Chapter 1
Kinuha ko ang ilang damit sa aming kama at tinupi ko ito ng maayos. Umiiyak ako habang inaayos ang lahat ng gamit namin. Ang aking anak na 6 months old pa lamang ay tahimik na natutulog sa kanyang crib. Napaka-inosente niya kaya natutuwa akong hindi niya pa alam ang nangyayari sa kanyang paligid. Pinunasan ko ang aking mga luha, at unti-unting nadudurog ang aking puso habang lumalala ang sitwasyon para sa akin at sa aking anak.
Biglang umalis ang asawa ko sa bahay namin, at hindi na siya bumalik. Aside from that, marami siyang iniwan sa akin na mga utang niya, at wala akong choice kundi bayaran ang mga iyon. Wala ng laman ang aking bank account, lahat ng ipon ko naubos na dahil sa kanyang utang na hindi ko alam na kinuha niya! Galit na galit ako ngayon sa walang kwenta kong asawa at naaawa rin sa aking anak na wala ng ama ngayon. Konti na lang ang pera na natira sa akin, sapat lang para sa ilang araw. Ngayon, pinapaalis na kami sa aming tahanan, at hindi ko na alam ang gagawin ko. Huminga ako ng malalim. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habag nagtitiklop ng mga damit namin.
"Saan ka pupunta ngayon? Nakahanap ka na ba ng ibang apartment?" Sabi ni Karla na malapit niyang kaibigan. Tumingin ako sa kanya at bumuntong hininga.
"Kahit nahanap ko na, wala na akong pera. Nabayaran ko na lahat ng utang ng asawa ko. Wala ng natira," nanginginig na boses na sagot ko.
"I'm so sorry, Yas. Gusto kong tumulong, pero may pamilya akong dapat alagaan."
"It's okay. You have done enough to help us," nakangiting sabi ko. "I also made up my mind kung saan ako pupunta. I decided to ask for help from them."
"Teka, iniisip mo bang pumunta sa bahay ng biyenan mo? Magandang ideya ba iyon?"
"It's not that good, but I have no choice. Sila lang ang alam kong makakatulong sa akin at sa baby ko." Tumingin ako sa crib at bumuntong hininga.
"Sigurado ka ba? Hindi ka nagkaroon ng magandang relasyon sa biyenan mo." Nagkibit balikat na lang ako.
"We are not somebody else, Karla. We are a family. Wala na akong mga magulang. Iniwan kami ng anak nila at nagdulot sa akin ng maraming problema nitong mga nakaraang linggo. Apo nila si Harith. Malamang hindi nila kami tatalikuran. ." kumuha pa ako ng bag at inilagay ang iba pa naming gamit sa kabila. "At saka, mabait sa amin ang biyenan ko. Sigurado akong tutulungan niya tayo."
"Well, your father-in-law is a decent human being and medyo hot. So, you're lucky you have him," tukso niyang sabi, at nanlaki ang mata ko.
"Karla, wag kang magsalita ng ganyan. Siya ang tatay ng asawa ko," humagikgik siya, at umiling ako. "Hindi ko nga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila tungkol sa pag-abandona sa amin ng anak nila. Kinuha niya lahat ng pera sa account namin nang hindi iniisip ang baby namin. Pati ang bakery ko at ang bahay na naipundar ko, pinang-loan niya. Ano ng klase siyang lalake?!”
"Isang masama at makasariling lalake. Hindi mo nakita ang totoong pagkatao niya noong hindi pa kayo kasal. Pasensya na sa nangyari. Kung alam ko lang ng mas maaga ang ginawa niya, sinuntok ko na sana ang asawa mo. " Bahagya akong tumawa at pinunasan ng tuwalya ang basa kong pisngi dahil sa pag-iyak ko kanina. "Karma will get him. Ang importante ay kasama mo pa rin ang baby mo. Sa kanya ka mag-focus, siya na lang ang isipin mo.”
"Oo, tama ka. Mas mahalaga siya ngayon, at gagawin ko ang lahat para mabigyan siya ng komportableng buhay. Siya ang dahilan kung bakit may lakas pa akong mag-move on at maging masaya."
"Ganyan nga, Yas, tatagan mo lang ang loob mo. Ipakita mo sa asawa mo na hindi mo siya kailangan." Tumango ako sa kanya at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit namin.
Kinabukasan, hinatid ako ni Karla sa terminal ng bus. Napakagaan ng loob ko na nandiyan siya para tulungan ako. Matapos magpaalam at maingat na yakapin ang aking baby, sumakay na kami sa bus patungo sa kinaroroonan ng aking mga biyenan. Makalipas ang ilang oras, nakarating na kami sa aming destinasyon, at tinulungan kami ng isang mabait na driver ng taxi at nilagay ang mga dala naming gamit sa likod ng sasakyan. Tahimik pa ring natutulog ang baby ko, at napangiti ako sa kanyang cute, chubby face. Ilang minuto ang biyahe hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang malaking gate. Nagbayad ako sa taxi driver, at bumaba na kami sa kotse niya. Sa oras na iyon, bumukas ang gate, at lumabas ang aking father-in-law na may pagtataka sa kanyang mukha.
"Yasmin?" sinabi niya. "Ikaw ba yan?" Ngumiti ako sa kanya, at lumapit naman siya sa akin.
"Dad, pasensya na nandito kami nang hindi kita tinatawagan," sabi ko.
"Okay lang. You are always welcome here. I am so happy to see you and, of course, ang apo ko," nakangiting sabi niya. "Come in. Siguradong napagod ka sa biyahe mo dito. Dapat tinawagan mo na lang ako para sunduin ko kayong dalawa." Kinuha niya ang aming mga bag at pinapasok muna kami, pagkatapos ay kaagad naman siyang sumunod. Bukas na ang pinto ng mansyon nila. Naglakad kami papunta sa sala, nilapag ang mga bag namin sa gilid. Ilang beses na akong nakapunta sa bahay nila at hangang-hanga pa rin ako sa laki at karangyaan nito. "Maupo ka.” nagpasalamat naman ako.
"Sorry for bothering you. I know you are a very busy man." Umupo ako sa sofa, at gumalaw ang baby ko at umiling. Hinawakan ko siya habang hinahaplos ko ang likod niya.
"I told you, it's fine. Pwede ko ba siyang hawakan?" tanong niya habang nakatingin sa baby ko. Binigay ko sa kanya si Harith, at masaya niya itong binuhat . Hindi man lang umiyak ang baby ko at mukhang kumportable sa lolo niya. Siguro nararamdaman niya na mabait siyang tao.
"How are you, dad? Sana hindi kita inistorbo."
"It's the weekend, so I am just resting here. How about you? Kamusta na kayo ni Harith? Ang tagal na rin nang bumisita kayo rito." Kumunot ang noo niya nang makitang kami lang. "Teka, wala si Liam. Nasaan siya?" I cleared my throat, at saka ako huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Masakit marinig ang pangalan ng asawa ko, at lahat ng bagay ay nagpapaalala sa akin kung ano ang ginawa niya sa aming pamilya. Lalo na ang pag-abandona sa kanyang anak.
"Dad, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sayo." Simula ko, at napawi ang ngiti niya. "Wala po siya, hindi namin siya kasama.”
"Ha? Parang hindi ko maintindihan. Nauna ka ba dito? Tapos, mamaya pa ba siya pupunta? O may hindi kayo pagkakaintindihan?"
"Dad, wala ako dito kung simpleng hindi pagkakaunawaan lang." Napatingin ako sa kanya, nangingilid ang luha sa mga mata ko. Lumambot ang mukha niya, at lumapit siya sa akin. "Kasi pinalayas po kami sa bahay namin. Ilang linggo na po kaming iniwan ni Liam na wala man lang sinasabi. Iniwan lang po niya kami. Ang masaklap pa ay kinuha niya lahat ng pera namin. Nag-claim din siya ng loan sa bahay namin at sa aking bakery. Kinuha na po ito ng bangko. Wala siyang iniwan sa amin maliban sa maraming utang niya sa mga taong hindi ko kilala." Napabuntong hininga ako at pinunasan ang mga luhang umaagos sa pisngi ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko, at ikaw lang ang naiisip kong tutulong sa amin."
"I can't believe that my son would do that. Akala ko okay na kayong dalawa since hindi na siya humihingi ng pera sa akin." Malakas siyang bumuntong-hininga at maingat na hinawakan ang aking anak. Kitang kita ko ang mukha at ang mga mata niya na naguguluhan talaga siya. Natiguilan ako nang hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
"Magandang desisyon na pumunta ka dito. You are always welcome in my home. Pamilya na tayo, Yasmin. Simula ngayon, ako na ang mag-aalaga sa inyo ng apo ko. Wala kang dapat ikabahala na kahit ano," sincere niyang sabi, at ngumiti ako sa kanya na may relief na bumalot sa dibdib ko. Alam kong mabait siyang tao, pero hindi ko inaasahan na matatanggap niya kami agad sa buhay niya. Hawak ang aking baby gamit ang isang kamay, lumapit siya sa akin at ipinulupot ang kanyang braso sa akin para sa isang maikling yakap. Kahit na nagulat ako, masaya talaga ako. "You can live here as long as you want, okay?"
"Thank you, dad. Kahit ilang buwan lang para maayos ko ang buhay namin. Pag malaki na ng konti si Harith, maghahanap ako ng trabaho. Ayoko naman na umasa lang sa inyo.”
"Huwag mo ng isipin ‘yon. Ako na ang bahala sa inyo. I told you already that we are family, and this will be your home now," nakangiti niyang sabi, tumango naman ako. "Let's get you upstairs. I don't have any rooms prepared for you guys, but the guest room is clean and organized. You can stay there." Tumayo kami at umakyat, at itinuro niya sa amin ang guest room kung saan kami madalas na tumutuloy ng asawa ko kapag binibisita namin sila. Binuksan niya ang pinto, at pumasok kami.
Kinuha ko sa kanya ang baby ko at pinahiga sa gitna ng kama. Nilagyan ko siya ng dalawang unan sa kanyang tabi para mas safe. Bumalik din siya para kunin yung mga gamit namin at nilagay sa aming kwarto. Nag-uusap kami nang biglang pumasok sa pinto ang ang aking mother-in-law. Tuluyan akong kinabahan at tumingin ako kay Dad na puno ng pag-aalala.
"WHAT THE HELL IS THE MEANING OF THIS??!!!"