Chapter 36

2982 Words
Hinihila ni Guia ang kaibigan na si Argel nang magtangka itong tumakas. Nakita na nila ang final grade at released na rin ang final list ng ranking at deans list. Kaya ngayon ay nagtatangkang tumakas si Argel pagkatapos makipag pustahan sa kanila na nalamangan n'ya umano si Guia. Mataas ang kumpyansa n'ya sa point 2 na lamang ni Guia sa kanya kaya akala n'ya ay talagang maabot n'ya ang kaibigan. Nangingiwi si Yara nang magtago ang kaibigan sa likuran n'ya nang makawala sa hawak ni Guia. "Ano ba! Mapipilayan ako sa 'yo, ang higpit ng hawak mo sa balikat ko!" singhal n'ya dito nang malakas s'ya nitong hawakan at gawing shield laban sa nanlilisik na mga mata ng kaibigan na si Guia. "Iyang kaibigan mo kasi parang gutom na tigre. Gustong-gusto akong laplapin mabuti sana kung gwapo na tigre hindi naman duuh," saad pa nito habang pilit itinatago ang sarili kay Yara. "Ang pangako ay pangako, kaya dapat manlilibre ka ngayon!" singhal naman ni Guia dito pabalik. "Tumigil na nga kayong dalawa baka ihulog ko kayong pareho doon sa balcony, ang ingay n'yo!" pagalit na sambit ni Denver habang prenteng nakaupo lang at nakasandal ang likuran sa upuan at nakataas ang mga paa sa center table. Narito silang apat sa condo ni Argel at mamaya pa sila pupunta ng school. Si Argel ang nagpumilit na dito muna sila mag-antay ng result sa unit n'ya dahil kapag raw nasa school sila baka mahuli kaagad s'ya ng professor nila na pinangakuan n'yang ilibre kapag nakapasok silang apat sa 1st four. "Sawayin n'yo kasi iyang babae na iyan, ayaw akong tantanan oh," natatawang sumbong ni Argel at itinuro pa ang ang kaibigan na si Guia na hanggang ngayon ay pilit s'yang inaabot at s'ya nama'y pilit na nagtatago sa likuran ni Yara. "Kapag ako talaga natumba babaliin ko iyang boto mo na bakla ka, umalis ka riyan sa likuran ko at huwag ninyo akong idamay sa laro n'yo," pagbabanta ni Yara sa kaibigan na parang tuko and rin na nakahawak sa kanya. "Tara na nga sa school, ma-mamark tayong absent dahil sa kalokohan mo eh," ani Denver nang nakatuon ang mga mata sa nagtatago na si Argel saka tumayo. "Ilayo n'yo muna sa akin ang baliw na iyan," pagmamakaawa nito habang nakaturo ang isang daliri sa nakangisi pa rin na si Guia. Akmang hahakbang na si Yara upang sumunod sa lumabas na si Denver nang biglang mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Argel sa balikat n'ya kaya napatigil s'ya at nabigo na maabot ang bag n'ya na nasa sofa. Nilingon n'ya ang kaibigan at sumalubong sa paningin n'ya ang pagngiwi nito. Masama n'ya itong tiningnan pero binigyan lamang s'ya nito ng nagmamakaawang ngiti. "Bibitawan mo 'ko o tutuhurin ko na lang iyang future mo?" pagbabanta niya dito pero umirap lang ang huli habang hindi pa tuloyang inaalis ang mga mata kay Guia na ngayon ay naka krus ang mga braso sa dibdib at nakasandala ng likod sa dingding. Napatingin si Yara sa hawak n'yang cellphone nang tumunog ito at lumabas ang pangalan ni Denver sa caller I.D. "Yara baby, hindi future iyan, design lang iyan pero masakit iyon kapag tinamaan mo," sambit naman ni Argel sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Hindi n'ya ito pinansin pero napalingon s'ya sa humahagikhik na si Guia. Kinindatan lang s'ya nito kaya s'ya naman ay nailing saka sinagot ang tawag ng kaibigan. "D?" aniya nang mailapat ang cellphone sa tainga n'ya. ("Let's go na, Ya. Isama mo na pagbaba si Guia, anong oras na,") sagot nito sa kabilang linya. Tiningnan n'ya si Guia at nakatingin rin ito sa kanya. Tumaas nag kilay ng kaibigan ng magtama ang mga mata nilang dalawang. "Okay, hintayin mo kami, nasa basement ka na ba agad?" pagtatanong n'ya dito. ("Yeah, hintayin ko na kayo,") sagot nito kaya ibinaba n'ya na ang tawag. Nilingon n'ya ang kaibigan na hanggang ngayon ay nakakapit pa rin sa balikat n'ya. "Gelo bitawan mo na ako bababa na kami," aniya dito kaya hindi makapaniwalang napatingin ito sa kanya. "Bababa? Hoy! Sasama ako malamang.... pero Yara baby, puwede ba na ilayo mo sa akin ang sira-ulo na iyan? Wala na akong pera eh," pagsusumamo nito pero hindi iyon pinansin ni Yara at pilit na tinanggal ang mga kamay nitong mahigpit na nakapatong sa balikat ng dalaga. "Barat!" singhal ni Guia and Argel just stick his tongue out to her. "Promise breaker, eww!" dagdag pa nito at umirap. "Ikaw naman takaw libre," ganting singhal nito at umirap din pabalik sa kaibigan. Malakas na napahalakhak si Guia sa sinabi nito habang si Yara ay napailing na lang sa kalokohan na pinagtatalunan ng dalawa. Nakakairita talaga sa tainga ang ingay ng dalawang ito pero hindi n'ya rin yata kakayanin kung mawala ang bangayan ng mga ito. Understandable kung ang pananahimik ng dalawa ay kung magkakasama sila at nagre-review na madalas nilang ginagawa, pero kung mananahimik ang mga ito dahil sa kung anong bagay o mawala ang kahit na sino sa dalawa sa paningin n'ya ay hindi n'ya yata iyon kakayanin. "Ang kapal ng mukha mo, nakalimutan mo na yata kung sino dito ang may makapal na mukha at mukhang mamamatay kapag hindi nililibre. Nangako ka kaya panindigan mo — hindi, nakipag pustahan ka kaya gawin mo ang consequences kapag natalo ka at natalo ka," mataray na saad ni Guia saka isinukbit sa balikta ang body bag n'ya saka sumunod kay Yara na nauuna nang lumabas ng unit ni Argel. "Oo na! Hindi ka matahimik 'no? Oo na! Hintayin n'yo lang ako mga walanghiya kayo!" Parehong natawa sina Yara at Guia nang saktong huling hakbang nila upang makalabas ng tuloyan sa pinto ng unit ng kaibigan ay narinig nila ang sigaw na iyon mula sa loob. Hindi nila alam kung ano pa ang ginagawa nito at kung bakit hindi pa ito nakakasunod sa kanila. Inilabas ni Yara ang cellphone n'ya mula sa bulsa at nagtext sa kaibigan na si Denver na pababa na sila. Doon na lang nila hihintayin sa basement ang baliw na si Argel kung hindi sila nito maabutan sa elevator. "Umalis na ba si Denver, Ya?" dinig n'yang tanong ni Guia kaya lumingon s'ya sa kaibigan at umiling. "Hindi pa, hinihintay n'ya tayo sa baba. Tingna mo ang cellphone mo baka nag text s'ya sa 'yo hindi mo lang napansin," aniya at agad naman na ginawa iyon ni Guia. Agad nitong tiningnan ang cellphone at mahinang natawa nang makita ang text ng kaibigan, mayroon nga. "Bakit naka silent ang phone ko? Hindi ko tuloy nasagot ang tawag n'ya," natatawang sambit nito. Nanlaki ang mga mata ni Yara nang makita ang tumatakbo na si Argel pero huli na dahil bago pa man ito tuloyang makalapit sa kanila ay sumara na ang elevator dahilan para maiwan ito. "Ang sarap talaga pagtripan ng isang iyon," natatawang saad ni Guia nang tuloyan nang bumaba ang sinasakyan nilang elevator nang hindi nakasabay ang kaibigan na si Argel. Hindi pa man lumipas ang isang minuto ay tumunog ng sabay ang cellphone nilang dalawa. Sabay silang napalingon sa isa't-isa nang group call ang naganap at naka display doon ang pangalan ni Argel. "Umuusok na naman ilong noon," ani Yara at mahinang natawa. "Oh. Gelo?" aniya nang sagutin n'ya ang tawag nito. ("Mga walanghiya talaga kayong dalawa! Bakit ninyo naman ako iniwan dito?") himutok ng huli sa kabilang linya. "Huwag ka ng mag tantrums riyan. Hihintayin ka namin sa baba, ililibre mo pa kami kaya huwag ka nang parang pagong kumilos utang na loob," sagot ni Guia dito kaya napailing na lang ulit si Yara sa dalawa. ("Kita n'yo na, pagkatapos ninyo akong iwan magpapalibre pa kayo sa akin?" Napaka-walanghiya talaga ninyong lahat!") sigaw nito kaya natawa lang silang dalawa hanggang sa makalabas ng elevator at agad nilang nakita ang prenteng nakaupo na si Denver sa hood ng sasakyan nito. Ibinaba ni Yara ang tawag at ganoon din si Guia. Hindi naman magtatagal ay susulpot na ang mukha noon dito sa baba nang nauuna ang nguso. "Akala ko bukas pa kayo bababa e," agad na sambit ni Denver nang makita ang dalawang kaibigan na papalapit sa kanya. Agad rin naman s'yang tumalon pababa. "Si Gelo parang batang nagta-tantrums dahil hindi nabigyan ng laruan, ayon nasarhan ng elevator bago pa makalapit," sumbong ni Guia dito nang hindi naaalis sa mukha ang natutuwang ngisi. "Hintayin na lang natin s'ya, pababa na rin naman kaagad ang isang iyon," ani Yara na s'yang tinanguan ng dalawang kaibigan. Dumiretso s'ya sa sasakyan n'ya at inilagay ang bag n'yang nakasabit sa balikat bago bumalik sa mga kaibigan. Parehong nasa gitna ng sasakyan nila ni Argel ang sasakyan nina Denver at Guia at iyon ang unang bubungad kapag nakalabas ng elevator. "Mga walang hiya!" ume-echong singaw ni Argel ang biglang umalingawngaw na tunog sa paligid nang makalabas na nga ito ng elevator. "Napaka-ingay mo! Baka isipin ng mga tao rito may baliw na naligaw sa building na ito, umayos ka nga, pasalamat ka hinintay ka namin," kaagad na singla ni Guia sa kaibigan nang makalapit na ito sa kanila. "Utang na loob ko pa?!" pagalit naman na singhal nito pabalik. "Puwede ba tumigil na kayo? Hindi na naririndi iyang mga tainga ninyo sa sobrang ingay n'yo?" saway ni Denver sa mga ito. Bumuka ang bibig ni Argel at akmang magsasalita nang biglang tumalikod ang mga kausap kaya nabitin sa ere ang dapat na sasabihin nito. "Mga walang modo talaga," pabulong na sambit nito at dahil hindi naman tumalikod dito si Yara ay narinig iyon ng dalaga. Tinapik n'ya ang balikat ng kaibigan at hindi iyon inasahan ni Argel kaya napatalon ito sa gulat. "Kita mo na, kakadaldal mo iyang isip mo kung saan-saan na napupunta. Tumigil ka na ag ayusin mo iyang mukha mo, punta na tayo ng school para malibre mo na kami," natatawang sambit ni Yara saka iniwan na nakatulala ang kaibigan. Bago pa man s'ya tuloyang nakapasok sa sasakyan ay narinig n'ya pa ang pagtawag nito sa pangalan n'ya nang makabawi sa pagtalikod n'ya. Wala talagang araw na hindi maingay ang isang iyon at kahit na ilang libong beses n'yang ireklamo ang bagay na iyon ay wala na s'yang magagawa. Magrereklamo na lang s'ya nang magrereklamo at iyon na iyon. Maingay pa rin ang mga kaibigan n'ya. Walang magbabago. Bumusina si Denver at naunang lumabas ng parking lot kagaya ng nakasanayan. Sumunod naman kaagad ang sasakyan ni Guia bago s'ya. Tiningnan n'ya ang side mirror at mapangiti nang makita ang sasakyan ni Argel na lumabas kasunod n'ya. "Mag-iinarte pa susunod rin naman," aniya saka inirap ang mga mata sa hangin. Mabilis silang nakarating sa school at agad silang dumiretso sa canteen dahil hindi tinantanan ni Guia si Argel sa pangako nitong manlilibre kapag natalo. Naiiling si Yara kapag nasusulyapan n'ya ang humahabang nguso ni Argel dahil sa pagsimangot nito pero nagpapasalamat s'ya na hindi na ito nag-iingay katulad nang kanina. At least kahit papaano ay natahimik rin ang araw nila. "Ubos agad one thousand ko," himutok nito habang nakayuko at nakatingin sa mesa kahit na wala pa ang mga pagkain nila. "Talagang mauubos iyon, limang menu ba naman in order mo and take note wala pa sa lima na iyon ang para sa amin," pambabara ni Denver dito. Handa na si Argel na ipagtanggol ang sarili at akmang magsasalita na s'ya nang itaas ni Yara ang kamay nito sa mukha n'ya upang pigilan s'ya sa kung ano man ang balak n'yang sabihin. Hindi makapaniwalang napatingin s'ya sa dalaga. "Hahaba lang ang usapan kapag sumagot ka pa, awat na ha? Mapayapa na ang lumipas na mga minuto noong hindi ka nagsasalita. Ipagpatuloy mo lang ang ganoon," walang halong pagbibiro na saad ni Yara. Kagat labing nagpipigil ng tawa si Guia habang si Denver naman ay pilit pinipigilan ang sumisilay na ngiti sa mga labi. Sinulyapan ni Yara ang tuloyan nang natahimik na si Argel at hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya na para bang may nasabi s'yang nagpagulat rito ng husto. Tinaasan n'ya lang ito ng kilay habang seryoso ang mukha at ang kanyang mga mata. Ayaw n'yang isipin nito na nagbibiro s'ya kahit na humahalakhak na sa tawa ang isip n'ya. Hindi nagtagal ay dumating rin ng sabay-sabay ang mga orders nila at kagaya ng sabi kanina ni Denver, limang order ang kay Argel habang tag-iisa naman ang sa kanila. Agad na nagningning ang mga mata ni Argel kaya napa-iling na lang si Yara nang makita n'ya kung paano nagbago ang expression nito sa mukha. Kanina lang ay inis na mukhang hindi n'ya maintindihan ang mukha nito pero ngayon para itong bata na nabigyan ng regalo sa saya. Hindi n'ya na lang pinuna ang kaibigan at nagsimula ng kainin ang pagkain n'ya na nakahain sa harapan n'ya. "Thank you dito, Gelo. Kahit na hindi naman ito sobrang mahal, alam naman natin — ikaw mismo, alam mo na mas sumasarap ang pagkain kapag libre," nakangising saad ni Guia at dahil na punong-puno ang bibig ni Argel ay hindi ito makapagsalita kaya inikotan lang nito ng mga mata ang kaibigan. Mahinang natawa si Guia sa pinakitang ugali nito. "Ngayon lang ako nakakain ng ganito kasarap na carbonara. Gelo, makipagpustahan ka pa sa amin para palaging masarap ang pagkain natin dito sa school," dagdag asar ni Denver at sa pagkakataon na ito ay gitnang daliri na nito ang sumagot. Napahalakhak silang tatlo dahil sa ginawa ni Argel na iyon. Ubos na agad nito ang isang plato ng carbonara at lasagna naman ang kinakaharap nito ngayon. Pilit nitong nilulunok ang malaking hiwa gamit ang hawak nito na tinidor at walang pagdadalawang isip na isinubo iyon. "Alam n'yo, alam ko kasi kung ano ang mga paborito ninyo kaya dito na ako nanlibre. Naisip ko kasi baka kapag hindi ko tinupad ang usapan ay mamamatay kayo sa gutom, mga hampaslupa!" singhal nito sa kanila kaya napatawa sila ng mas malakas dahilan upang mapalingon sa kanila ang mga studyante na nasa mga mesa na abot ang tawa nila. Malalawak ang mga ngiti ng mga studyante na nakatingin sa kanila kaya medyo biglaang nailang si Yara. Ayaw n'ya na may mga mata na nakatutok sa kanila. Well, ayos lang na tinitingnan sila, iyong hindi n'ya alam na may nakatingin sa kanila, hindi kagaya ngayon na alam na alam n'yang may nakatingin sa kanila. At hindi lang iyon, dahil nakakasalubong n'ya ang ilang mga mata mula sa mga studyante na halatang pinag-uusapan sila. Itinuwid ni Yara ang pag-upo. Alam n'ya na hindi lang isang beses nilang narinig ang sinasabi ng mga tao na pinupuri sila dito sa school. "Ang lakas mo kay satanas, ano?" natatawang sabi ni Guia dito. "Isipin mo nga, ikaw itong patay gutom tapos kami ang sinabihan mo na baka mamatay kami sa gutom pero hindi ka pa nabibilaukan ngayon." "Alam mo, Gelo, minsan ka lang manlibre pero madalas kang magpalibre. Minsan nga, bahagian mo 'ko n'yang makapal mong mukha para makatipid rin ako kagaya mo," asar na sambit ni Denver kaya sa ikalawang pagkakataon habang lumalamon ay itinaas ni Argel ang gitnang daliri at ipinakita sa kaibigan. Ang kaibahan lang, sa pagkakataon na ito, binitawan na nito ang hawak na tinidor at dalawang gitnang daliri ang inilabas. Napapailing si Yara sa magkahalong pakiramdam. Hindi pa rin naaalis ang mga mata ng ilang studyante kaya natatawa s'ya dahil sa pinagagawa ng kaibigan pero nahihiya rin s'ya dahil dito. "Brader, alam mo na kahit sa anong bagay kakampi mo ako pero huwag ka nang makihati sa akin sa mga blessings na puwede kong makuha," sagot naman ni Argel kaya si Denver na sumeryoso na ang mukha ay biglang naubo at inabot ang isang basong tubig at ininom lahat nang laman noon. "Yara Formanes?" Napalingon si Yara sa likuran n'ya nang marinig ang pangalan n'ya. Kumunot ang noo ng dalaga nang ang nakita n'ya ay hindi pamilyar na mukha ng isang babae. Pilit n'yang inaalala kung saan n'ya ba ito possibleng nakita o nakasalubong at baka nakalimutan n'ya lang kaya nasasabi n'ya na hindi pamilyar sa kanya ang hitsura nito. Sa tingin n'ya ay nasa early 30's pa ito at mukhang may sinabi sa buhay. Awkward na lumabas ang ngiti aa mukha n'ya. Nilingon n'ya rin ang mga kaibigan at sabay ang mga itong tumingin sa kanya. Gusto n'ya sana na tanungin ang mga ito kung kilala ba nila pero nang makita n'ya ang pagtatanong sa mga mata ng mga ito ay alam n'ya na agad ang sagot, hindi rin kilala ng mga kaibigan n'ya ang babae. "Yes po?" magalang na sagot n'ya dito. "Hi, it's nice to finally met you," nakangiting saad nito at inabot ang kamay. Agad naman n'yang tinanggap ito at ngumiti dito pabalik. "Hi, yes. I'm sorry — this may sound rude but I don't think we know each other," aniya nang may tipid na ngiti sa mukha at bakas sa mga mata n'ya ang pagtataka. Narinig n'ya ang mahinang tawa ng babae at tumango ito. Bakas sa mukha at mga mata nito ang amusement habang diretsong nakatingin sa kanya. "I am Maggie Sandoval, from Sand Publishing house -----" "Holy Sh*t! Sand Publishing house is the house of the most famous writers of the country!" pagsingit ni Argel kaya natigil si Maggie sa pagpapakilala sa sarili at sabay silang napalingon sa kaibigan n'ya. Pinandilatan ni Yara ng mga mata ang kaibigan at nakatanggap ito nang isang malutong na hampas mula kay Guia. "I'm sorry for that, ma'am," hinging paumanhin ni Guia sa babae na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang ngiti. Natawa ito ng bahagya at tumango, "no problem," nakangiting saad nito bago bumaling ulit kay Yara. "By the way, I have personally read your submitted work in LU's guild. It was my dad who introduced it to me and I fell in love with your work. That was pure and very smart. If you don't mind, can we talk about it? We are looking for a brilliant work and we found yours."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD