Chapter 10 Beatrice's PoV NANGINGINIG ako sa galit habang nakamasid kina Conor at Kia. Masaya ang mga itong nagtatawanan sa labas ng Conference Room. Sa tabi ko ay naroon ang mga staffs na kilig na kilig sa sinasabi nilang ConIa loveteam. The hell, love team. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa Kia na iyon at nagawa akong ipagpalit ni Conor. He loved me... he loved me so much. I can fee it. Hindi kaya ginagantihan lamang niya ako dahil iniwan ko siya. "Bagay na bagay talaga sila," Kinikilig na sabi ni Yumi, ang head ng Team Micro. Naiinis ako sa malanding bakla na ito na palaging ipinapangalandakan ang kaganapan sa dalawa. Naiinis na hinarap ko ito. "Shut up! Mawawalan kayo ng trabaho kapag patuloy ninyong pinag-uusapan ang walang kwentang loveteam na iyan." Nagsitahimik ang mga ito