"Wala po ba kayong family dito sir?" panimulang tanong ni Guia sa bisita habang naghihiwa ng mga kailangang sangkap sa niluluto nilang dalawa ni Yara.
Si Yara ay nakatalikod sa kanila at nakaharap sa lutuan ni Argel dito sa unit na pinilit nilang ipabili sa kaibigan kahit hindi naman ito marunong magluto para sa ganitong araw.
"My family, they're permanently residing in Canada. Pero pumupunta naman sila dito minsan like Christmas or kapag may activity ang ilang relatives somewhere in thr country," nakangiting sagot naman nito sa tanong ni Guia.
"Hindi po ba ninyo kasama ang girlfriend ninyo sa unit n'yo sir?" dagdag tanong pa ni Guia na ikinatawa ng binata.
"I was serious when I said I'm single." Natatawang saad nito.
"G, paabot ng garlic, onion and tomatoes please," pakiusap ni Yara sa kaibigan. Lumingon s'ya at napatingin sa tatlong lalake na nakatingin din sa kanya na may mga ngiti. Si Argel na lalaking-lalaki ang upo, si Denver may kung anong sinasabi ang tingin at si Zoren na parang inosente ng ngiti.
"Yes, ito na." Inabot ni Guia ang mga pinitpit at hiniwang sangkap na kailangan ng kaibigan. Tinanggap naman iyon kaagad ni Yara at nagsimula nang mag-gisa. Sinigang at buttered ang gagawin nila sa hipon dahil mahihilig din naman sila sa sabaw.
"Wala po kayong kaibigan dito sa Pilipinas, sir?" dagdag katanungan ni Guia. Napatingin ang dalaga kay Argel na biglang naging tahimik. Biglang naging isang linya ang labi n'ya nang makitang busy ito sa pagkain sa binii nilang grapes kaya pala walang imik.
"I do have friends," sagot nito sa tanong n'ya.
Hindi pinapansin ni Yara ang mga kaibigan na kinakausap ang bisita nila pero ramdam n'ya na paminsan-minsan ay s'ya ang pinag-uusapan ng mga ito. Itinuon n'ya ang atensyon sa niluluto at sa pag-aayos ng mga pinamili nila sa ref. Like always, boys will always be boys. Naka-upo lang ang mga ito habang silang dalawa ni Guia busy sa ipapalamon dito.
"The boys are getting along well with sir Zoren," mahinang sabi ni Guia nang tumayo ito sa tabi n'ya habang pareho silang nakaharap sa ref.
"Kita ko nga din, parang ang dami na agad nilang napag-uusapan," sagot naman ni Yara.
"Ops!" bahagyang nataranta si Guia nang umapaw ang niluluto nilang sinigang na hipon kaya madali n'yang nilapitan ito ang binuksan.
"Is everything okay?" dinig nilang tanong sa nag-aalalang boses ng bisita kaya sabay na napalingon dito ang dalawang dalaga.
"Ayos lang sir, masyado lang malakas iyong init kaya sumubra ang kulo. Gusto ba ninyo muna ng cake?" tanong ni Yara dito nang makita na may binili nga pala silang cake. Medyo nahiya s'ya dahil kanina pa silang lima dito pero ngayon pa lang s'ya nag-offer ng snack dito.
Nakangiting tumingin sa kanya ang professor at umiling, "hindi na, we'll just wait nalang sa niluluto ninyo." Tumango s'ya sa sinabi nito. Madali naman s'yang kausap eh.
"Oo nga pala may cake pala tayong binili. Naku masarap iyan, tikman ko nga!" agad na tumayo mula sa upuan si Argel para kumuha ng cake pero mabilis na kinuha ni Guia ang box ng cake sa loob ng ref na kakalagay pa lang ni Yara.
"Inubos mo na nga ang isang balot na grapes, mag hunos dili ka nga, mamaya n'yan hindi ka na makakain ng kanin dahil puno na ang tyan mo," sambit ni Guia dito pero kunot noo habang may nakataas na kilay lang ang binigay nito sa kanya.
"G, nakalimutan mo yata kung sino ang kausap mo," tumulis ang paningin ni Guia kay Argel nang ituro pa nito ang sarili at nang maintindihan ng dalaga kung ano ang ibig-sabihin ng kaibigan.
"Hindi ko nakakalimutan, ayaw ko sanang malaman ni sir Zoren na patay gutom ka pero dahil mukhang proud ka naman, sige na hindi na ako magiging concern sa image mo, pero bawal ka pa rin kumuha ng cake!" Naglakad palayo si Guia mula sa kaibigan habang yakap-yakap ang box ng cake sa harapan nito.
Hindi makapaniwalang napatingin si Argel sa kaibigan habang si Denver ay napapailing nalang sa nangyayaring eksena. Si Yara ay mahinang natatawa habang tinitingnan ang mukha ni Argel na parang nalugi. Si Zoren naman ay natutuwang pinagmamasdan kung gaano kasaya ang magkakaibigan.
"You guys are so happy," hindi n'ya napigilang sabihin habang hindi inaalis ang mga mata sa masasayang mga kasama.
Napatingin dito si Yara nang marinig ang sinabi nito.
"Because we chose to be happy," nakangiting sagot n'ya dito.
Hinabol ni Argel si Guia hanggang sa nakarating ang dalawa sa sala at naghahabulan. Si Denver naman ay busy sa kakatingin sa dalawang kaibigan na parang mga bata. Tumayo si Zoren at lumapit kay Yara na nakaharap na ulit sa niluluto nito.
"I thought you guys are some kind of a not so friend with kitchen." Napangiti si Yara sa sinabi nito at hindi n'ya naiwasang sulyapan ang binata.
Hindi n'ya itatanggi ang magandang hugis ng mukha nito na para bang sinadyang hulmahin para maging perpekto ng ganito. Mula sa noo, sa mata, sa kilay, nga pilik-mata, ilong, pisngi, labi hanggang sa baba nito. Masyadong perpekto ang mukha ng isang ito. May mga hinahangaan din naman s'yang magagandang mukha ng mga lalaking artisa pero iba pala kapag malapitan iyong makita.
Si Denver at Argel ay sobrang gwapo din naman pero dahil matagal na n'yang kasama ang dalawa ay parang normal nalang sa mga mata n'ya ang mga hitsura ng dalawa.
"Guia and I, we both love cooking. Si Denver he is into baking pastries. Si Argel lang ang hindi pwedeng maiwan sa kusina," napangiting saad n'ya.
"You ans your friends are inspiration to other students. Palagi nilang binabanggit ang pangalan ninyong apat lalo na ang pangalan mo," saad nito at halata sa mukha nito ang tuwa na para bang proud ito sa kanila.
"Kaming apat, we are helping each other to grow together. Pareho naming inaangat ang isa't-isa at hindi namin hinahayaan na may isang maiiwan sa amin." Naghahalo si Yara ng niluluto habang seryosong nakikipag-usap sa professor nila.
"The maturity, hindi ko pa kayo kilala pero sa naririnig ko mula sa mga studyante kung gaano kahuhusay kayong apat, para bang alam ko na kung gaano kaganda ang future ninyo. Your parents must be so proud of you guys," hindi maitago ni Zoren ang paghanga sa magkakaibigan lalong-lalo na para kay Yara.
He heard a lot about the lady before he met her in person. He was curious when he saw her name in the dean's list staying in the 1st place since she was in her first year in college until now. Guia, Denver and Argel are all dean's lister too and that made them being known in the school.
They were simply lowkey friendship goals for the others.
"You call that mature?" Itinuro ni Yara ang dalawang kaibigan na hindi pa rin natapos sa paghahabolan.
"Matured crackheads are always the best," sagot naman ng huli kaya napailing na napangiti nalang si Yara.
"Magulo kaya kami, wala yatang araw na kapag kaming apat ang magkasama ay tahimik," saad ni Yara habang pinapatay ang lutuan nang maluto na ang mga niluluto n'ya.
"Oh my God!"
