Chapter 11 Conor's PoV Nakatingin ako kay Kia habang pinagmamasdan nito ang kabuuan ng bahay. Ipinatayo ko ito five years ago. Gamit ang sariling sikap ko sa pagtratrabaho sa aming kumpanya. At ang bahay na ito rin ang pinangarap ko noon noong kami pa ni Beatrice. Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi ako uuwe sa bahay na ito hangga't hindi ko nakakasama ang babaeng mamahalin ko na habambuhay at si Kia na nga iyon. Habang tinitignan ko si Kia na masaya at nalulungkot ako. Hindi gusto ni Daddy si Kia bilang maging nobya ko. Pinipilit pa rin nito si Beatrice sa akin. At gusto nitong kontrolin ang buhay ko tulad ng ginawa nito sa aking kapatid na si Ana. Napabuntong-hininga ako habang nakasandal sa pader ng veranda at iwinaksi ang alalahanin sa aking isipan. Ang babaeng ito ang pinapangar