Chapter 3

1394 Words
Gabi na, hindi pa rin ako makatulog. Nakatitig lang ako sa baby ko, payapang natutulog sa tabi ko. Nilagyan ko siya ng unan para maging safe siya kahit gumalaw siya. Napabuntong hininga ako at tuluyan na akong nahiga sa kama. Nakatitig ako sa kulay abong kisame, isang kulay na umiikot sa aking buhay mula noong araw na iniwan kami ng aking asawa na walang pakialam sa amin, sa kanyang pamilya. I hate that man! I hate him so much na ayaw ko na siyang balikan. Akala ko mabait siya at responsable, pero peke pala ang lahat. Nagpakasal ako sa isang walang kuwentang lalake, selfish at gusto lang ng pera! Tumingin ulit ako sa baby ko at marahang hinaplos ang ulo niya. Mas masaya ako ngayon dahil may bahay na kami. Gumaan ang pakiramdam ko dahil ligtas na kami, at ang aking biyenan ay mabait na inaalagaan kami. Ang inaalala ko lang ay ang babae kong biyenan, magkasama na kami sa iisang bahay at sobrang galit ang nararamdaman nito para sa akin. Simula noong una naming pagkikita, alam kong hindi niya ako gusto. Nag-aalala ako na baka may gawin siyang masama sa akin at sa baby ko. Kaya, kailangan kong mag-ingat at huwag akong lumaban sa kanya. Baka madamay pa kasi ang anak ko sa galit niya. Nang masiguradong safe at hindi magigsing si baby, dahan-dahan akong umalis ng kama at naglakad papunta sa pinto. Lumabas ako at bumaba ng hagdan diretso sa kusina para uminom ng tubig. Nagulat ako nang makita ko si Kieran na gano’n din ang ginagawa. “Yasmin? Bakit gising ka pa?" tanong niya sa akin nang makita niya ako. Nagulat din ito kanina nang makita niya ako, tapos ay ngumiti siya. “Dad... Uhm, kukuha din ako ng tubig. Hindi ako makatulog," sagot ko. "Siguro hindi ka lang nasanay dahil hindi ka natutulog sa sarili mong bahay." "Siguro nga..." Napatingin ako sa kanya, at ngayon ko lang napansin na naka sweatpants siya at walang pang-itaas. Kitang kita ko ang malalaki niyang muscles, at may maliliit din siyang tattoo sa dibdib at braso. Kumuha siya ng isang basong tubig at ibinigay sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya at tinanggap iyon. Napaka-sexy at hot niyang tingnan kaya hindi ko maiwasang humanga sa kanya. "Hindi ka rin makatulog?" sabi ko sabay iwas ng tingin sa katawan niyang maganda ang hubog. I mean, gwapo ang asawa ko, and he maintains his body, pero mas gorgeous si Kieran, at bagay sa kanya ang kulay asin-at-paminta na buhok sa gilid ng ulo niya. "Oo, iniisip ko kayo ni Harith." Bumilis ang tib0k ng puso ko dahil sa sinabi niya, napatitig ako sa kanya. "Kumusta siya? Hindi ba siya stressed sa lahat ng ito?" "Hindi naman, Dad. Ang himbing niya nga na natutulog. Alam kong mas ligtas ang pakiramdam niya ngayong nandito ka, at tinggap mo kami sa bahay mo.," ngumiti siya uliti. “Buti na lang at napunta ka dito sa kabila ng pagtrato sa iyo ng asawa ko. I’m so sorry about that. Hindi ko maintindihan kung bakit siya galit na glit gayong apo naman namin si Harith. Anak siya ng anak namin kaya kadugo pa rin naman ito. Ikaw ang babaeng pinakasalan niya, pero lagi na lang siyang galit.” “It’s okay, Dad... At saka, naging mabait ka sa akin bago pa man ako magbuntis at magkaanak. I just knew that you will accept us," sincere kong sabi. “. Lumapit siya, at medyo nagulat ako nang hawiin niya ang aking buhok mula sa aking mukha.. Naaamoy ko ang kanyang aftershave, at ang bango niya. Biglang natuyo ang aking lalamunan kaya uminom ulit ako ng tubig. “I-I’m relieved now, Dad. Pakiramdam ko ay may naalis na mabigat na bato sa dibdib ko, salamat sa iyo." Pinilit kong hindi matitigan ang gwapo niyang mukha. Gulong-gulo ang isip ko, at naiisip ko na hindi siya nagsusuot ng sando para lang tuksuhin ako. Hindi ako makapaniwala na nagkakaroon ako ng dirty thoughts tungkol sa aking biyenan. "Pwede kang manatili dito hangga't gusto mo. Maghanap ka ng trabaho kapag malaki na si Harith. Kailangan ka niya ngayon, kaya alagaan mo lang siya, at aalagaan ko kayong dalawa.” “Dad, ayokong maging pabigat... makakatulong ako sa bahay mo. Kaya kong maglinis, maglaba, at magluto ng mga pagkain na gusto mo. Alam mo namang magaling akong magluto ng home cooked meals. Lagi kitang ipagluluto at syempre, aalagaan ka rin namin ng apo mo.” Bahagya siyang tumawa, Hinawakan niya ang aking braso at bahagyang pinisil iyon. Sa ginawa niyang paghawak sa akin, nag-react agad ang katawan ko sa isang haplos niya. Pwede ko rin ba siyang hawakan? Maaari bang maglakbay ang aking mga kamay sa kanyang dibdib o dilaan man lang ito ng kaunti? "Talaga? I look forward to your home-cooked meals,” sexy niyang sabi, at nanginig ako ng konti. “Pero hindi ka maid dito. Huwag kang mag-isip ng ganyan, and also, don’t mind Angela. Hindi naman siya laging umuuwi. May asawa man ako, pero matagal na akong hindi nakatikim ng masarap na lutong bahay.” “Dad, ipagluluto ko lahat ng gusto mo. Tulad mo, aalagaan din kita, at matutulungan ka ni Harith na makapagpahinga. Kahit na matagal na kayong hindi nagbo-bonding, kumportable na siya sa'yo." “Ang sarap naman pakinggan niyan…” seryoso siyang tumitig sa aking bigla. “Kumusta ka naman, Yasmin? Ayos ka lang ba? Alam kong mahirap ito para sa iyo." Bumuntong hininga ako at uminom ulit ng tubig. Napakahirap para sa akin dahil niloko ako ng asawa ko, at iniwan niya kami ng gano’n lang, na walang pasabi. Nawalan ako ang bakery na naging akin sa loob ng maraming taon, at ang sumunod ay ang aking bahay. Walang natira para sa akin o para sa aking anak. Kahit na ang pera sa bangko na iniipon ko para sa aking anak, ginamit ko lahat iyon para bayaran ang kanyang mga utang. Ni hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Akala ko nahihirapan siyang maghanap ng trabaho, kaya hinayaan ko na lang. Napakaraming bagay ang ipinangako niya sa akin, at sa huli ay iniwan niya kami. Syempre, hindi ako okay, pero ngayong nandito na ako, ang bigat sa dibdib ko ay unti-unti ng nawawala. “I’m okay, and I know I will get through this...” Natigilan ako nang yakapin niya ako. Naipit ako sa mainit niyang katawan, ang pisngi ko sa dibdib niya. Gusto ko lang dito forever. Ipinikit ko ang aking mga mata, at hindi ko na napigilan ang aking sarili habang tumutulo ang aking mga luha. “I apologize for what my son did... I can’t punish him because I don’t know where he is, but I will never let Liam hurt you again. Ligtas ka na, dito sa tabi ko." Nagpasalamat ulit ako sa kanya at niyakap din siya. Mabait na tao si Kieran. Hindi siya nagpakita ng kahit anong disgusto sa akin noong una kaming nagkita. I can’t deny that I had a crush on him, and there was a time when I wished na sana siya na ang lalaking papakasalan ko. Wishful thinking lang, pero mas maganda kung nangyari. “Alam ko… Alam kong hindi mo kami pababayaan...” mahinang sabi ko. Itinulak ko ang sarili ko palayo, at nang tumingin ako sa kanya, iba ang nakita ko sa kanyang mga mata. Ewan ko ba... Longing? pagnanasa? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pero masaya ako na nasa tabi ko siya. Bahagya akong kinilig nang humaplos ang kamay niya sa pisngi ko. Lumayo siya sa akin at bumuntong-hininga ng malakas. “Goodnight, Dad. I will see you tomorrow." bigla ko siyang hinalikan sa pisngi na bahagya niyang kinagulat. Tumalikod ako at mabilis na umakyat sa hagdan. Nang nasa kwarto na ako at naisara na ang pinto, ipinatong ko ang kamay ko sa aking dibdib na malakas ang kabog. Kung si Kieran lang ang asawa ko, matutuwa ako. Si Liam ay hindi katulad ng kanyang ama, katulad din siya ng walang puso niyang ina. Hindi ko kasi nakita kaagad kung anong klase talaga siyang lalake. I thought he would be like his father pero umasa lang ako sa wala. Oh well,nandito na rin naman ako at magkasama na kami sa iisang. Excited na akong makita si Kieran bukas. Bumalik ako sa kama, maingat na humiga malapit sa aking natutulog na baby, at natulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD