Chapter 24

2971 Words
"Ang guwapo noong staff, nakita n'yo ba?" Hindi pinansin ni Yara ang kaibigan na si Argel na parang naasinan na bulateng lumapit sa kanya para lang kiligin. Nakarating na sila sa hotel kung saan sila mamalagi ng apat na gabi dahil sa araw naman ay lalabas sila, at hindi n'ya rin naman talaga din itatanggi ang guwapong mukha noong staff na sumalubong sa kanila. Mukhang nasa 18 to 20 years old pa lang iyon pero kung panggigilan ng kaibigan nila ay parang ka-edad nito ang lalake. "Ang ganda," malawak na ngiti ang sumilay sa labi ni Guia dahil sa pagkamangha sa kwarto unit nilang apat. Nasa iisang unit lang sila na may apat na kwarto. Alam nila kung gaano kamahal ang lugar na ito pero dahil kilala ng pamilya ni Denver ang mismong may-ari ng building ay hindi nila alam kung magkano ang binayaran nila o kung mayroon pa. Ang sabi na lang kasi ng mommy ng binata ay okay na, nakausap na at puwede na. "Ang sarap tumira dito," ani Argel saka itinapon ang sarili sa mabahang couch na nasa sala nito. "Puwede ka naman tumira dito, kami na lang ang uuwi," nakangising sambit ni Yara dito. Hindi sumagot ang kaibigan at umismid lang sa kanya. Natatawa at naiiling na lang si Yara saka tinungo ang silid sa bandang gilid na s'yang gagamitin n'ya. Bago pa man s'ya makapasok ay nakita na rin n'ya ang pagpasok ng mga kaibigan n'ya sa kanya-kanya nilang mga silid. Ramdam n'ya ang pagod sa mahabang byahe kahit ma hindi naman s'ya ang nag-drive. Kanina noong nasa sasakyan pa lang sila ay hindi naman s'ya napagod pero noong nakarating na sila ay doon pa lang n'ya naramdaman ang sobrang pagod. Agad na kinuha ni Yara ang nakasabit na bathroom sa cr ng kwarto saka nag shower upang makapag-palit na ng damit. Napag-usapan nilang mag dinner sa tabing dagat at nagpahanda na sila. Apat na araw lang ang mayroon sila kaya ang gusto nila ay hangga't maaari wala silang masasayang na oras. Mas sanay sila na sa tuwing nagbabakasyon sila ay inaabot ng halos isang buwan. Pero dahil nga hindi sila nakapag bakasyon noong summer ay ngayon na lang, susulitin nila ang kakarampot na oras na mayroon sila. Small time won't matter, the memories and moments are. Nang matapos maligo at makapag-bihis at habang tinutuyo ang buhok ay napansin ni Yara ang pinto sa gilid, napangiti s'ya nang makita ang dagat sa bahaging iyon. Agad n'yang binubot sa saksakan ang ginagamit na hair blower at lumabas sa pinto na iyon na s'yang daan para sa balcony. Napansin n'ya ang mahaba na terrace na kinaruruunan n'ya, iisa lang pala ang balcony nilang apat. Napangiti si Yara nang makita ang mga dilaw na ilaw na s'yang mas nagpaganda sa labas, sa tabing dagat. Ang mga ganitong lugar ang palaging pumapasok sa imahinasyon n'ya sa tuwing nagbabasa s'ya ng libro. Ganito ang mga lugar na nakikita n'ya sa isip — the place that everyone wanted to stay and think. This kind of place is the place that no one wants to turn their back. Napalingon si Yara sa loob ng kwarto n'ya nang makarinig s'ya ng pagkatok. Mabuti na lang ay hindi n'ya sinara ang pinto ng terrace dahil baka hindi n'ya narinig iyon. Agad s'yang pumasok sa loob upang buksan ang pinto at bumungad sa kanya ang nakabihis na si Argel. "Ikaw ang una kong pinuntahan kasi ikaw ang pinaka-kalaban ko sa pagdadala ng outfit, sana pala hindi na lang ako nag-abala. Ngayon ko lang tatanggapin that you can really pull the simple fashion into fire," pairap na sambit nito at walang pasabi s'ya nitong tinalikuran. Hindi mapigila ni Yara ang matawa, bumalik s'ya sa loob ng kwarto upang kunin ang sling bag n'ya saka patakbong lumabas dito para sundan ang kaibigan. "Teka, sandali lang," tawag n'ya dito nang akmang bubuksan na nito ang main door ng unit nila. Hindi pa n'ya nakikita sina Guia at Denver. Lumingon sa kanya ang kaibigan at maarte nitong itinaas ang kilay sabay pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Mahinang natawa si Yara sa pinakitang katarayan nito. "Nakakairita talaga iyang ganda mo, walang galang!" masungit na sambit nito at talaga pang nilambotan ang boses. "Huwag mo nga akong pakitaan ng attitude, baka pagpinakitaan kita makakalimutan mo ang attitude mo," may pagkindat na saad ni Yara sa kaibigan. Umikot ang mga mata nito pero sabay din silang natawa. "Hoy! Ano na Guia! Denver!" pagtawag ni Argel sa mga kaibigan na hindi pa lumalabas ng mga kwarto. Nanlaki ang mga mata ni Yara sa ginawang iyon ni Argel dahil nasa pintuan sila at nakabukas. Agad napalingon ang dalaga sa hallway dahil baka may tao at may nakarinig sa kanila. "Ang ingay mo ah! Baka may nakarinig sa 'yo, isipin ng mga tao mga walang breeding tayo," saway n'ya sa kaibigan pero umirap lang ito sa hallway. "Bakit ka ba sumisigaw, bakla?" agad na tanong ni Guia nang makalabas s'ya ng kwarto n'ya at makita ang dalawang kaibigan na sina Yara at Argel sa may bukana ng pinto. "Ang tagal ninyo, ano! Kakain na tayo, baka mamaya n'yan malamig na iyong pagkain," sambit nito at hinimas ang t'yan. Tinulis ni Guia ang paningin at tiningnan ang kaibigan saka nailing. Sabay naman silang tatlo na napalingon sa bumagsak na pinto, napangiwi si Denver dahil sa malakas na pagkasara n'ya sa pinto ng silid n'ya. "Sorry, it slipped," hinging paumanhin ng binata. "You screams millions," puna ni Yara sa kaibigan nang makita ang kabuuan nito. Simple lang manamit si Denver pero dahil magandang hubog ng katawan nito, malinis na buhok at guwapong mukha, higit sa lahat sa magandang tindig at sa kahusayan sa pagdadala ng damit ay hindi maikakaila ng kahit na sino na nanggaling ang lalake sa isang mayamang pamilya. "Says the woman who screams millions as well," balik nito sa kanya kaya mahina s'yang natawa. Simple lang naman ang suot n'ya, isang high waste pants na hapit sa balakang at hita n'ya but wide in the lower leg at isang v neck crop top fitted shirt. Nakadagdag sa height n'ya ang suot na 5 inches stilleto na halos kakulay ng balat n'ya. Her shoes made her look like 6'2. "Please, I don't but Guia is," aniya nang tingnan ang kabuuan ng kaibigan. Hulmang-hulma ang kurba sa katawan ng kaibigan n'ya sa suot nitong long-sleeved long fitted gown na kulay brown. Her 5'7 friend never failed to stun in her choice of clothes. Hindi kasing mahal ng ibang babae ang mga damit nilang dalawa. Pareho silang hindi mahilig sa mga branded or signature clothes and bags, kaya n'yang bumili ng mga ganoon pero mas pinili n'yang hindi bumili dahil para sa kanya, hindi practical. Hindi naman s'ya against sa ibang bumibili at nangongolekta ng mga ganoon kamamahal na gamit, magandang investment naman talaga iyon. Pero para kay Yara dahil nga wala pa s'yang trabaho at pera ng ninang n'ya ang pumapasok sa bulsa n'ya ay hindi pa ito ang tamang oras para balutin n'ya ang sarili sa mga ganoong klaseng bagay. Tama na muna ang sasakyan n'ya. "Thanks to my 5 inches, heels. It has the biggest role in my outfit," natatawang sambit ni Guia. "Kapag maganda ang suot at magmukhang tao, dapat formal na rin magsalita? Required?" ani Argel nang nakataas ang kilay. "Yes bakla, tingnan mo ikaw, napakaganda ng suot mo, halatang marami kang pera at hindi nagpapanggap na may pera. Pero kapag nagsalita ka ng ganyan, cringe. Paminsan-minsan kailangan natin maging pormal." Inakbay ni Guia ang braso sa balikat ng kaibigan nang sabihin iyon pero tinanggal iyon ng kaibigan at pinagpagan ang sarili. Natatawang sinara ni Yara ang pinto ng hotel nila nang makalabas na silang apat. "Baka madumihan ako, puti pa naman itong suot ko, pasalamat ka naka-brown ka," madramang sambit ni Argel saka dumistansya kay Guia. "Napaka-arte mo, pero bagay talaga sa 'yo ang damit mo. Makakabihag ka ng puso ng babae kapag ganyan ang porma mo lagi, hindi nila alam na pareho kayo ng gusto," natatawang sabi ni Guia kaya natawa rin ang mga kaibigan. Nang makalabas ng elevator ay agad silang sinalubong ng mga staff sa receiving area ng hotel at itinuro ang daan papunta sa kung saan nakahanda ang table nila for dinner. "No wonder this place cost like that," mahinang sambit ni Denver, tama lang na marinig ng mga kaibigan na naglalakad malapit sa kanya. "I would surely love this place," malakas at masayang sambit ni Argel. Gone the crackhead friend of Guia, Denver and Yara. Napalingon sa kanila ang staff na nag-aassist sa kanila at ngumiti saka tumungo, "I mean, the ambiance at night, the land cultivation that added the beauty of this place, the cold breeze, the sound of the sea in this silent night. I am also pretty sure that I would really love their food," nakangiting sambit nito saka lumingon sa mga kaibigan at bumulong, "and the men staffs as well." "At least hindi mo sinigaw," nakangising sambit ni Yara na ikinatawa nilang apat. Namangha sila ng sabay-sabay nang makita kung gaano kaganda ang decoration ng mesa nila. Semento ang aapakan nila para makarating sa mesa pero pagdating doon ay puro buhangin na ang matatapakan nila at iyon ang maganda. "Ang ganda! Ito ang unang formal dinner na tayong apat lang, this place is worth it to try and do our first time together," nakangiting saad ni Guia. Matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng mga kaibigan na napatingin sa magandang mukha ni Guia. "Your food will be served in a minute, ma'am, sir," magalang na sambit ng staff na naghatid sa kanila. "Alright, thank you and by the way, is that a bar right there?" Itinuro ni Yara ang unahang bahagi kung saan kitang-kita ang mga tanong naglalabas pasok sa isang parang kubo na may kung anong lumalabas na ilaw na may iba't-ibang kulay. "Yes po, open bar po iyan ma'am. Libre lang po d'yan. Puwede po kayong pumunta d'yan hanggang 12 am lang din po kasi iyan," nakangiting sagot ng staff sa kanya. Tumango si Yara at nginitian ito pabalik. Kaya pala ganoon na lang kadami ang mga tao doon, libre naman pala. "Pag-aari rin po ba iyon ng kung sino ang may-ari ng lugar na ito?" pagtatanong naman ni Guia. "Opo, may kalayuan lang po iyon dito para po mapanatili ang katahimikan dito. May mga cottages and rooms din po kasi doon." Tumango si Guia sa naging sagot nito sa tanong n'ya. Hindi naman sila pumapasok sa ganyang lugar. Hindi nga rin nila maintindihan kung paano naaatim ng mga tao ang sakit sa ulo sa ganyan kagulong lugar. "So you don't have bar here?" si Denver naman ang nagtatanong. Dumating na ang mga pagkain nila at napangiti silang apat sa ganda ng plating at kung gaano kasasarap tingnan ang mga pagkain. "Mayroon po tayong private bar po sir, nasa kabilang building po. Mas ginusto po kasi ng may-ari na ang building po na iyan kung saan po kayo naka-stay ay exclusive for stays lang talaga para rin po hindi mabulabog ang mga guest," sagot nito habang tumutulong sa pag serve ng mga pagkain. "Private, ibig sabihin ang mga guest doon sa kabila ay hindi pwedeng pumunta dito?" tanong ulit ni Guia na sinagot ng pagtango. "Yes po, ang mga guest po namin dito ay pwede pong pumunta doon pero ang mga guest po na doon naka check-in hindi po sila pwedeng pumunta dito," sagot nito habang hindi naaalis ang ngiti sa mukha. "Thank you," pasasalamat ni Yara nang mailapag ang pinakahuling pagkain sa mesa nila. "You're welcome po, enjoy your dinner po," magalang na sambit nito habang hindi pa rin inaalis ang matamis nitong ngiti sa labi. Nang makaalis na ito kasabay ng nagdala ng mga pagkain nila ay kaagad na silang nagsimulang kumain. "Napaka guwapo talaga n'ya," kinikilig na sambit ni Argel sa naiipit na boses. Ngumunguya ito ng kung ano at nakatuon ang mga mata sa nakatalikod at papalayong staff. "Kanina noong nandito hindi mo nga kinakausap," pairap na saad ni Guia sa kaibigan. "Can you two stop arguing for once? Let's eat, are we not supposed to be formal? Just for tonight," seryosong sambit ni Denver kaya natahimik ang dalawa at parehong tumuon sa mga pagkain na mayroon ang mga pinggan nila. Napatingin si Yara sa unahan, ang pwesto n'ya ay saktong-sakto at nakaharap sa lugar kung saan naroon ang maraming tao at nagsasaya. She wonders how these people get so happy in that kind of place. She never dreamt of stepping her feet in that loud place. Pero habang tinitingnan n'ya ang mga tao, masaya sila na para bang wala silang problema. Are we really happy or that place is just a place that pained and hurting people forgot their feelings and immediately turned into happy one? "Bakit ka nakatingin doon, Yara baby? Gusto mo bang pumunta doon?" kunot-noong tanong ni Argel nang mapansin ang seryosong si Yara at nakatuon ang mga mata sa public bar na tinutukoy ng staff kanina. Napalingon si Yara sa kaibigan nang marinig ang boses nito. "No, of course not! I was just thinking how is that place makes that people wild, happy and free?" she mumbled and went to look at her food at started eating. "Pare-pareho naman tayong hindi mahilig sa ganyang lugar. Though, I've been there — I mean, in that kind of place but since that wasn't my thing, I just got bored," sambit ni Denver. "Sino ang kasama mo na nagpunta ng bar?" pagtatanong ni Guia sa katabing si Denver matapos marinig ang sinabi nito. Hindi n'ya alam na nagpunta ito ng bar. "My cousins, and no, not here, it was in the US. Birthday n'ya iyon at hindi ko rin naman alam na bar pala ang punta namin. He was assigned for the wheels and we ended up partying in the bar," sagot ng binata na tinanguan ni Guia. She seems, convinced. "Bakit ka ba nagpapaliwanag? Tinanong ko lang naman kung sino ang kasama mo, kasi obviously hindi isa sa amin. Well, puwede, ang maharot na baklang iyan," sambit ni Guia kaya napatingin sa kanya ang kaibigan na si Argel na busy sa pagkain. Masama ang tingin ni Argel sa kaibigan habang ngumunguya ng pagkain. Sinulyapan n'ya si Yara pero nakangisi lang itong nakamasid sa kanilang tatlo. Ang mukha ni Denver kanina noong tinanong ni Guia kung sino ang kasama n'ya nag bar. Yara almost burst into laughter. Kitang-kita n'ya ang gulat at kaba sa mukha ng binata kaya agad itong sumagot at nagpaliwanag. Sadyang may pagkamanhid lang talaga si Guia. "Well, we did. Nakapunta na rin kami sa bar, right Gelo?" At dahil puno ang bibig ni Argel ng pagkain ay tumango lang ito bilang sagot sa tanong ng kaibigan ag itinaas ang dalawang hintuturo. "Really? I would never go such place. Ang sarap ng food grabe, super sulit ng gastos ni tita dito," natatawang saad ni Yara saka tiningnan ang kaibigan na si Denver. "I didn't ask mom yet about the amount she did pay here but I will. Who knows, maybe soon we can back here and mom will not be available for us, what do you think?" ani Denver. "That would never be a problem," mayabang na sagot ni Argel. "That would surely be fun," sagot naman ni Yara. "At least we can have enough time to save," nakangising saad naman ni Guia. "Thank you, Yara for clearing your schedule just to be with us," nakangiting sambit ni Denver at nakatingin ng diretso sa kaibigan. Tinutukoy ng binata ang ipinasa nitong lighting of torch. They were honestly greatful that Yara chose to have a vacation with them. "Oo naman, hindi naman mabigat na bagay ang binitawan ko just to come over here. It was actually hitting two birds with one stone. Isang opportunity iyon para sa napasahan ko ng task, everyone wanted to light the spotlight torch but in my case, I always do that. Kaya hindi naging mahirap sa akin ang bitawan iyon, mas mahirap sa akin ang baliwalain kayo, tayo," mahabang saad n'ya na nagpangiti ng mas matamis sa mga kaibigan. "Guys, now that we have all the time being alone together. Don't you think this is the best time to open up things we want to share but we didn't get enough courage to speak our mind?" seryosong saad ni Guia saka tiningnan isa-isa ang mga kaibigan. Nakita n'ya kung paano nag-isang linya ang labi ni Argel at kung paano umigting ang mga panga nito. Sumeryoso ang mga mukha nina Yara at Denver saka tumango ng sabay. "I think that would be the best idea," ani Denver nang walang pagngiti. "So far naman, maayos ang lahat tungkol sa akin. May mga bagay-bagay lang ako na kailangan maintindihan bago ko sasabihin sa inyo pero wala naman akong problema. Kapag naman nagkaroon ako ng anything problem, I would never hesitate to share it to you. You guys know how much I need you all," mahabang sabi ni Yara kaya napatitig sa kanya ang mga kaibigan. Doon n'ya napansin na wala kahit isa sa kanila na kumakain. Wala na ring laman ang mga plates, ubos lahat ng order nila. Hindi makapaniwalang napasandal na lang si Yara. "Same goes to me. I don't have problem so far. Everything is good and well. Nothing to worry about me so far," saad ni Denver saka tumingin kay Argel. "I guess I have already told you what dad did to me and my sister. Yeah, alam ko na iniisip ninyo na hindi lang iyon ang ginawa ng daddy ko. You are all right, hindi lang iyon at ang isang banta n'ya ang pinaka-ayaw kong mangyari. Wala akong balak na sabihin ito sa ninyo, pero sa tingin ko ay may karapatan kayo. He blackmailed me that he will go messing up with your lives guys."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD