Chapter 15

2962 Words
Napatayo si Yara nang makita ang pagpasok ng ninang n'ya sa loob ng kusina. Naningkit ang mga mata nito nang makita ang nakaub-ob na kaibigan at may nakatayong alak sa mesa. "What happened?" nag-aalalang tanong nito. "Family happened, ninang," simpleng sagot n'ya. Hindi naman s'ya lasing dahil sinasabayan n'ya lang naman itong uminom habang hindi ito nagpapa-awat na halos gawin nitong tubig ang iniinom na alkohol. Hindi na rin s'ya nag-abalang tawagan pa ang ibang mga kaibigan dahil anong oras na at mai-istorbo lang naman ang mga iyon. Panigurado bukas ay hindi ito makakapasok. Hindi ito madalas mangyari, nangyari lang ito isang beses noong araw mismo na pinalayas ang kaibigan sa bahay nito pero hindi na naulit, ngayon nalang ulit. "Why? What's wrong?" kunot-noong tanong ng ninang n'ya. Hindi ito mausisa sa mga kaibigan n'ya pero dahil sa nasaksihan nito ngayon ay kahit sino mapapatanong kung bakit naging ganyan ang kaibigan. "I'm sorry ninang, but I don't think I'm in the position to tell you about his problem. It was kind off like personal, it's his family," magalang na sambit ni Yara. Nahihiya s'yang napangiti ng tipid sa ninang n'ya. Gusto n'ya rin naman na sabihin dito para kahit papaano ay alam nito ang dahilan kung bakit nasa bahay nito ang kaibigan n'ya at lasing. Pero kagaya nga ng sabi n'ya, wala s'ya sa posisyon at ayaw n'yang pangunahan ang kaibigan. Mas maganda na sa kanya mismo manggaling kung gusto man nitong sabihin sa mga taong hindi nakakaalam sa mga pinag-dadaanan nito ang problema n'ya Napalingon si Yara nang may pumasok sa kusina at bumungad sa kanya ang kasambahay nila. Kaagad itong tinawag ng dalaga para magpatulong na dalhin ang kaibigan sa guest room. "Ninang, I'll let him take the guest room. Baka mapahamak po kasi kapag hahayaan kong mag drive," paalam n'ya sa ninang n'ya na kaagad naman na tumango. "Of course! Maica, sabihan mo si Gina na palitan ng bagong kobre kama ang kama doon maging ang mga unan at kumot," utos nito sa kasambahay na agad namang sumunod. "Sige po, sabihan ko na lang po muna si Gina, Ms. Yara. Balikan ko po kayo dito kapag pwede na po natin ilagay doon si sir Argel," sambit ng kasambahay bago ito tumalikod sa kanila para sa utos ng ninang n'ya. "Thank you, ninang," pasasalamat ni Yara sa ninang n'ya. "Pakinggan mo ang problema ng mga kaibigan mo, kapag naman ramdam mo na may problema sila at hindi nila sinasabi, tanungin mo at respetohin kung ayaw nilang i-kwento. Huwag mong alisin ang mga mata at tainga mo sa mga taong mahalaga sa 'yo. Ang problema kapag naging mabigat na at hindi na nakayanan, nagdudulot ng hindi maganda," napangiti si Yara sa narinig mula sa ninang n'ya. Niyakap n'ya ito nang mahigpit at nagpasalamat. Hindi n'ya kakayanin kapag ang taong ito ang mawala sa kanya. Ito na ang tumayo n'yang mga paa noong mga panahong hindi n'ya kayang bumangon dahil sa pagkalugmok at hindi iyon madali, hindi iyon saglit lang. Tinutukan s'ya ng ninang n'ya hanggang sa umayos at gumaling s'ya, kaya hindi s'ya nagtataka ngayon na narinig ang mga salitang iyon. Alam ng ninang n'ya kung gaano kahalaga sa kanya ang mga kaibigan. "Maraming salamat ninang, huwag po kayong mag-alala papasok naman po ako bukas, iiwan ko nalang po itong lasinggo na ito dito," natatawang saad n'ya kaya maging ang ninang n'ya ay natawa. "Oh, s'ya. Ikaw na ang bahala d'yan sa kaibigan mo. Siguradohin mo na komportable s'ya, aakyat na ako at magpahinga, medyo napagod ako sa dami ng trabaho," saad nito na agad bumura sa ngiti ni Yara. "Ninang don't overworked yourself, magpahinga ka din. Kung kina-kailangan na ibigay mo sa akin iyong iba, tatanggapin ko naman ng walang reklamo," aniya kaya napalingon sa kanya ang ninang at ngumiti. "Alam ko, alam kong maaasahan kita. 'Di bali, kapag masyado na talagang maraming trabaho at nahihirapan na ako ay tatambakan kita, ha? Sa ngayon ay i-enjoy mo muna ang buhay, okay? Goodnight na," nakangiting saad nito sa kanya saka s'ya binigyan ng halik sa pisngi at tuloy-tuloy na itong lumabas ng kusina pagkatapos maubos ang natitirang gatas nito sa baso. Hindi na nagsalita ang dalaga at nakatingin lang ito sa likod nang papalayo n'yang ninang hanggang sa sumulpot sa harapan n'ya ang mga kasambahay nilang sina ate Maica at Gina. "Ms. Yara, ayos na po ang kwarto, pwede na po nating dalhin doon ang kaibigan ninyo," saad ni Gina. "Sige, pakitulongan naman ako na akayin s'ya, please," pakiki-usap n'ya sa mga ito na agad tumango. Inangat n'ya ang kaliwang braso ng kaibigan at isinukbit sa balikat, ganoon din ang ginawa ni Gina sa kabila. "Ipaghahanda ko lang po ng maligamgam na tubig Ms. Yara para po pamunas kay sir Argel," dinig ni Yarang sabi ng kanyang ate Maica. Tango lang ang isinagot dito. "Napakabigat naman ng halimaw na 'to!" reklamo n'ya habang dahan-dahan nilang dinala ito sa guest room na may kalayuang taglay mula sa kusina nila. Narinig n'ya ang mahinang pagtawa ng kasambahay nila kaya maging s'ya ay napatawa din sa sinabi. Nang makarating sila sa kama ay walang pag-iingat n'yang itinulak ang kaibigan pero hindi man lang ito nagising. Muntik pang masama ang kasambahay nila sa pagkatumba dahil sa biglaan n'yang pagtulak sa kaibigan na hindi nito binibitawan. "Sorry Gina, sobrang nabigatan na talaga ako kaya ko s'ya tinulak akala ko kasi magigising. Buhusan kaya natin ng mainit na tubig para magising," nakaismid na sambit n'ya habang inaayos nila ang paghiga nito. Natawa ang kasama at 'di makapaniwalang napatingin sa kanya. Kinindatan n'ya ito bago binalik ang tingin sa kaibigan. Alam n'ya kung bakit ganoon ang tingin nito sa kanya. Bukod sa hindi s'ya masyadong nagsasalita dito sa bahay at nakikita lang s'ya ng mga ito kapag kakain oh bababa ay ngayon lang yata nito narinig na nagsalita s'ya ng ganoon. Masyadong mabait at maingat ang tingin ng mga ito sa kanya. Sabay silang nag-angat ng tingin nang pumasok ang kanyang ate Maica na may dalang maliit na batya at pamunas. "Ako na lang po ang gagawa Ms. Yara," pagbulontaryong saad nito. Umiling ang dalaga at inabot ang pamunas dito, "ako na lang ate Maica, pakikuhaan na lang ako ng malalaki kong t-shirt na plain lang sa closet ko, iyong tingin niyo kakasya sa kanya, please." "Ako na po, ate Maica, Ms. Yara ako na lang po ang kukuha, mas kabisado ko po kasi ang closet ninyo dahil ako ang naglalagay ng mga damit ninyo," saad ni Gina kaya tinanguan ito ni Yara. "Sige, salamat Gina," pasasalamat n'ya, nakalimutan n'yang tagaluto nga pala nila ang ate Maica n'ya. "Pasuyo na lang po sa aircon, pakihinaan po ng kaunti ate," baling n'ya sa kasambahay na nakatayo sa tabi habang nakatingin sa kanya. Hindi rin nagtagal ay dumating si Gina na may hawak na tatlong malalaki n'yang damit. Mahilig s'ya sa maluluwag na damit lalo na kapag nasa bahay lang naman dahil mag komportable at mas presko. Kinuha n'ya ang hawak nitong puti saka iyon ang pinalit sa damit ng kaibigan. "Ibabalik ko na po ba itong dalawa sa taas, Ms. Yara?" "Ilapag mo na lang d'yan sa bed side table, Gina, baka bukas pagising n'ya ay maisipan n'yang magbihis ng damit," aniya saka inabot sa ate Maica n'ya ang batya at pamunas. "Salamat ate Maica." "Walang-anuman po," magalang na sagot naman nito. "Isasama ko na lang po sa lalabahan ko mamayang umaga itong damit ni sir Argel, Ms. Yara?" pagtatanong ni Gina kaya tumango s'ya. "Sige, kapag hinanap n'ya ang damit n'ya bukas, sabihin n'yo na lang na isuot n'ya iyong nasa maliit na lamesa sa tabi ng kama," aniya nang makalabas na silang tatlo mula sa silid. "Baka din po bukas mauna pa rin akong magising doon, paki handaan na lang po s'ya ng pagkain pagkagising kasi papasok pa ako, at pakisabi na lang din na sumunod na lang kamo s'ya sa school," paalala n'ya sa mga ito. "Sige po, Ms. Yara," sabay na sagot ng dalawa. "Oh sige na, salamat sa tulong ninyo, na istorbo pa tuloy ang mga tulog ninyong dalawa, aakyat na ako, bukas n'yo na trabahuin ang mga iyan ah," sambit n'ya at tinuro ang damit ng kaibigan bago tumuloy sa hagdan paakyat. Nanlaki ang mga mata niya nang matamaan ang malaking orasan nilang nakakabit sa dingding. "Holy sh*t! Alas dos na kaagad ng madaling araw? Apat na oras na lang ang magiging tulog ko nito, babatukan ko talaga ang baklang iyon," himutok n'ya habang naghihilamos para makatulog na kaagad. Napa-ungol ang dalaga nang marinig ang tunog ng alarm clock sa tabi ng kama n'ya. Inabot n'ya ito at pilit ibinubuka ang isang mata para patayin ito at nakita n'ya ang oras na ay kahit gusto n'ya pang matulog ay bumangon na rin s'ya kaagad. "Tulog pa ba?" agad na tanong n'ya nang makababa at dumiretso sa kusina para mag-almusal. Nakahanda na ang sandwich n'ya pero mas gusto n'yang magkanin. Sira na ang diet plan n'ya, hayaan na nga. "Po?" pagtatanong ng ate Maica n'ya, hindi yata narinig ang tanong n'ya. "Si Argel po tulog pa ba?" pag-uulit n'ya at agad naman itong tumango. "Ay opo, hindi pa po nagigising. Nagpa-init na rin po ako ng tubig, Ms. Yara, gusto po ba ninyong magkape?" Tumango s'ya bilang sagot dito saka tumayo para silipin ang lasing na kaibigan. "Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko, ate Maica, pakilagay nalang ang kape sa mesa, salamat," aniya habang naglalakad palabas ng kusina at dumiretso sa silid kung saan naroon natutulog ang kaibigan. Talagang maiiwan n'ya ito dito. Sabagay may sarili naman itong sasakyan kaya makakauwi ito mag-isa at isa pa, matanda na ang isang 'to. Mahinang natawa ni Yara nang makita ang nakatihayang si Argel. Pero nang maalala kung ano ang dahilan kung bakit ito uminom at naglasing ng ganito ay napalitan ng lungkot ang ngiti at tawa n'ya. "Sana pagising mo, at kahit hindi ka na nakainom, sana ay matutunan mo rin na ilabas ang lahat ng pinagdadaanan mo. Sana ay matutunan mo rin na ilabas at sabihin sa amin ang problema mo, handa naman kaming makinig at tumulong sa abot ng makakaya namin. We will always wait for you to speak it up," sambit n'ya habang nakatitig sa maamong mukha ng kaibigan. Bumuntong hininga nalang s'ya dahil kitang-kita n'ya kung gaano pa kalalim ang tulog ng kaibigan. Maingat n'yang isinara ang pinto saka bumalik sa kusina para ituloy ang pagkain. "Si ninang ba ate Maica, bumangon na or kumain na?" pagtatanong n'ya dahil madalas ay sabay naman sila or nauuna ito pero parang wala pang bawas ang ulam sa mesa. "Hindi pa po, hindi pa po bumababa si ma'am Alicia. Maya-maya ay bababa na rin po ang ninang ninyo," sagot nito. Natapos s'yang kumain nang hindi pa rin bumababa ang ninang n'ya kaya nang paalis na s'ya ay kinatok n'ya ito para sana magpaalam pero nang buksan n'ya ang silid nito ay nakita n'ya itong tulog pa kaya hindi n'ya na inabala. "Hindi po ba kayo ihahatid ni kuya Joseph, Ms. Yara?" pagtatanong ng kasambahay nila nang makita s'ya nitong isinukbit ang bag sa balikat at palabas ng bahay. Ito iyong kasama nilang naabutan n'yang nagdidilig ng mga halaman n'ya. Nginitian n'ya ito at umiling, "hindi na, pakisabi na lang kay ninang na umalis na ako at pakisabihan nalang din si ate Maica na huwag kalimutan ang bilin ko kapag nagising na ang kaibigan ko," aniya dito at nakangiti naman itong tumango. "Sige po, sinabihan na rin po ako ni ate Maica patungkol po riyan baka kasi po hindi nila mamalayan na nagising na po ang kaibigan ninyo," sagot nito. "Salamat, pasuyo na lang ako ng gate, Marie," saad n'ya dito bago pumasok sa sasakyan n'ya. Agad naman itong kumilos at ginawa ang sinabi n'ya. "Salamat," aniya mula sa bintana ng sasakyan bago ito pinatakbo paalis sa lugar. Magti-text na lang din s'ya kay Argel kapag nakarating na s'ya sa school dahil paniguradong mamaya pa magigising ang isang iyon. Napaliko si Yara sa kabilang daan nang akmang pupunta sa kung saan n'ya madalas naipa-park ang sasakyan nang makitang may nauna na sa kanya doon. Luminga s'ya sa paligid hanggang sa makita ang dalawang bakante kaya doon n'ya na itinigil ang sasakyan. Hindi s'ya sigurado kung nandito na rin sina Denver at Guia, magtataka ang dalawang iyon kung bakit wala si Argel. Sasabihin n'ya nalang para kung sakali man na hindi hahabol ang kaibigan nila ay pupuntahan nalang nila ito sa condo nito pagkatapos ng klase. Inilabas n'ya ang cellphone at nagtipa nang mensahe para sa kaibigan n'yang nambulabog sa kanya at naiwan pa sa bahay n'ya. Sabagay, sabi nga libro na nabasa n'ya, hindi mo iyon kaibigan kapag nahihiya aa bahay mo. Kibit-balikat nalang ang nagawa ni Yara. Isinukbit n'ya sa balikat ang bag saka lumabas ng sasakyan at dire-diretsong pumasok sa loob ng campus. Wala pa s'yang natanggap na text mula sa dalawang kaibigan kaya sibukan n'yang tawagan si Guia na wala pang isang segundo ay sumagot na kaagad. ("Ya, tatawagan na sana kita kaya lang biglang lumabas ang pangalan mo sa caller, ID. Papasok na kami sa parking area, nasaan ka na?") walang tigil na sagot ni Guia sa kanya. "Good morning to you too, Gyaya," sarkastikong saad n'ya kaya narinig n'ya ang pagtawa nito mula sa kabilang linya. ("Sorry na, hahaha. Nagulat kasi ako noong nakita ko ang pangalan mo kasi nga tatawag na sana ako sa 'yo, nakapasok na kami. Nasa loob ka na ng campus? Oh wait, nakita namin ang sasakyan mo,") saad ng kaibigan. "Nandito pa lang ako sa may entrance, bilisan n'yo, bakante pa yata iyong sa tabi ng sasakyan ko. D'yan na lang kayo mag park, wait babalik na lang ako d'yan para sabay na tayo pumasok, ayaw ko naman maghintay dito na parang sira," aniya. ("Ang haba ng sinabi mo ah,)" natatawang saad nito sa kanya kaya napa-irap nalang s'ya sa hangin, ("dito kami nag park sa tabi ng sasakyan mo, huwag ka nang dumiretso dito sasalubongin ka na lang nam ------ ay nakikita na kita.") Kumaway s'ya nang marinig ang sinabi nito. Nakita n'ya na rin ang sasakyan ni Denver sa tabi ng sasakyan n'ya. Agad na bumukas ang pinto sa shotgun