Chapter 5

1844 Words
Nanatili ang ngiti sa aking labi kahit na umalis na si Kieran papunta sa kanyang work. My baby is still sleeping and takang-taka ako dahil ang himbing pa rin ng tulog niya. Kaya naman ang ginawa ko ay inayos ko ang ibang mga gamit namin. Ngayon ko lang napansin na konti na lang pala ang diapers niya at kailangan ko na din na bumili ng mga bago niyang damit at bottle dahil lumalaki na rin siya. Pero saan naman ako kukuha nito? Walang-wala talaga ako at nakakahiya naman kung hihingi pa ako kay Dad. Malakas akong bumuntong hininga. Dapat gumawa ako ng paraan para kumita ako ng pera. Kung nandyan pa rin ang bakery ko hindi sana magiging ganito ang sitwasyon namin ng anak ko. Masyado akong nagpabaya, masayado akong nagtiwala sa aking asawa. Sana noong mawalan siya ng trabaho, nagig mas maingat pa ako. Huli na nang malaman ko na kumuha siya ng loan gamit ang bakery ko at bahay. Nangyari na ang nangyari, hindi ko na ito maibabalik pa. The best way is to move on, tutal may matitirahan na rin kami. Tutulungan pa kami ng lalake kong biyenan. Nagtutupi ako ng mga damit namin nang may malakas na kumatok sa pinto. Mabilis ko naman itong binuksan bago pa magising ang aking baby. Grabe na talaga ang monster-in-law ko, walang konsiderasyon sa kanyang apo. “Anong ginagawa mo?” masungit niyang tanong. “Bakit nagkukulong rito? Hindi ba dapat naglilinis ka?” “Inaayos ko lang po ang mga gamit namin, Ma, pasensya na. May kailangan po ba kayo?” sagot ko sa kanya at matalim niya akong tinignan. “May pupuntahan ako kaya naman gusto ko na labhan mo lahat ang maruruming damit namin ng asawa ko. Wala ka namang binabayaran dito sa bahay, nakikitira ka pa. Okay lang naman siguro ‘yon, hindi ba?” “Sige po, Ma, gagawin ko.” tinaasan niya ako ng kilay at tinalikuran niya ako. "Sabihin mo sa mabait kong asawa na late akong uuwi or hindi na muna. Naaalidbaran talaga ako pag nakikita kita.” pahabol niyang sabi at tuluyan na siyang umalis. Naku! Kung hindi ko lang siya biyenan binato ko na siya ng suot kong tsinelas. Kaya naman pala nakaayos siya at todo makeup pa, feeling niya bata pa siya. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan lang siya ni Kieran na ganito. Kahit papano, asawa niya pa rin ito. Malay ko ba, matagal na rin kasi kaming hindi nakakadalawa rito ng asawa ko. Minsan ayoko ring pumunta dahil sa monster-in-law ko. Pero mama’s boy din ang asawa ko kaya pag may sinasabi si Angela, sinusunod naman nito kaagad. Pumunta ako sa kwarto nilang mag-asawa at hinanap kung nasaan ang marurumi nilang damit. Malaki ang master’s bedroom at may sarili pa talaga itong walk-in closet kung saan ako pumasok. Namangha ako sa dami ng kanilang gamit roon, lalong-lalo na sa babae kong biyenan. Lahat yata ng gamit niya puro branded, mula sa damit, sapatos at bags. Ang ganda naman pala ng buhay niya tapos kung awayin ako parang bitter. Bumuntong hininga ako at kinuha ang punong laundry basket na nasa sulok. Lumabas na ako at baka matukso pa akong sunugin ang kanyang mga gamit para lang makaganti. Chineck ko ang aking baby na natutulog pa rin. Kaya naman kinuha ko ang baby monitor na dala ko at nilagay ko ang isang intercom sa table. Sinigurado ko na safe si baby sa kama tapos ay bumaba na ako papunta sa laundry room. madaling gamitin ang washing machine at iniwan ko lang na nagra-run ito habang naglilinis na ako ng bahay. Maya-maya, narinig ko ang paghikbi ni Harith mula sa baby monitor kaya mabilis akong umakyat at kinarga siya. Pinas*so ko na rin at talaga namang gutom na gutom siya. Nasa sala kami nang biglang tumunog ang aking phone. Napangiti ako nang makita ang pangalan ng aking kaibigan sa screen kaya sinagot ko ito. “Hello Karla, sorry kung hindi na kita natawagan. Nakalimutan ko na rin kasi sa rami ng nangyari kahapon.” sabi ko sa kanya at narinig ko ang kanyang paghinga. “Truly? Okay lang, pero pinag-alala mo lang ako ng slight. Ano na naman ba ang nangyari? Huwag mong sabihin na pinalayas ka nila.” “Hindi, walang nangyari na gano’n. Masaya kami na tinanggap ni Dad, sobrang bait niya talaga. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ng kanyang anak. Nagalit siya at humingi ng patawad sa akin.” “Mabuti pa siya at may simpatya sa inyo. Tama ka nga naman na kasama mo rin ang kanilang apo. Lalo pa akong humanga nagyon sa father-in-law mo samantalang yo’ng asawa mo gusto kong bugbugin.” napatawa naman ako. “Eh, paano naman ang babae mong biyenan? Ano namang ganap sa kanya? I’m sure gumawa ito ng eksena.” “Sinabi mo pa… Nang makita niya ako at ng baby ko aba’y naging dragon ba naman. Sinisisi niya ako sa pag-alis ni Liam. Gusto akong paalisin pero hindi pumayag si Dad. mabuti na lang talaga, kung hindi, wala na talaga kaming pupuntahan. Pero na-guilty ako dahil nag-away silang mag-asawa.” “Luh! Lagi naman silang nag-aaway. Hanggang kailan kayo dyan?” “Sabi ni Dad pwede kaming tumira rito kahit gaano pa katagal.” sagot ko. “Ay bongga! Makakahinga na ako ngayon ng maluwang dahil sa good news mo. Tiisin mo na lang yang mother-in-law mo, at least nandyan si daddy Kieran. Kumusta naman siya? Hot pa rin ba?” natigilian naman ako sa panunukso niya. “Uy! Loka ka! Huwag ka ngang magsalita ng ganya sa kanya.” narinig ko ang kanyag pagtawa. “Pero… Hot pa rin siya.” nakangiti kong sabi. “Sabi ko na, eh! Pagkakataon mo na yan, besh! Grab the chance habang nandyan ka pa!” nagtaka naman ako sa kanyang sinabi. “Anong pagkakataon ang sinasabi mo, Karla? Nakalimutan mo yata na siya ang tatay ng asawa ko.” saway ko sa kanya. “Iniwan ka naman niya. Hiniwalayan kaya you’re free from him. Kailangan mo ng bago para may mag-alaga sa inyong mag-ina. Tapos ang father-in-law mo, hindi maganda ang relasyon sa monster mong babaeng biyenan, hindi ba?” “Oh, tapos? Anong gagawen? Karla, kung anuman ang iniisip mo, sobrang mali.” napatingin ako sa aking baby at nginitian ko siya. Nakatitig lang naman ito sa akin habang sumus*so ito. “Pwede ba, Yasmin! Ako lang ang nakakaalam na si daddy Kieran talaga ang gusto mo. Ang sabi mo pa nga kung mas nauna mo lang siyang nakilala, kahit may asawa pa siya, gagawin mo lahat para maagaw siya.” “I was drunk that time!” malakas kong sabi. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang aking sarili. Baka bigla na lang umiyak si baby. “Pwedeng huwag na nating pag-usapan yan? Lalo lang akong nagsisisi dahil pinakasalan ko si Liam. Luckily, nabiyayaan ako ng gwapo at mabait na anak.” “May reason kung bakit nandyan ka na. Kaya kung ako sa’yo, samantalahin mo na ang pagkakataon habang nandyan ka pa. Sigurado ako na magiging masaya ka sa piling niya.” Bumuntong hininga naman ako. “Ang saya nga pag nagkagano’n, Karla. You know na si Kieran talaga ang ideal man ko. Akala ko nga magiging katulad siya ng kanyang anak, pero nagmana pala si Liam sa kanyang ina.” narinig ko ang kanyang pagtawa. “Yeah, ako rin naman nalok niya. Magaling um-acting ang lalakeng ‘yon.” tumango-tango lang ako. “Alam mo, yas, pwede ka namang gumawa ng paraan para maging masaya ka. Kung tutunganga ka lang at magpapaapi sa mother-in-law mo, wala talagang mangyayari.” “Oo na! Ikaw talaga!” napatawa ulit siya. “Sige na, tatawagan kita ulit. Tapos ng kumain si Harith na tinititigan lang ako.” “Okay, tawagan mo ko ulit or kung may problema, ah.” ngumiti ako. Nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Tapos ay binuhat ko si baby para magpa-burp. Habang hinehele ko siya, inisip ko naman ang mga sinabi ng aking kaibigan. May point naman siya pero mali rin na ipagpatuloy ko ang aking nararamdaman para kay Kieran. Aalagaan ko na lang siya in my own way at hindi na ako mag-iisip ng ibang bagay na ikapapahamak naming dalawa. Buong hapon kong inasikaso ang pag-aayos ng bahay. Nakapag-bonding din kami ni Harith na kahit wala siyang crib o ibang gamit, masaya naman ito. Gabi na at nagluluto ako ng dinner nang dumating si Kieran. Sinalubong namin siya ni Harith at nagulat ako nang makita ko na marami siyang dala. “Dad? Bakit ang dami mo naman yatang dala? Parang binili mo na ang buong mall. Ibababa ko lang si baby para matulungan kita.” ngumiti siya sa akin. “Huwag na, kaya ko naman ang mga ito. Habang pauwi ako kanina, naisip ko kayo. Gamit mo at mga gamit ni baby. Bumili na ako dahil alam ko naman na konti lang ang mga gamit na dinala niyo.” natigilan naman ako at parang may humaplos sa aking puso. Napatingin ako sa mga bags at malalaking karton na pinapasok niya at gusto kong maiyak sa mga oras na ‘yon. Sobrang touched ako sa kanyang ginawa. “I think you could use all of this, para na rin ma-spoil ko ang aking apo. “Dad, hindi alam kung anong sasabihin ko. Hindi mo naman kailangan na gawin ‘to, nakikitira na nga lang kami. Pero maraming salamat…” tuwa kong sabi sa kanya. “Kagaya ng sabi ko, pamilya kayo. Tsaka hayaan mo na ako na ibigay ang kailangan ng apo ko at pati na rin sa’yo.” ngumiti naman ako at nagpasalamat ulit sa kanya. “May naaamoy akong masarap, ah. Nagutom tuloy ako.” “Nagluluto ako ng dinner, sana magustuhan mo.” biglang gumalaw si baby at inaabot nito ang mga maliliit nitong kamay sa kanya. Natigilan naman si Kieran at bakas ang tuwa sa mukha nito. Binigay ko si baby sa kanya, na kanyang kinuha at hinalikan ang ulo nito. “Basta luto mo, magugustuhan ko. Hello, baby, na-miss mo ba ang daddy?” malambing niyang sabi at nag-coo lang naman si baby. “Ako na ang bahala sa kanya at ako na rin ang mag-aayos ng mga ito mamaya. Mag-focus ka na lang sa pagluluto mo. Doon lang kami sa kwarto.” “Sige, dad, salamat ulit!” tinapik niya lang ako sa balikat at pumanhik na sila sa taas. Bumalik naman ako sa kusina para hatiran ng masarap na pagkain ang aking father-in-law. Pati ang anak ko gustong-gusto na siya! Tinawag ko na siya nang makahain na ako sa mesa. Sabay-kaming kumain na dalawa habang nasa bagong baby chair niya si Harith. Hindi pa rin bumabalik si Angela kahit malalim na ang gabi. Nasa kwarto na kami ni baby at natutulog ito sa bago niyang crib. Lahat ng ito ay binili ni Kieran para kay baby at lubos akong nagpapasalamat sa kanya. Patulog na sana ako nang marinig ko ang pagtatalo ng mag-asawa sa kabilang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD