Chapter 17

2962 Words
"Ang tagal mo namang nag reply," reklamo nang biglang sulpot na si Argel saka hinampas sa balikat si Guia na hindi naman nagpaawat at talagang gumanti. "Babae lang ang nanghahampas kapag nagsasalita lalo na kapag kinikilig," mataray na sambit nito kaya napairap ang kaibigan. "No hangover?" pagtatanong ni Yara dito nang maupo sa tabi n'ya. Dumiretso na sila sa room nila pagkatapos nilang kumain sa canteen. "Medyo masakit ang ulo ko kanina pero noong nakakain at naka-inom na ako ng kape, medyo nawala na. Kaya ko na ngayon at isa pa, nakaligo na rin naman na ako kaya fresh na ang ulo ko," nakangising sagot nito at may pagkindat pa. "Utak mo nalang ang hindi fresh," pambabara ni Guia dito. Walang pasabing hinila ni Argel ang papel na nakapatong sa arm chair ni Guia na ipinanlaki ng mga mata ng dalaga at maging ni Denver na nanonood sa ginagawa nito. "Huwag mong ihahampas iyan!" agad na pag-awat ni Denver sa kaibigan at hinuli ang palapulsuhan nito nang handa nang hahampas sa ulo ni Guia. "Oh My God! Akin na nga iyan! Sisirain mo pa eh! Baka isipin ni madam burara ako, napaka mo talaga!" mataray na sambit ni Guia saka hinablot pabalik ang kinuha ni Argel. "Ano ba iyan?" nagtatakang tanong nito saka tinanggap ang kaparehong papel na inabot ni Yara. "Hindi pa namin binubuksan ang sa amin dahil gusto ko sabay tayong apat na malaman kung sino ang magkakasama. Mahigpit kong pinagdarasal na sana hindi ikaw ang kasama ko Gelo," ani Guia at masamang tiningnan ang walang alam na kaibigan. Ibinalik naman nito ang masamang tingin sa dalaga. Napapailing nalang sina Yara at Denver na nakatingin sa mga kaibigan na hindi natatapos ang bangayan sa araw-araw. "Okay, una, huwag kayong maingay dahil ayaw ko na marinig ng ibang nandito ang tungkol dito. Hayaan natin na malaman nila kapag nakita na nila tayo sa araw na iyon doon sa table, okay?" paalala ni Yara sa tatlong kaibigan na agad namang tumango, maging si Argel na hindi alam kung ano ang nangyayari at ang ginagawa nila ay walang nagawa kung hindi ang tumango nang tingnan s'ya ni Yara at tinaasan ng kilay. "Okay, let's open it now," sambit ni Denver kaya sabay-sabay silang nagbukas ng invitation card na talagang nakabalot pa. "Pakiramdam ko ay para akong nagbubukas ng album ng favorite band ko," natatawang sabi ni Guia habang tinatanggal ang plastic. "Nakita ko iyong invitation card doon sa room hindi naman naka plastic, sinadya yata noong staff na ito ang ibigay sa 'tin. Siguro baka naisip nila na kung hindi tayo napapunta sa conference room ay baka pinaabot nila ito kay sir Corpuz kaya sealed para tayo mismo ang magbukas," mahabang litanya ni Yara. Biglang napatakip sa bibig si Argel nang makita kung ano ang laman ng papel na muntik na n'yang maihampas sa ulo ng kaibigan. "Seryoso ba ito? Bakit naman kasali tayo?" pagtatanong nito. "Sa tingin mo may alam kami kung bakit? Si madam daw ang naka-isip n'yan. Makikita mo na naman iyong babaeng hindi mo sinipot sa date n'yo," nakangising sagot ni Guia dito. "Hindi naman yata ako natatandaan noon," parang kinikilabotang sagot ni Argel sa narinig. "Hindi mo masabi, mamaya n'yan magka-crush ka na doon. Mukhang maganda pa naman iyon," alaska ni Denver kaya hindi makapaniwalang napatingin si Argel dito. "Baka sabihin ko din sa crush mo na crush mo s'ya," ganti naman ng huli kaya biglang nawala ang mapang-asar na ngiti ni Denver sa mukha. Bigla pang namula ang mga tainga. Napatingin sina Yara at Guia dito. Naningkit ang mga mata ni Guia sa nakitang hitsura ni Denver habang si Yara ay napangisi at nakipag-apir pa sa katabi na si Argel. Naguguluhang napatingin sa kanila si Guia saka itinuro gamit ang hintuturo ang katabing si Denver. "Bakit parang ako lang ang hindi nakakaalam kung sino ang crush nito? Umabsent na ba ako at parang hindi na ako updated?" natatawang tanong nito. "Huwag mo nang isipin, hindi rin namin alam. Natutuwa lang kami kasi namumula ang tainga ni Denver kapag nababanggit ang crush n'ya na walang pangalan." Kumikindat na sagot ni Argel na nagpatawa sa dalawang babae sa gitna. Napa-iling nalang ang napag-tripang si Denver sa kalokohan ng mga kaibigan. "Oh guys! Sa first night ako at magkasama tayo, Gelo!" nanlalaki ang mga mata ni Guia sa sinabi nang makita ang pangalan n'ya sa listahan ng mga guests and judges. "Bakit 2 nights ba ang pageant?" kunot-noong tanong naman ng huli saka hinanap ang pangalan n'ya sa listahan at ganoon nalang ang pagbagsak ng balikat n'ya nang makita ang pangalan kasunod ng pangalan ni Guia. "Magkasama nga tayo. Hindi ko na nga alam kung bakit tayo ginawang judge tapos magkasama pa tayo, pakiramdam ko ay walang magandang magyayari sa akin sa gabi na iyan," malungkot na sambit nito kaya nakatanggap nang pagbatok mula sa katabing si Yara. "Tumigil ka na nga ang ingay mo, baka mamaya may makarinig sa 'yo," saway ni Yara sa kaibigan. Agad naman itong tumingin sa kanya at sinara ang bibig, umakto pa itong nagsara ng zipper. "Kayong dalawa ang magkasama, D and Ya, tapos kasama rin ninyo si sir Corpuz," mahinang sabi ni Guia, sapat lang para marinig ng dalawang katabi. Tumango-tango ang dalawa dahil nakita din nila iyon. Pero isang pangalan ang nakaagaw pansin kay Yara, hindi n'ya inasahan na makita ang pangalan na ito pero nandito, nasa pangatlong linya. "Jeffrey Santiago?" pagbasa n'ya sa pangalan na kasama sa listahan. "That sounds familiar," komento naman ni Guia. "Because he is familiar," sabat ni Denver kaya napatingin dito si Guia na may nakataas na kilay. "Kilala mo?" pagtatanong nito. "Hindi n'yo s'ya naalala? Sa 21st Century Leadership? One of the speakers," sagot ng binata. Tumingin ito kay Yara na walang expression at mukhang alam ang sinasabi niya. "I know him at nakita ko rin s'ya kahapon," tumatangong sagot nito. Naalala n'ya kung paano n'ya ito nakita, nakausap at higit sa lahat kung paano n'ya ito tinakasan at kung bakit s'ya tumakas dito. Bigla s'yang nabuhayan ng hiya sa ginawa n'ya. Wala pa man ay agad na kumalabog ang dibdib n'ya sa isiping makikita n'ya ang binata. Hindi n'ya yata alam kung paano mag re-reak kapag kaharap n'ya na ito. Bakit naman kasi ganoon s'ya nito kausapin. Hindi s'ya sanay na ganoon ang pakikiusap sa kan'ya ng mga tao at lalo na kapag lalake. Si Denver at Argel lang ang mga lalakeng nakakasama at nakakausap n'ya ng walang hiya-hiya pero hindi ganoon magbitaw ng mga salita ang dalawang ito. Lalong-lalo na si Argel na panay guwapo at lalake din ang madalas buka ng bibig. "Kahapon? Saan? Bakit hindi namin s'ya nakita? Nakipag-date ka sa hindi namin kilala?" medyo napalakas na pagtatanong ni Argel kaya mabilis na itinakip ni Yara ang hawak n'yang invitation card sa bibig ng kaibigan. "Alam mo tinalo mo pa ang babae sa pagiging maingay mo!" saway n'ya dito. Akala n'ya ay mahihiya pero mukhang natuwa pa yata sa sinabi n'ya. "Alam mo naman na ganoon ang puso ko," maarte at nakangising sambit nito. Napa-face palm nalang si Yara at wala ng nagawa. "Naalala ko na s'ya, pero hindi ko masyadong naalala ang mukha n'ya," saad ni Guia saka itiniklop ang invitation card na hawak. "Nakita ko s'ya kama-kailan dito pero hindi ko na matandaan kung kailan iyon at isang beses lang din. Hindi ko s'ya agad nakilala pero nakilala n'ya ako at nagpakilala din s'ya. Natandaan n'ya raw ako dahil sa 'yo, Ya," ani Denver at tumingin kay Yara na tumango. "Yeah, he told that to me too," hindi interesadong sagot ni Yara. "Bakit naman kaya s'ya kasama sa listahan ng mga judges?" nakakunot-noong tanong naman ni Guia. "Nasa listahan s'ya kasi isa s'ya sa mga judge?" pambabara naman ni Argel dito. Napabuntong hininga nalang ang dalaga at piniling huwag nang patulan ang kalokohan ng kaibigan. "He's an almuna," sagot ni Yara kaya parehong napatingin sa kanya ang tatlong kaibigan na may pagtataka sa mga mata kung bakit alam n'ya. "Iyon ang sabi n'ya, at mukhang totoo naman, nasa list ang pangalan n'ya eh," kibit-balikat na saad n'ya. "Guwapo ba, Yara baby?" nakangising tanong ng katabi na si Argel. "Kagabi lang lasing ka, ngayon adik ka na?" asar naman ni Guia pabalik dito. Napatingin si Argel kay Yara at nagtatanong ang mga mata nito kung bakit alam ni Guia na lasing s'ya. Tumango si Yara at sinabayan n'ya iyon nang pagkibit ng balikat. "Unti-unti nang nawala ang sakit sa ulo ko dahil sa sarap ng pagkain sa bahay n'yo, Yara baby, pero dahil sa kamalditahan ng isang bruha dito parang bumalik at dumoble na ang sakit," masungit na sambit nito at masamang nakatingin kay Guia na walang pakialam at nakikipag-usap kay Denver ng kung ano. Napalingon si Yara sa kaibigan na may masamang tingin kay Guia. This is the usual Argel that everyone can see, but the Argel she saw last night is the rare Argel that only them can see. Biglang naglaro sa utak n'ya ang eksena kung paano walang tigil ang mga luhang nitong pumatak mula sa mga mata, kung paano ito walang sinabi pero tuloy ang pag-iyak. Nakita n'ya kung gaano na durog ang kaibigan at kung gaano ka bigat ang pinag-dadaanan nito. Gusto n'yang magtanong pero siguro saka na lang kapag wala na sila sa paligid ng ibang tao. Nasa loob pa sila ng room habang naghihintay ng susunod nilang klase. Seat work lang naman iyon. Bibigyan lang sila ng isang example tapos bibigyan ng activity tapos lalayasan na sila ng prof nila at kasunod ay ang paglayas ng mga kaklase sa room. "Pero saan mo s'ya nakita, Ya?" biglang tanong ni Guia sa kanya na nagpabalik sa kanya sa ulirat at napalingon dito. "Si Jeffrey Santiago?" pagkaklaro n'ya kung ito nga ba ang tinutukoy ng kaibigan. "Oo, lumabas ka ba kahapon pagka-uwi mo? Saan ka nagpunta bakit hindi ka na lang nagpasama sa ami?" pagtatanong nito nang may halong pag-aalala. Minsan lang mangyari na lumabas at pumunta s'ya sa isang lugar nang walang kasama sa tatlo. Madalas ay kasama n'ya si Guia dahil nga ang tatay nito ang nagda-drive ng sasakyan n'ya. "Noong papasok na sana ako ng subdivision namin, bigla kong naisip na pumunta ng bookstore kaya nag u-turn ako. Bago pa ako makapasok sa loob ng bookstore ay may biglaang tumawag sa 'kin pero hindi ko naman s'ya kilala, nagpakilala s'ya at sinabi kong saan n'ya ako nakilala kaya doon ko pa lang din s'ya naalala," mahabang sagot n'ya para wala nang kasunod na tanong. "Tiningnan ko ang mga pangalan sa first night, wala akong kilala at wala man lang kahit na familiar na pangalan," nakangusong sambit ni Guia kaya mahinang natawa si Yara sa narinig. Ganoon din s'ya, lahat ng mga pangalan na kasama nina Argel at Guia sa first night ng pageant ay hindi rin familiar sa kanya. Hindi rin malabo na ang ilan sa mga pangalan na naroon ay mga alumna ng LU. "Si sir Corpuz lang din ang faculty member na kasali sa mga judge," ani Denver. "Baka may ilang faculty member pa from other department na nasa list, hindi lang natin kilala," saad ni Yara. "Pu-puwede rin baka mayroon nga, kasi baka isipin ng taga ibang department na unfair dahil department lang natin ang may representative sa table. And take note, hindi lang isa kung hindi lima," sagot naman ng binata at nakuha ni Yara ang gusto nitong sabihin sa lima. S'ya, si Argel, Guia, Denver at si Mr. Corpuz, hindi nga naman iyon ikakatuwa ng taga ibang department. Pero hindi naman sila mandadaya, marunong naman silang tumingin ng kung sino ang magaling, mas magaling at pinaka magaling. Alam naman nila na kahit beauty pageant ang tawag doon, hindi lang naman ganda ng mukha at katawan ang labanan. Kailangan din ng utak. "Oo nga, kanina nga iyong iba parang hindi natuwa na ganoon tayo kausapin ni madam. Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako kasi hindi ba nga, ang sama ng impression ng ibang tao kay madam. Pero para namang favorite n'ya si Yara," saad naman ni Guia kaya nanlaki ang mga mata ni Yara na napatingin sa kaibigan, hindi makapaniwala sa narinig. "Hoy! G! Baka may makarinig sa 'yo! Hindi totoo iyan. Baka lang talaga kaya masama ang impression natin kay madam ay dahil hindi naman s'ya ngumingiti sa labas at kapag seryosong nagsasalita intimidating talaga s'ya. Pero hindi n'ya ako favorite, ano ka ba!" agad n'yang saway sa kaibigan. Tumingin sa kanya si Guia at biglang humalakhak kaya maging ang naroon sa loob ng room ay napatingin dito. May ilang napangiti at napatawa dahil sa lakas ng tawa ng kaibigan. "Bakit ka ba biglang kinabahan? Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin, ang sinasabi ko ay parang favorite ka n'ya dahil alam naman natin na school's pride ka, pero the negative way," natatawang sambit nito sa kanya. Kahit ganoon ay hindi pa rin ikinatuwa ni Yara ang lumabas sa bibig nito. Hindi n'ya naisip ang ganoon kahit kailan. Kahit noong mga ilang beses na naiuwi ng school nila ang trophy or medal dahil sa pagkapanalo n'ya sa ilang contest sa labas ng university. "Naka-usap ninyo si madam? Teka lang, bakit parang ang dami na agad nangyari, ilang oras lang naman akong wala," naiinis na sambit ni Argel. "Ya, hindi negative iyong sinabi ko ah. Ang ibig ko lang sabihin ay natutuwa si madam sa iyo, at sa kanya na rin nanggaling na inasahan n'yang makita ka sa stage pero dahil tinanggihan mo ang pagiging contestant, kaya sa lamesa ka na lang n'ya inilagay," paglilinaw ni Guia, naramdaman n'ya ang hindi pagkatuwa ng kaibigan sa napiling bitawang salita. "Tayo, G. Tayo," pagtatama ni Denver dito. "Alam ko naman, naiintindihan ko ang point, G, medyo nataranta lang ako kasi baka mamaya may nakarinig or makarinig. Alam naman natin ang mga tao, kahit wala tayong ginagawa masama agad ang tingin nila sa atin," mahabang litanya ni Yara. Humaba ang nguso ni Guia at saka kinuha ang kamay ng kaibigan. "Sorry, namali ako ng salitang nabanggit pero hindi talaga masama ang gusto kong sabihin," nahihiyang sambit nito. Nilingon ni Yara ang kaibigan dahil naramdaman n'ya ang pag-iba ng tono nito. Nginitian n'ya ito nang pamansin ang pagkislap ng mga mata dahil sa nagbabadyang luha. "Hoy, ano ka ba! Huwag kang umiyak, hindi naman ako na offend, kinabahan lang ako kaya ako medyo nataranta," agad na sabi n'ya para awatin ang pag-iyak ng kaibigan. Natawa naman ito pero biglang tumulo ang magkasunod na malalaking butil ng luha. Mahinang natawa si Yara saka hinila ang kaibigan sa dibdib n'ya at kinulong ang ulo nito sa mga braso n'ya. "Naiinis ako kasi hindi ako naging maingat sa mga sinasabi ko," naiiyak na sambit nito habang nakasubsob ang mukha sa dibdib n'ya. "Ano ka ba! Tumigil ka na nga sa pag-iyak, para kang bata. Ayos nga lang naman, kung nakita mo man ako na medyo hindi natuwa iyon ay dahil kinabahan ako na baka may nakarinig sa iyo at iba ang isipin," aniya at saka hinawakan ang kaibigan sa magkabilaang braso at hinarap sa kanya. "Hoy, bakit hindi ninyo ako sinasagot? Paano n'yo nga nakausap si madam? Pinatawag kayo?" pangungulit ni Argel sa mga kaibigan. "Oo, pinapunta kami sa conference room, kasama ka dapat kaya lang nalasing ka naman kagabi kaya tinanghali ka na ng gising at late ka ng pumunta dito kaya kaming tatlo lang ang nakapunta," paliwanag ni Denver sa kaibigan na kanina pa nagtatanong. Bumuka ang bibig nito para sa karagdagang tanong pero itinaas n'ya ang kamay para pigilan ito, "huwag ka nang magtanong, dahil ang napag-usapan at ang sinabi lang naman sa amin ay ang patungkol d'yan sa hawak mo." Itinuro ni Denver ang invitation card na hawak ng kaibigan kaya napatingin ito dito. "Hala!" napalakas na sambit ni Guia nang matapos sa pag-iyak. Awkward itong napatawa ng mahina at nag peace sign nang napalingon ulit sa kanya ang ilang mga naroon. "Bakit?" pagtatanong ni Yara dito. "Hindi ba nga dapat aalis tayo sa school fair? Paano iyon, dalawang araw ang pageant at magkaiba pa tayo ng schedule for judging," nakangusong saad nito. "Oo nga no, kahit na isang linggo ang school fair tapos sa first day magsisindi ng torch si Yara, sa last 2 days pageant naman," sang-ayon naman ni Argel dito. Ito yata ang unang beses na hindi kinontra ng isa ang isa. Hindi nalang iyon sinaway Yara at Denver kahit na napansin nilang pareho iyon. "Pwede pa rin naman, kasi Monday morning naman ang lighting ng torch tapos Friday night and Saturday night na ang pageant. Pwede tayong umalis ng Monday afternoon or evening tapos balik tayo ng Thursday evening or Friday morning," sagot ni Denver sa sinabi ng kaibigan. "Isa pa guys, hindi pa naman sigurado kung ako ang magsisindi ng torch. Hindi rin naman ako sasali sa mga games ngayon," sambit ni Yara. Nakatuwaan n'ya lang ang sumali sa mga activities every school fair noong mga nakaraang taon dahil hindi pa ganoon ka bigat ang academic para sa kanya. "Sigurado na iyon, ikaw ang captain ng volleyball team na nag champion last year kaya sigurado na ikaw ang magsisindi ng torch," sagot ni Argel sa kanya. "May team captain din naman sa basketball boys, or volleyball boys na nag-champion, pwedeng isa sa kanila at isa pa, nag-quit na rin ako sa team kaya labas na ako doon," paliwanag n'ya kung bakit. "Pero hindi activity torch ang tinutukoy namin, Ya, kung hindi ang academic torch," nakangising saad ni Denver kaya napatingin s'ya sa kaibigan at saka lang naalala na simula nga pala last year, dalawang torch na ang sinisindihan sa school fair. Magsasalita na sana s'ya pero nauna ang kaibigan na si Argel na parang nanghihinayang. "Sayang, balak ko pa naman sanang yayain si Sir Corpuz."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD