Chapter 38

2974 Words
"I saw you two running away from me," seryosong sabi ni Zoren kaya parehong napangiwi ang dalawa dahil sa narinig. "But don't worry, hindi naman kayo nilapitan ko ngayon," dagdag nito saka bumaling ang mga mata kay Yara, "Ms. Formanes, can I have a word with you?" Bahagyang kumunot ang noo ni Yara sa narinig pero agad rin naman s'yang tumango. "Yes po, tungkol saan po sir?" pagtatanong n'ya saka tumayo mula sa kinauupuan at lumabas sa pila. Inilapag n'ya sa binti ng kaibigan na si Guia ang bag bago sinundan ang tumalikod na professor. Habang napatingin s'ya sa likod ng papalayong professor ay hindi n'ya alam kung bakit naghuhurumintado sa kaba ang dibdib n'ya. Wala naman siguro s'yang kasalanan, hindi ba? Pero bakit parang natatakot s'ya. Hindi n'ya inalis ang mga mata sa professor at habang nakasunod s'ya dito ay wala s'yang ibang nakikita. Ipinukos n'ya ang atensyon dito at hindi pinansin ang mga titig at tingin ng kung sino sa bawat pagdaan n'ya sa harapan ng ilang studyante. Nakita n'ya itong umakyat sa hagdan na patungo sa AVR kaya sinundan n'ya pa rin ito. Ibig sabihin ay possible na importante ang sasabihin nito upang kausapin s'ya nito sa taas o sa loob mismo ng AVR. Diretso itong pumasok sa loob ng AVR kaya walang pagdadalawang isip na itinulak ni Yara ang pinto upang makapasok. Iginala n'ya ang paningin at wala s'yang ibang nakita na naroon bukod sa professor na nakaupo sa upuan na nasa bandang gitna. "Have a seat," sambit nito sa firm na boses. Medyo nakaramdam ng pagkailang si Yara sa klase ng tunog nito dahilan upang mas lumakas ang kaba sa dibdib n'ya. Sinunod n'ya ang sinabi nito at naupo sa upuan na tinuturo ng kamay nito. "Tungkol saan po ang pag-uusapan natin sir?" diretsong tanong n'ya. Dilaw na ilaw lang ang na ka on sa buong paligid at nasa bandang dulo iyon kaya hindi masyadong maliwanag ang lugar, tama lang upang makita nila pareho ang mukha ng isa't-isa. "Yara," panimula nito. Iba talaga ang pintig ng tainga n'ya sa tuwing naririnig ang pangalan n'ya sa boses nito. Madalas ay Ms. Formanes ang tawag nito sa kanya at hindi n'ya alam kung kailan at bakit s'ya nito tinatawag sa pangalan n'ya. Oo nga, naaalala n'ya na sinabi ni Argel na tawagin sila sa first name nila pero iyon ay kapag nasa labas sila ng LU, hindi katulad ngayon na mismo ay nasa loob sila ng AVR ng mismong university. "Sir, bakit po ninyo ako pinapunta dito? Importante po ba ang sasabihin ninyo? Nakapila po kasi ako sa registrar," mahinang sambit n'ya. Halos hindi na makontrol ni Yara ang panginginig ng tuhod n'ya kahit pa naka-upo naman s'ya. Madiin n'yang hinawakan ang magkabilaang tuhod upang subukan na pigilan ang mga ito pero hindi n'ya kaya at hindi n'ya maintindihan kung bakit ganito ang kaba n'ya. Wala naman itong ginagawang masama at sa tingin naman n'ya ay hindi ito gagawa ng masama. Hindi rin naman iyon ang nagpapanginig sa kanya. Iba talaga ang pakiramdam n'ya sa tuwing nagtatama ang paningin nilang dalawa at hindi na bago sa kanya iyon. Ang hindi n'ya na lang alam ay kung bakit. "Yara," huminga ito ng malalim bago tumingin ulit sa kanya, "I don't know if calling you on your first name make you comfortable or not. But I like your name that I badly want to call you that. I've been thinking everything that I said way back in the school fair night and ----" "Sir, hindi ko po sineryoso ang lahat ng sinabi ninyo noon. Hindi ko rin iniisip dahil sa lahat ng sinabi ninyo, wala po akong maintindihan at ayaw kong intindihin. Iyon lang po ba ang dahilan kung bakit gusto ninyo akong maka-usap ngayon?" pagtatanong n'ya dito at gusto n'yang magpasalamat sa sarili dahil hindi s'ya nauutal. Pinipilit n'ya na ayosin ang boses at huwag mautal, pinipilit n'ya na huwag s'yang matalo ng kaba at nagpapasalamat s'ya na nakikisama ang dila n'ya sa isip n'ya. Nakita n'ya ang pagtango nito at ang pag-ngiti ng tipid na mukhang may halong kaba. "Really? Because I want to say sorry about everything that I said. I know I acted cool noong huling nakita mo ako, pero iniisip ko ng husto kung may possible ba ako na nasabi na puwedeng makasakit sa 'yo, magpagulo sa isip mo or worst nabastos kita. I don't want that to happen and so kahit na nandito tayo sa loob ng university, I took the chance to talk you," mahabang litanya nito at halata sa mukha at mga mata nito ang pagiging aligaga. Hindi alam ni Yara kung bakit ito ganito, kung bakit para itong natatakot sa possibleng reaction n'ya sa mga sinabi nito sa kanya noong gabi na iyon. "I just don't want you to feel awkward when I'm around because of what I said. If only I ---" "Sir, wala po kayong dapat ipangamba dahil kagaya po ng sinabi ko, kinalimutan ko na po lahat ng sinabi n'yo. Hindi ko rin po inintindi ang lahat ng iyon," seryosong saad n'ya. Alam n'ya sa sarili na isang malaking kasinungalingan ang mga sinasabi n'ya ngayon dahil kahit anong tanggi n'ya, para bang naririnig n'ya sa tainga n'ya ang mga sinabi nito noon sa kanya kahit na hindi n'ya sinasadya. Naririnig n'ya nang paulit-ulit pero wala s'yang maintindihan. Hindi n'ya makuha kung ano ang ibig sabihin nito noon. "I was worried like hell na baka mapasama sa isip mo ang mga sinabi ko noon. Sa ngayon hindi ko na muna ipapaliwanag sa iyo ang lahat ng iyon at kung bakit ko iyon sinabi. But I will, soon, I will," seryosong sabi nito at bakas sa tono nito ang pagiging determinado. "Wala na po ba kayong ibang sasabihin sir? Baka po kasi number ko na ang tinatawag ngayon sa registrar," aniya dahil gusto na n'yang umalis sa lugar kung saan silang dalawa lang ang naroon. Hindi malinaw para kay Yara ang lahat na nagkokonekta sa professor. Hindi malinaw sa kanya kung bakit ganito tumingin sa kanya. She can tell if the person is looking at her in an inappropriate but his kind of stare is way too far from being inappropriate. Hindi ito nakakabastos tumingin pero pinapakaba s'ya ng mga mata nito. Hindi rin malinaw sa kanya kung bakit ganito ito ka seryoso ngayon. "I just want you to know that I don't have any bad intentions. Kapag dumating ang oras na maalala mo lahat ng sinabi ko at maintindihan mo, please remember that was all true. Hindi ko lang puwedeng sabihin sa iyo ngayon. Hindi ko rin dapat sinabi sa iyo noon but I was provoked," saad nito habang diretso na nakatingin sa mga mata ng dalaga. Napalunok si Yara sa klase ng tingin nito, gusto n'yang itapon sa malayo ang tingin n'ya pero sa hindi n'ya na mabilang na pagkakataon ay parang hinihigop ng mga mata nito ang katauhan n'ya na hindi n'ya maitingin sa malayo ang sariling mga mata. Nang kumurap ito ay doon n'ya palang nabawi ang sarili kaya agad s'yang sandalan ng upuan na inuupuan n'ya. Hindi ito ang unang beses na para lang s'yang nakatunganga at na-starstruck sa mukha nito pero alam n'yang hindi iyon ang paliwanag. Kung ano man iyon ay sana huwag n'ya munang malaman. "I don't understand, whatever happened that provoked you, I hope it's no longer connected to me. I don't want any complications in my name and in my life. I want peace," seryosong sambit n'ya dito. Tumango-tango ang binata at ngumiti ng matamis sa kanya. Gone the serious face and eyes of the man. Now looking at her with such sparkle in his eyes. Hindi alam ni Yara kung ano ang mayroon sa lalake at kung bakit ganito na lang ito magpalit ng expression. He don't look dangerous but his eyes — sometimes, they are. Tumayo si Yara saka nag bow dito bago n'ya tinungo ang pinto ng AVR. Napatigil s'ya nang lumapat na ang kamay n'ya sa doorknob at akmang lilingonin n'ya ang binata pero bago pa man n'ya tuloyang mailingon ang ulo ay ibinalik n'ya ang mga mata sa kamay n'ya na nasa doorknob. Huminga s'ya ng malalim bago ito inikot at lumabas doon. Hindi n'ya pinansin o sinulyapan man lang ang mga studyante na naroon sa labas ng AVR na napatingin sa kanya noong lumabas s'ya. Sanay na rin naman na siguro ang mga ito sa diretso n'yang mga mata at walang buhay n'yang mukha sa tuwing mag-isa s'yang naglalakad sa kahit na saang bahagi ng LU. Dire-diretso s'yang bumaba ng hagdan at tuloy-tuloy ang lakad. Pinipilit n'ya na iwaglit sa isipan ang lahat nang pinag-usapan nila ng professor n'ya dahil sa lahat ng iyon walang malinaw sa kanya. Hindi n'ya nakuha ang ibig sabihin ng binata. He didn't sound a professor earlier and that scared her a lot. Not scared for something illegal but scared for something she couldn't handle. Ayaw n'yang matalo kaya hindi n'ya iyon kailangan na isipin at intindihin. Tuloy-tuloy ang lakad n'ya pero bago pa man s'ya nakalapit sa kung nasaan ang mga kaibigan n'ya ay halos mapasigaw at mapatalon s'ya sa gulat nang may biglang humawak sa balikat n'ya kaya agad s'yang napalingon. Mabuti na lang ay napigilan n'ya ang sarili at hindi nakasigaw dahil panigurado ay mapupunta sa kanya ay atensyon ng maraming tao na nasa paligid. Bumungad sa paglingon n'ya ang mukha ng lalake na kanina lang ay minamadali n'ya na iwan sa lugar. "Sir, muntik na akong mapasigaw sa gulat," aniya at tumawa ng mahina. Nasa harap sila ng maraming tao kaya ayaw n'yang magtunog awkward sa harapan ng professor habang may mga mata na nakatingin sa kanila. Hindi n'ya itatanggi ang ilang beses na niyang sinabi, agaw pansin talaga ang hitsura nito. Puwede itong ihilera sa mga nagu-guwapohang mga artista na sikat ngayon. "You forgot this," sambit nito at napatingin s'ya sa kamay nito na may inabot sa kanya at nakita n'ya ang note n'ya na hiniram nito noon. "Thank you for listening and understanding," nakangiting sabi nito. Hindi gaanong malakas ang boses na nito pero sapat na iyon upang marinig sila ng mga nasa malapit sa kanila. Nasa gitna sila ng daan na tatlong tao na magkakatabi lang ang kasya pero dahil sa maraming tao na naka abang sa mga windows ng registrar ay pandalawang tao na lang ang daan. Inabot n'ya ang note saka nakangiting tiningnan ang professor, "thank you sir. Tapos na po ba kayo dito?" pagtatanong n'ya na agad nitong sinagot ng pagtango. "Yes, you really and always made things easy and understandable. Thank you for that," sagot nito pagkatapos tumango. "Thank you po, sige po sir, puntahan ko na po ang mga kaibigan ko," saad n'ya saka agad na umikot at naglakas palapit sa mga kaibigan n'ya. Muntik pa s'yang natawa nang makita ang kaibigan na si Argel na nagtatago sa likuran ng isang studyante na naka-upo sa unahan nito. Alam n'ya kung bakit ito nagtatago. Nilingon n'ya ang pinagtataguan nito at nakita n'ya itong nakatingin sa kanya at ngumiti ng matamis kaya napangiti rin s'ya dito. Hindi ito makakalapit sa kanila upang singilin ang kaibigan n'ya sa pangako nito dahil baka magtataka ang mga nakapaligid sa kanila na mga studyante kung bakit parang ang gaan sila nitong kausapin. "Ano ang sinabi ni sir Zoren sa 'yo? Naniningil na ba?" pabulong na tanong ni Argel nang makalapit s'ya dito at kahit na hindi pa s'ya nakakaayos ng upo. Hindi n'ya pinansin ang tanong ng kaibigan at binalingan na lang ang katabi na si Guia saka kinuha n'ya ang bag n'ya na ipinatong n'ya sa lap nito. "Thank you, G," pasasalamat n'ya dito kasabay ng pagkuha n'ya ng bag. "No problem, tungkol saan ang itinawag ni sir sa 'yo?" pagtatanong nito kaya napatigil s'ya sa pagsisiksik ng note n'ya sa loob ng bag. Bahagya s'yang napalunok pero nang tumama ang mga mata n'ya sa bagay na hawak n'ya ay agad s'yang napangiti. "Ibinalik lang ni sir ang note ko, tapos tinanong n'ya ako kung ano ang source ko nito at kung paano ko ito ginagawa," sagot n'ya dito nang hindi tumitingin sa kaibigan. She's convinced that she didn't sound suspicious. Alam n'yang tunog convincing s'ya kaya kampante s'ya na hindi ito magtataka at hindi nito malalaman na nagsisinungaling s'ya. "Yara baby, hindi mo sinasagot ang tanong ko," pag-iinarte na sambit ng katabi n'ya na si Argel kaya napalingon s'ya dito. "Ang sabi ni sir, kapag raw nahuli ka n'ya ay s'ya ang magsasabi kung saan mo s'ya ililibre tapos kasama kami sa ililibre mo," walang pagngiting sagot n'ya dito. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan at hindi mapaniwala na napatingin ng diretso sa mga mata n'ya. Para itong nakarinig ng illegal na bagay na nagdadawit sa pangalan n'ya. "Hoy!" napalakas na sambit nito kaya napalingon dito ang ilang studyante pero agad din naman ang mga itong lumingon. "You're so loud," saway ni Denver sa kaibigan. Pareho na mahinang natawa sina Guia at Yara kaya pinandilatan sila ni Argel ng mga mata. "Tapos ko na kayong ilibre, ang kakapal naman ng mga atay ninyo," reklamo nito sa kanila dahil sa sinabi ni Yara. Nagkibit-balikat lang dalaga at nag-smirk dito, "sabihin mo kay sir iyan kung papayag s'ya na hindi kami kasama," aniya nang may pagkindat kaya nakatanggap s'ya nang pag-irap mula dito. "Yara baby, alam ko na malakas ka kay sir ay wala akong — amp," walang pasabi na pinaslakan ni Yara ng nilukot na papel ang bibig ng kaibigan. Masama na naman s'ya nitong tiningnan pero binaliwala n'ya lang ito. Napatingin s'ya sa tumayo na si Denver, lumingon naman sa kanya ang katabi na si Guia kaya tinanguan n'ya ito nang sabihin nito na number na nila ang tinatawag. Naramdaman n'ya naman kaagad ang pagsunod ni Argel sa likuran n'ya at ang pagtabi nito sa kanya sabay nang pagpatong ng braso nito sa balikat n'ya. "Tanggalin mo iyang braso mo kung ayaw mo na baliin ko iyan dito," mahinahon at mahina na sabi n'ya pero narinig iyon ni Guia kaya lumingon sa kanila ang kaibigan at umiling. "Kung gusto mo ako na ang gagawa, Ya. Matagal ko na kasi na gawin iyon eh," nakangiting saad ni Guia at walang pagdadalawang-isip na ihinawakan ni Yara ang kamay ni Argel at inabot kay Guia na walang pag-alinlangan nitong pinilipit. "A-aray p*tang---- bitawan mo ako, walang hiya ka talagang pangit ka," nanlilisik ang mga mata nitong tumingin kay Guia nang bitawan nito ang kamay n'ya na pakiramdam n'ya ay na dislocate. Tinalikuran ni Guia ang binata at tumabi kay Yara na parang walang nangyari. Hindi naging matagal ang pag-proseso ng mga staff ng mga kailangan nila kaya hindi na sila nagtagal doon. Agad sila na lumabas ng building at dumiretso na sa parking lot. Wala naman na silang plano pa na pumunta sa kung saan kaya nagkanya-kanya na sila sa paglapit sa mga sasakyan nilang apat. Agad na sumunod ang sasakyan ni Yara sa sasakyan ni Guia hanggang sa makarating sila sa tapat ng subdivision nila. Pagkabusina ay iniliko n'ya kaagad ang sasakyan at napangiti s'ya nang pagdating n'ya sa bahay nila ay nakita n'ya ang sasakyan na ginagamit ng ninang n'ya. Ibig sabihin ay narito ang ninang n'ya sa bahay pero possible na aalis ulit ito dahil narito pa ang kuya Joseph n'ya na minsan ay tinatawag n'yang tito. Kaya lang mas nasanay talaga s'ya na tawagin ito ng kuya. Maaga pa rin naman kasi, hindi pa ito ang oras nang usual na uwi ng ninang n'ya galing sa opisina. "Ms. Yara, naka-uwi na pala kayo, umuwi na rin po ba si Guia?" pagtatanong ng ama ng kaibigan n'ya nang makalabas s'ya ng sarili n'yang sasakyan. Malapad ang ngiti n'ya nang harapin n'ya ang matanda saka tumango s'ya, "opo, sabay-sabay po kaming umalis ng school. Nasa loob po si ninang?" "May kukunin raw po si ma'am Alicia, babalik rin po s'ya sa opisina mamaya-maya lang," sagot nito kaya tumango s'ya. "Bakit hindi na lang po ninyo s'ya hintayin sa loob, kuya Joseph? Nag meryenda na po ba kayo sa loob?" pagtatanong n'ya dito. "Oo kakatapos lang, nagpahangin lang ako rito, ang lamig kasi sa loob. Mas masarap pa rin talaga kasi sa pakiramdam ang dampi ng hangin sa balat," natatawang sagot nito sa kanya kaya maging s'ya ay mahinang natawa saka nagpaalam na papasok na upang maabotan n'ya pa ang ninang bago ito lumabas. "Where's ninang?" agad na tanong n'ya sa sumalubong na kasambahay na galing sa itaas. "Nasa silid n'ya po si ma'am Alicia, Ms. Yara," sagot nito. Nginitian n'ya ito at agad s'yang umakyat ng hagdan upang puntahan ang ninang n'ya pero bago pa man s'ya makarating sa tapat ng pinto ng silid ng ninang n'ya ay lumabas na ito. "Oh. You're home," anito nang makita s'ya at tumingin sa suot nitong relo. "You're early, how was school?" tanong nito sa kanya at bumeso sa pisngi n'ya. "I have to show you something," malapad ang ngiti n'yang inilabas ang cellphone at pinakita ang final gwa n'ya at maging ang ranking ng over all LU students. Mahinang natawa ang ninang n'ya at kumikislap ang mga matang tumingin sa kanya pagkatapos nitong tingnan ang pinakita n'ya. "I know that already. I trust and believe in you. Alam ko na kaya mo ang lahat ng gusto mo. Pero huwag mong kalimutan na hindi lang pag-aaral ang kailangan mong bigyan ng atensyon, don't forget yourself, your health and everything," paalala nito sa kanya kaya tumango s'ya saka itinago ang cellphone sa bulsa. "This is for preliminary only ninang, I will make sure to get the same grade in midterm and finals, plus in my internship," determinado n'yang sabi. "I know you can have that, your are the best, by the way have you already applied to a company for your internship?" "Yes po, sa C&J Construction Company po."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD