Chapter 12 Beatrice's PoV NANG malaman ko ang pagkakaroon ng relasyon nina Conor at Kia agad akong gumawa ng paraan para mas lalong lumapit ang loob sa akin si Tito Custudio. Lalo na't napapabayaan ni Conor ang kumpanya dahil sa babaeng iyon. Nag-isip ako ng magandang dahilan para mapilitang magpakasal sa akin ni Conor. At sa pamamagitan iyon ni Drake. Malapit sa isa't isa sina Drake at Kia kaya ako na ang gagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng mga ito at mapunta si Conor sa akin. "Mare-realize niya na ako pa rin talaga ang mahal niya," bulong ko sa aking sarili. Nagkasuot ako ng red dress na hanggang pwetan ko lang ang haba bago magtungo sa kumpanya. Ngayon nakatakda ang plano ko, para i-set up si Kia kay Drake. Nakaplano na ang lahat at tiyak na magmamakaawa ito sa akin.