Chapter 25

2949 Words
"Your dad can't touch me, Gelo," seryosong sambit ni Denver matapos ang mahabang pag kuwento nito patungkol sa problema sa ama. "I just can't sit right in the corner and be complacent. I know how evil of a father I have. Mahirap hulaana ang mga plano n'ya, kung ano ang kinikilos n'ya. Ayaw kong makapante dahil baka pagsisisihan ko lang sa huli kapag hinayaan ko," seryosong sagot nito saka tinungga ang alak na nasa baso n'ya. Wala naman silang balak maglasing at pinayagan silang uminom sa mesa kung saan sila nag-dinner. Ayos lang din naman sana sa kanila ang pumunta sa private bar pero sinabihan sila na ayos lang since hindi naman sila iinom ng masyadong marami. "Hindi ko alam kung ano ang kinakain ng tatay mo kung bakit nakapakahalang ng bituka," inis na saad ni Guia. "You have nothing to worry about me, Gelo. Your dad can't touch me as well. Kapag pupunteryahin n'ya ang negosyo ni ninang at ng mga magulang ko, mapipilayan ang tatay mo kapag kinalaban n'ya si ninang," saad ni Yara na nagpangiti sa kaibigan. "Salamat dahil naisip mo kami pero sa susunod na may sasabihin na ganyana ng tatay mo, sabihin mo sa amin para alam namin at pamigilan namin bago pa s'ya may magawa," ani Guia. Ngumiti si Argel at tumango sa kanilang apat. Inangat ni Yara ang baso n'ya at nakipag-toss sa mga kaibigan. Nagpapasalamat s'ya na finally ay nagawa nang sahibin ni Argel ang bumabagabag sa isip nito. He was sorry for them, he was afraid that they might stay their asses away from him because of fear and they might hate him for putting them in that frame. Pero hindi ganoon kababaw ang pagkakaibigan nila. Hindi si Yara ang tipo ng kaibigan na tatalikuran ka dahil lang sa mga bagay na hindi mo ginusto at sinadyang gawin. "Kayo na lang ang mayroon ako, makakaligtaan ko pa ba kayo? Saan na lang ako makikikain kung tinakwil na ninyo ako dahil sa baliw kong ama," natatawang saad nito. "At iyan naman ang pinaka impossibleng mangyari. We've been through a lot together para lang masira ng walang-hiya mong tatay ano. We can't just do something about it yet kasi baka tayo naman ang maka violate. Ang magagawa lang natin sa ngayon is maging aware at huwag hayaan na may magalaw s'ya sa kahit na sino sa ating apat," mahabang litanya ni Yara. Tumango-tango ang mga kaibigan sa sinabi n'ya. Iyon ang kailangang marinig ni Argel. Alam ni Yara na ayaw ng kaibigan na kinakaawan ito kaya ang masasabi n'ya lang ay assurance and promise na hindi nila ito tatalikuran sa kahit na anong mangyari. Oo nga at wala silang kapangyarihan na harapi ang ama nito na may malaking pangalan, pero kapag nangyari iyon, hindi s'ya magdadalawang isip na hingin ang tulong ng ninang n'ya. Ayaw n'yang madamay ang ninang n'ya pero kung iyon lang ang natitira n'yang paraan para hindi masaktan ang kaibigan ay gagawin n'ya. Malambot ang puso ng ninang n'ya pero alam n'ya kung gaano ang katigas ang puso nito kapag nagagalit at lalong-lalo na kapag s'ya ang naiipit at usapan. "Sana lang ay huwag maging kagaya sa mga kontrabida sa teleserye ang tatay mo dahil kapag nagkataon baka iiyak s'ya ng tanso pagdating sa ending ng labanan," pagbibiro ni Guia na ikinatawa nilang apat. "Enough with my father, ayaw ko sana na banggitin ang tungkol noon dito. This is our night at ayaw kong masira ng pangalan n'ya ang gabi natin na ito," ani Argel na s'yang sinang-ayunan ng mga kasama. "Minsan na nga lang tayo may ganitong moment kasi kapag nag-didinner naman tayo together sa kanya-kanyang bahay ay mga kalokohan lang naman ang napag-uusapan natin," natatawang dagdag naman ni Guia sa sinabi ng kaibigan. "I couldn't remember if we had a quite dinner together before," nakangising sambit ni Denver at lahat ng kaibigan n'ya ay umiling at sabay silang natawa dahil doon. "So this is our last shot, magpahinga na tayo, it's getting late na din at maaga pa tayo bukas," ani Yara kaya tumango ang mga kaibigan saka inihanda na ang mga sarili para umakyat na sa unit nila. Marami na rin silang nakuhang litrato sa lugar. They even called a staff to asked him to take a picture of them. At kagaya ng mga nakaraan nilang lakad ay pare-pareho na silang may dalang camera. Argel's clumsiness taught them well. Ayaw na nilang maulit na isang camera lang ang gamit at noong nawala ay nawala na rin lahat ng photos nila. Mabuti na lang ay may na-developed na isa at nakita iyon ng professor nila. Yara was so thankful when her eyes landed into the photo her prof handling her. "Sila na ang bahala magligpit n'yan, dadaanan pa pala natin sa lobby ang tourist list nila dito. Mabuti na lang may ganoon sila para sa mga katulad natin na first time pa lang dito. At least alam natin saan tayo pupunta o ano ang pupuntahan natin," mahabang saad ni Guia habang naglalakad na sila pabalik sa hotel. Ramdam na rin nilang apat ang lamig ng hangin kaya mas minabuti nila na huwag nang magtagal. Well, wala na rin naman na silang pagkain at inumin. May bonfire din naman sa gilid ng mesa nila kaya hindi nila masyadong ramdam ang lamig noong naroon pa sila pero ngayon na nakalayo na sila dit ay napayakap silang pareho sa sarili. "Grabe pakiramdam ko ay magpi-freeze ang laman ko sa lamig," natatawang sambit ni Denver habang niyayakap ang sarili. "Parang gusto ko tuloy mag bonfire tayo sa last night natin dito. Masarap ang lamig kahit nakakanginig ng kalamnan at panga," sambit naman ni Guia. "Naisip ko rin iyan, we can arrange that naman," sagot ni Yara sa kaibigan kaya lumapad ang ngiti nito. Nang makarating na silang apat sa loob ng building ay sabay-sabay silang napa-shake ng katawan at napa-oohh. Narinig iyon ng ilang staff na sumalubong sa kanila kaya natawa ang mga ito. "How was your dinner po?" nakangiting tanong ng staff. Hindi nakalagpas sa mga mata ni Yara ang naka-ilaw na salitang open sa pinto ng hotel. Ibig-sabihin ay bukas pa sila kahit na hating gabi na. Hindi nila alam na 24 hours ang service ng hotel, hindi naman kasi sila ang nag-asikaso ng pagpunta nila dito. "Masaya po, salamat sa foods ninyo ang sarap," nakangiting sagot naman ni Guia dito. Ngumiti at tumango ang staff saka itinuro sa kanila ang daan papunta sa elevator ng unit nila. Napansin din nila iyon kanina na sa elevator na sinakyan nila ay wala ang ibang floor number. Siguro kaya ganoon ang ginawa ng may-ari ay para maiwasan ang matagal na pag-akyat baba ng elevator. That was a good idea for convenience. "Ay kukuha pala kami kami ng tourist list doon sa desk," biglaang sabi ni Argel kaya napalingon sa kanya ang mga kaibigan at nanlaki ang mga mata nang marealize ang sinabi n'ya. "Damn! Oo nga pala, puwede ba kung magpapakuha na lang kami sa 'yo? Hihintayin na lang po namin kayo dito?" magalang na pagtatanong at pakikisuyo ni Guia sa staff na agad na tumango at sumagot ng oo. Agad itong tumalikod sa kanila at kagaya ng sabi ni Guia ay hinintay nila na makabalik ang staff dala ang kailangan at hinihingi nila. "Infairness din naman sa mga staff nila dito ang pleasant," nakangising saad ni Argel, "at hindi lang iyon, ang guguwapo pa," ang nakangiting mga mukha ng mga kaibigan n'ya at agad na umasim. Walang pagngiti na nakatingin si Yara sa kaibigan na talagang hindi na mawawala sa katawan ang kabaliwan. Para na naman itong bulate na naasinan. Agad s'yang napangiti nang makita ang nakangiting staff na naglalakad palapit sa kanila hawak-hawak ang fliers. Ibinalik n'ya ang ngiti dito nang mapatingin ito sa kanya at matamis na ngumiti. This is probably one of the reasons why this place got several 5 stars from their clients, the staffs are pleasant like what Guia just said. Isang malaking factor iyon sa mga hotel, staff ang unang magbibigay ng impression sa guest nila at sa ngayon at bibigyan din ni Yara ang mga ito ng 5 stars. Sana lang ay hindi mag-iba sa susunod na mga araw nila dito. "Enjoy po kayo sa stay ninyo dito. Nagulat po ako noong nakita ko kayo kasi po school fair po ngayon ng LU," nakangising sambit ng staff nang maiabot na sa kanila ang fliers na dala-dala nito. Nagkatinginan silang magkakaibigan at nanlaki ang mga matang napatingin sa kaharap na staff. "Kilala mo kami?" kunot-noong pagtatanong ni Argel dito. Ngumiti ito at tumango, "yes po, sa LU din po ako nag-aaral, graduating na sana kaya lang kailangan kong tumigil para magtrabaho para sa pamilya, ayaw ko kasi na iasa sa mga magulang ko dahil kaya ko naman, next sem na ang balik ko," nakangiting sagot nito. Nanlaki ang mga mata nila sa narinig at hindi makapaniwala na hanggang dito ay mababanggit ang LU at ang school fair na tinakasan nila. Natawa si Yara sa isipan. "Are we taking the same course? Sorry, hindi ka kasi familiar sa amin," walang pagngiting saad naman ni Denver. "Hindi po, sa building 6 po ako. Kilala naman po kasi kayo sa buong LU kaya kilala ko rin kayo. Enjoy po kayo, magaganda po ang mga lugar na iyan. 5 am din po pala ang dating ng tour guide dito mamaya at 5:30 naman po ang alis ninyo para pumunta sa unang gusto ninyong puntahan," nakangiting sambit nito. Napatingin si Yara sa hawak n'yang fliers at nakita n'ya ang marami at iba't-ibang pupuntahan nila. "Thank you for your assistance," pormal na sambit n'ya at saka pinindot na ang elevator para bumukas. Yumuko ang staff at kumaway sa kanila nang makapasok na silang apat sa elevator at sumara ito. "Isipin mo iyon, ang laki ng luzon pero ang liit ng mundo," natatawang sambit ni Guia. "Hanggang dito napaaalala sa atin ang tinakasan nating school fair," hindi napigila ni Yara ang matawa sa sinabi. "Sayang iyon 'no, last year na lang sana n'ya ma-extend pa s'ya dahil kailangan n'yang magtrabaho. Pero nakaka-amaze ang ganoong klase ng tao," saad ni Denver nang makalabas agad sila ng elevator. "Maswerte tayo dahil hindi natin naranasan iyon, hindi naman kami mayaman kagaya ninyong tatlo pero hindi ko naman naranasan ang huminto ng pag-aaral dahil kailangan kong magtrabaho. Sobrang swerte ko lang talaga dahil nagkaroon ako ng hardworking at responsable na mga magulang," ani Guia at agad na pumasok sa isip n'ya kung paano itinaguyod at binangon ng mga magulang niya ang mabigat at lugmok nilang buhay noon. "May mga bagay na hindi tayo maswerte na siguradong sila naman ay swerte. Maaaring unfair ang mundo because there are wealthy people and not so wealthy people. Pero kung lawakan lang natin ang pag-uunawa at mga mata natin, pareho lang," mahabang saad ni Yara magkatapos n'yang itapon ang sarili sa sofa nang makita n'yang akmang tatalon si Argel kaya agad n'ya itong inuhan kaya naman ngayon ay sinasalo n'ya ang matutulis nitong paningin. Kinindatan n'ya lang ang kaibigan at umirap naman ito sa kanya saka hinawi ang binti n'ya para makaupo ang isang ito. "We are actually the best example actually," nakangising sambit ni Argel at nang mapatingin sa kanya ang mga kaibigan ay nag kibit-balikat s'ya. "I have money, but I don't have parents. I'm an orphan who just found love and family from my second parent," kibit-balikat na sambit ni Yara, nakuha kaagad ng mga kaibigan n'ya ang ibig n'yang sabihin. "I have money, I also have parents but I don't have love and family," sagot naman ni Argel saka nagkibit-balikat. Hindi naman na bago sa kanya ang usapin na iyon. "I have family and love but I don't have money like yours," sambit ni Guia. Hindi nagsalita si Denver kaya napatingin sa kanya ang tatlong kaibigan. Ngumisi ang mga ito habang hinihintay ang sasabihin n'ya. Napayuko s'ya dahil alam n'yang alam ng mga ito kung ano ang sasabihin n'ya. He have those. "You have money, family and love," nakangiting sambit ni Yara kaya napa-angat s'ya ng tingin. Tipid na ngiti ang ibinigay n'ya sa mga ito kaya umiling ang mga kaibigan. "What a lucky bastard," sabay silang lahat na natawa sa sinabi ni Guia na s'yang sinang-ayunan ni Argel. "I don't have siblings," sambit ni Denver kaya napaikot ang mga mata ng mga kaibigan n'ya sa kanya. "Yeah right," pa-irap na sambit ni Argel saka padabog na iwinaksi ang binti ni Yara at tumayo. "Napakawalang-hiya mo!" sigaw ni Yara dito. "Inaantok na ako eh!" sigaw naman nito pabalik kaya natawa nalang sila. "Let's take a rest now. 12 am na pala, kailangan nating bumaba ng bago mag-alas sais ng umaga," paalala ni Yara sa mga kaibigan bago sila tuloyan na magkanya-kanya at pumasok sa kanya-kanyang silid. Hindi na rin nag-aksaya ng oras si Yara at agad na nagabihis upang matulog. Katulad ng mga kaibigan n'ya ay ramdam na rin n'ya ang antok kaya nang ipikit n'ya ang mga mata ay kaagad s'yang nilamon ng dilim. 5:30 ng umaga nang makababa sila ng hotel para mag-agahan bago magsimulang maglibot sa mga pupuntahan nila. Nakita na nila ang fliers na inabot sa kanila ng ka-schoolmate nilang staff ng hotel at marami-rami nga talaga ang mapupuntahan nila sa lugar na ito. "Puwede bang 6:30 na lang tayo umalis, manong? Papatunaw lang muna kami ng kinain bago bumyahe," biglaang sambit ni Argel nang makalabas sila ng restaurant ng hotel at lapitan nila ang tour guide na s'yang magtuturo kung paano puntahan ang mga lugar na pupuntahan nila. "Puwede naman po," nakangiting sambit naman ng may edad na lalake. "Hindi po ba maganda ang daan?" pagtatanong ni Guia dito. "Maganda naman po ang daan patungo sa una nating pupuntahan, medyo mataas lang po ang isang iyon kaya hanggang sa baba lang ang sasakyan at lalakarin na ninyo iyon. Kapag mga bansang 6:30 ay marami ng tao noon sa taas," sagot ng matanda. "Sa sasakyan ka na magpatunaw ng kinain mo," agad na hinila ni Guia ang kaibigan na si Argel patungo sa sasakyan na gagamitin nila. Provided na rin iyon ng hotel at kasama na sa binayaran ng mommy ni Denver. "Ano ba! Puwede mo naman akong hindi hilahin ah," reklamo ng huli at hinila ang damit n'yang hawak ng dalaga. "Alis na lang tayo, Ya, D para doon na tayo sa taas sasalubong ng araw," saad ni Guia na tinanguan ng dalawa. Hindi n'ya na tinanong si Argel. "Byahe na tayo manong," ani Denver at agad naman na kumilos ang matanda at sumakay sa sasakyan na gagamitin nito. "Pinagkaisahan talaga ninyo ako. Kapag ako talaga nakaganti," pagbabanta n'ya na tinawanan lang ng tatlo. "Sayang ang oras eh mas maganda na nasa taas na tayo paglabas ng araw," sambit ni Guia kaya hindi na s'ya nakasagot. Balak pa kasi sana n'yang umorder ng barbecue eh kaya lang ang sabi sa kanya ay 20 minutes waiting, ayan tuloy hindi s'ya nakakain ng barbecue. "Bakit ba gusto mo na mamaya na lang aalis? Huwag mong idadahilan sa akin ang magpatunaw kung hindi ay itutulak kita sa labas," nakangising saad ni Yara. "Sabi kasi noong cashier, 20 minutes ang waiting time ng barbecue," natatawang sagot ni Argel na nagpabura ng ngiti nina Yara at si Guia na nakalingon sa kanila. "Barbecue? Kakakain lang natin, barbecue na naman?" hindi makapaniwalang saad ni Guia dito. "Hindi mo ba naamoy ang aroma ng barbecue kanina? Sobrang bago Gyaya. Sabagay, bakit ba ako magtataka eh maliit naman pala ang butas ng ilong mo, matangos pero maliit ang butas. Hindi nakapagtataka na hindi mo naamoy ang mabangong barbecue kanina," naiiling na sambit nito kaya tumulis ang paningin ni Guia dito. Hindi napigilan nina Yara at Denver ang matawa dahil sa sinabi nito nang hindi man lang napangiti. Feel na feel nito ang back handed compliment sa kaibigan. "Kaysa naman sa ilong mo kasaya ang hintuturo sa butas," ganti ni Yara dito kaya hindi ito makapaniwalang napatingin sa dalaga at humalakhak ng tawa. "Ano ka ba Gyaya, napakalabo naman ng sinabi mo," natatawang sambit nito, "napakaganda ng ilong ko 'no. Kahit saang anggulo, hindi mo mahahanap ang pangit sa ilong ko, dahil walang ganun sa kahit saang bahagi ng mukha ko," mayabang na saad nito. Napaface-palm na lang si Yara sa kahambugan ng katabi. Ibinaling n'ya sa labas nag paningin dahil baka mademonyo s'ya at maitulak ang mahangin na baklang ito. "Nahiya ang ilong ni Yara sa sinabi mo," natatawang sabi ni Guia na nagpatahimik sa tumatawa na si Argel. "Huwag mo ng isali iyan, ilong mo at ilong ko lang ang usapan. Huwag na natin isali ang ilong n'yang hindi mo alam kung gaano katagal plinano ng Dyos para maging ganyan ka perpekto. Alam natin na hindi tunay na tao si Yara baby," tumango-tangong saad ni Argel. "Ano ang akala mo sa akin, engkanto?" ani Yara nang nakataas ang kilay. "Hindi naman Yara baby. Pero bakit ba kasi napaka perpekto ng mukha mo? Ang ganda ng mga mata mo, ng ilong mo, lahat!" iritang saad nito habang hinuhulman sa hangin ang mukha ng kaibigan n'ya gamit ang kamay. "Nagkataon lang na hindi ka n'ya kalahi kaya ganiyan kaganda ang mukha n'ya," pambabara ni Guia kay Argel na walang pasabing binatukan ang dalaga na naka-upo sa unahang bahagi nya, "aray ko!" natatawang sambit ni Guia. "Yabang mo, hindi mo rin naman s'ya kalahi," pairap na sambit ni Argel kaya natawa ng malakas ang dalawang babae. "Kaya alam ko talaga na bagay na bagay kayo ni sir Zoren eh. Alam ko, aminado ako na guwapo ako, guwapo rin si Denver pero ang mukha na kagaya ng kay sir Zoren ang babagay sa mukha na kagaya ng sa 'yo, Yara baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD