Chapter 6

1531 Words
Malalim na ang gabi, mahimbing ng natutulog ang aking baby sa babgo niyang crib na binili para sa kanya ng kanyang lolo. Tuwang-tuwa ako kanina at sobrang na-touched ako sa kanyang ginawa. Pinoproblema ko lang kanina kung saan ako kukuha ng pambili ng mga ibang gamit ng anak ko at heto, punong-puno ang kwarto namin ngayon. May mga diapers na rin at alam niya ang size ni baby. Pati feeding bottles na rin, may crib na siya, may baby chair, play mat na pwede niyang higahan. Hindi lang ‘yon may binili rin siya para sa akin, mga damit, sandals, slippers, mga essentials at muntik ko na siyang mahalikan kanina sa tuwa. Ang isa pang nakakatunaw sa puso ko na nangyari ay ang pag-demand ng aking baby na buhatin siya ni Kieran. Kahit ngayon lang ulit sila nagkita, gusto na siya ni Harith. Mukhang alam niya talaga na mabait na tao ang kanyang lolo. Teka, huwag ko na nga siyang tawagin na lolo dahil hindi naman siya mukhang grandpa. Mas mukha siyang ama ni Harith. Hay ano ba itong mga naiisip ko! Siguro ganito lang ang nararamdaman ko kasi ganito yo’ng expected na gagawin sana para sa amin ng asawa ko. Parang expectation versus reality ang nagyari, ako ang lahat ang nag-effort para alagaan at ibigay ang pangangailangan ng baby namin. Napatitig ako sa kisame at patulog na sana ako nang may marinig akong ingay mula sa kabilang kwarto. Napabangon ako at nakinig ako ng mabuti. Mukhang nag-aaway na naman ang mag-asawa. Bumangon ako at lumapit sa pader at naririnig ko ang galit na boses ng aking mother-in-law. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, ni hindi ko napansin na nakauwi na pala siya. Akala ko hindi na nga siya uuwi. Sayang naman at nandito na siya. Narinig ko ang paghikbi ni Harith kaya naman agad ko siyang nilapitan. Hinaplos ko ang kanyang chubby cheeks at nilambing ko siya sa aking matamis na boses. “Gutom ka na naman, baby ko…” sabi ko at binuhat ko siya. Kinapa ko ang kanyang diaper at basa na ito. Kaya naman nilagay ko siya sa changing table at pinalitan ko siya. Tapos ay binuhat ko siya ulit at umupo ako sa kama. Inangat ko ang loose shirt na aking suot at pinad3de ko na siya. Naririnig ko pa rin ang pag-aaway ng dalawa at bumuntong hininga ako. “Hay naku, baby, galit na naman ang lola mo.” tumingin ako rito at hinaplos ang kanyang ulo. “Dahil siguro ito sa mga binili ng daddy mo. Hindi ko ba maintindihan kung bakit pati ikaw ayaw ng lola mo. Ang cute mo kaya at ang bait pa. Kamukhang-kamukha mo ang iyong daddy.” nag-cco siya at tumaas ang isa niyang kamay na aking hinawakan. “Huwag kang mag-alala, nandito naman ako at ang daddy mo. Sisiguraduhin ko rin na pasasayahin ko siya sa abot ng aking makakaya. He doesn’t deserve this at all, need niya rin na maging happy, at tayo ang gagawa nito, diba?” pinanggigilan ko na hinalikan ang kanyang kamay at ngumiti naman ito. Nakatulog na ulit si baby nang matapos itong mag-breastmilk. Kanina nakarinig ako ng pagbagsak ng pinto at tumigil na ang kanilang pag-aaway. Dahan-dahan kong nilagay si Harith sa kanyang crib at bumalik ako sa kama. Tinignan ko ang aking phone at nakita kong mag-11 PM pa lang pala. Kung gano’n saglit lang akong nakatulog. Humiga ulit ako at dahil na rin sa pagod na ginawa ko maghapon, nakatulog na ako ulit. Bigla akong nagising dahil ihing-ihi na rin ako. Tumingin ako sa crib at nakitang natutulog pa rin si Harith. Maingat siyang bumaba sa kama at pumunta ako sa bathroom. Mula sa bintana nito, nakita ko sa labas ang aking father-in-law. Umihi ako saglit at tumingin ulit ako sa labas habang naghuhugas ako ng aking mga kamay. “Anong ginagawa ni Kieran sa labas? Umiinom ba siya?” sabi ko sa aking sarili. Bumaba ako para puntahan siya. Lumabas ako sa backyard kung saan naroon ang magandang garden ng bahay. Nandoon nga ang aking father-in-law at nakita ko ang isang bote ng alak sa table at sa hawak niyang baso na kanyang iniinom. “Dad? Bakit kayo nandito? Hindi ba kayo nalalamigan?” tanong ko sa kanya habang yakap ko ang aking sarili. “Mukhang marami na kayong naiinom, ah.” lumingon siya sa akin at namumula ang mukha nito. Napapansin ko rin ang tension niyang aura at dahil ito siguro sa pag-aaway nilang mag-asawa. Ikalawang beses na yata ito, eh, at gusto kong sugurin ang monster sa taas para samapalin siya. Medyo naaawa na rin kasi ako kay Dad. Tignan mo naman, kagagaling niya sa trabaho tapos aawayin lang siya ng kanyang asawa na mukhang gumimik lang. “Ikaw pala, Yasmin…” sambit niya. “Akala ko ang bwisit ko na naman na asawa.” may inis sa tono ng kanyang boses. “Nahati mo na ang iniinom mong alak.” lumapit pa ako sa kanya. “Hindi pa naman ako lasing, ayos lang ako.” at bahagya siyang ngumiti sa akin. “You can join me?” natigilan siya. “Sorry, hindi pala pwede sa’yo.” napahawak siya sa kanyang noo at napahinga siya ng malalim. Hinawakan ko ang kanyang balikat at tinitigan niya naman ako. Kitang-kita ko ang pagod sa kanyang mukha. “Ang mabuti pa, tumigil ka na sa pag-inom. Lalo lang hindi maganda ang magiging pakiramdam mo. May trabaho ka pa bukas. Tara na, dad, magpahinga ka na. Ipagluluto kita ng hangover soup bukas para mawala ang sakit ng ulo mo.” ngumiti naman siya at nagulat ako nang pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking bewang para yakapin ako. Napalingon ako at baa bigla na lang kasing sumulpot ang monster-in-law ko. Baka tuluyan na niya akong palayasin pag nakita niya kaming ganito. “Dad, alam kong nagkakaganito ka dahil nag-away na naman kayo. Huwag ka kasing magpatalo sa kanya. Ikaw naman ang nagbibigay ng lahat ng kailangan niya, eh.” bahagya siyang tumawa at para siyang bata na tumingin sa akin. “Akala ko sanay na ako sa pagbubunganga niya, pero hindi pa pala ako immune.” malakas siyang bumuntong hininga at binitawan niya ako. “Pasensya ka na, Yasmin, nagising ba kayo kanina? Nagising ba si Harith?” “Oo, pero dahil gutom na naman siya. Matakaw talaga ang apo ninyo.” nakangiti kong sagot. “Pero mahimbing siya ulit na natutulog ngayon.” “Mabuti naman… Nahihiya na rin ako sa inyo sa palagi naming pag-aaway ni Angela. Hindi ko na rin talaga siya kayang pakisamahan.” tumayo siya at hinawakan niya ang aking kamay. Hinil niya ako papasok ng bahay at tumungo kami sa kusina. Kumuha ng tubig na maiinom at nakatingin lang naman ako sa kanya. “Dad, inaway ka na naman ba niya dahil nakita niya ang mga gamit na pinamili mo pra sa amin?” tanong ko at natigilan siya. “Hindi ko na talaga siya maintindihan… Pera ko naman ang ginagastos ko, at pera ko rin ang ginagamit niya. Wala siyang karapatan na pagbawalan ako sa gusto kong gawin. Hindi ko naman siya pinapakialaman sa lahat ng ginagawa niya.” pagod niyang sabi. Lumapit ulit ako sa kanya at hinagod ng aking kamay ang kanyang likod para pakalmahin siya. “It’s because she’s your wife. Iniisip niya siguro na dapat siya lang ang pinagtutuunan mo ng pansin.” napailing naman siya. “Nasaan na siya? Natutulog na?” “Nope! Ayun, umalis na naman! Sana huwag na nga siyang bumalik para matahimik na rin ang buhay ko.” “Dad, huwag ka namang magsalitang ganyan. Ayoko rin talaga na nag-away kayo, lalo na kapag ako ang dahilan.” humarap siya sa akin at hinawakan niya ulit ang aking kamay. “Matagal na kaming ganito. Bago pa kayo dumating rito, lagi na kaming nag-aaway. Palagi na nga siyang wala sa bahay, wala pa siyang ginagawa pero siya pa ang may lakas ng loob na awayin ako. Iniisip ko nga baka nababaliw na siya. I married a crazy woman!” napasuklay siya sa kanyang buhok dahil sa frustration. “Huwag mo na lang kaming pansinin.” “Ayoko lang kasi na nahihirapan ka, Dad.” lumambot ang kanyang mukha at hinila niya ako palapit sa kanya. Mabuti na lang at wala ang asawa niya rito sa bahay. This is dangerous for me dahil ayokong bumigay sa anumang nararamdaman ko sa kanya. “Ang swerte ng naka ko sa’yo, Yasmin. Pero ang laki niyang g*go at iniwan ka niya, iniwan niya rin ang sarili niyang anak para makapagsaya sa pera na kinuha niya. He is not welcome anymore and it doesn’t matter that he is my son. Pareho lang sila ng kanyang ina na walang kwenta!” “Dad, kumalman ka lang. Baka mapano kyo niyan, lalo lang kayongmai-stress.” huminga naman siya ng malalim ng ilang beses. “Maswerte rin naman ang asawa mo sa’yo. Nagmana lang talaga siguro sila sa isa’t-isa.” bahagya naman siyang tumawa. Napalunok ako nang hinaplos niya ang aking pisngi at nag-iba timpla ng kanyang mukha habang nakatitig siya sa akin. “Sana, ikaw na lang ang naging asawa ko, Yasmin…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD