Chapter 13 Kia's PoV Bago ako pumasok sa loob ng bahay namin ay isang malalim na buntong-hininga ang iniwan ko sa labas. Pinakalma ko ang aking sarili dahil ayokong makita ni Nanay na malungkot ako. Pumasok ako sa loob ng aming bahay na nakangiti. "Nay," mahinang sabi ko nang makita itong nagbubuklat ng mga larawan sa sala. Iniabot nito ang kamay sa akin at nagmano ako sa kaniya. "Maaga ka ngayon, anak," sabi nito nang makapagmano ako. "Wa-wala po kasing ginagawa sa... sa opisina, 'nay." Tinignan niya ako sa mukha tila hindi ito naniniwala. '"Saan ka natulog kagabi?" Napalunok ako. "Sa bahay nila Yumi, 'nay." Pagsisinungaling ko. "May ginawa kasi kami sa opisina at..." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kinakailangan kong magsinungalig dahil natatakot ako sa magiging reaksyon nito