Oh! You're complete! Welcome home, Denver," nakangiting salubong ng ninang ni Yara sa kanila.
Humalik s'ya sa ninang n'ya at gano'n din ang mga kaibigan. "Thank you, tita," ani Denver pagkatapos bumeso.
"Kami tita, hindi mo kami i-wewelcome?" kunwari'y nagtatampo na sabi ni Argel at nag pout pa. Akmang pipitikin ni Guia ang labi nito nang mahuli nito ang kamay ng dalaga. Inismiran nito si Guia na ikinatawa nilang lahat.
"Ninang what's for dinner?" tanong n'ya.
"Kare-kare, good thing I saw your message that they're coming with you, it's easy to think what to cook," nakangiting sagot ng ninang n'ya.
Favorite nilang apat ang kare-kare kaya sabay silang nag react at napa wow. "Thank you ninang," aniya.
Tumango ito at nagpaalam na umakyat muna. "Thank you tita," sabay-sabay na sabi ng tatlo.
Tumayo s'ya at pumunta sa kusina para kumuha ng meryenda habang maaga pa. Alas sais palang hindi pa sila nag hahapunan ng ganitong oras.
"Ms. Yara, may kailangan po ba kayo?" tanong sa kanya ng kanilang taga luto. Apat ang kasama nila sa bahay kaya kanya-kanya sila ng task.
Hindi naman sobrang malaki ang bahay nila dahil dalawa lang naman sila. Ang priority lang ng ninang n'ya ay ang malinis na bahay. Doon strikta ang ninang n'ya.
"Ahm, ano pong pwedeng meryenda? Kasama ko sila Guia," aniya at binuksan ang ref. Napangiti s'ya nang makita ang round cake na wala pang bawas. "Oh, ito nalang pala," inilabas n'ya ito at inabot naman ng kasama nila.
"Ilang slice po?" tanong nito.
"Apat," sagot n'ya at kumuha ng orange juice. S'ya na ang nag timpla habang naghihiwa ang kasama nila ng cake. "Okay lang ba kung ikaw na magdala nito sa sala? Magpapalit lang ako."
"Sige po, Ms. Yara, opo naman po," nakangiting sagot nito.
Binigyan n'ya ito ng matamis na ngiti saka lumabas ng kusina. "Guys, change lang ako," sigaw n'ya mula sa may hagdan. Lumingon sa kanya at tatlo at nag thumbs up.
"Pakibilisan," sigaw pabalik ni Guia kaya natawa s'ya.
She stick out her tongue na ikinatawa ng huli. Sakto namang pagdating n'ya sa tapat ng kwarto ng ninang n'ya ay bumukas ang pinto nito. Lumabas ang ninang n'ya na may bitbit na laptop.
"Where are you going, ninang?" tanong n'ya.
"Setting this in kitchen's garden while cooking," nakangiti naman nitong sagot.
"Do you need help?"
Mabilis naman itong umiling. "No, no, no. I can manage, where are you going?" tanong nito pabalik sa kanya.
"Magbibihis lang po," sagot n'ya.
"Alright, by the way, I brought a cake, nasa ref baka gusto ninyong mag meryenda muna since it's early pa for dinner," sabi nito habang naglalakad papunta sa hagdan.
"I saw it na, thank you, ninang," aniya bago pumasok sa kwarto n'ya.
Habang nakaharap sa salamin ay napalinga s'ya sa paligid nang parang may narinig s'yang boses pero wala naman s'yang nakita, wala s'yang ibang kasama.
Ipinag kibit balikat n'ya ito at baka guni-guni n'ya lang. Tinuloy n'ya ang pagbihis nahagilap naman ng mga mata n'ya ang malaking litrato n'ya kasama ang mga magulang.
4 years old palang s'ya sa litrato at kuha 'yon noong birthday ng daddy n'ya. Ito ang pina frame n'ya dahil ito ang pinakahuling litrato na nagawa n'ya kasama ang mga magulang.
Matagal bago n'ya natanggap na wala na ang mga ito, na naiwan na s'yang mag-isa. Kinailangan n'yang dumaan sa proseso at sa lahat ng pinagdaanan n'yang 'yon, nado'n ang ninang n'ya para sa kanya.
"I miss you, mommy and daddy," aniya at hinaplos ang litrato bago lumabas ng kwarto.
Pagbaba ay naabutan n'ya ang mga kaibigan na naglalaro ng scrabble.
"Hey! That's not a word, idiot!" singhal ni Guia kay Argel at binato pa ito ng unan na nasa sofa.
Natatawa namang sinalo 'yon ng kaibigan. "Dalawa na nga kayo, di nyo pa rin ako matalo-talo," mayabang naman na sabi ni Denver.
Nanlaki ang mga mata ni Guia nang makita s'ya. Walang pasabi nitong itinulak ang katabing si Argel at hinila s'ya sa tabi nito.
"Napaka walang puso mo talagang babae ka!" singhal ni Argel sa katabi. Inaayos nito ang suot na polo bago naupo sa tabi ni Denver.
"Why are you sitting here beside me?" tanong naman ni Denver dito. Nagtawanan silang mga babae nang di makapaniwalang napatingin si Argel dito.
"What?! Guia pushed me and Yara took my place, that means, sila na ang magkakampi at tayong dalawa ang kalaban nila," paliwanag nito habang nakakunot parin ang noong nakatingin kay Denver.
Habang silang dalawa ni Guia ay di magkamayaw sa pag tawa. Kinuha n'ya ang isang basong orange juice at uminom para pakalmahin ang sarili.
"Can we do, 1 vs 1?" pakiusap ni Denver sa kanilang dalawa ni Guia.
Nakatinginan silang dalawa at sabay silang umiling.
Laglag ang balikat ng binata habang si Argel ay naniningkit ang mga matang nakatingin sa kanilang tatlo.
"Sinasabutahi n'yo 'ko!" reklamo nito.
Inosente s'yang tumingin dito. "Ano?" pilit n'yang pinipigilan ang tawa pero di s'ya nagtagumpay ng bumaba ang mukha ni Argel at initapat sa mukha nya.
Wala pang segundo ay nahila na ito ni Denver at sinalampak sa sofa.
"Umayos ka na ngang bakla ka, punyeta, gigilitan kita ng leeg eh," inis pero natatawang sabi ni Guia. Mabilis na kumilos si Argel at inayos ang sarili at bumalik sa tabi ni Denver.
Natatawa s'ya habang pinagmamasdan ang bumusangot na mukha ni Denver. Siniko ito ni Argel.
"Boys vs girls," sambit ni Guia na nagpalaki sa mga mata ni Argel at tumayo.
"So d'yan dapat ako -------"
Di nito natuloy ang sasabihin ng bigla itong hilahin ni Denver para mapaupo ulit. "Maupo ka na nga dyan, napakalikot mo!"
"Sabi kasi ni Guia-------"
"Manahimik ka na Argel susungalngalin na kita," pagputol ni Guia sa sasabihin nito. Nag pout lang ang huli at umayos na ng upo. Nagsimula na silang maglaro.
Nasa kalagitnaa ng paglalaro nang tawagin sila ng ninang n'ya at sabihing handa ang pagkain. Tumingin s'ya sa cellphone para tingnan ang oras at nakita n'yang 7:30 na ng gabi.
"Dinner?" tanong n'ya sa mga kasama.
"Oo naman, kanina pa ako nagugutom no! Lalo akong nagutom dahil kulang 'yong cake, hindi umabot sa t'yan ko," sagot ni Argel.
Nanlaki ang mga mata n'yang napatingin sa kaibigan. "Sana sinabi mo! Mayroon pa sa ref," sagot n'ya.
"Nakakahiya," sumama ang timpla ng mukha n'ya sa narinig.
"Kailan ka pa natutong mahiya?" banat ni Denver dito.
"Sa kapal ng mukha mo na surprised ako na alam mo pala 'yon," segunda naman ni Guia.
Napahawak sa dibdib si Argel at umaktong nasasaktan. "Napaka harsh ninyo sa 'kin. D'yan na nga kayo!" tinalikuran sila nito at dumiretso sa dining.
Nagkatinginan silang tatlo at natawa ng mahina at sabay na napailing.
"Hindi ko alam kung paano natin naging kaibigan ang isang 'yan," natawa sila sa sinabi ni Guia kaya napatingin sa kanila si Argel.
Kumunot ang noo nito at sinamaan sila ng tingin. "Ako ba pinagtatawanan ninyong tatlo?"
"Oo," diretsong sagot n'ya.
Napa face palm ang kaibigan. "Napaka honest mo talaga Yara baby....." sarcastic nitong sabi habang may pekeng ngiti na ikinangiti n'ya din pero nawala ang ngiti at dumiretso ang mukha. "Pero bakit n'yo 'ko pinagtatawanan?" seryosong tanong nito na imbis na ikatakot nila ay lalo pa silang natawa at mas natawa nang makita kung paano nalaglag ang panga at balikat nito.
"Kayo talaga, kumain na nga kayo," nakangiting sabi ng ninang n'ya.
"Hindi ka pa kakain ninang?"
"I have a virtual conference, tatapusin ko muna," tumango-tango s'ya bilang pagsang-ayon dito.
"Thank you tita," masayang sabi ng mga kaibigan n'ya. Sinuklian naman 'yon ng matamis na ngiti ng ninang n'ya.
"Tita, pwede mag take home?" pahabol ni Argel.
"Akala ko ba may hiya ka?" tanong ni Guia pero nag hissed lang ang lalake dito at may pag kampay pa ng kamay.
"Oo naman, tirhan n'yo lang ako," natatawang sagot ng ninang n'ya bago ito tumalikod.
"Bakit parang diet ka, Argel?"
Umangat ang tingin n'ya kay Denver habang nginunguya ang pagkain n'ya. Ganoon din ang ginawa ni Guia at sabay silang napalingon kay Argel.
Kumunot ang noo n'ya sa kaunting pagkain nito sa plato. "Akala ko ba gutom ka bakit pagkaing manok lang 'yang kinakain mo?" tanong n'ya dito.
"Mag te-take home ako eh," sagot nito sabay subo ng pagkaing nasa kutsara.
"Oh, tapos?" nailipat kay Guia ang mga mata ni Argel at naging masama ang tingin nito.
"Tanong ba 'yan? Kung tanong 'yan sige sasagutin ko. Kasi mag te-take home ako at baka maubosan ko si tita Alicia," sabay irap nito.
Natawa s'ya ng mahina sa narinig, napangisi naman si Denver at napailing.
"Ano ka ba! Biro lang ni ninang 'yon, kumain ka nga ng maayos, maraming ulam. Hindi mo mauubos 'yon," natatawang sabi n'ya.
Kumislap ang mga mata nito at binuhat kaagad ang mangkok na pinaglagyan ng ulam nila.
"Legit?" excited na tanong nito. Tumango s'ya kaya walang pag-alinlangan itong naglagay ng sandamakmak na pagkain sa pinggan.
"Yan, pag ganyan, hindi kami magtatanong at hindi magtataka. Napaka patay gutom mo talaga," nakangiwing sabi ni Guia dito.
"Alam mo ikaw, di ko alam saan ako lulugar sa 'yo," sabat naman ng isa.
"Kumain na nga kayo," saway ni Denver kaya parehong natahimik ang dalawa at nagsimula ng kumain.
*buurrrpp*
Lahat sila napatingin kay Argel dahil sa ingay. Nauna silang natapos kumain kaya ito ang huli. Nag peace sign ito sa kanilang tatlo at hinimas ang t'yan.
"Sorry, nabusog ako, grabe," nakangiting sabi nito at may pag pikit pa.
"Ang baboy mo talaga, bukas n'yan baboy ka na literal," nandidiring sabi ni Guia.
"Kontrabida ka talaga ano?......" laban naman ng huli. "Ate Maica...." tawag nito sa kasambahay nila... "mag te-take home ako ng kare-kare, thank you,"
Nakatitig lang s'ya dito habang pinipigilan ang pagngiti samantalang si Denver ay napahilamos ng kamay sa mukha.
"Gusto na kitang i-unfriend," natatawang sabi ni Denver habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.
"Ang sasama n'yo! Wala ako sa mood magluto kaya ulam ko na 'yan para bukas ng umaga," depensa naman nito.
Nakita n'ya ang inabot ni Maica na container ditong may lamang kare-kare. "Ibalik mo ang container na 'yan," paalala n'ya dito.
"Bakit kasi di nalang umuwi sa bahay nila, edi sana buhay prinsipe," pagpaparinig ni Guia dito.
Mabilis na inilabas ni Argel ang nakataas na gitnang daliri kaya napatawa sila.
Si Argel umalis sa bahay ng mga magulang nito at nasa condo nalang nakatira, mag-isa. Simula noong nalaman ng tatay nito na hindi s'ya straight na lalake ay nakakatanggap s'ya ng p*******t mula dito at pinagbawalan itong bumalik sa bahay kapag hindi naging totoong lalake.
"Bye guys, drive safely Denver. Mag text kayo sa 'kin kapag nakauwi na kayo," paalala n'ya sa mga kaibigan.
"Yes mommy," pabirong sabi ni Guia kaya binelatan n'ya nito. "Pakisabi kay tita thank you sa dinner, sasabay ako kay Papa bukas ha?" dugtong pa nito.
"Okay, goodnight, see you tomorrow."
Nag ba-bye sa kanya ang mga ito hanggang mawala sa nakalabas ng gate nila ang sasakyan ni Denver ay saka lang s'ya pumasok sa loob. Sakto naman ang paglabas ng ninang n'ya mula sa kusina.
"Oh, nakaalis na sila?" tanong nito.
Tumango s'ya, "Opo, thank you daw po sa dinner, thank you ninang," nakangiting sabi n'ya dito.
Hinaplos nito ang mukha n'ya habang nakangiti bago umakyat sa hagdan."Anytime," pahabol na sagot nito.
Iniligpit n'ya ang pinaglaruang scrabble bago umakyat sa kwarto n'ya at naligo.
Pero habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay sa buhok ay may nakita sa likuran n'ya at nakapatong sa side table n'yang isang libro.
Lumapit s'ya dito at kinuha 'yon. Kumunot ang noo n'ya dahil hindi familiar sa kanya ang librong 'yon. Ibig sabihin ay hindi kanya 'yon. Pero paano napunta ito dito?
Bigla s'yang kinabahan ng mabasa ang title ng libro.
'Wild soul'
Bakit may ganito s'ya sa kwarto n'ya? Mabilis n'ya itong kinuha at lumabas ng kwarto para tanungin ang ninang n'ya tungkol dito.
Bumaba s'ya sa kusina baka sakaling naroon pa ang ninang n'ya pero wala na ito. Ang naabutan n'ya nalang ay ang mga kasambahay nilang kumakain.
"Dina, kaninong libro 'to?" tanong n'ya sa kasambahay nilang taga linis ng kwarto nila. Itinaas n'ya ito at ipinakita.
"Hindi po ba sa inyo 'yan Ms. Yara? Nakita ko po 'yan sa may walk-in closet ninyo kaya ipinatong ko sa side table n'yo," sagot nito na lalo n'yang ipinagtaka.
Hindi n'ya ito napansin kaninang umaga. Medyo kakulay ng floor nya ang cover nito kaya siguro di n'ya napansin. Pero paano napunta sa walk-in closet n'ya?
Tumango s'ya dito at nagpaalam. Sunod n'yang pinuntahan ay ang ninang n'ya.
"No, that is not mine, hindi na sa 'yo yan? Baka nadala mo from school," sagot naman ng ninang n'ya.
Impossible, kasi lahat ng librong nilalabas n'ya ng library ay nakalista at naibalik n'ya ang recent borrowed books n'ya.
Hindi n'ya maalala na bumili s'ya ng ganitong libro at hindi s'ya nagbabasa ng ganito.
Nagpaalam s'ya sa ninang n'ya at pumunta sa mini library niya sa bahay kung nasaan ang set of computer n'ya. Isiniksik n'ya ito sa mga librong mayroon s'ya.
Titingnan n'ya bukas sa school kung may na missed s'yang ibalik pero sigurado s'yang wala.
Saan galing ang librong 'yon? "Wild soul? Creepy!"