Chapter 32

2966 Words
Kinusot ni Yara ang mga mata nang tumama sa kanya ang sinag ng araw na pumasok sa salaming bintana ng kwarto n'ya. Hinila n'ya ang kumot at itinakip sa buong katawan pero agad na nagmulat ang mga mata n'ya nang maalala na hindi lang s'ya ang narito sa kama n'ya. Agad n'yang tinanggal ang pagkakatakip ng kumot sa mukha at tiningnan ang kabilang bahagi ng kama n'ya pero wala na rito ang kaibigan n'ya. Nauna na siguro iyong bumangon kaya hindi na s'ya nagpatalo sa katamarang pagbangon at tumayo na. Dumiretso s'ya sa banyo upang maghilamos at mag toothbrush kagayan ng nakasanayan n'yang gawin tuwing gumigising. Hygiene is a must. Napangiwi s'ya nang masulyapan ang orasan na mayroon s'ya sa silid at nakita n'ya ang maliit na kamay nito na nakaturo sa number 12 habang ang mahaba ay nakaturo sa number 3. Tinanghali na nga s'ya ng gising, alas 6 na sila ng umaga nakatulog. Ang bilis naman yatang magising ng mga kaibigan n'ya. Kinuha n'ya ang cellphone n'yang nakapatong sa side table saka inilagay sa bulsa ng pajama n'ya bago tuloyan nang lumabas ng kwarto n'ya. Panigurado ngayon ay wala na rito sa bahay ang ninang n'ya, hindi n'ya na naman ito nakasabay kumain ng agahan. Sana lang ay hindi magtatampo ang ninang n'ya sa kanya. Maraming umaga na silang hindi nagkasabay kumain ng agahan at maging hapunan, naghintay pa ito sa kanila kagabi, sana lang ay nakatulog ito ng maayos at hindi pinilit na gumising sa nakasanayan nitong oras. Hindi n'ya rin talaga maintindihan kung bakit ganoon kasipag ang ninang n'ya, ito ang may-ari ng kompanya at may dalawang sekretarya pero ayaw pa rin talaga nitong ma-late sa opisina kahit na wala naman itong emergency meeting. "Gising na po pala kayo, Ms. Yara, nasa kusina po ang mga kaibigan ninyo, hinihintay po kayo," nakangiting salubong na saad ni Gina sa kanya nang tumingala ito at nakita s'ya sa may hagdan pababa. Nagpupunas ito ng mga antique na display ng ninang n'ya. Nginitian n'ya ito saka tumango, "sige, salamat, kumain na ba sila?" pagtatanong n'ya dito. "Opo, nakita ko po kanina at pinapahanda rin po ni ma'am Alicia ang badminton net po ninyo baka raw po gustuhin ninyong maglaro. Ipapa-ayos ko po ba?" pagtatanong nito at saka n'ya lang naalala na may ganoon nga pala siya dito sa bahay. Nakalimutan na n'ya ang ilang gamit n'ya na mayroon s'ya dito dahil sa dami ng ginawa nila nitong mga nakaraang araw. Mukhang maganda ang naisip ng ninang n'ya, napangiti s'ya doon dahil medyo matagal na rin noong huling naglaro silang magkaibigan dito. "Sige please, salamat, pahanda na lang din po volleyball net at bola," utos n'ya dito. Agad naman itong tumango kaya tumuloy na s'ya sa kusina at naabotan n'ya ang mga kaibigan na pare-parehong nakatuon sa mga hawak nitong cellphone. "Yara baby!" tumaas ang kilay ni Yara sa taas ng boses ni Argel na para bang nagulat o na-excite ito noong nakita s'ya. "Ano ang nangyari sa 'yo? Bakit buhay na buhay ka?" pagtatanong n'ya dito at dumiretso sa upuan n'ya, napalingon s'ya sa ate Maica n'ya kinuha ang pagkain sa mesa. "Ipapa-init ko lang po, Ms. Yara," saad nito kaya tumango s'ya. "Tama tayo, hindi inasahan ng department natin na matatalo si Hope Martinez," sambit ni Denver kaya napatingin s'ya dito. Nakatingin ito sa hawak nitong cellphone at mukhang naramdaman nito ang pagtingin n'ya dito dahil bumaling sa kanya ang atensyon nito. "Why? What's happening?" pagtatanong n'ya saka tiningnan din si Guia. "Nag-online ako sa social media account ko at nakita ko lang ang post sa LU site, medyo hindi maganda ang naging sagutan ngayon ng taga department na nanalo at ng sa atin," ani Guia. "Hayaan na ninyo, wala naman tayong kinalaman sa pagkatalo niya. Hindi porket para s'yang naka home court dahil may mga judges na galing sa kung saan s'ya galing ay iisipin n'ya na may advantages na s'ya. We don't cheat," seryosong sabi niya saka kumuha ng kanin at nagsimula nang kumain nang mailapag ng kanyang ate Maica ang ulam na pina-init nito. "Huwag na lang natin silang pansinin. Ang sabi pa nga ng taga ibang department, "we are just so proud that we were a fan of them from the very beginning that we heard their name and their story in LU, we knew they would never cheat and they are fair people" I don't know who are they referring, puwedeng tayo," mahabang saad ni Denver, mukhang binasa n'ya ang comment sa post na iyon. "Iilan lang naman ang hindi masaya sa pagkatalo ni Hope, siguro mga kaibigan n'ya lang din ito. Marami naman ang nag educate sa kanila na taga department natin," dagdag ni Guia. Nagkibit-balikat na lang si Yara sa mga sinabi ng mga kaibigan. Gusto pala n'yang manalo sana ginawa n'ya lahat upang manalo. Natalo s'ya because she didn't gave her best, she let other lady shine, kaya wala s'yang karapatan na mag-inaso ngayon na natalo s'ya. Tanggapin n'ya iyon dahil iyon lang ang kinaya n'ya. Hindi naman s'ya puwedeng manalo kung may mas magaling naman sa kanya at mas deserve naman ang crown at sash. "Huwag na kayong pumatol sa mga iyan. Pinaayos ko ang badminton at volleyball net doon sa labas, laro tayo mga 30 minutes after ko kumain. Tapos na ba kayong tatlo kumain?" pagtatanong n'ya sa mga ito kahit na sinabi na sa kanya ni Gina na tapos na nga ang mga itong kumain. "Kakatapos lang din naman namin, mga 10 minutes siguro nakalipas noong pagpasok mo dito," si Guia ang sumagot kaya tumango s'ya at binilisan ang pagkain. Nang matapos s'yang kumain ay agad silang nagtayuan at lumabas ng bahay upang puntahan ang pinaayos n'yang paglalaruan nilang magkakaibigan. Sa likuran ng bahay nila ay naroon ang bakanteng bahagi na sinadya ng ninang n'ya para sa kanya noong 13 pa lamang s'ya. Hindi s'ya nakikipaglaro sa ibang tao kaya silang apat lang talaga ang naging magkaibigan simula noong nagkakilala sila. Masyadong makipot at masalimuot ang daan n'ya para sa ibang tao. Nagpapasalamat rin s'ya sa ninang n'ya na kahit noong malaki na s'ya ay hindi na pinabago ang lugar na ito. Malawak ang lupain nila dito at hindi naman masyadong malaki ang bahay nila, sapat lang para magkaroon sila ng malaaliwalas na lugar at maluwag na paligid para sa kanilang dalawa. Kaya dito sa likod ay puwede pa nga itong patayuan ng bahay na medyo maliit sa bahay nila pero hinayaan na lang ito ng ninang n'ya na ganito. Agad na kinuha ni Argel ang racket mula sa lagayan nito saka inabot kay Guia na agad rin namang tinanggap ng huli. Pareho silang apat na natutong maglaro ng badminton at volleyball kaya iyon ang madalas na bonding din nila noong high school pa sila at may marami pa silang oras upang maglaro. Pero simula noong mag college na sila at in their 4th year in college, medyo naging hectic na ang schedule nila lalo na at sumasali sila noon sa mga school activities. "Hindi ko na naman naabutan si ninang, pero s'ya ang nagpasabi sa katulong namin kung gusto daw ba natin maglaro. Nakalimutan ko na nga na may puwede pala tayong paglalaruan dito," natatawang saad ni Yara sa katabi na si Argel. Medyo mabigat pa ang t'yan n'ya kaya dahil kakatapos pa lang naman n'yang kumain kaya hindi pa s'ya puwedeng sumali sa dalawang nasa court na. Kahit naman alas 12 na ng tanghali ay hindi naman sila maiinitan dahil may bubong ang buong paligid. Masyadong maingat ang ninang n'ya noon sa kanya at ayaw nito na nabibilad s'ya ng araw. Ang katwiran ng ninang n'ya, gusto nitong makita ng mga magulang n'ya na hindi s'ya pinabayaan. Gusto n'ya na maging tahimik at maging masaya ang mga magulang n'ya sa kabilang buhay dahil alam nila na inaalagaan ng maayos at binigyan ng magandang buhay ang anak nila. "Paalis pa lang si tita Alicia noong nagising ako, sinabi n'ya rin sa akin na puwede tayong maglaro," napalingon si Yara sa kaibigan nang hindi naaalis ang ngiti sa mukha. "Matagal na noong huli tayong nakapag laro dito, kahit ako hindi na ako nakakapunta masyado dito sa bandang likuran. Mabuti na lang talaga at naalala ito ni ninang," natatawang sambit n'ya saka tumayo at kinuha ang dalawa pang raketa at inabot ang isa sa kaibigan. "Kakatapos mo lang kumain ah, kaya mo ng maglaro?" nakangising tanong ni Denver nang abutin ang racket na binibigay n'ya. Tiningnan n'ya ang oras sa cellphone n'yang nasa bulsa at nakita n'yang mag-15 minutes pa lang ang lumipas simula nang pumunta sila dito sa likuran. Ganoon katagal ang ikot ng oras pero ganoon din kabilis sa pakiramdam. "Huwag na lang muna natin lakasan ang palo," natatawang saad n'ya dahil gusto n'ya nang maglaro, gusto n'ya nang galawin ang joints n'ya na pakiramdam n'ya ay hindi na na-stretch kahit pa ang dami nilang ginawang activity noong nagbakasyon sila. Siguro dahil lang sa nakakapagod at nakakaantok na ginawa nila sa magdamag. Hindi na nila namalayan ang oras hanggang sa pareho-pareho sila at sabay silang sumalampak sa sahig dahil sa pagod. Tumutulo ang malalaking butil ng pawis sa mga mukha nila at unalingawngaw sa paligid ang kanilang mga tawa. "Grabe! This week is full of activities," ani Denver. "Nabuhay ang kasu-kasuhan ko nitong linggo na 'to. Hindi biro ang ginawa natin doon sa province pero binawi iyon ng pagod kagabi, ngayon naman ay parang sinala ng pagod ng larong ito ang pagod ko kagabi," sambit naman ni Guia saka inihiga ang buong katawan sa malamig na semento. "Pagod kayo kagabi? Hindi nga ako nakaramdam ng pagod, si sir Zoren kasi kapag nakikita ko nawawala ang pagod ko," maarteng sambit ni Argel dahilan ng mag-isang linya ng mga labi ng mga kaibigan. Si Guia na agad napabangon dahil sa sinabi nito at walang pagdadalawang isip na hinampas ang bola ng volleyball at diretso iyon sa noo ng kaibigan. Hindi iyon inasahan ni Argel kaya hindi n'ya iyon nailagan kaya ngayon nanlaki ang mga mata n'ya sa gulat habang napatihaya sa semento. "Walang alitaptap sa umaga kaya huwag mo ng subukang mag-ilusyon na may nakita ka," ani Yara kaya napatingin ito sa kanya na bakas pa rin sa mukha ang pagkagulat. "Hindi alitaptap ang nakita ko, Yara baby, nakita ko ang bukana ng langit," sagot nito at agad na bumangon. Masama at matulis na tingin ang binigay nito sa kaibigan na si Guia na s'yang nagtaas lang ng kilay. "Baka impyerno, hindi ka tatanggapin sa langit, baliw. Huwag mong kalimutan na hindi ka mabait, sira-ulo ka," pairap na saad ng dalaga saka sinalo ang bolang inihagis ni Yara dito. "Tara, Ya." "Hell week will start tomorrow!" sigaw ni Denver at ibinuka ang mga braso. "Sino mauunang maligo sa atin, Ya?" pagtatanong ni Guia kay Yara nang makapasok na sila sa loob ng bahay. "Doon na ako maliligo sa banyo ni ninang, para sabay-sabay na tayo. Denver and Gelo, bahala na kayo kung sino mauunang maligo sa inyong dalawa, isa lang ang banyo dito sa baba eh," ani Yara sa dalawang kaibigang lalake. "Kakain muna ako, mauna ka na," sambit ni Argel sa kaibigan habang pinupunasan ng towel ang pawisan n'yang mukha at leeg. "Kakain ka na naman?" nakataas na kilay na tanong ni Guia dito. "Natagtag ang kinain ko kanina Gyaya," pairap naman na sagot ng huli saka bumaling kay Yara, "pa take-out ako for dinner, Yara baby." Natawa lang ng mahina si Yara sa sinabi nito saka umiling bago tuloyan nang umakyat ng hagdan pero bago pa sila maakyat ay binalingan n'ya ito at tinanguan. Mukha naman itong nanalo sa lotto sa sobrang tuwa. "Patay gutom talaga," natatawang bulong ni Guia. Alam naman nila na ganoon si Argel at nasasanay na rin sila na barahin ito, mukhang nasanay na rin naman na ang kaibigan. Pagkakuha ng damit ay agad na dumiretso si Yara sa silid ng ninang n'ya saka doon naligo. Hindi n'ya alam kung ano ang mangyayari simula bukas dahil kagaya ng nakasanayan, magsusunog na naman sila ng kilay sa pag-aaral. Exam week na nila simula bukas at hindi matatahimik ang mga utak nila kapag hindi nila nakuha ang score o grade na gusto nila. Pagkatapos ni Yara maligo ay bumalik na s'ya sa kwarto n'ya at doon naabutan n'ya si Guia na tinutuyo ang buhok gamit ang blower n'ya. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. Nagpapasalamat si Yara na naging kaibigan n'ya si Guia, nakahanap s'ya ng kapatid dito at hindi s'ya nagsisisi na tinanggap n'ya ang pakikipag-kaibigan dito. Hindi naging bad influence sa kanya si Guia kaya ganoon kalaki ang tiwala at pagtitiwala n'ya dito maging sa dalawa pa nilang kaibigan. "Hindi talaga maitatanong kung saan galing ang ganda mo," nakangiting sabi nito sa kanya. Napatingin s'ya sa picture n'ya kasama ang mga magulang na kuha noong bata pa s'ya. Nakita n'yang napatingin rin doon ang kaibigan. "Sino sa kanila ang kamuha ko?" nakangiting tanong n'ya. "Hati, halata na anak ka nilang dalawa, hindi talaga maitatanggi iyon. Tapos kuhang-kuha mo pa ang hazel na mata ng mama mo at ang matangos na ilong naman ng papa mo. Sobrang gifted ng lahi nila kaya dapat kapag mag-asawa ka na at magka-anak, ipakasal mo sa magiging anak ko," natatawang sabi nito kaya maging s'ya ay natawa na rin. Ibinalik n'ya ang tingin sa magandang mga mata ng ina. Hindi malinaw sa kanya kung saan possibleng namana ng ina ang ganitong kulay ng mata nila. Halo-halo na ang dugo na mayroon ang mommy n'ya dahil sa mixed blood din ng mga magulang nito. Mabuti na lang ay malakas ang dugong Pinoy ng daddy n'ya kaya very Pinoy ang feature n'ya. Although medyo may kaputian s'ya pero hindi naman masyadong halata sa mukha n'ya ang pagkakaroon ng dugong foreigner. Well, her eyes speaks it though. "Bakit nakikita mo na ba ang sarili mo na mag-aasawa at magkaka-anak one of these days?" tanong n'ya sa kaibigan. Tinanggap n'ya ang inaabot nitong blower at s'ya naman ngayon ang nagtutuyo ng buhok n'ya. "Oo naman, pero siguro mga 10 years from now. Siguro naman may maayos na buhay na ako pagdating ng panahon na iyan. Ayaw kong mag-asawa nang hindi pa emotionally and financially stable, mahirap ang buhay," saad nito kaya tumaas ang tingin n'ya dito. Nakatayo ito sa tabi n'ya at nakaharap sa salamin kaya ang reflection nito sa salamin ang kaharap n'ya. "Tama naman iyan, pero hindi pa pumapasok sa isip ko ang bagay na iyan. Gusto ko muna na kapag maisip na magretire ni ninang ay samahan ko s'yang mag travel. Kaming dalawa na lang sa buhay kaya gusto ko na magkaroon kami ng mas maraming oras para sa isa't-isa," nakangiting sabi niya at nakita n'ya ang pagngiti ng kaibigan. She said the right words. Napa-iling n'ya ng bahagya ang ulo nang biglang ipulupot ni Guia ang braso nito sa leeg n'ya habang may malawak na ngiting nakaharap sa salamin. "Alam mo," panimulang sabi nito nang hindi inaalis ang mga mata sa salamin kung saan kaharap s'ya, "matagal na tayong magkaibigan kaya nakita ko kung paano ninyo alagaan ni tita Alicia ang isa't-isa. Hindi lang kayong dalawa sa buhay, Ya, nandito ako, nandito ang pamilya namin na pamilya kayo. Pero hanga ako sa klase ng pagmamahal na pinapamalas ni tita Alicia sa 'yo, kaya hindi ako nagtataka kung bakit sangkatutak na blessing ang pumapasok sa buhay ninyo dahil mabubuti kayong tao," anito nang hindi tinatanggal ang ngiti sa mga labi. "Si ninang ang Angel na hindi sumuko sa buhay at para mabuhay ako, G. Kaya wala akong karapatan para mahalin s'ya ng kulang. Ninang don't deserve a half baked love, G. She deserves the world." Tumango-tangong umayos ng tayo si Guia. Amusement is written in her face and she is looking proud of Yara. "Naiiyak na ako, bilisan mo na riyan bago pa tayo mag-iyakan dito. Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong ginutom, puwede bang kumain muna ako bago ako umuwi?" natatawang bumaling ito sa kanya kaya maging s'ya ay natawang tumango. "Oo naman, tara na sa baba baka pagdating natin ng kusina wala na tayong makain," natatawang sabi n'ya saka binubot ang blower at inilagay sa drawer bg dresser n'ya. Sabay na silang bumaba at pagbaba nila ng hagdan ay nakita rin nila ang pagsulpot ni Denver sa tapat ng kusina galing sa guest room. Basa pa ang buhok ng binata ibig sabihin ay kakatapos lang din nito maligo. "Ang bilis naman ninyong dalawa, sabay ba kayong naligo?" kunot noong tanong nito sa kanila. "Oo pero sa cr sa kwarto ni ninang ako naligo para sabay na kaming matapos. Naligo na ba si Gelo?" sagot ni Yara dito pero umiling ang kaibigan kaya sumilip s'ya sa loob ng kusina at naroon ang hinahanap n'ya. Nakataas ulit ang paa nito at nagkakamay na kumain. "Hindi ka ba nanlalagkit at basang-basa ka kanina ng pawis ngayon natuyuan ka na? Baka mamaya n'yan tatahol na. Ang lamig pa naman ng aircon dito," saway ni Guia sa kaibigan na tumingin lang sa kanila nang pumasok sila at binalik na ang tingin sa pagkain. "Maliligo din ako pagkatapos kong kumain," kumikindat na sagot nito. "Ang sarap talaga ng pagkain dito sa inyo, Yara baby. Puwede bang dito na lang ako tumira?" "Kung papayagan ka ni ninang, puwede naman," nakangising sagot ni Yara. Humaba agad ang nguso nito kaya natawa sina Guia at Denver. Kahit naman kasi kahit nakakapag salita ang mga ito sa harap ng ninang n'ya ay alam n'yang takot din naman ang tatlong ito doon. "Magpaalam ka raw kay tita Alicia baka sakaling payagan ka," asar ni Guia sa ngumunguya na si Argel. "Tingin ko naman ay papayag si tita Alicia kapag magpapaalam ka," gatong ni Denver kaya mas lalong humaba ang nguso nito. "Papayag iyon basta sabihin mo lang na malabong magkakagusto ka sa 'kin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD