Chapter 23

2963 Words
Mag-iisang oras na simula nang maka-alis sila sa bahay ninang Yara at nasa gitna pa rin sila ng byahe ngayon. Si Denver ang nakakaalam kung paano pumunta sa lugar na pupuntahan nila dahil ayon dito ay naihatid na nito ng isang beses ang pamilya. "Sana may pagkain pagdating natin doon," nagkatinginan sina Guia at Yara na parehong nasa backseat nang marinig nila ang sinabi ni Argel na s'yang nakatutok sa labas ng bintana. "Isang oras pa lang ang lumipas mula noong kumain tayo, pagkain na naman ang hinahanap mo?" Late na nga iyong lunch natin eh," saad ni Guia dito kaya napalingon ito sa kanila. Nangingiting nakikinig si Denver sa mga kaibigan habang diretso ang mga mata sa daan. Kanina pa nagku-kwentuhan ang mga kasama n'ya at hindi naman ito bago sa kanila sa tuwing nasa iisang sasakyan lang silang apat. There is no dull moment with them. Kaya gusto nila na kapag magbabakasyon man ay dapat kumpleto sila, kaya noong nasa US s'ya dahil kinailangan s'yang papuntahin ng mga magulang ay hindi umalis ang mga kaibigan. Mas pinili nilang huwag na munang umalis kahit na bakasyon iyon at wala silang pasok, emergency ang ipinunta n'ya sa ibang bansa at naintindihan iyon ng mga kaibigan n'ya. Ito ang unang beses na magbabakasyon sila simula nang makabalik s'ya ng bansa, kaya pinilit nila itong matuloy dahil sa susunod na mga linggo at buwan ay baka hindi na ganito kaluwag ang oras nila dahil nga graduating na sila pareho, alam nila kung gaano na ka-hectic ang mga oras nila, lalo na kapag magsisimula na ang internship nilang apat. "Hindi ko naman sinabi na gutom na ako ngayon, ang sabi ko pagdating natin doon. Ilang oras pa ba ang byahe natin bago tayo makakarating doon?" tiningnan nito ang waze ng sasakyan at matulis ang mga tingin na ibinalik sa mga kaibigan na nasa backseat, "5 hours pa, 5 hours! 8 pm na iyan, dinner time na!" singhal nito kaya sabay na nagtawanan ang tatlong kasama. "Alam mo ikaw, hindi talaga pwede na magutom iyang mga dragon mo sa t'yan 'ano?" pagbibirong saad ni Yara habang tumatawa. "P'wede naman tayong kumain siguro mamaya. P'wede naman tayong huminto para makakain," ani Denver at tiningnan ang mga kaibigan mula sa rare view mirror ng sasakyan. "Mamaya mga 6 pm p'wede tayong kumain," ani Yara at tiningnan isa-isa ang mga kaibigan. Hindi s'ya nagtanong kay Denver kung nakita ba ni Argel ang dinala nilang pagkain pero sa sinabi nito ay mukhang wala pa rin itong ideya na may pagkain sila sa likod ng sasakyan. Kung sa mga ganitong bagay talaga ng pataguan ay ito ang huling nakakakita. Wala naman kasi itong pakialam sa paligid hangga't hindi patungkol sa kanya o kahit sino sa kanilang apat. Mapagbiro lang ito kagaya ng palagi nilang sinasabi pero mas seryoso pa ang isang ito kumpara kay Denver. Sadyang mahiyain lang si Denver habang si Argel ay walang-hiya. "Dapat pala nagbaon tayo, Yara baby. Mas masarap iyong mga pagkain sa bahay ninyo eh, bakit ngayon ko lang iyan naisip. E 'di sana hindi tayo mag-fast food," bumuntong hininga ito dahil sa sariling sinabi. Seryoso ang boses nito at seryoso ang mukha. "Hayaan mo na, ang importante makakakain tayo at maitawid natin ang gutom," ani Guia habang pinipilit pigilan ang pagtawa sa pagkagat ng ibabang labi. "Ano na kaya ang nangyayari ngayon sa school," pag-iiba ni Denver ng topic at baka may isa pa sa kanila na makapagsabi na may baon silang pagkain. Iniiwasan nilang mabanggit iyon at baka hindi makapaghintay ang isang kasama at magyaya ng kumain. "Masaya ang mga studyante ngayon dahil walang pasok," natatawang sambit ni Guia. Kahit naman pareho silang apat na focus sa pag-aaral ay kabilang pa rin naman sila sa mga studyante na nagsasaya tuwing walang pasok. "Sana lang ay huwag sumama ang loob ni Dean sa atin, lahat na lang kasi ng hiniling n'ya sa atin ay walang nasunod," ani Yara kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan. "Hindi iyon, alam naman ni Dean kung gaano tayo nakatutok sa school in our past years with LU, activities and academics, sa lahat naman ng iyon ay palagi tayong nagpa-participate. Naiintindihan naman siguro ni Dean kung bakit ngayon ay wala na tayong sinalihan na kahit isa sa mga sports," seryosong sambit ni Denver na sinang-ayunan nilang lahat. Tama din naman iyon, nitong school year lang naman na ito hindi sila makikita sa school fair. Isa pa nga, ginawa silang judge sa school fair night kahit nang hindi muna sila tinanong kung papayag sila. "Siguro sinabihan ni Dean si madam na huwag na tayong tanungin kung okay lang ba sa atin ang mag-judge sa school fair night, baka inisip ni Dean na tatanggi tayo kaya sinurpresa tayo ni madam," natatawang sabi ni Guia. "Possible! Pero kung tinanong naman nila ako, papayag naman ako eh. Ang gugwapo kaya ng mga contestants nilang lalake," natatawang sambit naman ni Argel. "Wala naman kaming inasahan na magandang reason mula sa 'yo. Alam na namin na iyan ang rason mo," pairap na sambit ni Guia sa kaibigan. "Excited na talaga ako para sa school fair night. Nai-imagine ko na kung gaano ka-guwapo si sir Zoren kapag naka tuxedo," kinikilig na saad ni Argel at hindi makapaniwala ang mga kaibigan na napatingin dito. Hindi nila alam kung paano napunta sa binata nilang professor ang utak ng isang ito. Si Yara na nakakunot ang noo ay iniisip kung paano nagsimula ang usapan nila at napasandal s'ya nang maalala na kanina ay pagkain lang ang pinag-uusapaan nila, ngayon ay pinapapantasyahan na ng kaibigan nila ang binatang professor. "Alam mo kinakabahan ako para kay sir," seryoso ang mukha ni Denver nang sabihin iyon habang tono nito ay bakas ang pagbibiro. Matutulis ang tingin ni Argel habang dahan-dahan na binalingan ang kaibigan na nakahawak sa manibela. Hindi iyon pinansin ni Denver pero ramdam n'ya ang masamang tingin mula sa kaibigan na naka-upo sa shotgun seat. Mula kay Denver ay dahan-dahan na lumingon si Argel sa backseat para tingnan ng masama ang dalawang babae na naroon. "Ako rin naman, pakiramdam ko kapag napapalapit ka kay sir ay may hindi magandang mangyayari sa kanya," ani Guia nang may pinong pagtango at diretsong nakatingin sa hindi makaniwalang si Argel. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa mga kaibigan. Tumingin s'ya kay Yara na parang sinasabi ng mga mata n'ya na kailangan n'ya ng tulong pero kaibigan ay walang pakialam sa kanya. Alam ni Yara kung saan napupunta ang usapan kapag pumapasok ang pangalan ng professor nila. Ayaw n'ya na sinasabi ng kaibigan na baka raw may gusto sa kanya ang professor dahil sa tuwing nakikita n'ya itong nakatingin sa kanya ay nabubuhay ang kaba sa dibdib n'ya at naiilang s'ya. Ayaw n'yang isipin na kaya ito nakatingin sa kanya ay dahil totoo ang sinasabi ng kaibigan. Walang katotohanan ang lahat ng sinasabi ni Argel, kaya hangga't maari ay ayaw n'yang magkaroon ng pagkailang sa professor. Isa pa, baka kung ano ang isipin nito sa kanya dahil lang hindi s'ya komportable kapag nasa paligid ito. "Ano ba ang akala ninyo sa akin? Kriminal?" umiismid na tanong nito saka mataray na umirap. "Hindi namin inakala iyan dahil alam na namin, matagal na. Mukha mo pa lang hindi na mapagkakatiwalaan," natatawang sagot ni Guia sa kaibigan. "Oh. Please, huwag na kayong magsimula ng ingay," pagmamaka-awa ni Denver habang ang mga mata ay hindi inaalis sa daan. Hindi naman masyadong traffic simula nang makalabas na sila ng syudad. Masaya lang silang apat sa loob ng sasakyan habang inisa-isa ang mga plano nilang gawin pagdating sa lugar kung saan sila pupunta. Hindi na sila nagkaroon ng oras para paghandaan ang mga activities na mayroon ang lugar, basta alam lang nila ay may mga activities silang gagawin at nagdala sila ng mga damit na angkop sa mga iyon. "Kailangan natin mahati ang oras para naman sulit ang bakasyon natin," ani Guia habang busy na nakatingin sa cellphone n'ya at isa-isang tiningnan ang mga pwede nilang gawin habang nasa lugar. "Mahaba naman ang oras natin, may tatlong araw tayo kaya puwede nating magawa ang lahat ng iyan," saad ni Yara habang nakatingin din sa cellphone ng kaibigan. "Sabagay, isa pa, lahat naman tayo walang takot may takot sa heights o sa ano pang activities. Hindi tayo magtatagal na gawin ang mga activities na ito," sambit ni Guia nang hindi inaalis ang mga mata sa mga activities na tinitingnan n'ya. Alam ni Yara ang sinasabi ng kaibigan, tama ito. Panigurado naman na wala kahit isa sa kanila na mag-eenarte na gawin ang kahit na alin sa mga activities na iyon. Sa maraming beses na nagkaroon sila ng kahit na anong activity sa mga lugar dito sa bansa na napuntahan nila ay pare-pareho silang nagsaya, walang nagpaiwan. Iyon naman ang pinakamahalaga. "Almost 6 na pala, kaya pala ramdan ko na ang gutom," biglang sambit ng kaibigan nilang si Argel. "Grabe mukhang nag-alarm ka yata ng 6 para magutom ah," ani Denver nang hindi sinusulyapan ang kaibigan. "Puwede naman na tayong kumain eh," sambit ni Yara na nagpalapad sa ngiti ni Argel, lumingon pa ito sa dalaga at nag-thumbs-up at hindi pa nakontento dahil kumindat pa ito. "Kaya mahal talaga kitang tunay, Yara baby, eh. Pero medyo may kalayuan pa ang pinakamalapit na fast food sa direction natin," saad nito kaya mahinang natawa ang mga kasama. "Paano mo nalaman?" kunwari ay inosenteng tanong ni Guia. "Phone, internet, search are made for a reason, Gyaya," walang pagngiting sagot nito. Inikotan pa nito si Guia ng mata na ikinatawa lang ng dalaga. "Minsan hindi ko alam kung nadadala mo ba ang kakarampot mong utak o naiiwan mo sa inyo, knowing how burara you are." Nanlaki ang mga mata ni Guia sa narinig habang humalakhak naman ng tawa ang dalawa pang kaibigan. Hindi s'ya makapaniwalang napatingin sa walang-hiya nilang kaibigan na ngayon ay umaarte na parang walang sinabi. Nang maiparada ni Denver ang sasakyan sa gilid ng daan ay nagtaka ang kaibigan nilang si Argel. Napatingin ito sa kaibigan nilang nakatoka sa manibela at naningkit ang mga mata n'ya nang magtanggal ito ng seatbelt. "Doon na lang sa likod, Denver," saad ni Yara at agad na tumango ang kaibigan. "Hoy! Saan kayo pupunta? Iihi o tatae ba kayo? Bakit naman dito sa daan? Baka may makakita sa inyo at mapicturan kayo, naku kayo!" frustrated na sambit ni Argel nang sumunod sa labas ang dalawa pang kaibigan. Naningkit ang mga mata n'ya nang pareho itong pumunta sa likuran ng sasakyan, agad n'yang tinanggal ang seatbelt at lumabas. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makita kung ano ang ginagawa ng mga kaibigan n'ya, pero agad kumislap ang mga mata n'ya nang tumama ang paningin n'ya sa mga inaayos ng mga ito. "Akala namin hindi ka susunod eh," nakangising sambit ni Yara na ngayon ay naka upo sa loob ng trunk na itinaas ng mga ito. Naroon na rin sina Denver at Guia. "Akala ko ba nagugutom ka na? Bakit hindi ka pa umaakyat?" natatawang saad ni Guia nang nakanganga at nakatunganga lang ito at hindi makapaniwal sa ginagawa nila. Napatingin ito sa kanya at agad kumilos saka tumabi kay Yara. Mabuti na lang malaki ang sasakyan ni Denver kaya nakaka-upo silang apat sa likod. Tama lang na dito sila kakain dahil baka magkalat sila sa loob, hindi iyon naiiwasan sa kanila. "Grabe! Bakit hindi n'yo sinabi na nagbaon kayo? Akala ko iihi o tatae kayo kaya kayo lumabas. Kinabahan pa ako dahil baka mamaya may kukuha ng pictures or worst ma-videohan pa kayo, alam ng marami na mga kaibigan ko kayo, kahihiyan ko iyon," mahabang drama nito habang naglalagay ng pagkain sa paper plate na hawak n'ya. "Nakalimutan mo yata na sa ating apat, ikaw ang may pinakamalaking possibility na gumawa noon," nakangising sambit ni Denver habang nagbabalat ng hipon. Agad na kumunot ang noo nito na napatingin sa kaibigan, "excuse to the four of you, huwag ninyong kalimutan na sa ating apat ako lang ang desente kaya umayos kayo." "Desente? Sino? Ikaw? Alam mo totoo na nga yata iyang gutom mo, kumain ka na, marami naman kaming binalot ni Yara, alam kasi namin na pang-isang barangay ang kailangan ng sikmura mo," ani Yara at dahil nakatingin na sa kanya ang kaibigan ay agad na umikot ang mga mata pagkatapos n'yang magsalita. "Alam mo kahit nahihirapan ako hindi ako sumusuko," biglaang seryosong sabi ni Argel kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan. Nag-angat s'ya ng tingin upang salubongin ang mga mata ng mga kaibigan, piniligilan n'ya ang sariling matawa dahil sa parehong reaksyon ng mga mata ito. Sabay na napahinto sa pagnguya ang tatlo n'yang kaibigan at seryoso ang mga mata nitong napatingin sa kanya. Alam n'ya kung ano ang nasa isip ng mga ito, alam n'ya kung bakit biglang naging ganyan ang reaction nilang tatlo. Sinulyapan n'ya si Yara, sa kanilang apat, si Yara ang pinakamatapang. Kahit na minsan ang sabi ng mga kaibigan n'ya ay s'ya ang pinakamatapang dahil nakakaya n'yang dalhin na parang wala lang ang problema n'ya. Pero hindi n'ya itatanggi na ang pagsubok na dumaan sa buhay ni Yara ang pinakabigat sa lahat ng problema na mayroon at dumaan sa kanilang apat. Kaya masasabi n'yang si Yara ang pinakamatapang dahil sa pinagdaanan nito sa murang edad. Hindi n'ya alam kung s'ya nasa kalagayan nito noon ay kung kakayanin n'ya. Ngayon, nakakangiti na ang kaibigan n'ya na walang halong pagpapanggap at pagtatago ng totoong nararamdaman. Kaya hangga't maaari ay ayaw n'yang isali ang mga ito sa sarili n'yang problema, ayaw n'yang bigyan ng panibagong bigat sa balikat ang kaibigan. Tama na ang pinagdaanan nito. Her childhood was robbed by pain and so she deserves all the smile her lips curved and her face has. "Gelo, alam mo naman na handa kaming makinig hindi ba? Alam mo na kung kaya natin na gawan ng paraan ay gagawan natin, huwag mong sarilinin ang problema mo. Para saan pa at naging magkaibigan tayo kung maglilihiman lang din naman pala tayo," seryosong sambit ni Guia. Si Guia, kahit kitang-kita sa panlabas na anyo nito ang tapang ay alam n'ya kung gaano ka fragile ang puso ng kaibigan. Alam n'ya na sa pagitan ng dalawang babaeng kaibigan nila, si Guia ang mukhang matapang at malakas, pero s'ya ang mas mahina sa kanilang dalawa. That was just her defense mechanism. Alam n'ya na si Yara ang mas madaling makabasa sa iniisip nilang apat at si Guia naman ang katuwang n'ya para hindi maboring ang paligid nilang magkakaibigan. Ayaw n'ya ng tahimik na lugar kaya n'ya ginugulo ang kaibigan na alam n'yang pareho ang iniisip nila at alam n'yang alam iyon ni Denver at lalong-lalo na ni Yara. Si Denver na kahit alam ang totoo n'yang pagkato ay hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya. Kung paano s'ya nito pakitunguhan noong ang alam pa lang nito ay straight s'ya, hindi iyon nagbago, ganoon pa rin ang trato nito sa kanya kahit na alam na nito na hindi s'ya na-aattract sa mga babae kung hindi ay sa kapwa n'ya lalake. Hindi ito nailang sa kanya, wala ni isa sa tatlong kasama n'ya ngayon ang humusga sa pagkatao n'ya. Mas tinanggap pa s'ya ng mga ito ng buo kaysa sa sarili n'yang kadugo. Mas niyakap pa s'ya ng mga ito kaysa sa sarili n'yang pamilya. Mas pinagmamalaki pa s'ya ng mga ito, kaysa sa mga tao na noon ay sentro ng dahilan n'ya kung bakit gusto n'ya palagi na nakakapasok sa top kagaya ng mga kaibigan n'ya. Gusto n'ya ay ipagmalaki din s'ya ng pamilya kagaya ng kung paano ng mga ito ipagmalaki ang nakakatanda kapatid na ngayon ay isang Doctor. Doctor na kahit kailan at kahit anong mangyari ay hindi n'ya magawang ipagmalaki dahil sa marumi nitong mga kamay at paninindigan. Pero dahil nagpapasok ng malaking halaga sa pangalan nila ay taas noong sinisigaw ng ama n'ya ang pangalan nito. "Is this about your father?" pagtatanong ni Denver sa seryosong boses. Wala s'yang narinig na tanong mula kay Yara, pinipilit n'yang huwag tingnan ang kaibigan dahil baka mahuli s'ya nito. Tiningnan n'ya ang seryosong mukha ni Guia saka humalakhak ng tawa. Mas lumakas ang tawa n'ya nang makita kung paano nalaglag ang panga at balikat ng mga kaibigan. "Bakit ganyan ang hitsura ninyong tatlo? Napaka seryoso ninyo," aniya habang hindi mapigilan ang pagtawa. Muntik na s'yang humalik sa hawak n'yang pinggan nang walang pasabi na hinampas ni Yara ang batok n'ya. Hindi makapaniwalang napalingon s'ya dito. Gusto sana ni Yara na tadyakan ang kaibigan para mahulog at humalik sa lupa pero dahil alam n'yang hindi iyon makatao kahit na hindi naman ito mukhang tao ay minabuti n'yang batukan na lang ito. "Sira-ulo ka! Akala ko seryoso ka na, alam ko na suntok sa buwan na magseseryoso ka pero inisip ko na lang na baka may nakasuntok sa 'yo ngayon at bumulong na rin na sabihin mo sa amin kung ano iyang problema mo," pairap na saad ni Guia at bumalik sa pagkain. "Magpasalamat ka na lang at hindi ako nasa tabi mo," saad ni Denver. Tumaas ang kilay ni Argel s narinig, "magpapasalamat pa ako ah, binatukan na nga ako." "Kasi kung umayos ka at hindi na baliw, baka hindi kita nabatukan," singhal ni Yara dito. Alam ni Yara na biglang lumalim ang iniisip ng kaibigan kanina nang mabanggit nina Guia at Denver ang salitang problema. Impossible man ay umasa s'ya kahit papaano na magsasalita na ang kaibigan para kahit papaano ay mapagaan ang dinadala nitong puot sa dibdib, pero dahil ganap na sira-ulo ang kaibigan n'ya ay walang nangyari. "Ang gusto ko lang naman kasi sanang sabihin ay kahit na nahihirapan ako sa paghahanap ng gamot ay hindi ako susuko," humaba ang nguso nito nang magsalita. "Gamot para saan? May sakit ka?" kunot-noong tanong ni Guia. "Wala, gamot iyon para sa pasmado mong bunganga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD