Chapter 37

2971 Words
"Ahm... I don't think that was right enough to get published. I mean, hindi ko naman forte ang pagsusulat ng novel. It just happened that we had to make one for the literature," nakangiting sambit ni Yara at bakas sa boses n'ya ang kaba sa kadahilanang hindi n'ya alam. Tipid ang bawat ngiti n'ya sa tuwing nagtatama ang paningin nila ng babae. Niyayaya s'ya nito na ipublish ang novel na ginawa n'ya sa publishing company na pag-aari ng pamilya nito. Napag-alaman rin nila na ang ama na tinutukoy nito ay ang may edad na lalake na naka-usap nila noong school fair final night. Si Denver ang nakaalala dahil ito ang matagal na nakipag-usap sa matandang lalake. Ang hindi lang alam ni Yara ay kung paano nakuha ng matanda ang gawa n'ya at nabasa pa nito dahilan upang mabasa rin ng babae na kausap n'ya ngayon. Itatanong n'ya mamaya, dahil wala namang nagpaalam sa kanya na kukunin ang gawa n'ya, sa kanya iyon at kung may kumuha noon nang hindi n'ya alam at maging ng LU org, plagiarism iyon at hindi n'ya hahayaan iyon. Oo nga at hindi s'ya professional writer pero pinaghirapan n'ya na gawin ang obra na iyon. Pinagpuyatan at pinag-isipan. "I understand, my dad don't usually read submitted novels in our company. The editors did because that was their job but when he told me he read it and he wants me to read it, I know there is something I would have to deal with after reading it. And that is why I am here," sagot nito sa kanya nang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. Her eyes are hopeful, waiting for Yara to say yes to the offer. She is not professional yet the publisher itself came to ask her to publish her work with their partnership. And to take note that this publisher is most well-known publisher of the country. This could mean something to her. She never dreamt of being a writer but she know that writers dream is to have their work published. "I just have a question, ma'am," ani Yara kaya tumaas ang kilay ng babae na para bang excited ito sa tanong n'ya. "No problem, ask away, please," nakangiting sabi nito. Sinulyapan ni Yara ang mga kaibigan at katulad n'ya ay tahimik lang ang mga ito na nagmamasid sa kanila ng babae. Ngumiti ang mga ito sa kanya at nakita n'ya pa ang pag cheer nina Guia at Argel sa kanya kaya palihim ay pino n'yang iniling ang ulo. "Gusto ko lang po na malaman kung paano kayo nakakuha ng kopya ng novel ko? Hindi ko po kasi matandaan na binigay ko iyon sa father ninyo at wala rin naman nagpaalam na sa akin na ibibigay ng LU guild ang sinulat ko," mahinahon ngunit seryosong tanong ni Yara. She needs an answer for she thinks this matter is important. Kailangan n'yang malaman kung kanino, paano at bakit. Nagustuhan n'ya ang offer nito na ipa-publish ang gawa n'ya. Although she is not a professional and famous writer but it would make her proud knowing that her lowkey writing skill made into the bookstore — in a hard copy. "I know you would ask me that," nakangiting sabi nito. Yara now got it, hindi s'ya nito tatantanan kaya ganito na lang kaaliwalas ang mukha nito na nakikipag-usap sa kanya. "So I asked my father prior before coming here. He told me that it was Mrs. Vinzon who handed him the soft copy of the full version. At first, I was really shocked that he got the copy." Hindi makapaniwala na napatingin si Yara sa mga kaibigan nang marinig ang pangalan ng school President. Ito ang nagbigay ng kopya ng novel n'ya sa ama nito. Natawa ng mahina ang mga kaibigan n'ya at sabay na nag-iilingan. Mukhang alam na n'ya ang naglalaro sa mga isip ng mga ito. Talagang kinalkal ng madam nila ang gawa n'ya dito sa LU. "I wonder why madam President would do that, but I think it's fine with me," aniya at nakita n'ya ang pagkislap mg mga mata nito sa sinabi n'ya. Hindi pa man n'ya kinumpirma ang pag-oo sa inaalok nito ay mukhang nakuha naman din nito kaagad ang gusto n'yang sabihin. "So... It's a yes?" hopeful na tanong nito. Mahinang natawa lang si Yara dito at bahagyang napayuko. "I think it would be an honor for me to see my work in a hard copy book being displayed in a bookstore shelves. Do you have a sample contract? I want to read and study it first," seryosong sambit n'ya Knowing that it was their school President who handed her work to the publishing house without asking her permission, maybe they have also had an idea that she would study every single word of agreement with regards to this matter. Mas maganda na maintindihan ang kontrata bago ito pirmahan kaya nang magbukas ang babae ng bag at ibigay sa kanya ang naka folder na sa tingin n'ya ay ang hinahanap n'yang sample contract ay natawa s'ya. She's ready, huh. "I have to make sure that I have everything. I badly want to have your work in my company, your style and your intelligent story is what we need," anito saka tinanggap ang hawak nitong folder na inaaabot sa kanya. "Thank you. I don't think I can give you an answer right today -----" "No problem, I'll be waiting for your decisions and whatever this may, I'll respect it but of course I'm still rooting for the 'yes' answer," nakangising saad nito at pagputol sa kanya habang nagsasalita. Nakuha agad nito ang gusto n'yang sabihin. "Thank you, ma'am. I'll give a call in your website's contact number if I already have a final decision about this. I will call," ani Yara saka sinulyapan ang hawak n'yang folder. Napansin n'ya na hindi naman sobrang kapal ng binding ng kontrata at sa tingin n'ya ay hindi naman ito kakain ng maraming oras upang mabasa n'ya lahat. Mabuti na lang at kakatapos lang ng exam nila, may oras s'ya upang basahin ang lahat ng ito. "No, here," napatingin si Yara sa kamay nito nang may iabot ito sa kanya, "call me in my personal contact number. I want to focus and pay attention to your work. I promise, I have this feeling that your novel will make a new difference to the both of us." Awkward na biglaang sumilay ang ngiti n'ya dahil sa narinig. Kanina n'ya pa narinig ang pagpuri nito sa nobela n'ya at kotang-kota na ang tainga n'ya. Ewan ba kung bakit kapag pinupuri s'ya ay napapangiwi s'ya lalo na kapag paulit-ulit, pakiramdam n'ya tuloy hindi na totoo ang mga sinasabi ng mga ito at sinabi na lang upang lubagin ang loob n'ya. "Thank you. I will give surely give you an update about this offer, ma'am. Thank you for this," pagapapsalamat n'ya nang may ngiti. Totoo ang saya n'ya sadyang hindi n'ya lang tagala maiwasan ang minsan ay napapa-isip s'ya ng kung ano-ano. "It's my pleasure, Yara. Mrs. Vinzon have already gave me a background of yours and I must say, I'm impressed. I was never in your level when I was your age and in school. I was never good enough to make other people impressed that is why I am so proud of you and it would an honor for us having you in Sands Publishing Company. We will wait for you, Yara." Tango ang ibinigay na sagot nito at nagpasalamat. Tumayo rin s'ya nang tumayo ito at nagpaalam, bumeso ito sa kanya bago tuloyang tumalikod at umalis ng canteen. Hindi n'ya nga pala naitanong kung paano nito nalaman na narito sila. Lumingon s'ya sa mga kaibigan n'ya at nanlaki ang mga mata nang napatili ng bahagya si Argel na agad naman nito tinigil. Napalingon s'ya sa paligid at nakangiting mga studyante ang nakatingin sa kanila. Napangiwi ang kaibigan n'ya dahil sa nagawa nito. Halos matumba s'ya sa kinatatayuan nang biglang tumalon ng yakap si Guia mula sa likuran n'ya kaya napamura s'ya. Natawa naman ang mga ito at maging si Denver. "Ya, hindi natin naisip na puwede nga pala na ma-publish ang ginawa mo! Magpasalamat tayo na pakialamera si madam," natatawang sambit ni Guia habang nakalambitin sa likuran n'ya at nakapulupot ang mga braso nito sa leeg n'ya. "Oo, Gyaya, p-pero puwede ba na bitawan mo ang leeg ko dahil nahihirapan akong huminga?" pakiki-usap n'ya ito at agad naman nitong ginawa. Narinig n'ya pa ang tawa ng kaibigan kaya nilingon n'ya ito. "Sorry na agad! Sobrang natuwa kasi ako para sa 'yo, akalain mo iyon?" masayang sambit nito. "May napanood ako na isang video sa social media and she's a writer. She got books published in other publishing company but her dream us to have her books published in Sands," ani Denver kaya napatingin sila rito. "Akala ko hindi ka magsasalita, kanina ka pa kaya tahimik," asar naman ni Argel dito at walang pasabing hinablot ni Denver ang hawak ni Yara na folder at hinampas sa ulo ng kaibigan. "Alam ko lang kasi kung kailan magsasalita. Hindi ako katulad mo," pambabara naman nito dito kaya umismid ang huli saka inirapan si Denver. "Buti nga sa 'yo," Guia stick her tongue out on Argel before turning her eyes on Yara, "pero Ya, sobrang special mo talaga. Isipin mo iyon, ang Vice President mismo ng company ang lumapit sa iyon? Hindi lang basta na employee." "I think, hindi lang sila bastang kaibigan ni madam. Baka nga isa pa si madam sa mga stockholders ng Sands eh, corporation ang kompanya na iyon kaya hindi malabo," saad ni Denver na sinang-ayunan ng husto ni Yara. Iyon din ang unang pumasok sa isip n'ya patungkol dito. Hindi naman kasi basta-basta i-refer ng school President nila ang gawa n'ya kung wala itong kinalaman sa kompanya. "I couldn't agree more," panimula n'ya, "I was thinking the same thing as well. But, I actually love the idea of publishing my own work. I love reading stories kahit na hindi ko hilig ang pagsusulat and always have this thought everytime na pumupunta ako ng book store, kung ano ang pakiramdam ng mga author na paid off lahat ng efforts nila. Writing is not easy, I was having a hard time finishing my only one novel paano pa kaya iyong mga legit writers na nagususulat ng maraming novels." "And that is why sobrang proud kami sa iyo, Yara baby. Basahin mo na ang contract tapos tawagan mo na agad sila. Excited na akong mag post sa social media accounts na para i-promote ang libro mo!" kinikilig na sambit ni Argel kaya napailing na natatawa na lang si Yara at maging ang ibang mga kaibigan. "Baliw ka na. Tara na nga, naubos lang ang oras natin katatambay dito sa canteen. Punta na tayo ng registrar para maayos ang documents natin bago tayo umuwi," ani Yara at mabilis naman din na nagtayuan ang mga ito. "Mabuti na lang hindi natin nakasalubong si sir Zoren. Naubos na ang budget ko eh," natatawang bulong ni Argel sa kanya at ipinatong pa nito ang braso sa balikat n'ya. Natawa na lang rin s'ya sa tinuran ng kaibigan. Oo nga at hindi pa nila nakakasalubong ang binatang professor. Mas nakita at nakausap pa nila ang bisita dito sa LU na sa tingin n'ya talaga ay malapit sa school President nila upang makapasok ito dito. "Yabang mo kasi mangako. Kapag nakasalubong natin si sir Zoren ay mapapasubo ka na naman," natatawang sagot n'ya dito. Pero mukhang mali yata ang salitang nagamit n'ya dahil parang biglang naging ngiti ng baliw ang ngiti ng kaibigan n'ya. "Yara baby, ano ang isusubo ko?" pagtatanong nito at kahit na ganoon lang ang tanong nito, sa klase ng tono at ngiti nito ay kinilabutan si Yara kaya walang pagdadalawang-isip n'yang itinulak ito palayo. Natapilok ang natamaan nitong si Denver at itinuro s'ya kaagad ni Argel bilang salarin bago ito masinghalan ni Denver. "Napakaligalig mo talaga! Naglalantad ka na ba ha? Huwag kang dumidikit sa akin baka sabihin nila papatulan kita, yak!" ani Denver at hindi makapaniwalang napatingin si Argel dito. Hindi naman napigilan nina Guia at Yara ang mapahalakhak ng malakas dahil sa narinig. Walang paalam na inabot ni Argel ang batok ng kaibigan saka hinampas ng palad n'ya. "P*tang-ina, Gelo!" singhal ni Denver dito saka hinimas ang batok na pumitik dahil sa malakas na hampas ni Argel na mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo at magtago sa likuran ng mga kaibigan dalaga. "Ano ba kasing ginawa noon bakit mo tinulak?" pagtatanong ni Guia. "Sabi n'ya kasi mabuti na lang raw at hindi natin nakasalubong si si Zoren kasi ubos na raw budget n'ya. Sinabihan ko s'ya ng mabuti na lang dahil kung hindi ay baka mapasubo na naman s'ya. Ang malantod na iyon tanungin ba naman ako ng kung ano raw ang isusubo n'ya," nakangiwing pagku-kwento ni Yara habang si Guia ay napanganga sa narinig at pagkalipas ng ilang segundo ay humalakhak ito nang walang kasing lakas. Naningkit ang mga mata ng taong pinag-usapan nila at napalingon sa nagwawala sa tawa na si Guia nang hampasin s'ya sa likuran ng dalaga. Nagtatakang napatingin si Argel kay Guia na parang malalagutan na ng hininga sa sobrang lakas ng tawa. Si Yara naman ay nag-isang linya ang mga labi at walang expression na nakatingin sa late reaction na tawa ng kaibigan. "Nakakain naman sila pero bakit parang nabaliw sila," bulong na sabi ng biglang sumulpot na si Denver sa tabi n'ya. "Tara na," aniya na s'yang tinangoan kaagad ni Denver at walang sabi itong sumunod sa kanya palayo sa dalawa. Si Argel na nangingiwing nakatingin at umiiwas kay Guia na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos nag pagtawa saka paghahampas sa kaibigan. "Good thing I can still enjoy the 50% off of my tuition fee," natatawang sabi ni Denver kaya maging si Yara ay natawa. "I told you, hindi ka naman natulak palayo sa exam results kaya kinaya mo pa rin na mahabol at mahila pataas nag resulta na iyon. Guia and Gelo, silang dalawa lang naman ang palaging nag-aagawan at nagpapalitan ng slot," nakangising sabi n'ya. At iyon ang benefit ng mga Deans Lister ng LU. Dahil nakuha ni Yara ang rank 1 ay 100% na free ang tuition fee habang si Denver na pangalawa ay 50% ganoon kalaki ang gap niya sa sumusunod sa kanya. 35% naman ang discount para sa mga rank 3 hanggang 5 at 25% ang rank 6 to 10. Kaya lahat ng pangalan na pasok sa Deans list ay pinapangarap na makuha ang rank 1 na sinisiguro ni Yara na hangga't narito s'ya sa LU ay sa pangalan n'ya lang dapat iyon didikit. Pangalan n'ya lang dapat ang palaging naroon. Kaya n'yang bayaran ang tuition fee dito pero ang achievement ant fulfillment ng pakiramdam n'ya ay walang katumbas iyon. Plus, she has a goal and that is to make her ninang still proud of her. "Gelo is the rank 4 pero sobrang laki ng gap n'ya sa rank 5, he is a beast and we all know that," natatawang sabi naman ni Denver. Agad na kinuha ni Denver ang apat na magkasunod na number para sa pila. At nang nakarating sila sa nakapilang upuan kung saan umuupo ang mga nakapilang studyante sa registrar ay naghanap sila ng bakante na apat. Dahil alam nilang pareho na hindi magtatagal ay parehong mararamdman ng dalawang iyon na wala na silang dalawa. "Si Guia lang naman kasi ang binabangga n'ya at wala s'yang pakialam sa pangalan na nakasunod sa kanya. He's complacent that they won't make go near to him," saad n'ya saka itinuro ang magkahilirang apat na bakante. Pareho nilang inilagay ang mga bitbit na bag sa dalawang bakante na pinagitnaan nila upang masiguro na hindi iyon mauupuan ng iba. Nakakuha na rin sila ng apat na number noong napadaan sila kanina sa may window ng registrar. "Yeah, ang layo ng number natin, Ya," natawang sabi ni Denver saka inabot kay Yara ang apat na number na nakuha n'ya. Tiningnan ni Yara ang number na nasa monitor at ang numbers na hawak n'ya. Ang layo pa nga nila. "Mabuti na lang kumain na muna tayo, gugutumin tayo dito talaga," nakangising sabi n'ya. Magsasalita pa sana si Denver nang may biglang sumulpot na dalawang bulto na parehong naghahabol ng hininga. Napatingin sa mga ito ang mga studyante na naroon. Ang ilan ang natawa at ang ilan ay nagtataka kung bakit ganoon ang hitsura ng mga ito. "Why are you two look like that? Were you kidnapped and you just got escaped?" pagtatanong ni Denver kahit na alam naman n'ya kung bakit ganito ang hitsura ng mga kaibigan. Lumingon sa kanya ang mga syudyante na nakaupo sa unang hilira ng pila na nakarinig sa kanya at parehong natawa ang mga ito. "Nakakahiya ang mga hitsura ninyo. Maupo na nga kayo at punasan n'yo iyang mga mukha n'yo. Ako ang naiinitan dahil sa pawis ninyong pareho. Talaga bang naghabulan kayo papunta rito?" pagtatanong ni Yara sa mga ito. Lumipat s'ya sa upuan sa pagitan nila Guia at Argel kaya ngayon ay napapagitnaan s'ya ng dalawang kaibigan na naliligo sa mga pawis. Mabuti na lang at air-conditioned ang lugar. "Si Gelo kasi biglaang sumigaw noong napansin n'ya na wala na kayong dalawa at kami na lang naroon. Nakalimutan namin na papunta pala tayo dito sa registrar ang una naming naisip na paghanapan sa inyo ay ang parking lot," natatawang pagku-kwento ni Guia kaya maging si Argel ay natawa habang tinutungga ang tubivg sa bote na palagi nitong dala. "Tapos nakita pa namin si sir Zoren kaya napatago kami at doon pa lang namin naalala na registrar ang pupuntahan ninyo, kaya pala wala kayo sa parking lot," dagdag saad ni Argel. Pero sabay-sabay silang napatingala nang may magsalita sa gilid nila at parehong nanlaki ang mga mata nilang apat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD