni Guia kaya napabaling sa kanya ang mga lalake at tuloyan na ngang nawala ang mga ngiti nito.
Napayuko ang dalawang lalake at kitang-kita ni Yara kung paano umigting ang mga panga nito. Alam n'yang hindi natutuwa ang mga ito sa naging sagot nilang dalawa ni Guia. Akala yata ng mga lalaking ito ay katulad sila ng ibang babae. Hindi pa siguro na-reject ang dalawang ito.
Sure, they got the looks but not the manners.
"Are you guys single?" pagtatanong ng isang lalake na medyo moreno.
"2 girls and 2 boys, what do you think, sir?" sarcastic na sagot ni Argel sa mga ito.
Ngumiti ang matangkad na maputi at nag-smirk saka tiningnan sina Denver at Argel pareho. Napailing ito at pumalakpak saka natawa na parang mga baliw.
"You guys got strong women," sambit nito.
"And they are looking smart," dagdag pa ng isa.
"Feisty women are great in bed, what a lucky bast......"
And that's it! Sabay na napa-atras sina Guia at Yara nang walang pagdadalawang isip na sinugod nina Denver at Argel ang dalawang lalake. Hindi nila iyon inasahan, kaya parehong napatihaya sa buhangin ang dalawa. Damn! Denver at Argel are both black belters, they can break these guys bones.
Napasulyap sina Guia at Yara sa mga kasama ng dalawang lalake na naiwan sa puwesto nito. Nakita nila kung paano ang mga ito nagulat at biglang napatayo. Nagtakbuhan ang mga ito palapit sa kanila.
Agad na hinila nina Yara ang dalawang kaibigan bago pa ng mga ito mapatay ang mga lalaking ito na may malalaking katawan pero mga walang utak at respeto. She felt sorry for the people who raised such attitude.
"Tama na, baka mapatay na ninyo ang mga iyan," ani Guia habang hinihila si Denver.
Napalingon si Yara at nakita n'ya ang nagtatakbuhang mga guard at staff palapit sa kanila. Nangyari ang gulo malapit sa pwesto nila, obviously ang mga lalaking ito ang lumapit sa kanila at nanggulo.
"Hey! Stop it!" sigaw ng isang babae na sa tingin nila ay kaibigan ng dalawang mga damuho.
"What did you do? Bakit ninyo sila biglang sinugod?!" mataray na sigaw ng isa pang babae.
"Bakit lumapit sa amin ang mga iyan?" matapang na pagtatanong ni Guia sa mga ito. Walang sumagot sa tanong n'ya at tinulongan ng dalawa pang mga lalake ang mga nakatihayang mga lalake na makatayo.
"Ano po ang nangyari, ma'am?" pagtatanong ng staff kay Guia.
"Bigla na lang lumapit ang dalawang iyan dito sa amin at nambastos kaya nagalit ang mga kaibigan namin," sagot ni Guia dito.
"Sinungaling! Ang mga kasama ninyo ang biglang sumugod sa mga kaibigan namin! Kitang-kita namin iyon!" sigaw ng isang babae nang marinig nito ang sinabi ni Guia.
"We will sue you!" sigaw pa ng isang babae.
"We will see you in court, then," sagot ni Guia sa mga ito.
Lumingon ang matangkad na lalake at akmang susugurin nito si Argel na nakatayo malapit kay Yara. Ito rin ang sinugod nito kanina pero agad na nakaharang ang guard dito.
"Sir, hindi po ito ang tamang lugar para maghanap kayo ng kaaway. Tahimik mo ang lugar, huwag naman po sana tayong magsimula ng gulo," mahinahon na saad ng guwardiya.
"Shut up! Tumabi ka kung ayaw mong tamaan," matigas na sambit ng lalake sa mukha ng guwardiya.
"Sir, huwag po sana nating idaan sa init ng ulo, baka po puwede nating pag-usapan ang mga bagay-bagay ---"
"I said, shut the f*ck up!" sigaw pa ulit nito at umambang ng kamao pero taas noo na humarap ang guwardiya dito kaya napa-urong ang sariling kamao nito sa ere.
Akmang tatalikod na sina Yara at ang mga kaibigan nang biglang hilahin ng isang babae ang buhok n'ya kaya napa-aray s'ya at pareho silang natumba sa buhangin. Naiinis na s'ya eh. Pinili n'yang manahimik pero talagang ginugulo s'ya.
"What the f*ck, Ya!" gulat na sambit ni Guia nang makita kung paano hablotin ng isang babae ang buhok ni Yara.
Kaagad na dinaluhan niya ang kaibigan maging sina Argel at Denver.
"Ano ba ang problema mo ha?!" singhal ni Guia sa babaeng humila sa buhok ni Yara.
"Kayo ang may problema! Pagkatapos ninyo manggulo, aalis kayo?" mataray na saad nito kaya muntik na itong tamaan ng kamao ni Guia mabuti na lang ay napigilan ni Argel ang kamay ng kaibigan.
Napalingon si Denver sa lalake na ngayon ay nakikipagtalo sa guwardiya dahil pinipilit nitong makalapit sa kanya.
"Iyong mga kaibigan ninyong mga walang modo ang nanggulo, sila ang awayin ninyo pwede ba, tantanan ninyo kami!" sagot ni Guia dito.
Pinagpagan ni Yara ang suot gamit ang kaliwang kamay.
"Ang kapal ng mukha mo para tawagin ang mga kaibigan namin ng ganoon. Sisiguraduhin namin na mabubulok kayo sa kulongan dahil sa ginawa ninyo sa kanila, you will surely be sorry, b*t--- acck!"
Hindi nito natapos ang sasabihin at nanlaki ang mga mata nito maging ang mga kaibigan na kasama. At ganoon rin ang naging reaction nina Guia, Denver at Argel nang walang pagdadalawang isip at walang pasabing ibato ni Yara sa bibig nito ang bilog na buhangin.
"Sa susunod na marinig ko pa ulit iyang basag mong boses, hindi lang buhangin ang ipapakain ko sa 'yo. Ayusin ninyo iyang mga kaibigan ninyo at pigilan ang kalokohan para hindi kayo mapapa-away ng ganito. Hindi lahat ng makakasalubong ninyo matatakot sa inyo," seryosong saad ni Yara saka binalingan ang mga kaibigan na hindi pa rin makapaniwala sa ginawa nya. "Let's go."
Agad silang sumunod sa naunang si Yara. Halata sa mukha nito ang galit dahil sa sobrang pagtitimpi nito kanina.
Sinulyapan nina Argel at Denver ang guwardiya na nagawang ipagtabuyan ang mga lalake at padabog na tumalikod. Sumunod naman kaagad dito ang dalawang babae at dalawang lalake na sumaklolo nang mapahiga ang mga hambog na iyon sa buhangin.
Agad na sumalubong sa kanila ang manager ng hotel at huminto nang makaharap sina Yara.
"I'm sorry for what happened, Ms. Formanes, Ms. Pascual, Mr. Santos and Mr. David, we will make sure we'll investigate those people to know their names and all," saad nito at agad na paghingi ng paumanhin.
"Huwag na ninyong alamin kung sino ang mga iyon. Ayaw namin ng kahit na anong koneksyon sa mga taong iyon kaya hangga't maaari ay huwag sanang madawit ang mga pangalan namin sa ganoong klaseng tao," seryosong saad ni Yara dito.
"Huwag na rin sanang makarating kay mommy ang nangyari," seryosong saad ni Denver kaya wala nang nagawa ang manager at tumango.
"Kayo na ang bahala sa mga iyon, huwag lang makonek ang mga pangalan namin," dagdag ni Argel.
"Huwag po kayong mag-alala, hindi rin po nila malalaman ang mga pangalan ninyo," sagot ng manager sa kanila, nahalata yata nito na hindi sila natutuwa na pag-usapan kung paano sinira ng mga walang kwentang iyon ang gabi nila.
"Please excuse us," magalang na saad ni Guia at halata sa boses nito ang pagod.
Nang makarating sila sa unit nila ay sabay silang dalawa ni Yara na pabagsak na umupo sa sofa.
"Ang yabang noon, malaki lang ang katawan wala namang laman," pabulong na sambit ni Argel pero rinig ng mga kasama.
"What a memory to remember," pairap na sambit naman ni Guia, "by the way, nasaktan ka ba, Ya?" nag-aalalang tanong n'ya sa katabing si Yara nang bigla n'yang maalala kung paano natumba ang kaibigan kanina.
Tiningnan ni Yara ang braso at nakita ang gasgas malapit sa may siko n'ya.
"What the f*ck! Is that painful?" agad na napatayo si Argel nang makita iyon sa braso ng dalaga.
"Hindi naman, feeling ko naman mas masakit iyong ginawa kong pagpakain sa kanya ng buhangin."