Matthew's POV
Ibinagsak ko ang itim na bag ko sa upuan. Nagulat naman si Valir sa ginawa ko.
"What the hell man? Gutom na gutom ba?" he said while fixing my bag on that vacant chair kung saan ko ito ibinalibag.
"Shut your mouth Val kung ayaw mong pati ikaw madamay sa galit ko!" banta ko sa kaniya.
He raised his hands as if he is surrendering his side. "Fine! I'm sorry. Ano ba kasing ikinagagalit mo? Kanina lang ang saya mo. Tapos ngayon naman hindi na madrawing ang mukha mo."
Kasalanan ito ng Evan na iyon e. Hindi talaga siya marunong umintindi. I hate it when he's around with Kris. Pakiramdam ko gusto ko siyang durugin ng pinung-pino. I clenched my fist.
"Wala 'to. May mga tao lang talaga minsan na hindi umaayon sa gusto mo. Mga taong hindi marunong lumugar," wika ko.
"Ang lalim ah. Ganiyan ba ang nangyayari sa mga gutom?" natatawang sabi nito at lumingon-lingon. "Wait, asan na si Krissa? Akala ko ba ngayon mo na lang siya ipapakilala sa akin?"
"She's with her friends," walang gana kong sagot sa kaniya.
Ang balak ko naman talaga ay ayain siyang sumabay maglunch sa amin. Kaso nahuli na ako dahil pagdating ko kumakain na siya, sila pala dahil kasama na naman niya ang asungot na Evan iyon.
Slow ba ang lalaking iyon o talagang sinusubukan niya ang pasensya ko?
"Kaya naman pala. Kaya ka ba badtrip pre?"
I stared at him.
"Shut up and just order me foods. I'm starving," utos ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita pa at tumayo na upang um-order ng pagkain namin.
Nagsinungaling lang ako kanina ng sabihin kong kumain na ako. Ang totoo naman ay kumakalam na ang sikmura ko. Sadyang tiniis ko lang dahil akala ko makakasama ko siyang kumain.
I have to think of a way kung paano ko mapapaalis ang Evan na 'yon. Kung pwede ko siyang sipain palabas ng University na ito gagawin ko. Just for him to stay away from my bestfriend.
Bestfriend? Ngayon hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Why am I acting so overprotective? Maybe because I am really her friend. O baka gusto ko lang talagang pangatawan ang pangako ko kay Tita Faye.
"Oh! Ayan." Valir prepared the foods in front of me. "Dig in! Sa susunod kasi isama mo ako sa mga lakad mo para alam ko ang mga nangyayari sa'yo."
I grabbed the spoon and take a bite of the foods he had prepared.
"Anyway, hindi ba nasa military ang Daddy mo?" pag-iibang topiko ko.
"Yes, Why? 'Wag mong sabihing interesado kang maging sundalo?" he said while chewing his food.
"Asa! Baka kasi may kilala kang secret agent. May ipapa-background check sana ako."
Uminom siya ng tubig.
"Sino?"
Binitawan ko ang hawak kong kubyertos at seryosong tumingin sa kaniya.
"Evan King," sambit ko.
"Wait, kung hindi ako nagkakamali siya ang dahilan kung bakit ka nagagalit ngayon? Am I right?" he asked at bumalik ulit sa pagkain.
"Nagkamali siya nang kinalaban. I already told him to stay away from us pero mukhang wala siyang balak gawin iyon. Now, I wanted every information about him. Titingnan ko kung anong mga kahinaan niya at iyon ang gagawin kong bala sa kaniya."
Napangiti ako sa naisip ko. This is the best way to strike an opponent. Through his weakness. Siguro naman ay kusa siyang lalayo kapag nagawa ko na iyon sa kaniya.
"Oh, okay. Kakausapin ko si Daddy mamayang gabi para sabihin sa kaniya. I guess this will be fun and exciting," nakangiti pang wika nito. Kinuha nito ang baso niya at inisunggab sa baso ko sabay sabing "Cheers".
Tumingin ako sa kawalan at ngumisi. "Welcome to h*ll Mr. Evan!"
-----
Natapos na ang klase namin sa buong maghapon. Pagod ako sa dami ng mga sinabi ng mga instructors. Nagpaalam na rin si Valir dahil may pupuntahan pa raw importante. Ako pa talaga niloko niya. Alam ko naman na babae ang pupuntahan niya.
Hinilot ko ang batok. Marahil sa buong maghapon na nakaupo kaya nanakit ito. Dumiretso akong building ng SMS. Susunduin ko si Kris.
Nang makita ko siya palabas ng kwarto nila ay parang nawala lahat ng dinaramdam ko. She's so beautiful wearing her uniform. Nakakahawa ang ngiti nito habang nakikipag-usap kay Sheen. Ngunit naglaho ang ngiti ko nang makita ko na naman sa likuran nito ang Evan na iyon. Sinalubong ko si Kris.
"Moks! Andito ka na pala," wika nito. Nagpaalam na ito kay Sheen.
"Paano? Bukas ulit?" masiglang sabi nito. Tumango naman si Sheen.
"Bukas kailangan na nating mag-strategize para sa project natin. Kaya magdala ka ng maraming brain cells. Okay?"
Napahagikhik si Kris. "Wala ako nun' Sheen," aniya at tumawa.
"Dibale alam ko naman na wala e," biro naman nito.
"Ay! Ang harsh mo!" Umakto ito na parang nagtatampo kaya niyakap siya ni Sheen.
"Sige na," paalam nito.
Nakatingin lang si Evan sa kanila. Ano pa kayang hinihintay ng asungot na ito. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Tara na moks," aya ni Kris sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at in-escortan ko siya palabas ng University. Sakto naman na naroon na si Mang Edwin. Nasabi ko rin kasi sa kaniya kung anong oras kami uuwi.
Pagkauwi ng bahay ay dumiretso ako ng kwarto. Itinapon ko ang black backpack ko sa higaan at naupo sa may study table.
I opened my phone at may natanggap akong mensahe galing kay Valir.
"Do you want to join me?" basa ko sa mensahe nito. May kalakip pa itong larawan kasama ang hindi pamilyar na mga babae. Hinanap ko ang contacts at piniling tawagan siya.
"Akala ko ba importante ang pupuntahan mo?" tanong ko sa kaniya.
"Why? Importante naman ito a. They are important to me because without them my life would be dull," pilyong rason nito.
"Oh shut the crap perv**t. Ang sabihin mo nature mo na talaga. Iyon nga palang pinagagawa ko sa'yo baka makalimutan mo sa sobrang pagsasaya mo diyan?"
"Ofcourse! Hindi ko makakalimutan iyon. Mamayang gabi I'll send you everything," pangako nito.
"Good," tipid kong sagot at ini-off na ang tawag na iyon.
Maya-maya pa ay may kumatok. Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko ay nadatnan ko si Kris sa labas.
"Kain na raw tayo," aya niya sa akin habang nakatingin sa loob ng kwarto. Naisip ko ang mga litrato niya. Kaagad kong itong isinarado at sumunod sa kaniya. Kahit wala si Mommy ay masaya ang hapunan namin. Nagkwentuhan kami tungkol sa nakaraan at kung saan na umabot ang usapan namin.
"Ano bang tipo mo sa lalaki?" bigla kong naitanong sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang tanungin ito. Ang alam ko na lang ay nadala ako sa mga tawa niya habang nagkukwentuhan kami.
"B-bakit mo naitanong?" aniya.
"Wala naman. Bakit pa nga pala ako nagtatanong e panigurado naman na walang manliligaw sa'yo," biro ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Excuse me," aniya. "Hindi mo lang alam."
Natigilan ako sa sinabi niya. Meron na nga bang nanliligaw sa kaniya? Bakit hindi ko alam ito? Sino? Baka ang Evan na namang iyon. Makakatikim talaga siya sa akin.
"Bakit meron na ba?" seryosong tanong ko. Hindi ako nagpahalata ng inis ko.
"Wala pa. I mean. W-wala pa sa ngayon," depensa niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang talaga.
"Teka, bakit naman tayo napunta sa ganitong usapan?" tanong nito. " 'Wag muna nating isipin ang mga ganun okay?" Sumang-ayon ako sa sinabi niya.
Mabuti pa nga siguro. Dahil sa tuwing naiisip ko na baka may manliligaw na siya ay nanggagalaiti ang sistema ko.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na siyang pumanhik ng kwarto. Ako naman nanatili muna sa sala at nanuod ng t.v. Sa basketball ko itinuon ang buong pansin ko ng mapansin ko ang tawag sa telepono ko.
"Yes?" maikling sagot ko.
"I've send you files pre. Baka gusto mong i-check. 'Wag ka lang sanang magugulat."
Kaagad kong pinatay ang tawag na iyon at chineck ang emails ko. Gusto ko kasing malaman kong anong sinasabi ni Valir na ikakagulat ko. Pagbukas ko ng laptop ay nakita ko kaagad ang panibagong mensahe sa email account ko galing kay Valir.
Ikinlik ko ang mensaheng iyon. EVAN KING's PROFILE. Kakaunti lang ang mga impormasyon na naroon. Seryoso?
Walang pangalan ng mga magulang at iba-ibang address ang gamit nito. Ang mas nakatawag ng pansin ko ay mga iba't ibang trabaho nito. Working student? Kaya siguro marami ang trabaho niya dahil wala siyang magulang. Ulila na kaya siya? I should have known. Baka sa kalye nga siya natagpuan kaya asal kalye rin siya.
Pero paano siya nakapasok ng H.U kung wala siyang magulang? May sponsor kaya siya. Napaka-misteryoso ng taong ito. Nang iscroll ko pababa ang dokumento na iyon ay wala na akong nakitang ibang impormasyon.
"Evan King," sambit ko sa pangalan niya. "I really thought you are something big. Pero mali ako. Isa ka lang palang langgam na walang mapuntahan," I smirked. "How dare a small termite like you talk back to me like you have something that can knock me down."
Isinarado ko ang laptop ko. Ang dokumentong iyon ay sapat na sa akin para makatulog ako ng mahimbing. Walang-wala siya kumpara sa akin kaya wala na akong dapat ipag-alala.
"Kris will never fall inlove to a person like you," bulong ko sa aking sarili.
Sa gabing ito ay maayos ang tulog ko. Hindi ako nakaramdam ng anumang problema.
Kinaumagahan, tumulong pa ako sa pag-aayos ng almusal para sa aming tatlo ni Mommy.
"Anong meron?" tanong ni Mommy sa akin nang mabungaran ako nitong nag-aayos ng hapag.
"Wala naman po My," masiglang sagot ko at hinila ang upuan para makaupo na siya.
"Thank you," nakangiting pasasalamat ni Mommy. "Aba, baka masanay ako nito ha," biro niya.
" 'Wag naman po sana," biro ko rin sa kaniya.
"Oh, nandiyan na pala si Kris e." Inaya siya ni Mommy na kumain at sumang-ayon naman siya.
"Look Kris, you're bestfriend here helps for the preparation of the table," ani ni Mama.
Napatingin naman si Kris sa akin. Parang hindi ito naniniwala.
"Himala a. Anong nakain mo Moks?" tukso nito at sinapo pa ang noo ko. "Wala ka namang lagnat."
"Masaya lang ang gising ko kaya huwag mong sirain at kumain ka na lang," saway ko sa kaniya. Sumimangot ito pero naupo na rin. May mga oras pa na iniaabot ko sa kaniya ang ulam para mabusog siya.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kaming paaralan. Gaya ng ginagawa ko pinagbuksan ko siya ng pinto at naglakad kami papuntang main hallway.
"Kring!!!" rinig kong may tumawag sa likuran namin.Then, I found Sheen. Okay na sana ang lahat hanggang matagpuan ko ang Evan sa likuran ng Sheen na iyon.
"Ano bang relasyon ng dalawang ito at laging magkasama?" napatanong ko bigla kay Kris.
"Ay oo nga pala Moks. Magpinsan silang dalawa. Nakalimutan kong sabihin sa'yo."
Nag-abot ang tingin namin. Ang lakas talaga ng loob ng lalaking ito. Kayang makipag-titigan sa akin.
"It's okay." Sasabihin ko pa sanang wala akong pakialam kaso ayokong mainis siya sa'kin. Nang malapit na si Sheen ay naghawak-kamay silang dalawa ni Kris at nauna nang naglakad. Hahakbang na sana si Evan nang harangan ko siya.
"You stay away from Kris," mariin kong wika sa kaniya.
"Who are you to tell me that?" banat nito sa akin.
"I told you she's my bestfriend!"
"Exactly! You're just her bestfriend. Nothing more, nothing less. Kaya wala kang karapatang pagsabihan ako na layuan siya. I'll do whatever I want," singhal niya sa akin.
Tumama naman ang lahat ng sinabi niya sa akin. Tama siya bestfriend lang kami at ito ang pinamumukha niya sa akin na lalong ikinasama ng loob ko. Iiwan na sana niya ako.
"I'm telling you to stay away from her hangga't may oras ka pa," banta ka kaya nilingon niya ako. "Stay away bago pa ako magkaroon ng rason para sirain ang buhay mo."
Hindi ito nagpakita ng takot sa mukha.
"Do whatever you want. Wala akong pakialam. If I were you I'll stick myself to my studies than threatening others. Kasi wala ka namang mapapala sa kakabanta mo sa akin e. You are just wasting your time!"
Sa sobrang inis ay kukwelyuhan ko sana siya pero maagap ang kamay niya at nailagay nito ang kamay ko sa likuran ko. Parang akong isang kriminal na dinadakip ng isang pulis.
"I'll make sure that this would be the last time that you laid your hands on me. That first time I behave kasi nandoon si Kris but, I promise you ikaw ang masasaktan kapag ginawa mo ito ulit sa akin," bulong niya sa akin. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya kaya binitawan niya ako saka iniwan.
Naiinis na inayos ko ang sarili ko. "May araw ka rin sa'kin," bulong ko at nagdabog papuntang building namin.