Chapter 10

1850 Words
Evan's POV He must be upset. Bagay lang iyon sa kaniya. Ayoko naman talaga nang away e. Pero siya itong laging nangunguna sa gulo. Akala niya siguro ay hindi ko siya papatulan porket mas mataas siya sa akin. Height lang naman ang nilamang niya sa akin. "Oh bakit ang tagal mo?" tanong ni Sheen sa akin ng maabutan ko sila. Mukhang inaantay nila ako. "Wala naman," sagot ko at inaya ko na silang dumiretso na ng classroom. Habang naglalakad ay ramdam ko ang pagkuyom ng kamao ko. Hinding-hindi ko hahayaan ang Matthew na iyon na maliitin ako. Dito pa talaga sa Hudgens University? I'll show him who's boss. Nang mailapag namin ang mga bag na dala namin ay nilapitan ko kaagad si Kris. "Pwede ba tayong mag-usap. Iyong tayong dalawa lang?" Hindi naman ito nagdalawang-isip pa. "S-sige," aniya. "May sasabihin din naman ako sa'yo e." Sabay kaming tumayo at tumungo sa pintuan. "Saan kayo pupunta?" sigaw ni Sheen ng mapansin nito kaming dalawa. "May pupuntahan lang," sagot ko sa kaniya. "Magdedate kayo no?" tukso nito sa amin. Bagay na ikinailang ni Kris at namula ang pisngi nito. Pabor naman sa akin ang ginawang iyon ni Sheen. Narinig naman ng buong klase ang sinabi ni Sheen kaya pati sila ay sumabay na rin sa panunukso. "Tumigil nga kayo," awat ko sa kanila. Kunware ay hindi ko rin gusto mabuti na lang at hindi nila ako pinakinggan. Ang sumunod na ginawa ko ay hinawakan ko ang kamay ni Kris at hinila siya palabas ng classroom. Naglakad nang naglakad hanggang patakbo naming pinuntahan ang unang lugar kung saan kami nagkita. Gusto kong matawa sa pinag-gagawa ko. "Okay ka lang ba?" tanong ko nang mahingal na kami sa kakatakbo. Tumango siya. Sino ba naman kasi ang nagsabi na tumakbo kami? Wala namang humahabol. Trip ko lang naman para mahawakan ang kamay niya bakit ba? Nang payapa na ang paghinga ko ay saka ko lang napagtanto na hawak ko pa rin ang kamay niya. Natuon rin ang pansin niya dito kaya naiilang ko itong binitawan. Ilang segundo pa ay natahimik ang buong paligid. Marami akong gustong sabihin sa kaniya pero ngayong andito na siya sa tabi ko pakiramdam ko nawalan ako nang sasabihin. Namental block ako. "Tungkol nga pala sa bestfriend ko," pagbubukas niya ng topiko. "Pasensiya ka na talaga sa kaniya ha. Kung ano man ang nasabi niya noon sa clinic siguro ay dala lang nang pag-aalala niya sa akin," paliwanag niya. Gusto kong maniwala sa kaniya. Ngunit paano? Kung ibang-iba ang Matthew na kilala niya sa kilala ko. He's warfreak, arrogant and self-centered. Ngunit, ayokong makipagtalo sa kaniya kung si Matthew lang din ang pag-uusapan. Pinuno ko ng hangin ang baga ko at kaagad rin itong ibinuga. "It's okay. Naiintindihan ko siya," sagot ko. "Mabuti naman. Iyon nga palang tungkol sa sinabi mo sa akin sa clinic?" Naisip ko bigla ang mga sinabi kong iyon sa kaniya na kaagad kong pinagsisihan. Mabuti na lang at dumating rito si Sheen kung hindi ay baka hindi ko na siya makausap kahit kailan. "About that, I'm really sorry. Siguro nadala lang din ako ng emosyon ko kaya ko sinabi ang mga iyon sa'yo. Pasensya ka na." I even lowered my head to show how sincere I am. She reached for my hands. "Wala iyon. Naiintindihan ko ang lahat. Akala ko nga galit ka sa akin e. Kapag nangyari iyon sino na ang magtatanggol sa akin hindi ba?" I nod. May point nga naman siya. "This time I want you to make a promise." "Promise?Para saan?" nalilitong tanong ko. "Hindi ba nagtatanong ka noong dati kung anong role mo sa buhay ko? I want you to make a promise that you will never shut me down as your friend. And yes! kaibigan na ang tingin ko sa iyo noong una pa lang nang sagipin mo ako sa mga lalaking iyon.So, maipapangako mo ba sa akin na hindi mo na ako paaalisin sa buhay mo?" Naghintay siya ng sagot ko. Her friend isn't that bad aftterall. Ibig sabihin lang nito magka-level na kami ng Matthew na iyon sa kaniya kapag nagkataon. "Okay, I promise," I gave her a smile. It's my opportunity kaya bakit ko naman hihindian? Binitawan na nito ang mga kamay ko at naupo sa naroong bench. "Oo nga pala. Hindi ko na yata nakikita ang tatlong iyon dito? Ano kayang nangyari sa kanila?" nag-aalalang tanong nito. Napatingin ako sa kaniya. Naalala ko tuloy ang ginawa ko. "Hello, Mr. Alcantara?" "Yes? Mr. King?" sagot ng kabilang linya. "I want you to do something for me. I'm going to send you names. I want you to find out kung sino ang mga magulang ng mga taong ito. Kapag nalaman mo na, send them mails na expelled na sila sa paaralang pinapasukan nila. Also, sabihan mo na rin ang Dean pati ang President ng school," utos ko sa kaniya. "Pero Mr. King baka malaman po ito ng founder ng school at baka magalit po siya." "Hindi mo naman siguro sasabihin sa kaniya ang lahat ng ito hindi ba? Magkano ba ang bayad niya sa'yo at dodoblehin ko?" "Hindi na po Mr.King. Gagawin ko na po ang iniuutos ninyo." "Good. Kapag umapila ang mga magulang ng mga estudyanteng iyon. Just tell me! Dahil ako ang mismong maglalabas ng footage kung saan nanghaharassed sila ng babae. Naiintindihan mo ba ako?" "Opo. Mr.King." "Gaya ng sabi ko, never tell anyone about this." Pinatay ko na ang cellphone ko. Kinaumagahan nga ay hindi na pumasok ang tatlong iyon. I have checked their records on Office of Students' Affairs at wala na akong makitang dokumento nila. Gaya ng pinangako ni Mr. Alcantara their stay here will remain as an illusion. I will not tolerate their kind. Ayoko ng mga asal hayop sa paaralang pinapasukan ko. "'Wag mo na silang isipin. Mabuti nga at wala na sila rito para hindi ka natatakot sa t'wing pumapasok ka," wika ko sa kaniya. "Sabagay, tama ka naman," sang-ayon nito. Bigla kong naisip ang idea ko sa project namin."May gagawin ka ba sa Sabado?" "Wala naman siguro. Bakit?" "Baka gusto mong sumama sa'kin. may idea na kasi ako tungkol sa project natin baka kasi mkatulong." "Ganun ba, baka kasi hindi ako payagan," nahihiyang turan niya. "Don't worry, Sheen will be there kung iniisip mo na baka dalawa lang tayo. That will never happen unless you want to," kumindat ako sa kaniya. "Sira!" aniya at pinalo ako sa balikat. "Isama mo na rin si Jecca para hindi siya mailang sa atin. Baka kasi isipin niyang wala tayong pakialam sa kaniya gayong ka-grupo natin siya. " She agrees. "Oh sige, magpapaalam muna ako kina Tita Roxanne ha. Kasi sa kanila ako nakatira nakakahiya naman siguro kung aalis lang ako ng hindi nagpapaalam." "Okay. I'll make sure you are all safe naman e. Susunduin kita by 8am. Okay lang ba?" "Ang aga naman nun." reklamo niya. "Eh basta. Dapat 8am nandoon na tayo." "Bahala ka. Sige na, baka nandoon na si Ma'am Sonia." Nagsimula na kaming maglakad pabalik ng classroom. Ngunit bago kami nakarating roon ay may nakasalubong kaming babae. Kung hindi ako nagkakamali ito ang babaing nanabunot kay Kris noong nakaraan kaya siya napunta sa clinic. May kasama pa itong lalaki. "K-krissa de la Vega right?" tanong nito kay Kris. "Oo," sagot ni Kris. Namukhaan naman niya agad ito. "Kung nandito ka para awayin ulit ako gusto ko lang sabihin na misunderstanding lang ang lahat. Iyong boyfriend mo, napagkamalan ko lang naman na kasi. Akala ko itong si Evan e," paliwanag niya rito. Mukhang kumbinsido naman ang babaing iyon. "E-evan?" natatarantang tanong niya. Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi iyon nagtagal. "Andito ako para humingi ng sorry sa iyo Kris. Hindi ko naman sinasadya e. 'Wag mo na ako ipa-expel sa school na ito. Parang awa mo na." Kris forehead wrinkled. "Expel? Hindi naman ako nagrereklamo e." Tumingin ulit ang babaing iyon sa akin. I gave her neutral expressions. Sakto lang para masindak siya. "Please, patawarin mo na ako Kris,"maiyak-iyak na pakiusap nito. Hindi naman nakatiis si Kris at niyakap ito. "Oo, pinapatawad na kita. I'm sorry din ha. Okay na tayo?" Hinagod-hagod pa nito ang likod ng babaing iyon. That girl nodded her head bago nagpahid ito ng luha niya. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam ito kay Kris. Ni hindi na ito lumingon pagkatapos noon. Kris looks puzzled. "Anong nangyari dun'? tanong niya sa akin. "Hindi ko alam," tipid ko naman na sagot sa kaniya. "I told you that you will pay for what you have done," mariing wika ko sa babaing iyon. Pagkatapos kong umalis sa clinic ay dumiretso ako sa classroom kung saan naroon ang babaing dahilan kung bakit nahimatay si Kris. "And who are you to tell me that?" nakataas-kilay na tanong nito. "I... will be your greatest KARMA kapag hindi ka humingi ng tawad sa kaniya," banta ko. "Ako ba ang tinatakot mo? Hindi mo ba ako kilala? My mother is the Dean of this Department, kaya kahit anong sabihin mo wala kang mapapala sa akin," pagmamayabang niya. This b***h really gives me hard time. "All I'm asking is you is an apology. Simpleng sorry lang. Isang hindi pagkakaintindihan ang nangyari alam mo 'yon. Pero kahit ganun' wala ka pa ring karapatang saktan siya kaya gusto kong magsorry ka sa kaniya." Tinawanan niya ako. "Boyfriend ka ba niya? Kaya ka ganiyan? Well, sorry ha kasi hindi ko magagawa ang gusto mo. It wasn't my fault anyway. Kaya pwede ba umalis ka na. Sira na nga araw ko sisirain mo pa." Muhang ayaw maniwala ng babaing iyon kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mr. Alcantara pag labas ko ng classroom nila. "Tell her mom that we need the apology of her daughter or else I'll remove her as the Dean of SMS kapag hindi ginawa ng babaing iyon ang sinabi ko alam na niya ang mangyayari." Mabuti na lang at mabilis gumawa ng trabaho si Mr.Alcantara. Maaasahan ko naman talaga siya. Kaya naman siguro hindi makatingin ang babaing iyon sa akin dahil nahihiya siya. "Ang weird.Tara na nga!" hinila ako ni Kris papasok ng classroom. Pagdating namin ay dumating na rin si Ms. Sonia at sinabing hindi muna siya makakapasok pagkatapos ng meeting na iyon dahil masama ang pakiramdam niya. "You should work on your project while I am not around. Okay?" Sinang-ayunan naman namin ang sinabi niya. Iyon lang ang sinabi nito at nagpaalam din agad. Nagsaya ang mga classmates namin palibahasa ay gustong-gusto na walang klase pati si Sheen ay naglulundag sa tuwa. Binatukan ko siya. "Aray naman!" reklamo niya. "Ang sakit nun' ha. Teka, may naisip ka na rin bang concept para sa grupo natin?" tanong nito. "Oo, sa sabado tayo magsisimulang magshoot para sa video presentation natin," sagot ko sa kaniya. "Naks! Iba rin. Nakapag-isip din e. Siguraduhin mong maganda 'yan ha. Ayokong mapahiya at nakasalalay rin ang grades ko diyan," paniniguro nito. "Ako pa ba? Mag-iisip ng hindi maganda. Lahat kaya ng naiiisip ko ay maganda." "Gaya ni Kris?" tukso niya. Sumulyap ako kay Kris. Nakangiti itong tumingin sa akin. My heart races. Parang kabayong nag-uunahan. My
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD