"Sige po, pupunta po kami," sambit ni Yara nang hindi ito umalis na para bang naghihintay sa sagot nila.
Ngumiti naman ito at nagpaalam na. Napatingin si Yara sa dalawang kaibigan at parehong nakatingin sa kanya ang dalawa.
"Bakit kaya kayo pinapatawag sa conference room, Yara? At kasama din si sir Corpuz, hindi kaya dahil doon sa naging sagutan ninyo dito nina Ciara noong nakaraan?" pag-uusisa ng isang ka-klase.
Si Guia ang tumingin dito nang makita ang pagalaw ng mga mata ni Yara, "hindi naman siguro, natural lang sa klase ang sagutan na ganoon. Hindi rin namin alam kung bakit kami pinatawag," nakangiting sarkastik nito habang sumasagot, nang umalis ang babaeng kaklase ay agad na umikot sa hangin ang mga mata nito dahilan para kagatin ni Yara ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa.
"Hindi n'ya nahalata ang malditang sagot mo," biglang sabi ni Denver kaya sabay silang napatawa ni Guia sa narinig.
Napailing nalang si Yara saka umayo at kinuha ang bag. Sumunod naman kaagad ang mga kaibigan at sabay silang lumabas. Narinig pa nila ang pabulong na tanong kung bakit sila pinatawag.
Sinagot na nga ni Guia iyon eh, hindi nila alam. Pero dahil ganap na chismosa ang mga tao, hindi nakatakas sa pandinig ang sinabi nito na baka may nagawa silang violation kaya sila pinatawag. Sasagutin pa sana iyon ni Guia pero itinulak na ito ni Denver palabas ng pinto para huwag nang pumatol.
"Oh, huwag mainit ang ulo," nakangising sabi ni Yara sa kaibigan nang makita n'ya kung paano sumimangot ang mukha nito sa ginawa ni Denver.
"Nakakainis eh, bubulong pa, pwede naman n'yang sabihin nang malakas iyong sigurado s'ya na marinig natin. Hindi iyong bubulong s'ya na parang bubuyog na chismosang kapitbahay!" galit na sambit nito na nagpatawa sa kanilang dalawa ni Denver.
"Bakit ba biglang ang inig ng ulo mo?" pagtatanong binata dito sabay ipinatong ang braso sa balikat ng dalaga. Napapagitnaan nina Yara at Denver si Guia kaya pareho silang nakatingin dito.
"Nakakainis kasi iyong ganoon. Iyong bubulong tapos ang pinag-uusapan nandoon lang, makakarinig naman. Na-stress na nga ako kakaisip kung paano ko papatayin ang daddy ni Gelo, dadagdag pa iyon sa init ng ulo ko," mataray na sambit nito.
"Hayaan mo na iyon, pwede naman kasi iyong inisip nila na baka nga may nagawa tayong violation," ani Yara habang paakyat sila nang hagdan papunta sa conference room.
"Kahit na! Hindi naman tayo sila kaya dapat magdahan-dahan sila sa opinyo nila, ano ba ang akala nila sa atin, kasing kalat nila? Hay naku!" Pinaypayan nito ang sarili gamit ang mga kamay.
"Huwag mo na kasing isipin ang daddy ni Gelo, ang matandang iyon, hindi na iyon magtatagal sa sama ng ugali noon," pabulong na sabi ni Denver kay Guia at dahil nga katabi ni Yara si Guia ay narinig n'ya rin iyon.
Hinampas n'ya ang binata dahil sa sinabi nito kaya napahalakhak silang tatlo hanggang sa nakarating sila sa tapat ng conference room at agad silang nanahimik. Nagkatinginan sila na para bang pinagtutulakan ang isa't-isa gamit ang mga mata kung sino sa kanila ang kakatok, at dahil sabay na umatras sina Guia at Denver ay wala nang nagawa si Yara kung hindi gawin ang bagay na iyon.
Napaatras s'ya ng isang hakbang nang bumukas ang pinto. Malaki ang ngiti sa kanila ng lalaking bumaba kanina para tawagin sila sa room nila.
"Oh, nandito na po sila," agad na sigaw nito sa loob kaya napatayo silang tatlo ng tuwid.
"Nasaan po si Mr. Santos?" tanong nito at tanging iling lang ang isinagot ni Denver nang sa kanya tumapat ang mata ng nagtatanong.
"Have a seat," nakangiting sambit ng Presidente ng LU na s'yang tinatawag nilang madam dahil sa intimidating nitong aura kapag dumadaan sa corridor oh kahit saang sulok ng university.
"Thank you, ma'am," sabay nilang sagot saka naupo sa tatlong magkakatabing upuan, may isang bakante sa tabi ni Yara na panigurado ay para sana iyon kay Argel.
Pasimpleng tiningnan ni Yara ang buong paligid at naroon ang iba't-ibang dean ng iba't-ibang departamento. Sa tingin n'ya ay hindi para sa kanila ang meeting na ito. Nahinto ang paningin n'ya nang tumapat ang mga mata n'ya sa mga matang nakatingin sa kanya. Hilaw s'yang ngumiti nang ngumiti ito.
Agad n'yang ibinaba ang tingin at mahinang tumikhim. Alam n'ya na maganda ang mga mata ng binatang professor pero sa tuwing nakikita n'ya ang mga iyon ay hindi n'ya naiiwasang purihin ang mga matang iyon sa isip n'ya.
"How are you three doing? Where is Argel Santos?" nakangiting tanong ng President kaya agad na nag-angat ng tingin si Yara nang maramdaman ang mahina at pinong kurot ni Guia sa tagiliran n'ya.
Gusto n'ya sanang tingnan ang kaibigan ng masama kaya lang nakatingin sa kanila ang lahat nang narito kaya mamaya n'ya na lang ito babatukan.
"We're doing good, ma'am, thank you," nakangiting sagot n'ya dito nang diretsong nakatingin sa nakangiti nitong mukha, "and about our friend, Argel. I'm sorry, he wasn't able to make into the class today for there was a sudden family matters that he had to attend."
"No problem, just tell him about what we are going to tackle in here today so he would know," hindi pa rin nawawala ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya, nagtataka man ay hindi rin tinatanggal ni Yara ang ngiti sa mukha n'ya.
Halos magdiwang s'ya nang tanggalin na ng ginang ang mga mata nito sa kanya at maging sa mga kaibigan n'ya, ramdam n'ya man ang tingin ng ilang mga narito pero mas ramdam n'ya ang tingin ng isang tao na pinipilit n'yang huwag tingnan. Hindi n'ya alam kung bakit sa tuwing napapatingin s'ya dito ay nakikita n'ya itong nakatingin sa kanya.
"So, good morning everyone," panimulang bati ng staff na tumawag sa kanila. Ngayon lang napansin ni Yara na ngayon pa lang binubuhay ang projector at ibig sabihin noon ay hindi pa nagsisimula ang meeting at sila na lang ang hinihintay.
Sumabay silang tatlo sa pagbati ng ilan. Ito pala ang magsisilbing host ng meeting. Napatitig si Yara sa board nang lumabas kung patungkol saan ang pag-uusapan nila ngayon.
"Bakit tayo kasali dito?" pabulong na tanong ni Guia, kibit-balikat lang ang tanging naging sagot n'ya dahil wala naman s'yang alam kung bakit.
Sa mga nakaraang taon ay hindi naman sila kailanman naimbitahan oh isinama sa meeting patungkol sa school fair activity at lalong-lalo na sa school fair night.
Lahat ng Dean ay inilabas na ang pangalan ng mga candidates nila per department, sabay na napatingin sina Yara at Guia sa dean nila at parehong napangiwi nang makita nila ang bagsak nitong balikat at malungkot na mga mata.
"Okay, so here's the thing, this is a last minute decision of mine," pagsasalita ng President kaya napabaling sila sa ginang. "We do have invited judges from outside of the University, they are all professionals with a big name in the industry they chose. Honestly, I thought, I will be seeing Ms. Formanes or Ms. Pascual in this list, and one of the boys as well, but when I saw the final list earlier, I didn't see any of the four names, what happened?"
Napayuko ng bahagya si Yara at maging Guia nang agad na dumiretso sa kanila ang mga mata ng President habang may ngiti sa mga labi pero seryoso naman ang mga mata.
"Ahm," paninimula ni Denver kaya sabay na nag-angat ng tingin ang dalawa, "I'm sorry ma'am it's just that doing pageant is really not my thing," sagot ng binata.
Hindi nag react ang mga kasama nila sa loob ng silid na iyon at hinintay ang sagot nilang dalawa nang lumipat sa kanila ang mga mata ng ginang.
"I was courting the two of them even in their first year here, I was consistently rejected," parang binagsakan ng langit at lupang sambit ng dean nila kaya napatawa ang ilang mga kasama.
Hindi naiwasan ni Yara ang mapatingin sa professor nila ngunit nang makita n'ya itong nakangiti sa kanya na parang naa-amaze ay agad s'yang tumingin sa kabilang bahagi.
"Ahm, I don't know if I fit in beauty---"
"Of course you do!" pagputol ng President sa kanya, napalakas ang boses nito na para bang kinontra ang sinabi n'ya. Oh well, halata naman na kinontra nito ang sinabi n'ya. "Brutally and honestly speaking, if you two didn't fit in beauty pageant, you mean all these names are not qualified then."
Nanlaki ang mga mata ni Yara at napatingin sa kaibigan, nakita n'ya rin ang panlalaki ng mga mata nito nang mapatingin sa kanya. Agad s'yang pinamulahan ng pisngi sa hiya dahil parang hindi ikinatuwa ng ilang mga narito ang narinig.
"Ahm, that's not what I mean, ma'am. I mean, I don't think I fit in beauty pageant, I don't have that kind of confidence," sagot n'ya. Isang ngiti lang naman ang binigay ng President sa kanya bago ito bumaling sa mga kasama sa loob ng silid.
"I don't think so," sambit nito kaya natawa s'ya ng mahina. "But anyway, I called you here because why not. I saw the line of judges for the school fair night and I asked to add the four of you."
"Po?" hindi napigilang sambit ni Guia dahil sa narinig.
"But I thought we already have an invited judges from the outside," ani Denver.
Sabay silang napalingon sa isang dean ng ibang department nang magsalita ito, "yes, but it would also be great if we have judges from the university itself, it's our program after all."
"And since the pageant will be held in two nights, bago natin ipamigay ang invitation ay hinati na muna natin ang mga judges. Kayong apat ay hindi naman magsasabay. Makikita ninyo sa invitation card for judges kung ano ang schedule ninyo and we also have one of the judges here, si sir Corpuz, kilala n'yo naman s'ya hindi ba?" mahabang sambit ng staff.
Itinuro nito ang kinaruruunan ng professor kaya napatingin sila dito.
"Yes po," sabay na sagot nilang tatlo. Inabot sa kanila ang apat na invitation card at namangha si Yara sa ganda ng layout nito. Halata kung paano binigyan ng taga council ng pansin ang program na ito.
"So makakasama ninyo si sir, ayos lang iyon dahil kahit papaano may kasama naman kayong kilala ninyo sa table," biglang sabi naman ng isang dean.
Mukhang wala naman na silang choice dahil nasa invitation card na yata ang pangalan nila. Napasulyap ang dalawang kaibigan ni Yara sa kanya at nakita ng mga ito na hindi n'ya pa binubuksan ang invitation card kaya hindi na rin binuksan ng dalawa ang mga hawak nila.
"So that's all, I just really want to see you guys," nakangising saad ng President. Napasulyap si Yara sa mga kasama sa loob ng silid at ang ilang dean ay hindi makapaniwalang napatingin sa kanila.
*"Huwag kayong mag-alala dahil kami rin naman hindi makapaniwala kung bakit kami nasali dito at kung bakit panay ang ngiti sa amin ni madam,"* sambit ng dalaga sa isip.
Mukhang hindi yata natuwa ang ibang dean ng ibang department na kasali sila sa mga judges. Well, hindi naman maiwasan talaga na mapapatanong ang mga iyon pero sana hindi sila huhusgahan ng mga ito.
"Hay, nanghihinayang pa rin talaga ako sa assurance nang pagkapanalo dahil sa pagtanggi mo," sambit ng dean nila.
"Ayos lang iyon ma'am, hindi nga po si Hope Martinez din ang inilaban ng department natin noong nakaraang taon? For sure, she improved a lot by now, she will surely rock it," nakangiting saad niya dito.
Masyadong mataas ang expectation ng mga tao sa kanya kaya tama lang na hindi n'ya tinanggap ang pagsali sa pageant, baka kung natalo s'ya ay doubleng disappointment ang maibigay n'ya. Ayaw n'ya ng ganoon.
"Sayang pa rin, wala nang susunod na taon eh, ito na ang huling taon ninyo," laglag balikat na sambit nito.
Nang mapansin ni Yara na mukhang may meeting pa sa faculty ay agad s'yang tumayo at tinanguan ang mga kaibigan na umalis na.
"We'll excuse ourselves, everyone," ani Denver saka kumaway sa mga narito bago tumalikod.
"Bye po," parehong sambit nila ni Guia.
Napaatras si Yara nang makasalubong n'ya sa pintuan ang professor.
"Oh, sorry sir," hinging paumanhin ng dalaga.
"Oh, sorry, Ms. Formanes," saad naman nito.
Hindi yata nila narinig ang paghingi ng paumanhin dahil sa sabay nilang pagsasalita. Hindi rin namalayan ni Yara kanina ang paglabas nito kaya hindi n'ya inasahan na may papasok kaya dire-diretso ang paghila n'ya ng pinto.
Tumango lang s'ya sa professor at tumuloy na sa paglabas nang ito na ang umatras upang bigyan sila ng daan. Hindi na rin s'ya nag-abalang lumingon dahil baka makita n'ya ito. Natatakot na yata s'yang tumingin dito dahil kada tingin n'ya dito ay nakikita n'ya rin itong nakatingin sa kanya.
"Oh. Tumatawag si Gelo," sambit ni Guia nang tumunog ang cellphone nito.
"Mabuti nalang 'di iyan tumunog noong nasa loob tayo ng conference room," puna ni Denver dito.
Mahinang natawa ang dalaga saka sinagot ang tawag.
"Hoy bakla! Nasaan ka?!" agad na sambit nito.
("Nandito sa bahay ng mabait nating kaibigan, pakisabi salamat sa almusal ang sarap,") natatawang sagot nito mula sa kabilang linya.
"Naririnig kita, naka-speaker ka," si Yara ang sumagot.
"Canteen tayo, bigla akong nagutom," biglang sabi ni Denver kaya sumunod ang dalawang babae sa kanya.
("Ay nariyan ka pala,") tumatawa pa ring sagot nito kaya napairap si Yara sa hangin, ("hahabol ako sa school.")
"Oh, dalian mo, wala pa naman tayong class, nagkaroon ng conference at may sasabihin din kami sa 'yo. Bilisan mo pumunta dito at may ipapaliwanag ka rin sa amin," mataray sa saad ni Guia dito.
Nakahap naman kaagad ng pwesto si Denver kaya sumunod na rin silang dalawa kaagad nang may lumapit nang server sa kanila. Kaya natutuwa silang pumunta dito dahil hindi makalat ang mga studyante, dati noong wala pang server ay nakakalat ang mga bumibili sa tapat ng cashier kaya hindi sila pumapasok.
("Bakit parang feeling ko hindi na lang dapat ako papasok,") agad na sagot ni Argel sa kabilang linya nang marinig ang sinabi ni Guia.
"Kailangan mong pumunta dito dahil pinatawag tayo ni madam President," panakot ni Guia sa kaibigan.
Napangising umupo si Yara habang nag-iisip kung ano ang kakainin. Nanlaki ang mga mata n'ya nang maalala na may sandwich nga pala s'ya, nagkanin s'ya sa bahay kaya binaon n'ya na lang. Kaya lang ay iisa lang ito.
("Ano?! Bakit naman? May ginawa ba kayong kalokohan habang wala ako?") tumaas ang boses nito sa kabilang linya at dahil doon ay napalingon sa kanila ang iilang naroon.
"Bawal ang maingay d'yan sa bahay kaya itigil mo ang pagsigaw. Bilisan mo ng pumunta dito, may importante kaming sasabihin sa 'yo," seryosong sabi ni Yara.
("Bakit ngayon na ikaw ang nagsabi Yara baby bigla akong kinabahan,") natatakot sa sagot nito.
Napairap si Guia sa narinig, napailing naman si Denver sa mga ito at umorder ng carbonara.
"So hindi ka natakot noong ako ang nagsabi sa 'yo?" mataray na pagtatanong ni Guia dito.
Hindi makapaniwala ang dalaga nang biglang naputol ang tawag.
"Pinatayan ka," natatawang sabi ni Denver. Hindi makapaniwalang napatingin si Guia sa dalawang kasama at itinuro ang cellphone n'ya na nasa mesa.
"Pinatayan ako! Napakabastos ng hayup na iyon!" nanlalaki ang mga matang sambit n'ya.
"Mamaya ka na magalit kapag nandito na, kakain ka ba? Umorder ka na dahil kanina pa si ate naghihintay sa 'yo," boring na saad ni Denver kay Guia.
Napangiti naman ang babaeng server nang nanlaki ang mga mata ni Guia pagkatapos ma realize ang sinabi ng binata.
"Naku, sorry ate, iyong kaibigan po kasi naman pasaway, carbonara na lang po sa 'kin," nakangising sabi n'ya.
"Nagkuwento ka pa talaga," naiiling na sambit ni Denver dito.
"Nabwesit talaga ako sa isang iyon, mamaya kakatayin ko talaga ang bakla na iyon," nanggigil na sambit ni Guia. Napailing nalang si Yara sa naririnig na usapan ng mga kaibigan.
"Bakit ka ba nagagalit? Parang bago naman ang pambubwesit noon," natatawang sabi ni Yara habang ngumunguya ng sandwich.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Guia nang makita ang hawak n'ya kaya napatingin s'ya sa hawak n'yang pagkain. Bumaling si Guia kay Denver at naningkit ang mga mata nang isubo nito ang natitirang hawak nitong sandwich.
"Bakit may pagkain na kayo? Saan galing ang sandwich ninyo? Sa conference ba? Bakit wala akong nakuha?" sunod-sunod na tanong nito habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang kaibigan.
Hinati ni Yara ang hawak na sandwich at inabot sa kaibigan ang kalahati.
"Ano ka ba, hindi ito galing doon, wala namang pagkain doon kahit candy. Breakfast ko kasi dapat iyan kaso masarap ang niluto nilang ulam eh kaya nagkanin na lang ako, binaon ko na lang," aniya habang nginunguya ang kapirasong tinapay na sinubo n'ya.
"Akala ko ba kumain ka sa bahay n'yo, bakit parang gutom ka?" pagtatanong ni Denver kay Guia na napapatingin sa mga server sa pwesto ng mga ito sa loob ng kusina.
"Tumikim lang ako ng champorado at uminom ng tubig. Sa tubig lang yata ako nabusog kanina kaya nagutom na ako ngayon," sagot naman nito.
"Hindi ka ba kumain, Denver?" pagtatanong naman ni Yara sa binata dahil sa kanilang apat, ito ang pinakapinong kumain.
Umiling ito at mahinang natawa, "na-late ako ng gising eh, tapos wala pang ibang tao sa bahay dahil nasa outing sila at isinama ang mga kasambahay kaya walang pagkain."
"Kung alam ko lang sana tinawagan ko na kayo kagabi para sabihin na nasa bahay si Gelo, akala ko kasi kagabi baka mga busy kayo," saad ni Yara.
"Pero ano nga kayang ginawa ng daddy n'ya sa kanya para uminom s'ya ng ganoon, ano?" nag-aalalang tanong ni Guia.
"Alam naman kasi natin kung gaano ka strikto ang daddy n'ya sa pag-iingat sa pangalan nila. Nakakalungkot lang na ang pamilya nila ay parang pamilyang kontrabida sa teleserye," sagot naman ni Yara.
"One day, his father will be sorry to him," ani Denver na sinang-ayunan ng dalawang kaibigan.