bc

My Legendary Man

book_age12+
619
FOLLOW
1.4K
READ
billionaire
goodgirl
billionairess
comedy
twisted
bxg
campus
friendship
school
virgin
like
intro-logo
Blurb

After being convinced by her bestfriend, Krissa de la Vega found herself studying in a University at city where Matthew--her bestfriend, is also studying. Siya lang naman ang kumumbinsi sa kaniya na doon na mag-aral. Unang araw pa lang ay mala-pelikula agad ang bungad sa kaniya sa paaralan na iyon dahil hindi lang siya nakapag-engkwentro ng mga bullies kung hindi ay ng superhero na din--wala nga lang itong super powers at taliwas sa mga katangian ng mga superheroes, hindi ito mabait. Ni hindi nga siya nito kinausap ng magpakilala siya rito. Mabuti na lang ay gwapo ito. Will he be her savior forever? Paano kung malaman nitong may namumuong pagtingin na rin sa kaniya ang matalik na kaibigan nito? Will she give him a chance instead? Tunghayan ang nakakatuwa at nakaka-inlab na pagsasama ng ating mga bida.

chap-preview
Free preview
Chapter 1(The Rule)
KRIS “Kris! Naku, bata ka! Anong oras na at baka mahuli ka sa flight mo. Bumangon ka na diyan at mag ayos na!” talak ni mama habang hinahawi ang kurtina sa tablang kayumanggi na bintana namin. Naaninag ko naman ang maliwanag na sikat ng araw pero hindi ako nagpatinag at nanatili akong bingi sa mga tinuran niya. “Sleep lang self. Mama mo lang yan,” mahinang bulong ko sa aking isipan. Ilang segundo pa, nawala na ulit ako sa ulirat. Ngunit, napabalikwas naman ako bigla nang maramdaman ko na parang mayroong parang kumagat sa pwet ko. “Aray naman, Ma! Bakit kailangan pa na may kurot effect? Sa tanda ko pong ito kinukurot pa?” protesta ko habang hinihimas ang parteng pwetan na masakit. Nakapikit pa ako ng unti-unti akong bumangon. Nag-unat muna ako saka tuluyang nilisan ang kama. “Hoy! Krissa De La Vega. Hindi porket dise-otso ka na hindi ka na pwedeng pagalitan at kurutin. Aba’y kanina pa ako talak nang talak dito hindi ka pa rin nagigising. Ayaw mo yata mag-aral sa kolehiyo. Sabihin mo lang!" Nakapameywang na wika ni mama. “Sa tagal ba naman nang pangungumbinsi mo sa akin na doon ka na lang mag-aral tapos ngayon tatamad-tamad ka bumangon?” Oo nga pala! Muntikan ko nang makalimutan. Ngayon ang alis ko papuntang Maynila kasama ang kababata ko dahil doon ako mag-aaral ng kolehiyo. Anong oras na ba? Iginawi ko ang aking tingin sa maliit na relo na nasa dingding ng kwarto. “8:15 am?" Basa ko sa oras. Alas-nuwebe pa naman kami aalis papuntang airport. "Ma naman, bakit hindi mo ako ginising ng maaga?” dabog ko sa harap niya. Napatingin ng masama sa akin si Mama. “Aba batang ‘to! Ako pa itong sinisi mo samantalang kanina pa ako nag-iingay dito at tulog mantika ka. Hala! Ano pang ginagawa mo? Tatayo ka na lang ba riyan? Maligo ka na at hinihintay ka na ng kababata mong gwapo.” Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay mama sa sinabi niyang iyon. Pero isinantabi ko na dahil Wala na akong oras makipagbiruan. Mabilis ko na hinablot ang berdeng tuwalya na naka-hanger sa pinto ng drawer ko at saka pumunta ng banyo. Naayos ko na naman lahat kagabi. Simula sa dadalhing damit, dokumento at kung ano pa, gayundin ang isusuot ko ngayon. Pagbaba ko ng bahay pagkatapos maligo at mag-ayos ng sarili ay nadatnan ko naman agad si Matthew. Siya ang kababatang sinasabi ko at ang tinutukoy ni mama na gwapo. Halos buong buhay ko kasama ko na siya kaya malaki ang tiwala ng mama ko sa kanya. Malapad na ngiti ang isinalubong sa akin ng loko. “Bansot, ang tagal mo naman! Kanina pa ako narito,” maagang reklamo niya habang dahan-dahang tumayo. Lumapit siya sa akin. “Sino ang bansot ha, sino? Hindi porket mas mataas ka sa’kin ay pwede mo na akong asarin. Nakikita mo’to?” Itinaas ko ang kamao ko at ipinakita sa kaniya. “Hoy! Kapag naroon na tayo ‘wag na ‘wag mo akong tatawaging bansot okay? Masisira mo lang ang image ko.” Pinandilatan ko siya. 5’5 naman ang height ko e. Idagdag niyo na lang iyong 10cm tapos ayun na height ng mokong na’to. Kumpara sa ibang klasmeyt ko dati mas matangkad naman ako sa kanila. “Anong image ang pinagsasabi mo?" tudyo niya. "Iyang mukhang iyan?” sabay turo sa mukha ko. “Anong iingatan mo riyan eh parang wala naman magkaka-interes diyan. Hindi ka naman kasi maganda.” “Excuse me, Mister! Ang mukhang ito lang naman ang Ms. Campus Sweetheart ng nag-iisang High School dito sa Poblacion at--- take note ang mukhang ‘to lang naman ang title holder ng probinsyang ito. Ngayon sabihin mo sa akin na hindi ako maganda.” Tinarayan ko siya. Kulang na lang yata ay belatan ko siya para manalo na ako sa kaniya. “Kahit Ms. Province ka pa. Ibang-iba ang basehan ng ganda roon sa pupuntahan natin at iyang sinasabi mong ganda na hindi ko makita, hanggang hinliliit lang ‘yan kapag naroon na tayo. Kaya ‘wag ka na umangal diyan, Bansot!” banat niya. Hayop talaga ang lalaking ‘to. Ang galing talaga mang-okray. Nakakainis! Hambalusin ko kaya ito ng sapatos ko. “Sabi ng ‘wag mo akong tatawaging bansot eh. Tatamaan ka talaga sa’kin Matthew!” banta ko naman sa kanya para tumigil na siya. “Sige nga patamaan mo. Tingnan natin kung sino ang iiyak,” patuloy niya. Umakto pa ito na parang nalulungkot para sa’kin. Ginigigil talaga ako ng mokong na’to. Hahampasin ko na sana siya ng kamay ko ng biglang nagsalita si Mama. Nakalimutan pa la namin na nasa gilid lang siya. “Oh ano? Magtatalo na lang ba kayo riyan? Hala, sige! Wala nang aalis ngayon. Dito na lang kayong dalawa. Magbangayan kayo nang magbangayan hangga’t gusto niyo! Sige, ibalik mo na lang iyang gamit mo Kris!” inis na turan ni Mama. Sino ba naman ang hindi maiinis sa mala-Tom and Jerry naming relasyon. Lumapit pa si Matthew sa akin na ikinagulat ko. Kusa niyang idinikit ang sarili sa gilid ko. “Joke lang po, Tita. Nagbibiro lang naman kami ni Kris eh. Hindi ba, Bansot?” pangungumbinsi niya kay Mama. Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Mama dahil nakataas pa rin ang isang kilay nito kaya inakbayan na ako ni Matthew. Naasiwa ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang siya para hindi na magalit si Mama. “Ngumiti ka na. Ang pangit mo kapag nakasimangot oh. Baka mamaya magbago pa isip ni Tita,” bulong niya sa akin. Sinong pangit? Siniko ko siya sa tagiliran. Pumeke naman ako ng ngiti kay Mama. “Oh ayan! Para kasi kayong aso't pusa kapag magkasama. Baka naman kapag naroon na kayo eh lagi kayong mag-away. Ikaw Matthew, alagaan mo itong kababata mo ha. Ikaw lang aasahan ko sa kaniya. Kapag may nangyaring masama kay Kris, ikaw malalagot sakin. Naiintindihan mo?” “Sure po, Tita. Saka naroon naman po si Mommy 'wag na po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala kay Kris. Kapag nag-boyfriend agad ito, sasabihin ko sa inyo para masermunan po ninyo agad.” Ngumisi ako sa kaniya. Parang gusto kong magtanong kung anong pake niya sa lovelife ko. “Mabuti naman. Ikaw naman Kris, lagi kang tatawag sa akin ha? Alam mo naman ngayon lang tayo magkakalayo ng matagal. Hindi pa naman ako sanay na walang pinagagalitan dito sa bahay." Nagsimula nang mamuo ang lungkot sa mga mata ni Mama kaya niyakap ko siya. Maaari ngang bungangera siya pero mahal na mahal niya ako at gayundin ako sa kanya. “Oo naman, Ma. Matitiis ba kitang hindi nakakausap? Siyempre lagi akong tatawag dito. Saka ‘wag na po kayong mag-aalala sakin. Malaki na po ako, kaya ko na po ang sarili ko. Kayo po ang mag-ingat dito at wala ang maganda ninyong anak para tumulong sa inyo,” biro ko para gumaan ang pakiramdam niya. Epektibo naman at ngumiti naman si Mama. “Saan banda ang gandang ‘yan?” Narinig ko na bulong uli ni Matthew. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. “Makikita mo kapag tumama itong kamao ko sayo,” matapang na sagot ko. . Pumeke ako nang ngiti bago siya inirapan. “Ano iyon ‘nak?” tanong ni Mama na kumalas na sa pagkakayakap ko. “Ah wala po, Ma. Ang sabi ko aalis na po kami kasi baka maiwan na kami ng eroplano,” palusot ko sa kaniya. Inihatid naman ako ni Mama hanggang airport. --- “Wow! Ang laki naman ng bahay niyo, Moks! Sa inyo ba talaga ‘to? Ang gara! Tapos may tatlong sasakyan pa!" Nalula ako sa bahay nila. Nakakamangha naman talaga ang bahay nila dahil sobrang laki tapos gawa sa salamin ang karamihan sa dingding nito. Hindi nga yata nangangalahati ang bahay namin eh. Sa TV ko lang yata nakikita ang mga ganito. Kumpara naman sa bahay namin na parang panahon pa yata iyon ng mga Kastila dahil yari iyon sa tabla. “Siyempre! Alangan naman na sa inyo hindi ba? Di sana kayo ang narito," sarkastikong sagot niya. "Ano nga pala iyong m-moks kamo?” tanong nito bago inilapag lahat ng bagahe namin. Natawa ako sa tanong niya. “ Moks? Ibig sabihin ay mokong. Mukhang ung--.” Hindi ko na ipinagpatuloy dahil humagalpak na ako sa tawa. Mukhang gets agad niya ang iniisip ko kaya sumeryoso ang mukha niya. “Nakakatawa ‘yun? Ako na nga ang naghirap na bitbitin itong maleta mo tapos lalaitin mo pa ako? Tch. Sabagay, di mo naman kakayanin na buhatin ito kasi bansot ka. Bansot!” bawi niya. Hindi ako natawa. “Ang corny. Ewan ko sayo!” maktol ko. “Oo nga pala saan si Tita Roxanne?” Lumingon lingon ako sa malaking bahay pero wala akong nakitang ibang tao. Baka totoo ang sabi nila na sa bahay na bato ang nakatira ay kwago, mabuti pa ang kubo ang nakatira ay kasing-ganda ko. “Nasa trabaho pa ‘yon. Mamayang gabi pa uuwi. Kaya kung ako sayo magpapahinga muna ako. Nakakapagod din ang byahe. Halika ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo.” Hinila niya ako. Bagay na ikinagulat ko ang pagdampi ng kamay niya sa kamay ko. Dalawang palapag ang bahay nila at nasa itaas daw ang kwarto ko. Habang paakyat kami sa mala-palasyo nitong hagdan ay hindi ko maiwasang tingnan ang kamay niyang nakahawak sa akin. Sh*t. Ang lambot ng kamay niya parang baby. “Ayan! This will be your room. Pinasadya pa talaga ni mama itong kwarto na ‘to para magustuhan mo at---” natigilan siya nang makita niyang natuon pa rin ang mga mata ko sa nakahawak niyang kamay sa’kin. Kaya naman agad niyang binitiwan ang kamay ko. “As I was saying, eto iyong magiging kwarto mo habang nandito ka. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako, nasa kabila lang ang kwarto ko at iyong nasa dulo kwarto iyon ni mama,” sabay turo sa kasunod na pinto sa sinasabi niyang kwarto niya. “Pwede mo rin siyang puntahan kapag nandito siya.” Aalis na sana siya nang natigil siya bigla. “Oo nga pala, bago ko makalimutan, dahil nandito ka I have to tell you my one rule.” Nagsalubong ang mga kilay ko. "One rule?" “Well, dahil nagtanong ka, gagawin ko ng two rules,” aniya. “Two rules na? Pambihira! Ni hindi ko pa nga alam iyong una. Sira-ulo ka ba? Ano ba iyang rules na iyan?” tanong ko sa kanya. “Eh sa bahay ko ‘to e. May reklamo ka? Hmm.Una, bawal ka pumasok sa kwarto ko.” “Bakit naman bawal? Siguro may tinatago ka no? Siguro nandiyan mga pictures ng crush mo kaya ayaw mo ipakita sakin?” Natanaw ko ang gulat sa mga mata niya pero hindi siya sumagot. Napanguso ako. “Sino ba iyon? Si Ellis ba?” usisa ko. Si Ellis lang naman ang sikat na SSG President namin noong highschool na nailink sa kanya. Mukha yatang nairita siya sa mga tanong ko, siguro tumama ako. “So, si Ellis nga? HAHAHA. Yung babaeng mukhang bakla?” pangungutya ko sa kanya. Hindi naman ito sumagot at itinaas lang ang kaliwang kilay. “Eh ano pala iyong pangalawang rule?” Ngumisi siya at dahan-dahang lumapit sa’kin. Naaamoy ko na ang mabangong hininga niya. Amoy bubblegum. Napakisap-mata tuloy ako ng sunod-sunod habang nararamdaman ang bawat pagbuga niya ng hangin. “Second rule?” Inilapit nito ang bibig niya sa tenga ko. Para akong kinikiliti. “Bawal…ka pumasok…ng kwarto ko. Gets mo?” Napakamot ako ng batok. Humakbang na siya papalayo at pumasok sa sinasabe niyang kwarto niya. Seryoso ba siya? “Anong klasing rule iyon? Hoy moks!” pahabol ko na tanong sa kaniya. “Baliw din naman itong Matthew na ‘to. Sino ba namang tao ang gumagawa ng rules na paulit-ulit? Hays. Tao ba talaga siya o alien? Bahala na nga siya. May pa rules-rules ka pang nalalaman. Tse!” Ibinalik ko ang tingin ko sa pintuan sa harap. Nakakasiguro akong para talaga sa akin ang kwarto na ito dahil may nakalagay na pangalan ko sa isang nakadikit na kahoy na may puting pinta. Pinihit ko na ang silver doorknob at nagulat ako sa kulay at disenyo ng kwarto. APPLE GREEN! Ang ganda ng mga maliliit na puting bulaklak na nakaukit sa wallpaper ng buong kwarto. Para akong nasa mahiwagang gubat at ako ang magandang fairy. Ang lambot pa ng kama. Mas malambot pa sa kama sa bahay namin. Sa gilid nito ay may puting dressing table at nakalapag na silver na lampshade. Inikot ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. May salaming bintana na may light green na kurtina at mukhang mamahalin ang tela. Tapos may sarili akong banyo na salamin ang dingding. Para akong nasa dream room ko. Gusto ko na yatang humilata at matulog forever. Parang ayoko na lang mag-aral. Siyempre, biro lang! Kailangan ko magsikap para sa mama ko. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay mga larawan namin ni Matthew noong bata pa kami. Nasa gilid ng bilog na salamin at may bilog na upuan sa harap. Nakakatuwa tignan ang monay face namin dito. May isang larawan pa na umiiyak ako habang yakap-yakap ako ni Matthew. "Ma, sakit po tuhod. Huhuhuhu," iyak ko dahil nagasgasan ang tuhod ko sa pagkadapa. Hinabol ko ba naman si Matthew dahil kinuha niya and lollipop ko. "Tingin nga anak. Naku! May gasgas ka sa tuhod. ‘Lika hugasan natin," pag aalala ni mama . Patuloy pa rin ako sa pag iyak. "Napa’no yan Faye?" tanong ng mommy ni Matthew. Bakas din sa mukha niya ang pag-aalala. Nasa kalye kame noon naglalaro sana. "Nadapa yata siya kakatakbo, hinahabol itong si Matthew," paliwanag ni mama kay Tita Roxanne. "Ikaw talaga! Matthew sa susunod huwag ka na magpapahabol kay Kris. Tignan mo ang nangyari, nasugatan tuloy siya. Magsorry ka sa kaniya," utos niya kay Matthew. Hindi naman ito ginawa ni Matthew. "Sige na ‘nak, be good to Kris. O hug nalang. Hug mo na siya." Niyakap naman ako ni Matthew. Napangiti na lang ako kapag naaalala ko ang mga pangyayaring iyon. Ngunit, napalitan ng inis ang ngiting iyon nang makita ko ang bagong text message niya sa akin. “Magpahinga ka muna para kahit konti maging fresh din iyang mukha mo.” “Ang laki na ng mata mo parang tarsier.” “At isa pa, kahit anong sabihin mo hindi ka maganda!” Napabuntong-hininga ako. Matthew na mukhang unggoy, sarap mo kutusan. KAASAR!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
43.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
341.0K
bc

Love Beyond Numbers

read
1K
bc

I have 8 mates

read
332.1K
bc

My Legendary Alpha Mate

read
82.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
165.2K
bc

The Clawless Luna Wants Rejection

read
1.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook