"Are you guys will be riding together? How about, I'll just drop you home," nakangiting sambit ni Jeffrey habang diretso ang mga mata na nakatuon kay Yara.
"I'm sorry Jeffrey but we're going home in the same place. We are all going to Yara's house, so I guess we are just having a convenient ride together in 1 ride," si Guia ang sumagot kaya bumaling sa kanya ang atensyon ng binata.
Tumingin si Yara sa dalawang kaibigan na lalake na nakatayo sa unahan ng sasakyan, nakita n'ya ang simpleng pagyango ni Denver at ni Argel. Nakuha n'ya ang ibig sabihin ng simpleng galaw na iyon kaya binalingan n'ya si Guia na sa tingin n'ya ay alam nito ang ginawang signa na iyon ng mga kaibigan nila.
Bago s'ya tuluyang pumasok sa sasakyan ay nilingon n'ya ang tahimik na si Zoren na hindi pala inalis ang tingin sa kanya. Ngumiti ito sa kanya at yumango na pumasok na s'ya. Gustong matawa ni Yara sa eksenang ito dahil kahit hindi naman ito intense pero nagmukhang ganoon.
Noong sinabi nila na parang may hindi maganda sa kung paano s'ya tingnan ng Jeffrey Santiago na iyon ay mukhang naalarma ang mga kaibigan n'ya. Argel can be really soft even if nobody aside from them can sees that but he can also really that hard if he is angry.
Kailan lang noong huling gumamit ito ng kamao at ayaw na nilang maulit iyon. Denver and Argel will never hesitate to break a nose if it's about Yara and Guia.
"Are you coming with them, Mr. Corpuz?"
Napalingon si Zoren sa nagtatanong na si Jeffrey nang marinig n'ya ang sariling pangalan. Sinulyapan n'ya si Yara na nasa loob ng tinted na sasakyan ni Denver habang ang dalawang kaibigan ay narito pa sa labas.
Ibinalik n'ya ang mga mata sa taong naghihintay ng sagot sa tanong n'ya. Why would he ask him that? What if yes? What if no? Would any of those possible answers matter? No!
"No," simpleng sagot n'ya at nakita n'ya kung paano gumalaw ang balikat nito sa pagkikibit. Yara and her friends are his students and he don't seem like liking how Jeffrey Santiago get his self close to them.
"I guess, it's a good-bye for the both of you now, sir. Kailangan na po naming umalis pagod na po sina Guia at Yara," magalang ngunit seryosong saad ni Denver.
"I know our best friend Yara is an eye catcher but she's not who people think she is — that she's soft and all. Matalino s'ya and whoever would want to have her hand will be having the hardest time," nakangising saad ni Argel bago tumalikod kasunod nang naunang tumalikod na si Denver.
Hindi makapaniwalang napasunod ng tingin ang dalawang binata sa likod ni Argel matapos nitong sabihin ang mga salitang binitawan. Zoren clenched his jaw thinking that his gap towards Yara is not a joke. She's so goal oriented that he knew she would never do things that could ruin her name, her future, her plans.
Nang umandar ang sasakyan ni Denver ay nakita nilang mga nasa loob nito ang walang pasabing pagtalikod ni Zoren sa hindi gumagalaw na si Jeffrey. Tinted ang sasakyan pero diretso ang tingin nito sa kung saan banda naka-upo si Yara na para bang nakikita nito ang dalaga.
"You know that's stare is crazy, isn't it?" seryosong sambit ni Guia habang nakatingin kay Jeffrey.
Hindi naman nito makikita na nakatingin sila dito kaya ayos lang.
"Guwapo sana at mukhang mayaman, mukhang may magandang pangalan at mukha naman talagang heartthrob, kaya lang mukhang psycho. Si si Zoren pa rin ang manok ko," natatawang sambit ni Argel saka binaling ang tingin sa likod ng papalayong si Zoren.
"Natural na rin talaga sa atin ang pagiging judgemental natin in our first sight, right?" natatawang saad pa ni Guia.
"It just happened that our instinct is kicking too hard," ani Yara.
Hindi agad pinatakbo ni Denver ang sasakyan hanggang sa dumungaw sa harapan nila ang sasakyan ng professor nila. Bumusina ito dahilan upang tumabi ang mukhang kanina ay naninigas na Jeffrey Santiago habang hindi inaalis ang paningin kay Yara na hindi naman nito nakikita.
"Creepy," Denver mumbled before following Zoren's car.
Nakasunod sila sa sasakyan ng professor nila at hindi inaalis ni Yara ang mga mata n'ya doon. Ngayon ay bumabalik sa isip n'ya ang mga sinabi nito noong papasok sila sa parking lot. Hindi n'ya maintindihan kung ano ba talaga ang ponto nito. Ayaw n'yang isipin na tama ang sinasabi ng isip n'ya dahil ayaw n'yang mag-assume. Isa pa, ang nasa isip n'ya ay walang pupuntahang maganda.
Hindi n'ya rin kilala ang binata, ilang buwan pa lang n'ya itong nakikita sa school at wala s'yang alam tungkol dito bukod sa pangalan at sa kung saan ito nakatira. Iyon lang ang alam n'ya dito at iyon lang din ang alam nito sa kanya. Well, siguro marami na itong narinig tungkol sa kanya dahil gaya ng sabi nito, hindi maiwasan na mabanggit ng mga studyante ang pangalan nilang apat na magkakaibigan.
Kaya malabo ang iniisip n'ya. Curiousity siguro, pupuwede, amusement, oo, pero hanggang doon na lang iyon. Mukha hindi rin naman ganoong klaseng tao si Mr. Corpuz, he don't talk like how Jeffrey speak. He don't act like how Jeffrey act. He maybe give her chills everytime her eyes met his but yeah, that's just it.
"Sayang talaga," umiiling na sambit ni Argel. "Mukhang kakaribalin pa yata si sir Zoren pagdating sa 'yo, Yara baby," bumaling ito sa kanya nang sabihin iyon saka kumindat.
"Kung ano na naman iniisip mo. Hindi n'ya kakaribalin si sir dahil hindi naman interesado si sir sa akin," sagot ni Yara sa kaibigan.
Magsasalita pa sana ito pero sabay silang napalingon kay Denver nang bumusina ito. Nasa tapat na pala sila ng subdivision nila at bumusina ang professor nito bago dumiretso. Tiningnan ni Yara ang oras sa cellphone n'ya at malapit nang mag alas tres. Mabuti na lang ay wala silang pasok bukas dahil kung nagkataon na mayroon at gising pa sila ng ganitong oras ay panigurado mga mukha silang panda pagpasok.
"Ya," pagkuha ni Denver sa atensyon ng kaibigan na si Yara. Napatingin naman ito sa kanya at tiningnan n'ya rin ito sa pamamagitan ng rare view mirror.
"Bakit?" pagtatanong ni Yara dito. Nakapasok na sila sa subdivision at malapit na rin sila sa bahay nila kaya inaayos n'ya ang sarili at bababa kaagad sila dahil pakiramdam n'ya ay ang lamig sa labas.
"I don't know if you noticed how Hope Martinez and her partner reacted after the final announcement of the winner," ani Denver nang maalala kung paano sumilay sa mukha ni Hope Martinez ang pagkagulat nang tawagin ang pangalan n'ya bilang 1st runner up.
"Ay, nakita ko iyon! Umasa ba s'ya na papaboran natin s'ya dahil lang pareho tayo ng department sa kanya?" maarteng sambit ni Argel.
"I saw her too. Nakita ko na rin na hindi n'ya in-expect marinig ang pangalan n'ya sa 1st runner-up. Ang mga studyante din naman sa likuran namin ay inasahan na mananalo s'ya dahil sa dami ng judges na nagmula sa department n'ya. Nagulat din sila noong hindi s'ya ang nakakuha ng korona," ani Guia na tinanguan nk Yara.
Inasahan n'ya na ang magiging reaction ng mga tao. Noong nagpakita ang mga iyon nang pagkagulat noong tawagin sa unang gabi sina Guia at Argel ay narinig n'ya na ang mga haka-haka na baka dadayain nila iyon. Sa tingin n'ya ay naging kampante si Hope noong nakita sila kasama ng mga judges sa mesa.
"She wasn't that effective, she was lacking of power and charm. Yeah, she's beautiful but I am not actually satisfied with her answer — no, I don't like her answer. Way to far from the question. I was expecting a fire from her since that wasn't her first time ramping in the same stage," seryosong sagot ni Yara.
Nakita n'ya rin naman kasi kung gaano kadismayado si Hope pero ano ang magagawa nila? Iyon lang ang inabot ng performance n'ya. She was joining a contest that beauty is not the only thing that matters, neither the body but the brain as well.
Agad silang nagbabaan ng sasakyan nang makapag park ng maayos si Denver sa garahe nina Yara. Naroon na ang sasakyan ng ninang n'ya. Malamang sa malamang ay natutulog na ito dahil anong oras na, pero hindi rin naman s'ya magugulat kung madadatnan n'ya itong gising pa at hinihintay s'ya kahit pa alam nito na possibleng late na nga s'ya makaka-uwi dahil sa event.
Napakapit si Guia sa braso ni Yara dahil sa lamig na dumaloy sa katawan nila nang makalabas ng sasakyan.
"It's not even December and we're not in Baguio pero bakit ang lamig? Parang biglaang naging frozen ang dugo ko," natatawa nitong sambit.
Pareho silang napayuko nang biglang sumulpot si Argel sa likuran nilang dalawa at umakbay sa kanila pareho. "Ini-imagine ko ang hot na si sir Zoren para mabawasan ang lamig," anito na parang wala lang.
"Mag-freeze sana ang dugo mo baka sakaling umayos ang daloy n'yan sa utak mo," natatawang saad ni Guia dito kaya maging s'ya ay hindi napigilang matawa.
Si Denver ang nagbukas ng pinto nang iabot ni Yara ang susi sa kaibigan at hindi na sila nagtagal sa labas dahil baka magkatotoo ang sinabi ni Guia na na-frozen o ma frozen ang mga dugo nila. Pareho silang natatawang pumasok sa loob pero nabitin sa ere ang tawa nilang dalawang nang makita nila ang ninang ni Yara na nasa sala at kagaya ng palagi n'yang nadadatnan na eksena nito sa tuwing hinihintay s'ya, nakaharap ulit ito sa laptop nito habang seryoso ang mukha.
Agad na tumakbo si Yara upang lapitan ang ninang n'ya na nag-angat ng tingin sa kanila nang mabuksan at makapasok sila ng tuluyan.
"Ninang, why are you still up?" pagtatanong n'ya dito saka hinalikan ito sa pisngi.
"Hi tita," pagbati ng tatlo n'yang kaibigan sa ninang n'ya saka bumeso ang mga ito.
"Dito na kayo matulog tatlo, pina-ayos ko na ang guest room para sa inyong dalawang, Denver at Argel. Si Guia naman ay sa kwarto naman ni Yara iyan natutulog. Nagpahanda na rin ako ng pagkain dahil inisip ko na baka gutumin kayo pagdating ninyo dito," nakangiting saad ng ninang n'ya habang nililigpit ang mga gamit sa mesa.
"Ninang, hindi mo na sana kami hinintay, anong oras na po, hindi pa po kayo natutulog," malambing na saad ni Yara pero mahinang tumawa lang ang ninang n'ya saka pinisil ang mukha n'ya kaya humaba ang nguso n'ya.
"Oo nga po tita, may trabaho pa po kayo bukas, pero salamat po sa paghintay at pasensya na rin po sa abala," magalang sa sabi ni Denver kaya napalingon sa kanya ang ninang ng kaibigan. Tinapik lang nito ang balikat n'ya saka umiling.
"Hindi kayo abala, as long as hindi masamang balita ang makakarating sa akin tungkol sa inyong apat. Gusto kong nakikita na buo kayong darating dito sa bahay ko kaya hinintay ko na kayo, ngayon na nandito na ako aakyat na ako," sagot nito at humalik muna sa pisngi ni Yara bago dumiretsong umakyat sa hagdan.
"Narinig ninyo ang sinabi ni tita Alicia?" pabulong na sabi ni Argel.
Alam na nilang Yara kung alin sa sinabi ng ninang n'ya ang tinutukoy ng isang ito pero pinili nilang huwag pansinin ang tanong ni Argel.
"Let's go upstairs na, G, para makapagbihis na tayo," pagyaya n'ya kay Guia na agad tumango.
"Mag-shower na rin ako, bababa pa ba kayo mamaya?"
Tango ang isinagot ni Yara sa tanong ni Denver habang pilit iniiwasan ang mga nanlilisik na paningin ni Argel na palipat-lipat sa kanilang tatlo. Mukhang nakuha agad nito na iniwasan nila ang sinabi nito.
Habang naglalakad paakyat ng hagdan ay narinig ni Yara ang impit na tawa ni Guia kaya hinawakan n'ya ang braso ng kaibigan at bahagyang pinisil iyon bago pa tuluyang lumabas ang pinipigilan nitong pagtawan.
"Mamaya mo na ilabas iyan kapag nasa loob na tayo ng kwarto ko," pabulong na sabi n'ya na tinanguan ng kaibigan.
"Hindi lang talaga maalis sa isip ko ang hitsura ni Gelo," natatawang sabi nito.
Parang kanila lang at bakas sa mga mukha nila ang pagod at antok pero ngayon na naka-uwi na sila, parang nabuhay naman yata ang mga dugo nila. At kagaya nga ng sabi ni Yara, ilabas kapag nasa loob na sila ng silid n'ya. Sabay silang humalakhak ni Guia nang maisara n'ya na ang pinto ng kwarto.
"His reaction was priceless, nakakatawa talaga ang bakla na iyon. Kahit na marami ang sinabi ni ninang kanina, alam naman natin kung alin sa mga iyon ang tinutukoy n'yang nagustuhan n'ya," natatawang sambit ni Yara bago pumasok sa banyo n'ya upang makapaglinis ng katawan.
Kanina ay gusto n'yang maligo pero nagbago ang isip n'ya at hindi n'ya na lang babasain ang buhok, every other day n'ya nga lang pala binabasa ang buhok at ayaw n'ya itong masira. Pero siempre kahit naman hindi n'ya binabasa ang buhok pa minsan-minsan ay araw-araw n'ya namang pinaliliguan ang katawan.
Yara is a clean freak. Nangangati ang katawan n'ya kapag hindi naliliguan.
Agad na sumunod si Guia sa kanya sa banyo nang matapos s'yang maligo at habang nasa loob pa si Guia ay ginawa n'ya na ang kanyang night routine para pagkatapos ng kaibigan ay bababa na lang sila upang kumain. Hindi n'ya pa rin mapigilang matawa kapag naalala n'ya ang hitsura ng binaliwala nila na si Argel kanina.
Hindi na rin iyon nagsalita noong wala sa kahit na sino sa kanilang tatlo ang pumansin dito. Alam n'yang nakita ng kaibigan nila ang pagsadya nila na hindi ito pansinin kaya ganoon na lang sila nito tingnan. Nang matapos s'ya at tumayo s'ya at saka inilibot ang mga mata sa buong silid n'ya.
Hindi n'ya pa natatanong ang ninang n'ya patungkol sa bote na nakita n'ya dito noong nakaraang araw. Sa tingin n'ya ay huwag na lang n'ya iyong itanong sa ninang n'ya. Kung kanino at sino man ang naglagay noon dito ay malalaman n'ya rin naman at tsaka baka nakalimutan lang ni Gina na nailapag n'ya ang bote na iyon sa computer table n'ya.
Tatakutin n'ya lang ang sarili n'ya kapag hinayaan n'ya ang sarili na isipin nang isipin ang mga bagay na nakita n'ya sa loob ng silid n'ya na hindi n'ya alam kung saan nagmula. Impossible rin naman kasi na may nakakapasok na ibang tao dito sa bahay nila. Kung sana lang ay hindi s'ya allergy sa aso at kung sana lang ay hindi naiirita ang ninang n'ya sa tahol ay baka may aso na sila na nagbabantay sa paligid nila.
Pero malabo talaga iyon, malabo na may makakapasok dito. They are living in a gated subdivision.
"Ya? Baba na tayo? Baka nagbigti na iyong kaibigan natin sa gutom."
Napalingon si Yara kay Guia na kakatapos lang maligo. Hindi rin nito binasa ang buhok at ang katawan lang ang binasa. Natawa s'ya ng mahina sa sinabi nito pero umiling s'ya bilang pagsang-ayon dito.
"That's impossible. I bet, pagbaba natin either kumakain s'ya o tapos ng kumain." Kumikindat na sambit n'ya kaya natawa si Guia na para bang may narealize na isang bagay.
"Oo nga pala! Nakalimutan ko na nang-ra-raid nga pala ng kusina iyon nang hindi nagpapaalam," sambit nito habang pababa ng hagdan.
Wala silang naabutan sa sala kaya nagkatinginan silang dalawang. Maging si Denver ay wala sa sala pero malabong nasa kusina ang kaibigan nila na iyon. Kung gaano kalabo ang chance na nasa kusina si Denver ay ganoon naman kalinaw ang chance na naroon si Argel.
"Sana lang ay hindi nanggising ng katulong ang baklang iyon dahil kapag nagkataon papakuloan ko s'ya sa pressure cooker," seryosong saad ni Yara na nagpatawa kay Guia. Nilingon n'ya ang kaibigan, "I was serious please don't find it a joke."
"I'm sorry," natatawang sabi nito kaya napa-face palm na lang si Yara. "No, it's not what you said that made me laugh, iniimagine ko kasi kung ano ang magiging hitsura ni Gelo kapag pinapakuluan."
Mas lalong nag-isang linya ang mga labi ni Yara dahil sa sinabi ng kaibigan.
"G, let's go, kailangan mo ng kumain. Naiintindihan kita dahil madaling araw na rin naman na talaga, so don't worry." Hinawakan n'ya ang kamay ng kaibigan at hinila papunta sa kusina pero bago pa sila makapasok ng tuloyan doon ay narinig nila ang pagtawag ni Denver ng mga pangalan nila mula sa sala kaya napalingon sila dito ng sabay.
"Ano ang nangyayari sa inyong dalawa?" nakakunot noong tanong nito.
"Guia is hungry and she's in need of a food therapy," natatawang sagot ni Yara dahilan para mahampas s'ya ni Guia sa braso na agad n'yang hinimas.
"Lumabas ka ba?" pagtatanong naman ni Guia sa binata.
Nilingon ni Denver ang pinanggalingan saka tumango.
"Inilagay ko lang iyong bag ko sa sasakyan, kakababa lang din ba ninyong dalawa?"
Sabay na tumango ang dalawang dalaga bago silang tatlo sabay-sabay na pumasok sa kusina. At tama ang hinala ni Yara, dahil naabutan nila ang patay gutom na baklang si Argel na kumakain habang nagkakamay at nakataas pa sa upuan ang isang paa. Nakapatong ang braso sa tuhod na nakataas at nagbabalat ng hipon.
Naglaway at biglang nagutom si Yara nang makita ang seafoods sa mesa.
Tumikhim si Denver upang makuha ang atensyon ng kaibigan nilang busy sa pagkain.
"Talagang nauna ka nang kumain, ano? Hindi mo na kami hinintay?" mataray na saad ni Guia saka inagaw ang hawak ni Argel na nabalatang hipon saka walang pasabing isinubo sa sarili. "Hmm, infairness naman talaga kay Ate Maica laging masasarap ang luto."
"Akala ko hindi kayo kakain kasi hindi naman ninyo ako pinansin kanina, pero alam n'yo ba habang kumakain ako, may naalala ako," nakangising sambit nito, sabay na nagtatanong ang mga mata ng tatlo. "Hindi ba nga ang sabi ko hahanap ako ng ebidensya upang mapatunayan ang sinasabi ko na crush ni sir Zoren si Yara? May nakuha ako."