Kris' POV
Saturday...
Ang bilis ng araw. Nakapagpaalam na ako kay Tita Roxanne at mabuti na lang ay pumayag naman siyang sumama ako kina Evan. Ayaw pa sana ni Matthew na umalis ako kaso sinabing kong group project iyon at hindi lakwatsa. Tama lang nang matapos akong makapag-ayos ay nagtext si Evan na nasa labas siya.
"Umuwi ka ng maaga ha," paalala ni Matthew sa akin.
"Opo," sagot ko sa kaniya. Inihatid niya ako hanggang sa labas ng bahay.
Natagpuan ko naman roon si Evan. Nakatayo sa labas ng gate at nakahelmet pa ito. Paglabas ko ay saka nito hinubad ang helmet na suot niya. Inilugay nito ang buhok niya at tumingin sa akin.
Sh*t ang gwapo niya. Bumagay sa kaniya ang black-leather jacket na suot nito gayundin ang black rugged pants niya. Para siyang action star tignan. Nakakatunaw. Napakagat-labi ako. Pakiramdam ko maiihi na ako sa pantalon ko. He poked my forehead dahilan upang bumalik ako sa katinuan.
"Iyong laway mo tumutulo na!" nakangising turan nito. Isinara ko ang nakaawang bibig ko at nahihiyang tinanggap ang helmet na ibinigay nito sa akin. Isinuot ko ito.
"Ano pang hinihintay mo? Pasko?" aniya habang nakasakay na ito.
Sanay naman akong umangkas ng motor. Ang kinaiilang ko lang ay siya ang drayber nito. Umangkas na ako at inilagay ang kamay sa mga hita ko. Walang sabi-sabi ay pinaandar niya ang motor nito. Nagulat ako kaya nayakap ko siya,
"Hayop ka Evan! Kapag ako namatay sa atake sa puso dadalawin kita palagi sa panaginip mo!" naiinis kong pinalo siya habang umaandar na ang motor. Ibinalik ko ang kamay ko sa likuran niya.
Tinawanan niya ako.
"Kumapit ka kasi. Ang dami mo pang arte," wika nito.
"Saan ako kakapit?"
"Kung saan ka komportable," sagot nito sa akin. Sinubukan kong kumapit sa helmet niya.
"Anong ginagawa mo?" reklamo niya. "Mukha ba akong kambyo? Ayusin mo naman!" naiiritang utos nito.
"Heto na nga! Nagmamadali? May lakad ka?" Sa mga ganitong usapan lang rin naman hindi ako magpapatalo. Kumapit ako sa balikat niya.
"Ano hihilutin mo ba ako?" muling-tanong nito. "Sa tingin mo tama na iyang ginagawa mo?"
Nainis na ako sa kaka-reklamo niya. Kaya sumimangot ako at naghalukipkip.
"Bahala ka nga diyan sa buhay mo!" bulong ko.
Naramdaman siguro nito ang ilang segundong wala akong kibo kaya't kusa nitong kinuha ang kamay ko.
"What are you doing?" protesta ko pa sa kaniya nang ilagay nito ang kanang kamay ko sa may tiyan niya. Pagkatapos nun' ay ang kaliwang kamay ko naman. Napasinghap ako. Ang dami pang satsat hindi na ako diniretso na gusto lang pala nitong yakapin ko siya. Napangiti ang kaibuturan ng pagkatao ko habang yakap-yakap ko siya. Naaamoy ko pa ang pabango nito sa likuran niya. Ang bangoooooo! Malamang pabango nga hindi ba?"
Mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo sa motor kaya mahigpit din ang yakap ko sa kaniya. Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa makarating kami sa pinili nitong location kung saan kami magsoshoot ng video.
"Hudgens' Cafe," basa ko sa pangalan ng lugar na iyon nang mahubad ko na ang helmet sa ulo ko. Inibaba ako ni Evan sa harap ng cafe na iyon dahil magpapark muna siya sa gilid nito.
Hudgens? Posible kayang ang may-ari ng school na pinapasukan ko ay siya ring may-ari ng cafe na ito? Naudlot ang pag-iisip ko nang lumabas si Jecca at Sheen sa salaming pinto ng establisyementong iyon.
"Kring!" bati agad ni Sheen. "Kamusta ang biyahe? Nag-enjoy ka ba?" tukso niya sa akin. Pangiti-ngiti pa ito. Malamang kasabwat siya ng Evan na iyon. Magpinsan nga naman talaga.
"Okay lang naman. Sa kabutihang palad okay naman ako. Walang pilay," sagot ko.
"Hindi ka naman pipilayan ng pinsan ko e," she said and reached for my arms and took a grip. Wala namang imik na sumunod si Jecca sa amin.
Pagpasok namin ay wala pang kostumer roon. Tanging mga staff lang na busing-busy ang nakita ko. Nang pumasok naman si Evan ay nagsitinginan silang lahat sa kaniya.
"Ban! Andyan ka na pala," bati ng isang lalaki na naroon sa counter. Sumenyas naman si Evan sa kaniya.
May isang babae naman na lumapit sa kaniya. "Ban! Magpapatulong sana ako roon sa loob," nakangiting wika nito. Kung tatantyahin ko ang ngiting iyon ay parang may ibig sabihin.
"Sige, susunod ako," mabait naman na tugon ni Evan. Pumasok na rin ang babaing iyon sa isang pinto malapit sa counter. May isang dalawang tao naman na naglilinis sa salaming dingding ng lugar na iyon ang kinawayan si Evan. Hindi ko naman akalaing sikat pala siya rito.
"Teka lang ha. Dito lang muna kayo," paalam niya sa amin. Naroon kami sa sulok ng cafe na iyon at parang nawawalang mga sisiw na hindi alam ang gagawin habang ang ibang tao sa paligid namin ay maraming ginagawa.
Pumasok si Evan sa pinto kung saan dumaan ang isang babae na iyon kanina. Ilang segundo rin kaming naghintay bago siya lumabas. May dala itong mga brown apron. Napakunot-noo ako.
"So, kailan tayo magsisimulang magshoot?" usisa ko sa kaniya. Para kasing wala naman siyang balak gawin ito.
"Kalma, napag-isipan ko na 'yan. Sa ngayon, suotin niyo muna ito dahil marami tayong gagawin." Ibinahagi nito ang tatlong apron sa aming tatlo na isa-isa rin naming kinuha.
"Salamat," nahihiyang turan ni Jecca. Hinawakan siya ni Evan sa magkabilang-balikat kaya napatitig ito sa kaniya.
"Let's do a good job today?Hmm?" wika nito sa kaniya. Tumango-tango si Jecca. Mulling nagsalita si Evan. "For now, all we need to do is help this cafe. We are going to do their usual task like getting their orders, cooking, and even cleaning if necessary. Jecca, Sheen, and Kris you are free to choose where you wanted to help."
Nagtinginan kaming tatlo.
"Sigurado ka ba rito?" tanong ko ulit sa kaniya. "Hindi ko kasi nakikita ang connection nito sa group project natin."
"Fine!Fine! I know you doubt this idea but all I'm asking is your trust and cooperation. Okay?"
"Wala namang problema sa akin e," sabat ni Sheen. Sumang-ayon din sa kaniya si Jecca. Kaya wala akong nagawa kundi ay sumunod na lang din sa pinagagawa ni Evan. I chose the counter. Jecca and Sheen chose inside where the foods are. Apat ang counter ng cafe dahil medyo malaki iyon hindi ko naman inaasahang iyon din ang pipiliin ni Evan. Apat kaming naroon. Ako, si Evan, ang babaing kumausap sa kaniya kanina at lalaking naroon na rin
Bago ko makalimutan, tinuruan muna kami ng mga totoong staff doon kung papaano kukuha ng order at kung anong gagawin pagkatapos. Kapag nagka-problema naman daw ay pwede ring humingi nang tulong sa kanila.
"Now, all you have to do is act normally like you own the job. Nasa tagalinis ang camera at sila na ang bahala para sa video. This will be one of the background of our project," paliwanag niya sa akin. "Sinigurado ko naman na marunong ang taga-video natin kaya wala kang dapat ipag-alala," he assures. Ngumiti lang ako sa kaniya. Nakita ko nga ang cameraman/s***h maintenance na sinasabi niya.
"All right! Let's do this!" masiglang wika ko sa kaniya. He nodded.
Nagsimula nang magsidatingan ang mga tao. Noong una ay medyo nahihirapan ako sa pag encode ngunit ng lumaon ay parang nasanay na rin ako. Naroon din kasi si Evan lagi akong chinicheck kung okay ba ako.
Busing-busy ako nun'ng biglang may panyong dumampi sa noo ko.
"Ang pawis mo," wika ni Evan at pinunasan ang noo ko. Napatitig ako sa kaniya at nagtama ang mga mata namin. "Ngayon lang ako nakakita ng airport na pinagpapawisan," biro niya.
Sinamaan ko siya nang tingin at hinablot ang panyo sa kamay niya.
"'Wag mo nga akong istorbohin," sita ko sa kaniya.
"Ang arte. Ikaw na nga itong tinutulungan e," litanya niya.
"I don't need your help," maarte kong turan sa kaniya. Bumalik ako sa ginagawa ko.
Ilang oras din ng ginugol namin para sa trabahong iyon. Babayaran sana ng supervisor doon ang isang araw namin pero hindi na namin tinanggap. Paano ba kasi ang saya pala magtrabaho dahil marami kang nakakausap. Marami kang nakikilalang tao kahit sa pamamagitan ng isang tanong lang. Hindi lahat ng kostumer mabait pero ang tumatak sa akin ay ang mga kostumer na masaya at makwento. Yung tipong isang tanong lang ng "what's your order?" ay magkaibigan na kayo.
"Ano nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Evan sa amin.
Hapon na at hindi na kami trabahante doon. Kasama na kami sa mga customers na pinagsisilbihan.
"Oo," sagot ni Jecca at Sheen.
"It is my first time working and it feels good. Lalo pa at maraming pagkain," masayang kwento ni Sheen.
"C-can I say s-something?" mahinang sabat naman ni Jecca.
"Go ahead!" sagot ni Evan.
"T-thank you for bringing me here. Akala ko mahihirapan ako kasi never in my life I get involve to any of this. Pero, through Sheen and the other staff I feel like kaya ko rin ang ginagawa nila. They don't care kung ganito ako. Naging masaya ako ngayong araw dahil kahit ilang oras ay nakatagpo ako ng pansamantalang mga kaibigan." Jecca genuinely smile. Ngiting hindi na awkward.
Napaisip ako, kaya ba dinala kami ni Evan dito? Para kay Jecca? To make her feel that she also belong to the world of others.
What I have learned today is that the thoughts of others may influence ourselves. Pero nasa sa atin na iyon kung magpapa-apekto tayo.
We maybe different in our own ways and we feel insecure sometimes. All we have to do is find the right place and the right people because at the end of the day meron at merong tatanggap sa atin no matter who we are and what we are. At doon lang dapat tayo magfocus to those who accept and loved us.
"Very good. Actually my idea revolves on you Jecca." Nagulat si Jecca sa sinabi ni Evan. "You will be the main character of our group project," dagdag pa nito. "Just trust me guys and this video will be a success."
"That's my cousin," singit ni Sheen. Nagtawanan kaming apat.
Um-order kami ng drinks at pagkain sa cafe ring iyon at nagkwentuhan. Marami akong nalaman tungkol kay Jecca at gayundin si Sheen. Ng oras na naman upang magkwento si Evan ay bigla siyang tinawag ng babaing iyon. Hindi namin namalayan na mag-aalas singko na. Kailangan na raw nilang magsarado.
Sumang-ayon namin kami. Tumulong muna si Evan sa kanila bago ito kami isa-isang inihatid. Ng kami na lang dalawa sa labas ng Hudgens Cafe ay sinubukan ko siyang tanggihan.
"Magtataxi na lang ako," rason ko sa kaniya.
"Gagastos ka pa ng pamasahe," giit nito. Kinuha nito ang helmet na nakatali sa manibela ng motor nito at isinuot sa akin.
"You look pretty!" sambit nito ng maihook na ang helmet. Napakisap-mata ako sa sinabi niya. Sumakay na siya sa motor at nagsuot na rin ng helmet.
"Tara na!" aya niya sa akin. Sumakay na rin ako roon. "'Wag mong sasabihing mahihiya ka pa," muling wika nito. Alam ko na ang ibig nitong sabihin kaya inihawak ko ang mga kamay ko sa tiyan niya. "Humawak kang mabuti. Okay?" utos nito.
Maya-maya pa ay pinaharurot nito ang motor niya. Kahit mabilis ang pagpapatakbo niya ay hindi na ako natakot dahil mahigpit ang kapit ko sa kaniya.
"Matanong ko lang ano ba talaga ng trabaho mo sa Hudgens Cafe?" usisa ko habang nasa daan kami.
"Maintenance. Pero kanina they made consideration na doon muna ako sa counter," hindi nahihiyang sagot nito.
"Ah, pero makaasta ka kanina parang ikaw ang boss ah."
"Ganoon talaga kapag gwapo," pilyong rason nito.
Nang marating namin ang bahay ay naroon si Matthew sa labas ng gate.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya ng makababa ako ng motor ni Evan. Ibinalik ko na rin ang helmet niya.
"Hinihintay kita. Hindi naman siguro masamang hintayin ka hindi ba?" wika nito.
"Sige na Kris, aalis na ako," paalam ni Evan sa akin. Pinayagan ko naman siya.
"Ingat ka!" paalala ko pa sa kaniya. Umalis na ito naiwan kami ni Matthew sa labas.
"Ingat ka," ulit naman ni Matthew nang wala na ito.
"Anong problema mo?" simangot ko sa kaniya.
"Hindi ba sabi ko sa'yo na hanggang alas-kwatro ka lang pwede sa labas. Paano kung may mangyari sa'yo? Kabilin-bilinan pa naman ng nanay mo na alagaan kita."
"Ang over acting mo. Wala namang mangyayari sa akin e. Kasi kasama ko si Evan," rason ko sa kaniya at pumasok na sa loob ng gate.
"Kaya nga e. Kasama mo ang Evan na iyon. Wala akong tiwala sa kaniya. Kaya nag-aalala ako sa'yo," wika nito habang nakasunod sa akin.
"Ewan ko sa'yo. Pwede ba kung ano man ang problema ninyong dalawa. Labas na ako. Pagod na nga ako e pagagalitan mo pa." Nagdabog ako papasok ng bahay.