nito at lumuwa ang ulo ng kaibigan na si Guia. Kumaway ito sa kanya at malaki ang ngiting inaayos ang bag sa balikat bago sinara ang pinto. Hindi na s'ya naglakad para lumapit dito, hinintay n'ya na lang na makalapit ang mga ito sa kanya. Agad na bumeso sa kanya ang kaibigan habang si Denver ay ginulo ang buhok n'ya. "Tinatawagan ko si Gelo pero hindi sumasagot," himutok ni Guia nang makalapit sa kanya. Sabay-sabay na silang naglakad papasok ng campus. "Nasa bahay si Gelo," saad n'ya kaya parehong napatingin sa kanya ang dalawang kaibigan. Nanlaki ang mga mata ni Guia habang nakakunot naman ang noo ni Denver. "Bakit s'ya nandoon at ikaw nandito na?" pagtatanong ng binata sa kanya. "Susunduin ka ba n'ya dapat? Pero bakit hindi naman s'ya sumasagot sa tawag ko?" dagdag na tanong naman ni Guia. Bumuntong hininga si Yara habang tuloy-tuloy ang lakad nilang tatlo sa corridor. "May problema si Gelo, guys. Tumawag ang daddy n'ya sa kanya kahapon hindi ba? At kagaya noong una, ganoon pa rin ang gusto ng daddy n'ya sa kanya," saad n'ya. "Okay naman na sa kanya iyon hindi ba? Oo nga at nahihirapan at nasaktan s'ya sa ginawa ng daddy n'ya pero ano ba ang bago?" matigas na saad ni Denver, pareho silang hindi natuwa sa ginawa ng daddy ni Argel sa kanya pero ayaw nilang mamagitan dito dahil usapang pamilya iyon, ang magagawa lang nila ay ang maging sandalan ng kaibigan. "Ginamit daw ng daddy n'ya si Kela laban sa kanya," sagot n'ya dito na nagpasinghap sa mga kaibigan. Hindi makapaniwalang napatingin sa kanya ang dalawa kaya binigyan n'ya ang mga ito ng tipid na ngiti. "Ano? Bakit? I mean, paano?" may diin na pagtatanong ni Guia nang makapasok na sila sa room nila. "Then, why is he in your house? Anong ginagawa n'ya sa inyo at bakit ikaw lang ang pumasok at nagpa-iwan s'ya doon? Don't tell me, sa inyo na s'ya titira," sambit ni Denver kaya agad na naglaro sa isip n'ya sa hitsura ng umiiyak at lasing na si Argel. "Tumawag s'ya kagabi at sinabing nandoon na s'ya sa tapat, nakainom at pagdating sa bahay uminom pa ulit, ayon knock-out. Hindi pa nagising noong umalis ako ng bahay," sagot n'ya dito. "Ganoon ba kabigat iyon? Sa tingin ko maliban sa pagamit ng daddy n'ya kay Kela laban sa kanya ay may iba pang dahilan," ani Guia. "I was thinking the same thing too, hindi ang ganoon lang ang magpapainom sa kanya to the point of being knock-out," sambit ni Denver. Wala nang sinagot si Yara doon dahil parehong naisip na n'ya ang mga sinabi ng mga kaibigan. Alam n'ya na ganoon din ang tingin ng mga ito. Hindi na biro ang dinadalang problema ni Argel kaya ganoon nalang ito mag-ingay at magpatawa. "Hindi na iyon makakapasok ngayon," saad ni Guia habang inaayos ang pag-upo nang may pumasok na lalakeng naka-uniform nang pang faculty staff. Ito iyong secretary ng Dean ng school. Umayos s'ya nang upo at napangiti ng tipid nang tumama sa kanilang magkakaibigan ang paningin nito. "Ms. Pascual, Mr. David at Ms. Formanes, pinapatawag po kayo sa conference room, kasama din po pala si Mr. Santos, kayong apat po," sambit nito kaya nagkatinginan silang tatlo na parehong walang alam kung bakit. "Sino ang nagpatawag sa amin, sir?" pagtatanong ni Guia. "Si madam po," nanlaki ang mga mata nila nang marinig ang sinabi nito, ang madam na tinatawag dito ay ang mismong Presidente ng school, "wala kayong klse sa oras na ito dahil kasama sa meeting si Prof. Corpuz."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD