Chapter 21

2970 Words
Kagat labing tumatakbo si Yara pagkatapos magsindi ng torch. Nasa harap s'ya ng maraming studyante at iyon ang pinaka-ayaw n'yang eksena. Hindi naman ito bago sa kanya pero pakiramdam n'ya palagi ay natutunaw s'ya sa tuwing nakikita n'ya ang mga mata ng lahat na nakatutok sa kanya. Hindi naman s'ya nawawala sa focus kaya lang, ramdam n'ya sa sarili n'ya ang panginginig at hiya. "Mukha kang tumatakas sa humahabol sa 'yo," natatawang sambit ni Guia nang makalapit s'ya dito. Hindi man halata ng iba ang nerbyos n'ya, pero ang mga kaibigan n'ya kitang-kita iyon. Alam n'ya rin na habang kinakabahan s'ya sa harap ng maraming tao ay kalahating sinasabi ng mga ito sa isip na huwag s'yang kabahan at kalahating pinagtatawan s'ya. Kilala n'ya ang mga ito eh, kaya hindi na s'ya nagulat nang may malalaking ngisi sa mukha ang mga ito nang naglakad takbo s'ya palapit dito. "Huwag mong sabihin sa akin 'yan. Ganyan ka rin kanina noong nasa stage ka nagde-deliver ng opening speech, mukha ka ng maiihi," pagbawi n'ya dito na agad sumama ang mukha at napanguso. "Hindi ko rin alam sa inyo, hindi naman ninyo unang beses na humarap sa maraming tao bakit pa kayo kinakabahan," sambit ni Denver. Nakasalamapak silang apat sa damuhan sa gitna ng malawak nilang soccer field. Naroon rin ang maraming studyante dahil required iyon sa pagsisimula ng school fair nila ang parade at dahil maraming studyante ay umabot na sila sa soccer field at ang iba ay nasa semento na quadrangle. "Nga judgemental kasi ang mga mata at isip ng tao. Habang nakatayo ka sa harapan nila, pinupuna ka ng lahat mula ulo hanggang paa, kahit ang pinakapino mong kilos," seryosong sagot ni Argel kaya napalingon sa kanya ang mga kaibigan, hindi makapaniwala sa narinig. "Sa 'yo nanggaling iyon, Yara baby." Mahinang natawa ang tatlo at napa-iling na lang si Yara. Napatingin s'ya sa familiar na mukha ng isang matangkad na lalake na papalapit sa kanila at saktong-sakto itong naglalakad sa harap n'ya kaya nakita n'ya kaagad. Kumaway ito kaya kumaway s'ya pabalik, nakita naman kaagad iyon ng mga kaibigan kaya sabay itong lumingon para makita kung ano o sino ang kinawayan n'ya. Remember, Yara don't usually wave her hands up for anybody. "Oh, iyan ang captain ng basketball team, naka-usap mo na?" pagtatanong ni Denver sa kanya. "Hindi pa, nakasalubong ko lang s'ya kanina at sinabihan ko na kakausapin ko s'ya. Mabuti na lang nakita n'ya agad ako, nakalimutan ko pa naman s'ya," mahina s'yang natawa sa sinabi dahil totoo iyon. "Yara," nakangiting bati nito nang makalapit sa kanya at agad itong naupo sa hindi masyadong malayo pero hindi rin malapit sa kanya. "Karl, mabuti na lang nakita mo ako dito," aniya at humarap dito habang ang mga kaibigan ay may sarili ng pinag-uusapan. "Nakalimutan ko pero noong nakita kita naalala ko ang sinabi mo na may importante kang sasabihin, ano po ba iyon?" agad na tanong nito at tinanguan n'ya. "Oo, kasi sa akin binigay ang pagsisindi ng activity torch at bukas iyon, gusto ko sana na ikaw na lang ang gumawa," diretsong sambit n'ya na ikinalaki ng mga mata ng kaharap. Halata ang pagkagulat nito sa mga mata at sa mukha, "seriously? I mean, nakakagulat iyan. Bakit naman? At isa pa, baka hindi pumayag ang adviser ng department. Bakit ako?" tuloy-tuloy na tanong nito habang bakas sa boses ang pagkagulat. Bahagyang napalakas ang boses nito kaya napatingin dito ang mga kaibigan n'ya na kanina ay