Sabay sina Yara at Zoren na napalingon ng marinig ang sigaw na iyon nina Guia at Argel mula sa sala. Nanlaki ang mga mata ni Yara sa nakita. Mabilis na dinaluhan ni Denver ang mga kaibigan at ang nahulog na cake sa sahig. Laglag ang balikat ni Yara habang nakatingin sa nasayang na pagkain.
"Ayan! Tingnan n'yo kung ano ang nangyari? Bakit ba kasi ang kulit ninyong dalawa para kayong mga bata," matigas na saad ni Denver sa mga ito at dahan-dahan na nililigpit ang cake.
"Si Gelo kasi ayaw akong tigilan. Parang patay gutom naman, malapit nang maluto iyong niluluto ni Yara eh!" paninisi naman kaagad ni Guia sa kaibigan at dahil naunahan na naman s'ya ni Guia ay wala na naman s'yang nagawa kung hindi tingnan nalang ng masama ang kaibigan na may hawak ng cake at nakabitaw nito.
"That's the matured you are talking about," mahinang natawa si Yara habang nakatingin sa mga kaibigan.
Narinig n'ya rin ang pagtawa ng binata at tinutulongan s'yang ligpitin ang ilang nakapatong sa mesa para makapaghain na sila.
"Well, even the most matured person slipped," hindi papatalong sagot ng huli.
Kibit-balikat lang ang isinagot ni Yara sa binata na nagpatawa dito ng mahina.
"Wala na tuloy tayong cake!" sigaw ni Yara mula sa kusina para marinig ng mga nasa sala. Parehong napatingin sa kanya sina Guia at Argel dahil si Denver ay hindi pa tapos sa paglalagay ng nagkalat na cake sa box nito.
"I can go down and buy one. Ano ang gusto ninyong flavor?" Nanlaki ang mga mata ng mga dalaga sa sinabi ni Zoren kaya agad s'yang pinigilan ni Yara nang naglakad ito palapit sa bag nitong ipinatong sa upuan.
"Naku sir, huwag na. Bababa naman si Argel s'ya nalang ang bibili," napanganga si Argel na napatingin kay Yara pagkatapos ng sinabi nito. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya, kay Guia na nagpipigil ng tawa at kay Zoren na seryoso ang mukha.
"Hindi naman ako-----"
"Bumili ka na din ng wine," pag-putol ni Guia sa sasabihin ni Argel. Magrereklamo lang naman iyon eh.
Pinanlakihan ni Yara ng mata ang kaibigan kaya sumama ang tingin nito sa kanya.
"Baba kana Gelo, sa building lang naman iyon eh hindi ka na tatawid para pag-akyat mo kakain na tayo," utos ni Yara dito sa seryosong boses.
Wala nang nagawa ang binata at nakasimangot na lumabas ng sariling unit para pumunta sa ground floor kung saan naroon ang shop ng cake na pinagbibilhan nila. Naningkit ang mga mata n'ya nang maalala ang huling sinabi ni Guia. Bakit s'ya nito pinapabili ng wine?
"Bakit parang hindi yata natuwa si Mr. Santos na s'ya ang bumaba," nakangiwing sambit ni Zoren.
"S'ya ang unang nabanggit kaya ganoon eh." Natatawang sagot ni Guia dito. "Pero sir, huwag mo na po kaming tawagin sa surname namin, tawagin n'yo nalang po kami sa first name namin."
"Oo nga sir, medyo awkward kasi kapag nasa labas ng klase tapos may tumatawag sa amin ng ganoon," sabay silang lumingon kay Denver nang sang-ayunan nito ang sinabi ni Guia.
"If that's what you like pero huwag din ninyo akong tawaging sir kapag wala naman tayo sa school," saad naman ng huli.
"That's inappropriate, you are our professor we should always address you right wherever we are," hindi pagsang-ayun ni Yara sa sinabi ng binata.
"I will not be a professor for life, the director of the school just asked a favor to me to take at least 1 to 2 semester since we are friends so yeah, I am teaching there for free."
Hindi makapaniwalang napatingin silang tatlo sa kasama at sa sinabi nito.
"Why? I mean, I know you can't be a professor if you are not licensed," pagtatakang tanong ni Denver dito habang inilalagay ang box ng cake sa gilid ng lababo nang malinis na nito lahat ng nagkalat na cake sa sahig.
"I am licensed," sagot naman nito.
"Kung hindi ka full-time professor ano ang pinagkaka-abalahan ninyo sir? You don't seem a middle class person. Mukha naman po kayong mayaman." Pinasadahan ng tingin ni Guia ang kabuuan ng binata ng sabihin iyon.
Nang papasukin nila ang binata sa pinto ng bahay ni Argel ay tinatanggap nila ito bilang kaibigan. Hindi man kasing lalim ng pagkakaibigan nilang apat ay at least totoong kaibigan pa rin. Mukha namang mapagkakatiwalaan ang binata.
"You don't need to answer all our questions. We're just curious, ngayon lang kasi kami nagkarron ng ibang kasama." Nakuha ni Yara ang atensyon ng binata na kanina ay nakatuon sa pagsasagot sa mga tanong ni Guia.
"Wala kayong ibang kaibigan? I mean, yeah, sa school kayong apat lang ang magkakaibigan, but how about outside school?" pagtatanong nito sa kanila na sabay nilang sinagot sa pamamagitan ng pag-iling.
"Yeah, it's just the four of us. Kapag po kasi sa school wala naman kaming nakakausap kapag field trip naman ay hindi rin kami sumasabay sa kanila kaya wala talaga kaming ibang nagiging close sa mga classmates namin pero marami naman po kaming kakilala sa school. Hindi lang namin sila trip," nakangiwing sagot ni Guia.
Halos lahat naman kasi ng mga nakikipagkaibigan sa kanila, mga nagyayaya ay mga party goer which is ayaw nila ng ganoon. Especially Yara, umiinom sila ng wine but not hard or something.
"Really? But why?" nagtataka nitong tanong sa at halatang-halata sa mukha at mga mata nito ang amusement habang nakikinig sa kanila.
"Kasi halos lahat naman ng mga kumaka-usap sa amin doon sa school ay para iinvite lang kami sa nga party," pairap sa sagot ni Guia walang pakialam na professor nila ang kaharap.
Well, they are outside school, so him being a professor and them being a student has nothing to do with tonight.
"Mukhang marami na yata akong naitanong. I just found you guys fun with. Mukhang masaya ang pagkakaibigan ninyo eh," he proudly said that makes the three smile.
Dahan-dahan na kinuha ni Zoren ang mga placemats na kinuha ni Yara sa drawer ng cabinet ni Argel pagkatapos punasan ni Guia ang mesa. Tumayo naman kaagad si Denver nang tumunog ang doorbell at bumungad sa kanya ang nakasimangot pero ngumunguya na si Argel.
"May kinakain ka na agad? G and Yara's preparing the table now," kaagad na sabi ni Denver sa kaibigan at tinanggap ang inaabot nitong paperbag na may lamang dalawang bote ng wine. Habang hindi naman nito binitawan ang box ng cake.
"Kakain na?" pagtatanong nito nang makapasok sa loob at makarating sa kusina.
"Kumakain ka na nga eh." Itinuro ni Guia ang bumubukol nitong pisngi.
"Tinikman ko lang iyong sale nilang muffin bago daw kasi, masarap infairness," sagot nito nang may nakakalokong ngisi at kumindat pa.
Inismiran ni Yara ang kaibigan, "last year ko pa natikman ang muffin nila d'yan. Hindi bago iyan," saad n'ya dito habang isa-isang hinahain ang mga pagkain sabay irap sa kaibigan.
Napangiwi si Argel sa narinig. Hindi na niya iyon pinansin dahil baka matalo na naman s'ya kapag sinagot pa n'ya ang sinabi ng kaibigan. Inilagay n'ya sa loob ng ref ang cake at umupo na sa upuan. Nilalanghap n'ya ang amoy ng mga hinahandang pagkain ng mga kasama.
Si Denver ay busy sa pagbabalat ng prutas at inilagay n'ya iyon sa fruit tray na 2 layers na nilalagay sa gitna ng table.
"Alright! Everything's ready!" masayang sabi ni Yara nang ma-serve na nila ang lahat ng pagkain sa mesa.
"Putok batok lahat ng ulam natin ah," puna ni Argel nang makita ang matatabang seafoods at lechon kawali sa mesa.
"Sinadya ko talaga iyan dahil alam kong hindi ka magpapahuli," nawala ang ngiti nito sa sinagot ni Yara.
"Anong akala mo sa akin may high blood?" singhal nito sa kaibigan.
"Malay mo magkakaroon ka na simula ngayon," si Guia ang sumagot. Mabilis na nakakuha ng isang grape si Argel at umaktong ibabato iyon kay Guia pero walang tumama sa umilag na dalaga dahil sa bibig niya nag landing ang ubas.
"Sir, nakita at narinig mo na kung gaano kagagaspang ang pag-uugali ng mga babaeng iyan. Linawin mo sa mga studyante mo na fans ng dalawang iyan na huwag nilang hangaan ang mga hayop at walang-awang mga iyan dahil hindi sila mabuting ehemplo sa kabataan!" pagsusumbong ni Argel sa natatawang si Zoren.
"Sus! Baka siraan kita sa mga babaeng hindi mo sinipot sa mga dates ninyo," pagbabanta ni Guia sa kaibigan.
Agad na nanlaki ang mga mata nito sa sinabi n'ya at napatayo pa.
"Kung nakamamatay ang tingin ay bumulagta ka na, G." Natatawang sambit ni Yara nang makita kung gaano kasama at katulis ang mga tingin ni Argel sa kaibigan.
"Tumigil na nga kayo, let's eat na. Lumalamig na ang pagkain natin," saway ni Denver sa dalawa. Kibit-balikat lang ang sinagot ni Guia dito habang si Argel ay dahan-dahang umupo nang hindi tinatanggal ang masamang tingin nito kay Guia.
"Hoy! Umayos ka na and lead the prayer." Hinampas ni Yara ng mahina ang braso ni Argel para kunin ang atensyon nito. Pumantig yata ang tainga nito sa sinabi n'ya dahil gulat na napatingin ito sa kanya.
"Ano?! Bakit ako?" reklamong tanong nito at itinuro ang sarili.
"Para mabawasan naman ang kasalanan mo," alaska pa ni Guia dito kaya sumama na naman kaagad ang tingin nito sa kanya. "Oh, tingnan mo, nademonyo ka na naman." Humalakhak ng tawa ang dalaga habang tinuturo ang kaibigan na mukha at totoong malapit nang mapikon.
"Mabuti nalang hindi pa kayo nagsusuntukan," pabirong saad ni Zoren kaya nabaling sa kanya ang atensyon ng dalawa.
"Boring naman ng suntukan sir, baka masira ko ang magandang mukha n'yan, iyan nalang maganda sa kanya eh," nakangising sagot ni Guia.
"Hindi pa ba kayo kakain? Umalis muna kayo dito bumalik nalang kayo kapag tapos na kayong magsagutan," seryosong sambit ni Yara kaya sabay na natahimik ang dalawa.
"Okay, let's pray." Iniyuko nilang lahat ng sabay-sabay ang kanilang mga ulo nang magsalita si Argel at nagsimulang magdasal.
Nang matapos ay agad na sinunggaban nilang magkakaibigan ang hipon dahil mas gusto nila ng seafoods kaysa sa karne.
"Thank you for inviting me, guys," seryoso na nakangiting sabi ni Zoren. Natigil ang pagnguya ni Yara ng kinakain at napatingin sa kaharap. Magkatabi sina Zoren at Denver habang silang dalawa naman ni Guia ang nasa tapat at si Argel ang nasa gitna dahil.
"No problem sir, sa mga ganito lang din kami nagkakaroon ng maraming oras para mag bonding pagkatapos ng stressful day sa school," magalang na sagot ni Guia dito at ngumiti.
"Na si-stress kayo sa school? Mukhang hindi naman, parang alam na nga din ng mga studyante na pwesto talaga ninyong apat ang first four places ng Deans list."
Hindi sila sanay na sinasabi ang mga bagay na ganito sa kanila kaya pareho silang napangiwi sa narinig.