Pinakita n'ya ang cellphone kung saan naka-display ang numerong tumawag.
"Isang beses lang din," saad ni Yara, "hindi ba iyan number ng papa mo? Baka sinabihan ni ninang na tawagan ako," aniya at agad na umiling ang kaibigan.
"Hindi nagpalit ng number si papa, at kung s'ya man iyan, hindi lang iyan isang beses tatawag sa number mo kapag hindi ka nakasagot, tatawag din sa akin iyon kung sakali," sagot ni Guia.
"Sabagay, kanino nga kaya ito. Baka hindi rin importante kasi wala namang text," ibinalik n'ya ang cellphone sa bulsa at nagkibit-balikat.
Ito ang mga ayaw ni Yara dahil sa tuwing may mga bagay na nakikita n'ya, konektado sa kanya at hindi n'ya naiintindihan ay pinipilit n'yang malaman kung ano iyon, kanino iyon, saan iyon galing.
"Bakit parang seryoso kayong nag-uusap kanina?" pagtatanong ni Denver nang lumapit ito sa kanila pagkatapos pumasok sa sasakyan para ilagay ang mga bag nilang dalawa ni Guia.
"May tumawag kay Ya, unknown number," agad na sagot ni Guia kaya hindi na itinuloy ni Yara ang balak n'yang isagot na wala naman.
"Nagtext din ba, Yara?" tanong ulit ni Denver kaya umiling s'ya para sabihin na hindi, "hindi iyan importante kung ganoon. Pero para malaman n'yan ang number mo na iilan lang naman kaming nakaalam. Baka si Gelo, baka tinatawagan ka n'ya kanina."
Napalingon si Yara sa sasakyan ni Argel kung saan naroon ang kaibigan. Hindi nga kaya?
"Pero ka-text ko s'ya kanina habang papunta s'ya dito sa school at iyon pa rin naman ang number na gamit n'ya. Alam n'yo baka wrong dial lang iyan kaya isa lang at saka hindi nga nagtext para sabihin kung para saan ang tawag na iyan," seryosong sabi ni Guia.
"Hayaan na nga natin, baka tama ka G. Kasi kung tungkol kay ninang ang tawag na iyon, hindi lang isa iyon at baka pati ikaw tinawagan na rin ng papa mo. Teka, ano ba ang tinitingnan n'yo sa mga sasakyan doon sa unahan?" pag-iiba n'ya sa usapan.
"Nagtanong ako kay Denver kung alin sa mga nakahilirang iyon ang mura lang pero maganda," nakangiting sagot ni Guia.
"Bakit?" tanong naman ni Yara pabalik.
"Nagbabalak s'yang bumili ng sasakyan," si Denver ang sumagot kaya napatingin s'ya kay Guia na may malaking ngisi sa mga labi.
"Talaga? Kaya na? Omg! G! I'm so proud of you!" masayang sambit ni Yara at niyakap ang kaibigan.
Guia was so excited when she told her friends that she's saving up for a car. Ayaw n'yang humingi sa mga magulang kaya ganoon nito tinipid ang sumasakto lang na allowance.
Hinahati ng dalaga ang allowance sa tatlo noon, projects, daily baon at savings. Noong napag-isipan nito na bibili s'ya ng sasakyan someday ay hinati nito ang allowance sa apat. Naging mabigat man para dito pero hindi s'ya humingi ng dagdag na allowance sa mga magulang n'ya.
Ang reason n'ya wala pa s'yang source of income kaya pipilitin n'yang makapag-ipon para daw kung sakali na makakapagsimula na s'ya ng trabaho ay ang sahod n'ya diretso sa magulang n'ya at hindi n'ya na iisipin ang pambili ng sasakyan.
"Nagawa ko! Noong nakita ko kung magkano na ang laman ay natuwa talaga ako dahil sabi ko, achievement para sa akin iyon," masayang saad nito nang bitawan ito ni Yara.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo puwede naman na tulungan ka namin eh, e 'di sana hindi na umabot na halos tatlong taon ang pagtitipid mo," pagbibirong sabi ni Yara dito pero tumawa lang ito.
Binalaan na sila noon ng kaibigan na huwag s'yang tulongan para roon dahil para kay Guia, loho iyon kaya gusto n'yang pag-iponan. Binalaan rin sila nito na huwag s'yang surprisahin ng sasakyan sa mga birthday nito dahil hindi umano nito tatanggapin at nirespeto nila ang kagustuhan ng kaibigan at hinayaan na lang na mag-ipon para sa sarili.
"Oh kailan tayo bibili ng sasakyan mo?" excited na tanong ni Yara.
"Hindi pa nga niya alam kung anong sasakyan ang gusto n'ya eh," natatawang singit ni Denver sa usapan nila.
"Iyong hindi naman kasing mahal ng mga kotse n'yo, hindi ko naman kaya iyan, baka ibenta ko na lang kidney ko para makabili ako ng katulad ng mga sasakyan ninyong tatlo 'no," irap na sambit nito habang bakas pa rin sa mukha ang saya.
"Alam na ba nina tita na bibili ka na ng sasakyan?" pagtatanong ni Yara.
"Bibili ka na ng sasakyan Gyaya?" biglang singit ni Argel kaya napatingin silang tatlo dito.
Nakangiting tumango ang dalaga. Napapalakpak si Argel at napangiti ng malaki.
"Kung ngayon nalang kaya? Tara na habang may oras pa tayo. In 3 hours sarado na sila, kaya kailangan natin makapunta kaagad kasi kung wala doon iyong model na gusto mo, maka-order kaagad sila," pagyayaya ni Yara dito.
Nakangiting tumango si Guia at akmang tatalikod na ito para pumunta sa sasakyan ni Denver nang biglang magsalita si Argel kaya lahat sila napahinto.
"Kaya pala ang tagal ninyong pumasok sa mga sasakyan ninyo, ito pala ang pinag-uusapan n'yo. Ika-cancel ko na iyong buyer ng isang sasakyan ko, ikaw nalang ang bumili, Gyaya," nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan n'ya at napanganga si Guia sa sinabi nito.
"Ano? Anong sasakyan?" pagtatanong ni Denver, "akala ko wala kang ibebenta sa tatlong sasakyan mo ngayon? At saka, nakuha mo na ba ang dalawa sa bahay n'yo?"
Tumango si Argel at ngumiti saka binalingan ulit si Guia.
"Baliw ka! Ang mamahal ng mga sasakyan mo. Ganoon lang ang kaya ko oh." Itinuro nito mga sasakyan na nakaparada sa unahan, iyong tinitingnan nito kanina.
"E 'di sa ganyang presyo mo na lang din bilhin," sagot nito.
Umirap si Guia sa kaibigan dahil sa sinabi nito, "baliw e 'di nalugi ka? Samahan n'yo na lang ako bumili. Huwag na iyong iyo, lugi ka eh, kalahati ang lugi mo."
"Kaya gusto ko na ikaw na lang ang bumili dahil kahit lugi ako, nakikita ko pa rin, puwede pa rin akong makisakay at puwede ko rin hiramin. Kaysa naman kung ituloy ko sa buyer ko na iyon, lugi na nga ako, hindi ko pa mahihiram," sagot ni Argel kaya sumeryoso ang mukha nina Yara at Guia habang si Denver na nasa loob ng sasakyan n'ya ay kumunot ang noo sa biglaang pagseryoso ng mukha ng dalawang babae.
"Bakit? Ano ang ibig mong sabihin? Ganyang presyo mo lang din ibi-benta ang kotse mo?" nagtatakang tanong ni Yara dito.
"Kailangan ko na kasing mabenta kaagad iyon bago pa ako maunahan ng tatay ko. Wala masyadong buyer ngayon, nahihirapan ako makahanap ng mga bibili noon sa tamang presyo. Puros tawad naman, halos hingiin na ng iba eh, kaya sige na Gyaya, bilhin mo na, please," pagdadramang sabi nito kay Guia.
"Bakit? Ano ba ang gagawin ng daddy mo?" seryosong tanong ni Guia.
Sumandal si Argel sa hood ng sasakyan ni Yara saka mahinang natawa. Agad sumeryoso ang mga mata nito.
"Alam naman ninyo na walang-hiya ang tatay ko, hindi ba?" panimulang sabi nito, "pinapabalik n'ya ako sa bahay at kalimutan ko raw ang sinabi ko noon tungkol sa tunay kong pagkatao. Magpanggap ulit ako, ayaw ko na, napagod na ako magpanggap eh. Oo nga at hindi alam ng iba pero hindi naman ako nagpapanggap na. Hinahayaan ko lang naman iyong ibang tao na malaman nila kung sino at kung ano ako, ayaw ko lang sabihin at ipagsigawan dahil hindi ko naman kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanila," mahabang paliwanag nito.
"Kailangan mo ba ng tulong? Pinagbabantaan ka na naman ba ng tatay mo?" seryosong tanong ni Denver.
Mapait na ngumit ang kaibigan at isa-isang tumingin sa kanilang tatlo.
"Ikakagulat ko pa ba ang mga pagbabanta n'ya?" mahina itong natawa sa sariling tanong, "hindi na dapat, hindi ba?. Tatanggalan n'ya raw ako ng mana, hindi naman iyon problema sa akin. Pinutulan na nga n'ya ako ng allowance eh. Mga cards ko, pinutol n'ya na rin. Mabuti na lang ay naisip ko na noon pa na possibleng aabot sa ganito kaya napaghandaan ko na. Nakabili na ako ng matitirhan ko, nakapangalan sa akin kaya wala s'yang magagawa. Iyong ibang allowance na binigay n'ya sa akin noon, nailipat ko na sa pangalan ko. Pero ang idamay n'ya ang kapatid ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaction eh...."
"Sinira n'ya na ang sasakyan ni Kela na nasa bahay, noong nalaman n'yang nailabas ko na ang mga sasakyan ko. Tinawagan n'ya ako at binigyan ng isang buwan, kung hindi ko raw gagawin ang gusto n'ya sasakyan ko ang isusunod n'ya. Maliit na bagay lang iyon pero dahil iniisip n'ya kung gaano ako ka-adik sa mga sasakyan akala n'ya siguro mapapaiyak n'ya ako sa bantang iyon. Kaya minamadali kong ibenta iyon bago pa ako malugi ng husto dahil kapag sinira n'ya ang mga iyon, hindi na maipapaayos katulad ng ginawa n'ya sa sasakyan ni Kela."
"Pero ----"
"Wala ng pero-pero Guia, bilhin mo na kasi. Hinintay mo pa talaga akong magsabi ng talambuhay tapos hindi ka pa oo-o agad?"
Alam nila na hindi lang hanggang doon ang problema ni Argel. Alam nila na hindi mapapa-inom ang kaibigan sa problema nito kung ganoon lang. Baka nga makikipaglaro pa sa tatay iyon. Alam nilang tatlo na mas malalim doon, pero hindi nila ito pipilitin na mag kuwento.
"Sinunog ba ng tatay mo ang sasakyan ni Kela?" kunot-noong tanong ni Denver.
Inilabas ni Argel ang cellphone at pinakita ang litrato. Napasinghap ang dalawang babae habang napamura naman si Denver sa nakita.
"What can you say?" nakangising tanong ni Argel sa mga ito.
"Paano naatim ng tatay mo na gawin iyan, alam na ba ni Kela ang nangyari sa sasakyan n'ya? Hindi ba nga iyan iyong regalo mo sa kanya noong nag-top 1 s'ya noong moving up nila sa junior high?" gulat ba tanong ni Guia sa kaibigan.
"Oh my God!" napatakip sa bibig si Yara sa nakita.
"How can he be cruel like that?" hindi makapaniwalang saad ni Denver.
"Kaya bago pa ma lechon ang mga sasakyan ko kapag wala ako doon ay bilhin n'yo na," natatawang sambit bi Argel.
"Hindi kaya hahabulin ng tatay mo iyan sa akin kapag nasa akin na?" kinakabahang tanong ni Guia.
"Hindi n'ya gagawin iyon, ayaw n'ya ng eskandalo kaya n'ya ako pinipilit sumunod sa gusto n'ya dahil natatakot s'yang gumawa ako ng mga bagay na ikakasira ng pangalan n'ya," seryosong sagot ni Argel.
"O-okay, sige. Pero babayaran ko nalang ang kulang, matagal nga lang, baka mga 10 years pa," natatawang sambit ni Guia kaya nanlaki ang mga mata ni Argel aa narinig.
"Bilhin mo sa kung magkano dapat bilhin ng isang buyer. Hayaan mo na iyong kulang, hindi iyon kulang dahil may presyo naman na," seryosong sabi ni Argel.
"Gelo kapag kailangan mo ng tulong, sabihan mo kaagad kami ah," seryosong sabi ni Yara kaya napalingon sa kanya ang kaibigan.
Napangiti si Argel sa sinabi nito kaya inabot nito ang pisngi ng dalaga saka kinurot. Alam n'yang hindi s'ya tatalikuran ng mga ito. Alam n'yang mas malalapitan n'ya ang mga kaibigan kaysa sa mga kamag-anak n'yang takot sa tatay n'ya.
Alam n'ya rin na alam ng mga kaibigan n'ya na hindi lang iyon ang problema n'ya. Hindi ito magiging candidate para sa latin honor ng wala lang. Alam n'yang nababasa ng mga ito ang galaw ng mga mata n'ya. Alam n'yang naghihintay lang ang mga nito na magsalita s'ya kaya s'ya nito tinatanong.
Pero wala pa s'yang balak na sabihin sa mga kaibigan ang totoong problema n'ya. Alam n'yang may mga sariling problema ang mga ito at ayaw n'yang makadagdag. Kahit pa sabihin n'yang mas mabigat ang tinatago n'yang problema, saka na lang kapag hindi n'ya na talaga kaya at kailangan n'ya na ng tulong.
"Oo naman, wala rin naman akong ibang pwedeng masabihan kayong tatlo lang, kaya Gyaya bago pa ma lechon ng tatay ko ang mga kotse ko, kunin mo na iyon ngayon na," seryosong pero nakangising sabi ni Argel sa kaibigan na si Guia.
"Tara na nga, dito pa talaga tayo sa parking lot nag-uusap tungkol sa problema. Diretso na lang tayo sa unit mo Gelo, doon na lang din kaya tayo mag-dinner," ani Yara kaya napahalakhak sa tuwa ang kaibigang si Argel.
"Alam mo Yara baby, napakatalino mo talaga! Kaya wala akong reklamo na ikaw ang nangunguna at ikaw ang candidate sa latin eh, alam kong palaging tama ang naiisip mo," malambing na sambit nito kaya umakbay sa kanya.
Napailing nalang sina Guia at Denver sa nakita at dumiretso na sa sasakyan ni Denver habang umismid naman si Yara at tinanggal ang braso ng kaibigan na pumulupot sa leeg n'ya.
"Ahas ka ba at ang bilis pumulupot n'yang braso mo? Ang bigat ah," reklamo n'ya pero tanging paghagikhik lang ang sinagot nito bago tumalikod at tumungo sa sarili nitong sasakyan.
Naunang lumabas ang sasakyan ni Denver at agad na sumunod si Yara nasa likod n'ya ang sasakyan ni Argel kagaya ng nakasanayan. Simula bukas ay apat na silang magkakasunod, masaya s'ya para kay Guia dahil para sa kaibigan iyon ang unang project n'ya.
Ang sabi pa nito noon, kapag nagawa n'ya ang pag-iipon ay ibig sabihin nagsisimula mature na umano s'ya at marunong na s'ya sa buhay.
Hindi naranasan ni Yara ang maghirap katulad ng paghihirap at pagtitipid ni Guia, pero ibang hirap sa buhay ang pinagdaanan n'ya na hindi naman naranasan ng ibang tao.
Kaya ganoon na lang kagaan ang loob nila sa isa't-isa dahil magkaiba man ang estado nila sa buhay at karanasan, nagkakaintindihan sila dahil pareho silang dumaan sa mabigat na pagsubok at bumangon mula sa pagkakalugmok.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na sila sa building kung nasaan ang unit ni Argel. Hindi naging mahirap sa kanila ang pagpasok ng mga sasakyan nila dahil mga magulang ni Denver ang nagmamay-ari ng building na ito.
"Iyang kotse na iyan ang iuuwi mo." Pagtuturo ni Argel sa isang BMW na katabi ng Mazda n'ya.
"Parang hindi talaga bagay sa akin ang ganyan eh," nakangiwing sagot ni Guia nang makita ang kotse.
"Tigilan mo 'ko Gyaya, sinabihan ko na iyong buyer na may kumuha na kaya umatras na rin s'ya. Gusto ko pa nga sanang babaan ang presyo kasi kahit pangit ka, kaibigan ka naman namin kaso baka ayaw mo nang bilhin kaya huwag na lang," sambit ni Argel at kinindatan ang kaibigan, wala ng sinagot si Guia dahil mukhang hindi n'ya na mababago ang isip ng kaibigan.
Pero hindi n'ya ito patatawarin sa pagtawag sa kanya ng pangit kaya nakatanggap ito ng isang suntok mula sa kanya na hindi nito inasahan.
Akmang babawian s'ya nito pero agad nagsalita si Denver kaya napabaling ito room.
"Tatlong slot talaga ang binabayaran mong parking?" nakangising tanong ni Denver habang isa-isang tiningnan ang tatlong magkakatabing sasakyan nito.
"Oo, ang mahal. Sabihin mo naman bigyan ako ng discount oh kaya libre na lang," pakiki-usap nito pero tawa lang ni Denver ang nakuha n'yang sagot.
Kaya naging kampante si Argel na hindi magagalaw ng tatay n'ya ang bahay n'ya dito. Pero ang mga sasakyan nito, duda si Yara na pino-problema iyon ng kaibigan, gusto lang noon na ibigay kay Guia ang sasakyan pero dahil hindi naman tatanggapin ng dalaga ay ibebenta n'ya nalang ito dito.
Naintindihan ni Yara at Denver kung paano gumalaw ang mga mata nito kanina, hindi na lang din sila nagsalita at sinabayan ito dahil baka makuha pa ni Guia ang gusto nitong iparating.
Matagal ng naisip ni Argel na ibigay ang isang sasakyan sa kaibigan dahil hindi naman nito kailangan ng marami dahil madalas naman itong nagpapalit noon. But Guia got the pride that she would rather walk than receive the car as a gift just because she said she wanted to have one.
"Akyat na tayo, ano ba ang sinisilip m riyan?" kunot-noong tanong ni Yara sa kaibigan na si Argel nang makita itong may sinisilip na kung ano o kung sino sa kabilang lane ng parking lot.
"Tinitingnan ko kung nandito na ang sasakyan ni sir Zoren, d'yan ko nakita iyon noong nakaraan eh, kaso wala pa," parang wala sa sariling sagot nito kaya tumulis ang paningin ni Yara dito.
"Ano na naman ang binabalak mo?" tanong ni Denver dito.
"Yayayain ko sana ulit si sir na sumama sa atin sa dinner," sagot nito kaya nakatanggap na naman ng sakit sa katawan mula sa brutal na kaibigan na nagngangalang si Guia.
"Ano ba! Kanina ka pa nananakit, hindi na nga kita pinapatulan dahil baka mawalan ka ng buhay kapag nasapak kita eh," reklamo nito habang hinihimas ang batok n'ya na walang-awang sinapak ng kaibigan.
"Kanina umayos iyang isip mo, pero ngayon tumabingi na naman kaya ko inalog ang ulo mo----"
"Hindi ko ulo ang inalog mo! Batok ko! Batok!" pagputol nito sa sinasabi ng dalaga.
Natawa lang ito ng mahina maging dalawang kaibigan at tumalikod na para pumasok sa elevator.
"Pareho na din iyon. Napayuko ka noon eh kaya naalog na rin ang ulo mo doon," natatawang sagot ni Guia.
"Wala naman tayong maluluto kaya bakit mo naisipan ang mag-invite? Mag-oorder lang tayo ng food online kaya ihanda mo iyang card mo," nakangising sambit ni Denver.
Agad na nalaglag ang balikat ni Argel sa narinig. Tumingin s'ya kay Yara para humingi ng tulong pero tanging pagkibit-balikat lang nito ang naitulong.
"Pwede kaya tayong magpalit ng schedule sa pageant, Denver?" biglang pag-iba ni Argel ng usapan.
"Ay napakagandang tanong! Pwede nga kaya? What do you think, Ya?" segunda ni Guia at excited pa ito.
"Hindi ko alam 'no, bakit ka naman makikipagpalit?" pagtatanong ni Yara sa kaibigan.
"Kasi nasa final night ka at si sir Zoren. Gusto kong patunayan na may crush talaga sa 'yo ang guwapo nating professor," parang baliw na sagot nito kaya agad na nag-isang linya ang mga mukha ng tatlo n'yang kaibigan.
"Mabuti nalang hindi ikaw ang kasama ko," umiismid na sabi ni Yara.
"Gagawa pa rin ako ng paraan para makakuha ng ebidensya."