may sariling pinag-uusapan. "Tanggapin mo na, ikaw ang captain ng basketball kaya ikaw ang pwedeng humawak at magsindi noon," sabat ni Denver sa usapan. "Pero baka hindi pumayag ang adviser natin, guys. Isa pa, inasahan ng lahat na ikaw ang magsindi," nakakunot-noong saad nito. "Naka-usap ko naman na ang adviser natin at pumayag na s'ya. Ang sabi n'ya ay kakausapin ka rin n'ya para alam mo pero dahil ako ang unang nakakita sa 'yo kaya ako ang unang nakapagsabi sa 'yo. Kailangan ko kasi talagang maipasa iyon, nagsindi na rin naman na ako ng torch kanina kaya ayos lang sa akin," mahabang paliwanag ni Yara dito. Napangiti at napayuko ang binata, halata na mas bata ito sa kanya basi sa mukha pero ang katawan ng isang ito ay parang katawan na rin ninang Denver at Argel. Batak na batak dahil sa training. "Grabe hindi ako makapaniwala, naisip ko pa lang na tatakbo sa buong field bitbit ang umaapoy na torch ay parang nakakatakot pero nakaka proud. Kung payag naman po ang adviser, ayos lang sa akin," nahihiyang sagot nito na ikinangiti nilang apat. "Alam mo, sawa na ang mga studyante dito sa mukha ni Yara kaya gusto namin bagong mukha naman," pabirong sambit ni Guia kaya napangiti ito. Napatingala silang lahat nang tumayo si Argel at naupo sa tabi ng lalake nang may malaking ngisi sa labi. Agad na napa-iral si Guia habang nag-isang linya ang mga labi nina Denver at Yara sa ginawa ng kaibigan. "Tsaka ang mga guwapong katulad natin, dapat pinapakita sa lahat," agad sa sambit nito at talagang umakbay pa, natawa at nakipag-apir naman dito ang katabi. Maliwanag ang mukha nitong bumaling kay Yara, "ako na ang bahala bukas Yara, salamat sa opportunity. Kakausapin ko na lang din ang adviser patungkol dito para alam n'ya na kinausap mo 'ko," saad nito na tinanguan kaagad ng dalaga. "Sige, salamat ah," nakangiting pasasalamat n'ya dito. Nakangiting nagpaalam ang lalake bago ito tumalikod sa kanila at tumungo sa mga kasamahan na nakasuot rin ng uniform ng basketball team. "Ikaw napakalantod mo," umiismid na sambit ni Guia sa kaibigan na si Argel at itinuro pa ito. "Ano? Wala naman akong ginawa na masama, magandang advice pa nga iyong sinabi ko eh, ang mga guwapong mukha dapat pinapakita sa madla at hindi itinatabi," pakindat na sagot nito at malakas na tumawa. Wala talagang mag-aakala na baliko ang isang ito dahil kahit ang boses nito kapag tumawa ay ang boses na gustong-gustong marinig ng kababaihan. Well, except Guia and Yara of course. Wala talagang bakas ng hindi pagka-straight na lalake sa panlabas na anyo at sa kilos nito. "Ewan ko sa 'yo. Oh ano, tuloy na tayo?" baling na tanong ni Guia kay Yara at Denver na walang pakialam sa sinabi ng kaibigan na si Argel. Kota na ang mga tainga nila sa mga salitang lumalabas sa bibig ng isang iyon. "I have already contacted mom's bestfriend's resort kasi hindi tayo makaka punta sa iba without booking at mamayang hapon na kaagad ang alis natin," sambit ni Denver na sinang-ayunan ng mga kaibigan. "Yes, so since wala naman na tayong activity for today and finally classes is off for the week. Let's go prepare our stuff. And how about let's have lunch na lang din sa bahay, we're bringing your jeep, right Denver?" Tumango si Denver sa tanong ni Yara. "Great idea! Sa inyo na lang tayo mag lunch!" biglang sabat ni Argel at pagsang-ayun sa sinabi ni Yara. "Sure! Nasabi ko na rin naman na kay mama at papa na aalis tayo," ani Guia saka inabot ang kamay sa nakatayo na si Denver para tumayo. "Alright, alam na rin naman ni ninang na aalis tayo. Hindi n'ya na ako maaabutan later pag-uwi n'ya kaya nagsabi na agad ako sa kanya noong Saturday kahit hindi pa ako sigurado kung matutuloy tayo," nakangising saad ni Yara. Sabay-sabay silang apat na naglalakad paalis ng soccer field nang bigla nilang makakasalubong ang binatang professor. Kumaway ito sa kanila at naglakad papalapit. "Si sir Zoren," ani Argel. "Mabuti na lang at nakita ko na kayo," agad na sabi nito nang makalapit sa kanila. "Hi sir," bati nilang apat ng sabay. Hindi na bago kay Yara na sa bawat tumitingin s'ya sa mukha nito ay napupuri n'ya ang perpekto nitong anggulo sa isip n'ya. Pinilit n'yang huwag maging awkward dito kapag nakatingin s'ya kagaya nang palagi nitong nahuhuli sa kanya. Palagi s'yang kinakabahan kapag nahuhuli s'ya nitong nakatingin dito pero sa pagkakataong ito ay pinilit n'yang umaktong normal. Napansin n'ya rin ang mga kinikilig na kababaihang napapadaan at napapasulyap sa professor nila. "Mr. Santos and Mr. David, I was advised by the dean to find two men for chess. Your block mates also advised me about you two. Our players backed out because they had an emergency, they were involved in a car accident just 30 minutes ago," seryosong saad ng professor habang seryoso din na nakatingin ng diretso sa magkatabi na sina Denver at Argel. "I'm sorry sir but I have an appointment from tomorrow until Friday, I can't join the activity," agad na sagot ni Denver kaya napatingin si Yara dito. Hindi ito nag-alangan na sumagot. Binalik n'ya ang paningin sa kaharap na professor at hindi nakatakas sa mga mata n'ya ang pag-igting ng panga nito. Well, that's hella attractive. "This is for you department guys," saad pa nito. Mukhang hindi inasahan ng binatang professor ang sinagot ni Denver. Maybe because they were known to be competitive, people thought that everything in this school that is supposed to give them a little extra points is fine — they would do it. Siguro kung last year or last last year, pero ngayon na ga-graduate na sila at nagpaparamdam na sa kanila ang mabibigat na linggo ay kahit papaano gusto naman nilang makahinga bago sumabak sa walang pahinga na mga araw. "Sir, mayroon pa sa block namin na magaling rin. Minsan na rin n'ya kaming natalo, pupwede po s'ya sir. Nasa field pa yata s'ya sir, doon namin s'ya huling nakita," sambit ni Argel dahil alam pareho naman sila ng sagot ng kaibigan patungkol sa hiling ng professor. Bumuntong hininga ito at tumango, mukhang nakuha naman nito kaagad na kahit anong gawin nitong pamimilit ay hindi talaga iyon tatanggapin ng dalawa. Bumaling ang binatang professor kay Yara na tahimik lang. "By the way, we will be in the same table, Ms. Formanes and Mr. David," nakangiting saad nito, "though, everyone expected any of you guys in the stage not in the table." "Wala rin kaming inasahan na may isa roon na gagawin namin sir, nagulat nga po kami sa sinabi ni mada — I mean, ni President po," napangiwing sambit ni Guia dahil sa pagkabanggit n'ya ng salitang madam. Napatawa ng mahina ang binata dahil sa naging reaction n'ya at maging ang mga kaibigan. "Maybe because Ms. President knows your capabilities. This will be the first time that I could witness LU's school fair night. I heard that this is not just a chill night, it got standard that is why they invited judges outside from the university and expected someone like you, Ms. Formanes or any of the four of you," saad nito at tiningnan silang pareho pero nahinto ang mga mata nito sa mga mata ni Yara. "Ahm, yeah, but that is just really not our thing, sir. I'm sorry," awkward na sabi ni Yara na tinanguan ng binata. He can see that. "Ahm, sir, ayon po pala si Topher." Itinuro ni Argel ang isang lalake na kanina ay tinutukoy nila, "magaling rin po iyan. May lakad po kasi kami sir eh." "Sure, I'll talk to him. Hopefully he won't decline." Tumatangong saad nito. "Oh. Wait, are you guys not attending the weekdays fair? Where are you going — oh, I'm sorry I shouldn't be asking." "Wala po kasi kaming sinalihan na kahit anong activity this year kasi gusto namin magpahinga, ahm, we are leaving for quick vacation lang po," magalang na saad ni Guia. Bakit naman nila itatago. Isa pa, hindi naman required na nasa school sila through out the school fair. Pwede naman na hindi sila pumunta kung wala naman silang kailangan na gawin. Kaya hindi rin sila pwedeng pilitin kung hindi sila sasali sa kahit na anong activity. May representative man o wala. "Oh wow, I was also planning to go on a vacation this week but the dean gave me a responsibility," natatawang sagot naman nito. "Sayang sir, sige po sir sa susunod kapag hindi kayo busy at vacation din kami, puwede tayong mag vacation, sir," nakangising sambit ni Argel dito at nay pagkindat pa. Pasimpleng kinurot ni Guia ang tagiliran ng kaibigan at napangiwi ito. "By the way sir, we have to excuse ourselves now, we have time to catch," magalang na saad ni Denver kaya nanlaki ang mga mata ng binata at saka tumango. "Pasensya na po talaga sir, hindi kami makakapag participate," hinging paumanhin ni Yara dito at matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Don't worry, they won't know that you guys declined it. If they are going to me why, I'll just tell them that I wasn't able to talk to you," kumindat na saad nito kaya napatawa silang apat. Tinapik ni Zoren ang balikat ng dalawang lalake at ngitian ang dalawang babae nang magpaalam na ang mga ito sa kanya at tumalikod. "Wala na tayong sinunod sa mga sinabi ni Dean," ani Guia at mahinang natawa sa sariling sinabi. "Ayos lang iyan, hindi naman required eh. Tayo lang kasi kaagad ang naiisip nila kahit marami naman na puwede at qualified," saad ni Denver. "Hayaan na lang natin, nandito rin naman tayo ng Friday at Saturday saka na lang natin harapin si Dean," ani Argel at nagkibit-balikat. "Sige na, hihintayin ko na lang kayo sa bahay for lunch. Hindi ko alam kung ano ang pagkain, pero since wala namang pihikan sa pagkain sa atin, kaya ayos lang," ani Yara nang makarating sila sa parking lot kung saan naroon ang mga sasakyan nila. Magkakatabi ang sasakyan nilang apat dahil sabay silang dumating ng maaga. Kinailangan nilang pumunta ng maaga dahil sa speech ni Guia na prinaktis nito sa gitna ng field. Nagtatawanan silang apat dahil hindi naman iyon ugali ni Guia pero ginawa iyon ng dalaga. Pero ayon dito, gusto n'yang masiguro na hindi s'ya mawawala sa tamang bigkas kapag nasa harap na s'ya ng buong LU. "Walang problema pero sana may lechon," parinig ni Argel. Narinig iyon ni Yara pero hindi n'ya pinansin ang kaibigan saka inikot ang mga mata nang papasok na s'ya sa sasakyan n'ya. Naunang lumabas ang sasakyan ni Denver at sumunod kaagad ang sasakyan ni Guia, kasunod naman ang sasakyan ni Yara at nasa huli ang sasakyan ni Argel. Hindi na magbabago ang ganitong nakasanayan nila. Hindi na rin kailangang pag-usapan. Talagang naka-ugalian na nila ang ganitong formation. Sa daan sinisiguro nila na hindi sila masisingitan para hindi mawala sa linya at hindi mawala sa paningin ang kahit sino sa kanila. Agad na bumusina si Yara nang makarating na sila sa tapat ng subdivision nila, narinig naman n'ya ang tatlong busina mula sa mga kaibigan bago pa s'ya tuloyan nang makapasok at tuloy-tuloy ang takbo hanggang sa makarating s'ya sa bahay nila. Dumiretso si Yara sa kusina upang alamin kung ano ang niluluto ng kanyang Ate Maica ngayon. "Ms. Yara narito na po pala kayo,"agad na bati ng tagaluto nila nang makapasok s'ya sa loob ng kusina. Ngitian n'ya ito at sinulyapan ang mga gulay na nasa lamesa na hinahanda ng kasama. "Ano ang niluluto mo ate?" pagtatanong n'ya dito. "Sinigang na baboy po, Ms. Yara. Si madam Alicia po kasi sabi n'ya baka raw pupunta rin ang mga kaibigan ninyo dito kaya iyon ang pinaluto n'ya," sagot nito na ikinangiti n'ya. Mukhang nahulaan ng ninang n'ya na pupunta ang mga kaibigan dito, siguro noong pagkasabi pa lang n'ya na kakain muna s'ya bago sila aalis ay alam na kaagad ng ninang n'ya na may bitbit s'yang mga patay gutom. "Sige ate, salamat. Pakisabihan na lang pala sina Marie na bantayan ang pagdating ng mga kaibigan ko, maliligo pa kasi ako. Pakisabi na rin ate na kapag dumating na sila iyong malaking gate ang bubuksan, ipapasok nila ang mga sasakyan nila," sambit n'ya dito. Hindi n'ya nakita ang mga kasambahay kaya ibibilin n'ya na lang. Agad naman itong tumango kaya nagpaalam na s'ya na aakyat at maliligo pa s'ya. Dumiresto si Yara sa kwarto n'ya at inilabas ang bag na gagamitin n'ya. Apat na araw at tatlong gabi lang naman sila doon kaya hindi n'ya kailangan na magdala ng napakaraming damit. Nag-ayos lang s'ya ng mga damit na magagamit n'ya sa pag-swimming at nilang activities. Nang mailatag na ang mga damit na kailangan ay naligo na s'ya at hindi naman s'ya nagtagal sa pagligo. Habang nakaharap sa salamin ay naningkit ang mga mata ng dalaga nang may mapansin s'yang isang bote ng beer sa gilid na bahagi ng computer table n'ya. Bukod sa personal computer n'ya sa mini library n'ya ay may computer table din s'ya sa loob ng kwarto para sa laptop n'ya. Napahinto si Yara sa pagbo-blower ng buhok at ibinaba n'ya iyon saka nagtatakang lumapit dito. Paano s'ya nagkaroon ng bote ng beer sa loob ng kwarto n'ya? Oo umiinom s'ya ng beer — ganitong klase na beer pero hindi sa loob ng silid n'ya. Iyon ang isa sa maraming bahay na hindi n'ya gagawin, ang uminom sa loob ng kwarto n'ya. Pero bakit mayroon s'ya nito dito? Dinampot iyon ni Yara at agad nanuot sa ilong n'ya ang amoy ng beer. Wala na itong laman, ibig sabihin ay ininom iyon. Ang huling inom n'ya ng beer ay noong nasa unig sila ni Argel at hindi bote iyon, nasa lata ang mga beer na ininom nila roon. Isa pa, hindi s'ya umiinom ng mga ganitong inumin dito sa bahay nila kaya impossible na sa kanya ang bote na ito. Paminsan-minsan ay sinasaluhan n'ya ang ninang n'ya sa wine pero iyon lang, kapag ganoon lang. Itatanong n'ya sa mga kasambahay nila kung bakit may bote ng beer sa loob ng silid n'ya. Baka naglinis ang isa sa kanila at nakalimutan ang bote, baka hindi naman din sa kanila. Baka sa ninang n'ya at nadala lang sa loob ng silid n'ya at nakalimutan kunin. Pero kailan pa uminom ng beer ang ninang n'ya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD