Maaga akong nagising kaninang umaga. Ang una kong ginawa ay nagluto ng masarap na breakfast para sa aking biyenan para magkaroon siya ng lakas na pumasok sa trabaho. Pagbalik ko sa kwarto namin, nakita kong gising na ang baby ko at parang may inaabot ang maliliit niyang kamay sa ere.. Lumapit ako sa kanya at binuhat siya mula sa kama. Marahan kong hinaplos ang kanyang ulo at hinalikan ang kanyang noo.
"Good morning, my cute little boy... Nakatulog ka ba ng mahimbing?" I said in a soft and happy voice, at napa-coo naman siya. “Ligtas na tayo ngayon, baby. Wala ng mangyayaring masama sa atin ngayon." dumampi ang maliliit niyang daliri sa mukha ko, at napangiti ako. Umupo ako sa kama at pinasuso siya. Napahagikgik ako nang madiin niyang sipsipin ang n*pples ko. "Slow down, baby..." Nakatitig siya sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata. “Mabuti na lang at hindi mo alam ang nangyayari sa paligid natin. Ayokong masaktan ka dahil sa kagagawan ng Papa mo. Hindi ka magiging katulad niya, at sisiguraduhin ko iyon.”
May kumatok sa pinto. Nilingon ko ito nang bumukas ito, at pumasok ang aking biyenan. Huminto siya nang makita niya ako, at ngumiti ako sa kanya.
"Good morning, Dad," bati ko sa kanya. Bigla siyang tumalikod ng makita niya akong nagpapasuso sa baby ko. I didn’t mind, really, but realizing na nakalabas na ang dibdib ko, medyo na-conscious ako.
"Sorry, I-I didn't know..." Nakagat ko na lang ang labi ko. “Magandang umaga sa inyong dalawa. Kumusta naman ang tulog niyo? Hindi ba umiyak si baby?” tanong niya.
“Hindi, Dad, gaya ng sabi ko ang himbing tulog niya. Mukhang napagod rin sa biyahe namin kahapon. Nakatulog rin ako ng mayos dahil alam kong safe na kami. Nakapagluto na ako ng almusal. Sana magustuhan mo." matamis naman siyang ngumiti.
"Talaga? Salamat... Pero hindi mo muna gainawa, kailangan mo rin ng pahinga.”
“Okay lang ako, Dad. Magaan ang pakiramdam ko ngayon. At alam mo naman na mahilig akong magluto. Hayaan mong gawin ito para sa iyo bilang isa sa mga paraan para mabayaran kita. Kumain ka na bago pa lumamig. Kailangan kong dalhin si Harith sa labas para sa kaunting araw."
“Okay lang ba kung ako ang maghahatid sa kanya pagkatapos niya dyan? Ngumiti ako at tumango.
“Oo naman, Dad. Mamaya pa kami bababa. Matakaw si Harith sa gatas kaya matatagalan kami saglit rito.”
"Sige, hihintayin kita sa baba." Tumingin ulit ako sa kanya, at lumabas na siya ng kwarto namin. Isang ngiti ang nanatiling nakaguhit sa aking mga labi. Inabot ng aking baby ang kanyang maliliit na kamay sa aking mukha.
Matapos siyang magsus0 ay maingat akong bumaba ng hagdan na karga siya. Nakita kong tinatapos na ni Kieran ang kanyang pagkain at tumayo siya nang makita niya kami.. Dinala niya ang kanyang plato at mug at inilagay sa lababo. Masaya siyang lumapit sa amin.
“Here he is…” sabi ko at binigay ang baby ko sa kanya.
“Hello, baby Harith, makakasama mo si Daddy saglit,” mahina niyang sabi.
“Daddy?” tanong ko, tumawa naman siya.
“Hindi ako papayag na tawagin niya akong lolo. Kapag nagsasalita siya, Daddy or Dad ang tawag niya sa akin.” Natawa ako, at natuwa ang puso ko. Dahan-dahan niyang binuhat si Harith, at nilagyan ko ng maliit na tuwalya ang balikat niya baka magkagulo ang baby.
“Kumain ka na rin. Makikipag-bonding lang ako sa apo ko bago pumasok sa trabaho." Hinalikan ko ang aking baby sa kanyang noo, at naglakad siya papunta sa hardin sa likod ng bahay. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape para sa sarili ko. Kumakain ako ng biglang sumulpot si Angela, at muntik na akong mabulunan sa kape ko.
“Wow… Parang at home ka na sa bahay namin, ah.” sarkastikong sabi niya.
“Goodmorning po, Ma. Nagluto ako ng almusal natin." sabi ko sa kanya.
“Hmp! Hindi ako kumakain ng mga unhealthy foods, lalo na kung ikaw ang nagluto nito. Baka naglagay ka ng lason dyan para patayin ako. At itigil mo na yang pagpapanggap mong mabait sa akin. Naiirita ako.” Napayuko nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Gusto ko naman talaga itong lagyan ng lason para lang sa kanya para masolo ko na rin si Dad. pero hindi ako masamang tao na katulad niya. At saka, hindi ako pwedeng makulong dahil mayroon akong baby na nangangailangan sa akin. "Dahil pumayag ako na dito ka tumira, hindi ibig sabihin na tatanggapin kita." Naglakad siya palapit sa akin at nginisian ako. “You need to work for it kung gusto mong manatili kayo ng anak mo rito. Hindi ko hahayaan na mamuhay ka dito sa bahay na parang prinsesa. Abay, paghirapan ko naman at magtrabaho ka. Dahil sa bahay na ito, ako ang reyna, at ikaw lang ang asawa ng anak ko."
“Hindi mo kailangang sabihin yan, Ma. Ako na ang bahala sa bahay." sambit ko.
"Mabuti yan. Maaari kang maging kapaki-pakinabang sa amin habang narito ka. Nasaan pala ang asawa ko?" tanong niya at tumingin sa paligid ng bahay.
"Nasa labas siya kasama si Harith," mahinang sagot ko. Lumabas siya ng walang sinasabi. Nawalan na ako ng gana dahil sa paghaharap namin ang akibng mother in law. Good mood ako kanina habang kausap si Kieran. Ngunit ang lahat ng iyon ay nawala dahil sa kanya!. Ang tanging nakukuha ko mula sa kanya ay galit at insulto, at dapat na sanay na ako ngayon. Tiningnan ko lahat ng pagkain at kinain na lang ang natira.hindi naman ito unhealthy, ah, balance lang dahil may baby din akong pinapasuso. No wonder she’s so skinny at baka mag damo lang ang kinakain niya. Malakas akong bumuntong hininga at tinapos ko ang aking pagkain. Naghuhugas ako ng pinggan nang pumasok sa loob si Kieran na karga-karga ang baby ko na natutulog. Ang cute nilang tignan!
"Nandito na kami... Mukhang nasiyahan si Harith sa kanyang sunbathing at nakatulog na naman siya," sabi niya. Pinunasan ko ang aking mga kamay at kinuha ang aking baby mula sa kanya.
“Maraming salamat, Dad. Dadalhin ko lang siya sa kwarto namin. Sige na, magbihis ka na at baka ma-lete ka sa work mo.”
“I will... Yasmin, kung may problema ka o kailangan mo, please don’t hesitate to call me. Lagi akong available.”
“Yes, Dad, I promised to call you if we need anything,” tumango siya.
“Aalis din ang asawa ko. Sigurado ka bang magiging okay ka dito?"
"Oo, wala kang dapat alalahanin sa amin. Kakayanin ko, at hindi mahirap alagaan si Harith. Super bait niya. Sige na, baka ma-late ka pa." ngumiti siya.
“Okay, I will see you later…” hinaplos niya ang ulo ni Harith at hinalikan ito. Pagkatapos ay umakyat na siya para magbihis. Sumunod naman kami, at inihiga ko ang baby ko sa kama. Ibinalik ko ang mga unan na nakapaligid sa kanya at humiga ulit sa tabi niya. How I wish na hinalikan rin ako ni Kieran. I wonder kung iniisip niya rin ba ako kagabi? Tumigil ka, Yasmin! Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito sa ama ng asawa ko! It’s not right! May bahay na kami ngayon, at mabubuhay kami ng kumportable, kaya dapat makuntento na lang ako roon.