"Pero bakit kasi hindi ka nagkaka crush Yara baby? Maganda ka — sobrang ganda, matalino, sexy, matangkad, mayaman. Oh. Hindi kaya o baka naman gan'yan din ang gusto mo."
Naibuga ni Yara ang tubig na iniinom dahil sa sinabi ng kaibigan. Nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Baliw ka na, tingnan mo na nga lang iyong in-order natin kung nasaan na baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo," pagalit n'yang sabi at tinalikuran ito saka lumapit sa ngumunguya nang mansanas na si Guia sa sala habang pinapanood si Denver na naglalaro ng ps5.
Napatingin sa kanya ang mga kaibigan at tumaas ang kilay ni Guia sa kanya.
"Bakit ganyan ang hitsura mo?" pagtatanong nito sa kanya.
"Alin?" tanong n'ya, kinapa n'ya pa ang sariling mukha.
"Bakit parang galit ka?" paglilinaw nito ng tanong.
Biglang pumasok sa isip n'ya ang tanong ni Argel sa kanya kanina habang umiinom ng tubig. Napa-irap s'ya sa kawalan ng wala sa oras.
"Ang kaibigan mong baliw, tinanong ba naman ako kung bakit raw hindi ako nagkaka-crush, maganda naman daw ako ----"
Pareho silang napalingon nang may biglang magsalita sa tabi dahilan para hindi n'ya matapos ang sasabihin, "sobrang ganda, matalino, sexy, matangkad, mayaman. Oh. Hindi kaya o baka naman gan'yan din ang gusto mo? Oh bakit, tama naman ang tanong ko ah, hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang iyan naisip, masyado ka lang sigurong maganda at feminine kaya hindi ko iyan naisip noon."
Napahinto si Denver sa paglalaro at napatingin sa kaibigan, parehong nag-isang linya ang mga labi nina Guia at Yara.
"Oo alam ko na gutom ka na, bakla, pero malala na iyan, hindi na iyan dahil sa gutom. Ano ba ang nahithit mo at nasira iyang ulo mo?" naka-face palm na saad ni Guia dito.
"Matagal nang may sira ang ulo n'yan," naiiling at nakangising sambit ni Denver saka bumalik sa paglalaro.
"Ano ba kayo!" pag-angal nito at umupo sa sofa sa tabi mismo ni Yara at hinawakan ang kamay ng dalaga.
Masamang tiningnan ni Yara ang kaibigan saka hinayaan ang ginagawa nito.
"Kapag dadasalan mo ako dahil riyan sa hindi ko alam kung saan galing na tanong mo, huwag mo nang ituloy baka mabasag ko iyang mukha mo," madiin na sambit n'ya kaya napatawa ito maging ang dalawang kaibigan.
Si Guia na nakatingin sa kanila habang si Denver na nakatutok sa monitor habang naglalaro pero nakikinig sa usapan nila.
"Yara baby, may mga katanungan lang ako, sagutin mo ng totoo, ah. Huwag kang echosera!" seryosong sabi ni Argel habang seryosong nakatingin ng diretso sa mga mata ng dalaga.
"Susubukan ko, ayusin mo lang ang mga tanong mo," nakangising sagot naman ng huli.
"Parang alam ko na kung ano ang mga tanong n'ya sa 'yo, Ya," natatawang sambit naman ni Guia kaya nakatanggap ng masamang tingin mula sa kaibigan na si Argel.
"Ssh! Ang ingay mo," saway nito sa kaibigan bago ibalik ang mga mata kay Yara, "okay, Yara baby, naga-guwapohan ka ba sa akin?" panimulang tanong nito na nagpakunot sa noo ni Denver at pilit pinipigilang matawa pero si Guia hindi mapigilan ang paghalakhak.
"Oo," nakangising sagot ni Yara.
Baliwala kay Argel ang ume-echo na tawa ni Guia at nakatuon lang ang attention sa kaharap na si Yara. Tumango s'ya sa naging sagot ng dalaga.
"Nagagandahan ka ba kay Guia?" pangalawang tanong nito. Natigil sa pagtawa ang kaibigan na si Guia at hinampas sa hita si Argel.
Nilingon ni Yara si Guia saka mahinang natawa, "oo naman," sagot n'ya at kinindatan ang kaibigan na kumindat rin pabalik.
"Okay, si Denver, nagaguwapohan ka rin ba sa kanya?" sunod na tanong nito.
"Of course," tumatangong sagot ni Yara.
"Minsan ba kapag napapadaan ka sa labas o kaya sa hallway ng school, sa room, may mga araw ba na bigla ka na lang may napapansin na isang babae tapos napapasabi ka ng ang ganda naman n'ya?" nagda-drama nitong tanong, pumipikit pa ang mga mata nito habang may malawak na ngiti na parang kinikilig.
"Hindi, wala," diretsong sagot ni Yara dahilan para biglang magbago ang expression ng mukha nito.
Mula sa kinikilig ay naging hindi makapaniwalang napatingin ito sa kaibigan dahil sa naging sagot.
"Mga tanong mo pang baliw," kumento ni Denver kaya natawa ang dalawang babae pero patay malisya si Argel at hindi iyon pinansin.
"Kahit isang beses, hindi ka gumanoon?" kunot-noong tanong pa nito at tanging iling lang ang binigay ni Yara habang may malawak na ngiti sa labi. Bumuntong-hininga si Argel saka napapikit at nag-iisip.
"Kailan mo ba nakita na nagkaroon ng pakialam si Yara sa ibang tao, ha? Itigil mo na nga 'yan, hindi tomboy ang isang iyan, may crush nga na artista iyan eh," sambit ni Guia kaya napatingin dito si Argel.
Biglang tumunog ang door bell kaya sabay silang apat na napatingin dito. Agad na tumayo si Guia at hindi pinansin ang kaibigan na mukhang handa nang magsalita.
"Alright, samgyup is finally in the house," masayang sabi ni Denver saka tinigil ang nilalaro at tumayo para sundan ang kaibigan na si Guia.
"Mga gutom na ang mga hayop," naka-ismid na sambit ni Argel habang nakatingin sa likod ng dalawang kaibigan na tumanggap ng pina-deliver nilang pagkain.
"Ikaw ba hindi pa? Malapit ka na ngang matalo ng gutom," natatawang pambabara ni Yara saka iniwan ang kaibigan para sundan ang dalawa sa may dining table.
"Gosh, I'm so famished! Gusto ko ng kumain," natatakam na sabi ni Guia habang hinahanda ang pag-iihawan nila ng mga karne.
"Guys, naalala ko nga pala iyong program, nakita n'yo na ba?" biglang tanong ni Denver kaya napatingin sa kanya ang dalawang babae at nanlaki ang mga mata nang marealize ang patungkol sa bagay na iyon.
"Oh my, naiwan ko iyong sa akin sa kotse, ipinatong ko lang sa upuan iyon eh," laglag balikat na sagot ni Yara.
"Teka, nasa bag iyong akin, Ya, paki-ayos nga nito kukunin ko lang saglit. Oo nga, dapat makita na natin iyon para makapag decide na tayo," sambit ni Guia saka lumabas ng kusina para kunin ang papel na pinag-uusapan nila sa bag n'ya.
Pero napahinto ito nang makita ang isang kaibigan na nakahilata sa sofa habang ngumunguya ng kung ano at nakatitig sa TV. Kaya naman pala wala ang isang ito sa kusina at silang tatlo lang naroon. Umismid ang mukha ni Guia at dahan-dahan ang lakad upang hindi makagawa ng kahit na ingay saka maingat na kinuha ang isang maliit na unan at walang pagdadalawang-isip na hinampas sa mukha ng kaibigan na napabangon at napasigaw sa gulat.
"Papatayin mo ba ako sa gulat, ha?!" galit na sigaw nito habang kinakapa ang dibdib.
"Kaya naman pala wala ka sa kusina nandito ka lang pala, tumulong ka doon, susunugin namin itong bahay mo eh," mataray na sambit ng dalaga dahilan para irapan s'ya ng huli.
"Luto na ba?" pagtatanong nito kaya masama n'ya itong tiningnan habang kinukuha ang papel mula sa bag n'ya.
"Pumunta ka na doon para maluto ka na," sagot n'ya pero inismiran lang naman din s'ya.
Hindi na pinansin ng dalaga ang kaibigan at bumalik sa kusina. Naramdaman n'ya ang pagsunod nito pero hindi n'ya na nilingon.
"I think mas masarap 'to kung may beer tayo," nakangiting sabi ni Denver habang iniihaw ang mga karne.
Agad na lumapit si Yara sa ref ni Argel pero wala nang kahit na tanong inumin doon maliban sa tubig. Napatingin s'ya sa mga kaibigan na sina Denver at Guia at sabay silang napalingon sa ngumunguyang si Argel.
Napatigil ito sa pagnguya at tumaas ang kilay, "bakit ganyan kayo makatingin?" masungit na pagtatanong nito.
"Wala ka ng beer," saad ni Yara kaya tumuon sa kanya ang mga mata nito at nagtatanong ang tingin nito sa kanya.
"Kailangan natin ng beer," dagdag sabi ni Denver nang hindi na tinitingnan ang kaibigan na mukhang naiintindihan na kung ano ang ibig nilang sabihin.
"Oh? Bakit kung makatingin kayo parang sinasabi n'yo na ako ang bibili sa baba?" nakataas ang kilay nitong tiningnan ang tatlong kaibigan habang pagtatanong.
Mahinang natawa si Guia saka lumapit dito at humawak sa braso n'ya, "bakla, hindi parang, kasi oo," mahinang sabi nito kaya mabilis s'yang iwinaksi ni Argel at padabog itong naghila ng upuan at naupo.
"Ayaw ko!" himutok nito saka masamang tiningnan ang tatlong kasama.
"Sige, ako na lang. Siguraduhin ninyo na walang makakain iyan kahit isang karne, ha?" mahinahon na sambit ni Yara at kaagad na tumango sina Denver at Guia.
"Hoy! Ako ang nagbayad n'yan ano!" kontra pa nito. Tumango si Yara dito at nagpunas ng kamay gamit ang tissue.
Akmang lalabas na ang dalaga sa kusina nang biglang magsalita ang kaibigan na si Argel.
"Mga walang-hiya talaga, sige na ako na ang bababa! Basta dapat pagbalik ko, kakain na lang, mga walang-hiya!"
Napahinto si Yara at dahil nga nakatalikod na s'ya dito ay napakagat labi s'ya upang pigilan ang paglabas ng tawa n'ya. Sinseryos n'ya ang mukha at humarap dito.
"Are you sure? Okay lang naman sa akin na ako na lang ang bababa, nasa baba lang naman iyon," mahinahong tanong ni Yara dito kaya kung nakakamamatay lang talaga ang tingin ay paniguradong patay na s'ya ngayon.
"Huwag ka na nga! Napakatalino mo talaga mag-isip, 'no? Walang makakatalo!" pa-irap na sabi nito sa kanya kaya natawa s'ya.
"Totoo nga!" pagkukumbinsi pa nito.
"Samahan kita, Ya. Tayo na lang dalawa," biglang sabat ni Guia.
"Oh, sasamahan raw ako ni G, kami na lang," nakangiting sabi ni Yara at tuloyan na nga silang lumabas ni Guia ng kusina.
Hindi na sila sinundan ni Argel dahil seryoso na rin naman s'ya sa sinabi na s'ya na lang ang bababa dahil nakalimutan n'ya ang cellphone sa sasakyan n'ya. Kailangan n'yang tawagan ang ninang n'ya para sabihin na hindi na s'ya makakasabay sa hapunan nito.
Iyon palagi ang bilin sa kanya ng ninang n'ya, hindi naman s'ya pipigilan nito sa mga gusto n'yang gawin basta hindi lang s'ya mapapahamak, ang importante ay magpapaalam, magsasabi para walang maghihintay.
"Epic ang mukha ni bakla, takot na takot na hindi papakainin," natatawang saad ni Guia nang makalabas sila ng unit ni Argel.
"Masyadong seryoso kapag pagkain ang pinag-uusapan," sagot naman ni Yara at sinabayan ang mahinang tawa ng kaibigan.
"Oo nga pala, Ya, nakita ko na ang program at ikaw nga magsisindi ng academic torch at sa Monday iyon. Sa activity torch naman ay ikaw pa rin at sa Tuesday naman iyon, bago magsisimula ang mga activities," seryosong sambit ni Guia na ikinagulat ni Yara.
Hindi s'ya makapaniwalang napatingin sa kaibigan dahil sa narinig.
"Ako sa dalawa? Bakit ako? Baka pwede ko pang ipasa sa recent captain ng volleyball o kaya naman sa basketball ang activity torch," aniya.
Kasi kung hindi lang irresponsable tingnan ay maging ang academic torch ay baka ipasa na rin n'ya. Ngayon na huling taon na lang n'ya ay gusto n'ya na lang sana na panoorin ang mga nasa lower year na gawin ang mga iyon. She's been doing that for her entire years with LU.
"Habang ako naman ang sa opening speech ng program," laglag balikat na sambit ni Guia, "ayaw ko noon eh, masyadong maaga iyon," reklamo nito.
"G, kasabay iyan ng academic torch for sure," ani Yara na tinanguan ng kaibigan.
Agad silang pumasok sa elevator nang bumukas ito at walang tao. Mabuti na lang dahil hindi lang isang beses na tinanong sila kung residents ba sila dito.
"Oo, pero alam mo rin naman na pinakaayaw ko ang pag-speech. Palit nalang kaya tayo, Ya. Ikaw na lang sa opening speech at ako na lang sa activity torch," agad na sabi nito, nanlalaki pa ang mga mata na para bang naka-isip ng magandang ideya.
"Magsisindi ako ng academic torch sa umaga kaya hindi pwede na ako ang mag-opening speech, pero pwede mong kunin ang activity torch," sambit n'ya nang palabas na sila ng elevator at nang makarating sila sa basement.
"Bakit nandito tayo sa basement? May kukunin ka ba sa sasakyan mo?" nagtatakang tanong ni Guia nang marealize na wala sila sa ground floor kung saan naroon ang convenient store ng building na ito na nagtitinda ng mga gintong bilihin.
May grocery store naman din sa tapat pero dahil may mga tamad tumawid doon na lang, pero kulang din naman iyon.
"Yeah, I forgot my phone. Baka hihintayin ako ni ninang for dinner eh, kailangan ko s'yang masabihan na hindi na ako sa bahay maghahapunan ngayon," sagot n'ya habang papalapit silang dalawa sa sasakyan n'ya.
"Okay." Luminga-linga si Guia sa paligid hanggang sa tumama ang mga mata n'ya sa sasakyan doon sa slot kung saan sinisilip kanina ng kaibigan na si Argel.
"Hindi ko na dadalhin sa taas itong program, patingin na lang ako ng sa iyo," saad ni Yara nang makuha ang cellphone at isinara ang sasakyan.
"Kilala mo ba ang sasakyan ni sir Zoren? Iyan iyon hindi ba?" Itinuro ni Guia ang sasakyan kaya sinilip iyon ni Yara.
Naningkit ang mga mata ng dalaga at inaalala ang sasakyan na minsan nang naiparada sa tabi ng sasakyan n'ya. Tumango s'ya nang maalala ito.
"Oo, iyan yata. Pero hindi ako sigurado kung iyan nga iyon, marami naman ang may ganyan," kibit-balikat na sagot n'ya saka tumalikod at tumuloy na sa elevator at agad na pinindot ang button para sa ground floor.
"Sabagay. Pero infairness ano, ang ganda. Sa tingin ko talaga hindi biro ang buhay ni sir Zoren, mukha pa lang n'ya halata nang mamahalin eh," nakangising sambit nito.
Sang-ayon naman si Yara doon. Halata naman talaga sa binata na hindi naghihirap, hindi lumaki sa hirap. Halata sa lalake ang pagkakaroon ng magandang buhay.
"Halata naman sa kanya," sagot n'ya.
"Kaya trip na trip ni Gelo eh," natatawang saad ni Guia, "ay oo nga pala, naalala ko, Ya, may sinabi sa akin kaninang umaga si Papa na may balak magbukas si tita Alicia ng resort."
Napalingon si Yara sa kaibigan nang marinig ang sinabi nito. Hindi n'ya alam na may ganoong plano ang ninang n'ya. Alam n'yang mahilig ito sa resort, pero hindi n'ya naisip na may binabalak itong magkaroon ng sarili.
"Talaga? Hindi ko alam iyan, hindi naman nabanggit ni ninang sa akin iyan," aniya habang nakatuon na ang mga mata sa nakahilirang inumin sa shelf.
"Hala, baka surprise dapat sa 'yo," napatakip ito sa bibig pero nakabawi rin naman kaagad,"pero wala namang sinabi si papa na huwag kong sabihin sa 'yo, so baka naman hindi," natatawa naman nitong sabi.
Kumuha sila ng ilang beer in can at inilagay sa basket, wala naman na silang iba pang kailangan kaya dinala na nila iyon sa cashier. Ito lang ang maganda sa lugar na ito sa tuwing bumibili sila dito. Hindi nagkakaroon ng pila sa cashier kaya hindi nagiging mabagal at hindi sila nagtatagal.
"Pero tatanungin ko si ninang kung saan n'ya balak, or baka bibili na lang bigla ng resort iyon," nakangising saad n'ya habang inaabot ang card n'ya para sa bayad nila.
"Kung mag-resort na lang din kaya tayo next week, kung maibigay mo sa ibang players ang pagsisindi ng torch," sambit ni Guia na tinanguan n'ya.
"Oo, ayaw ko nang ako na naman ang magsisindi noon, iparanas naman nila sa iba. Iyong captain ng basketball team ng boys, hindi ba, ka batch natin iyon? Last year n'ya na, baka naman pwede s'ya," nakangusong saad ni Yara.
"Subukan natin na kausapin sa Monday kasi Friday pa naman ang pagsisindi ng torch, pero kailangan din natin iyon ipaalam sa adviser." Tumango si Yara sa sinabi ng kaibigan dahil tama ito.
"Kapag pumayag s'ya, aalis tayo ng Monday ng gabi para naman kahit papaano eh makapag enjoy muna tayo kasi pagkatapos ng school fair, midterm week na iyon," seryosong sambit n'ya.
"Ma'am kami na po ang maghahatid sa unit po ninyo, paki-sulat na lang po ang unit number," saad ng isang employee sa store.
Kapag mabigat ang binibili nila ay tinutulongan sila ng mga ito, pero dahil hindi naman gaanong mabigat ay umiling na ang dalawa at binuhat ang paperbag na may laman na inumin.
"Thank you, kami na ang bahala, kaya na namin," sagot ni Guia dito saka tuloyan na silang lumabas ng store at dumiretso sa elevator.
Parehong nanlaki ang mga mata nilang dalawa nang makita ang kilala nilang mukha sa pagbukas ng elevator.
"Sir Zoren, hi sir," nakangiting bati ni Guia sa binata na papalabas ng elevator.
"Oh, you two are here, are you going to Mr. Santos'?" pagtatanong nito sa kanila pero napatingin ng diretso kay Yara.
Tumango ang dalaga, "yes po," simpleng sagot n'ya at agad na pinindot ang button kung nasaan ang unit ng kaibigan.
"Bye, sir." Kumaway si Guia sa binata na s'yang binalik naman ng huli at ngumiti.
"He really don't look like a professor," wala sa sariling sambit ni Yara kaya napatingin sa kanya ang kaibigan.
"Ang intimidating ng mga mata ni sir, kaya tama ka. Hindi s'ya mukhang professor, mukha s'yang CEO ng isang malaking negosyo, pero hindi naman impossible iyon. Sabi nga n'ya noon, temporary lang naman ang pagtuturo n'ya," sagot ng kaibigan n'ya bago sila tuloyan nang lumabas ng elevator.
Pinili ni Yara na hindi na magkomento sa sinabi ng kaibigan at diretso na silang pumunta sa unit ni Argel kung saan naiwan ito kasama ang isa pang kaibigan.
"Sana lang ay hindi tayo inubosan ng pagkain," natatawa n'yang sabi nang dumating sila sa tapat ng pinto at pinindot ang door bell.
"Ang bakla na iyon ang ihihiwain ko kapag wala nang natira," sagot naman ng kasama kaya pareho silang natawa at sakto ang pagbukas ng pinto saka bumungad sa kanila ang mukha ng kaibigan na kanina lang ay pinag-uusapan nila.
"Anong tinawa-tawa ninyo? Ang tagal n'yo na nga tatawa-tawa pa kayo, habang kami malapit ng maluto kaka-ihaw. Bakit ba ang tagal n'yo?" walang awat na sambit nito.
"Bumaba kami sa basement, nakita din namin si sir Zoren," ani Guia.